Tuesday, March 31, 2009

TAMING YOUR TONGUE (Sa lahat ng Tsismoso at Tsismosa)

Isa sa nagpapaandar sa mundo ng showbiz ay ang tsismis. Kung walang tsismis, babagsak ang industriya ng pelikula dahil wala nang magpapasikat sa mga artista. Sabi nga nila, good or bad publicity, it is still publicity. Hindi dapat umayon ang mga taga-sunod ni Cristo sa matsismis na mundo ng showbiz. Walang lugar ang mga kuwentong nakakasira sa ating kapwa. Kailangang iwaksi natin ang mga bagay na ito.

Paano ba natin malalaman kung nagtsi-tsismisan na tayo? May dalawang elemento ang isang tsismis. First, gossip is talking about other people behind their backs. Kapag wala ang taong pinag-uusapan, tsismis iyon. Hindi mo masasabi ang isang tsismis kapag kaharap mo ang taong inyong pinag-uusapan. Second, it usually involves negative or private details that put the individual in a bad light. Maaring totoo ang mga bagay na ating pinag-uusapan natin ngunit hindi na dapat pinagkakalat dahil sumisira sa reputasyon ng taong ating pinag-uusapan. Gossip “demonizes” the person.


Gossips greatly damage relationships causing anger and bitterness. Ipakita mo sa akin ang pagkakaibigan na puno ng tsismisan at ipapakita ko sa iyo ang isang sirang relasyon. Kapag may siraan at tsismisan, siguradong may pag-aaway at pagsasakmalan. Walang panalo sa tsismisan. God considered gossip to be such a serious matter that He included the avoidance of it as one of the Ten Commandments. "Thou shall not bear false witness against your neighbor".

The biggest problem with gossip is that most people don’t realize when they are doing it. Para sa iba, inosenteng usapan lang ang lahat (“…talaga bang ganiyan siya….). Dinadahilan naman ng iba na concerned lang sila at nagbibigay ng opinyon (“…naku dapat ganito siya…”). Ang iba naman, para maging espiritwal, sinasama pa sa mga prayer requests. Kung kaya, isa sa pinakamagandang magagawa ng maraming iglesya at Christian small groups ay ang kontrolin ang tsismis sa kanilang mga prayer gatherings.


Inihalintulad ng Bibliya ang mga tsismoso at tsismosa sa mga hangal. Christians should stay away from these people because they can never keep a secret. Even Paul told Timothy that he should admonish the wives to be of good character and not gossip. Kapag pinagtsi-tsismisan natin ang isang tao, akala natin tayo ang tama dahil sa pinag-uusapan natin ang kaniyang kasalanan. At the back of our minds, we’re saying we are better than the person. We feel that we are morally superior. We must remember that love covers a multitude of sins. Kung mahal natin ang isang tao, hindi natin siya sisirain sa pamamagitan ng ating salita. Bantayan natin ang ating mga sinasabi lalo na kung ang kahinaan na ng isang tao ang ating pag-uusapan. We must always think what will the person feel if he/she hears our conversations. Then try to imagine if you were the person.


Gossips can destroy friendships. Maraming magkakaibigan sa matagal na panahon ang puwedeng sirain ng isang maling kuwento at malisyosong mga usapan. Kung kaya, huwag agad maniniwala sa sabi-sabi. Minsan sinabi ng Panginoon sa mga Israelita na kung nakarinig sila ng mga tsismis, kailangan nilang alamin muna ang katotohanan at huwag agad maniniwala.

Ano naman ang dapat nating maging reaksyon kapag nabibiktima tayo ng mga maling tsismis? Remember that God promises good things. Proverbs 19:5 (MKJV) declares, “A false witness shall not be unpunished, and a breather of lies shall not escape”. Siguradong may kaparusahan sa mga taong nagkakalat ng maling mga impormasyon at naninira ng pangalan ng kaniyang kapwa. Kung babantayan natin ang ating mga pananalita, siguradong hindi tayo mapapahamak. Mahalin natin ang ating kapwa katulad ng pagmamahal natin sa ating sarili. Huwag na huwag magkakalat ng tsismis.

No comments: