Kung kaya, sa paniniwalang mayroon pa rin silang mga sugat, pumunta sila sa kanilang mga assigned medical offices. Matapos ang ilang oras, nagbalik ang mga kalahok. Pare-pareho ang kanilang naging obserbasyon: hindi naging maganda ang trato sa kanila, naging bastos ang iba, samantalang ang iba naman ay umiiwas na wari’y nandidiri sa kanila. Ano ang mensahe ng eksperimento? How we feel about ourselves can influence how we relate to others and live our lives. Kung ano ang ating iniisip tungkol sa ating sarili, nagiging ganoon tayo. Isa sa mga kalimitang problema ng mga kabataan ay ang mababa at negatibong pagtingin nila sa kanilang sarili (low self-esteem). Laging nakasiksik sa isipan na pangit dahil sa sungking ngipin. Ang iba hindi umiimik sa klase dahil sa iniisip na siya ang pinakamahina ang ulo sa lahat ng subjects. Wala namang barkada ang ilan dahil sa natatakot na itaboy ng mga kaibigan.
CAUSES OF LOW SELF-ESTEEM
Maraming dahilan kung bakit mababa ang pagtingin ng maraming kabataan sa kanilang sarili. May limang kalimitang dahilan kung bakit nagaganap ito.
Physical Appearance -Ang pinakalutang sa lahat ng dahilan ay may kinalaman sa itsura o pisikal na katangian ng mga kabataan. Itinuturing nila na hindi sila maganda, hindi guwapo, mala-bariles ang katawan, mukhang kawayan sa sobrang payat, mala-poste ng Meralco dahil sa walang hubog ang katawan, at iba pa. Kung may sapat lang na pera, magpupunta sa mga cosmetic surgeon para magpabago ng mukha at magpa-retoke ng katawan.Kaya patok na patok sa ang mga ultimate make-over programs. Kung kaya, sinusukat ng maraming kabataan ang kanilang pagkatao batay sa sinasabi ng media, mga fashion magazines at mga nakikita nila sa mga TV shows.
Kakulangan sa Edukasyon - Ang pangalawang dahilan ay may kinalaman sa kaalaman o intelligence. Some feel badly about themselves because they think they are intellectually inferior sa iba. Dahil hindi sila nakatapos ng elementarya o anumang pormal na edukasyon, iniisip nila na wala silang karapatang magmarunong o makisama sa anumang intelligent discussions.
Mga Trahedya ng Buhay - Maaaring bunga naman ng mga trahedya ng buhay kung bakit kimi at tahimik ang maraming kabataan. Nakilala ko si George (hindi niya tunay na pangalan) nang ako ay nasa kolehiyo. Tahimik si George at walang imik. Aloof siya sa lahat at kakaiba ang kaniyang mga kilos. Hindi siya nakikipag-usap sa marami at madalas nagkukulong sa kuwarto. Minsan, maririnig na lamang siya na umiiyak sa isang sulok ng kaniyang kuwarto. Nalaman ko na nasawi ang mga kamag-anak ni George sa isang trahedya na naganap noon sa Ipil, Zamboanga nang sunugin ng bandidong Abu Sayyaf ang kanilang buong barangay. Marami siyang masasamang ala-ala ng pangyayari. Ito ang naging dahilan kung bakit hindi niya kayang makipagkaibigan sa iba.
Physical or Emotional Abuse- Mahirap matanggal sa isipan ng isang kabataan ang anumang pang-aabuso na kaniyang naranasan. Kalimitan sa mga nakaranas na abusuhin ng kanilang mga kamag-anak, pisikal man o emosyonal, ay nag-iiwan ng sugat sa puso ng isang kabataan na mahirap matanggal. Marami ang lumalaking tahimik o timid dahil sa mga ganitong pangyayari. Kailangan ng mga taong nakaranas ng mga traumatic events sa kanilang buhay ang kasiguruhan na kaya nilang lampasan ang mga masasamang ala-ala sa tulong ng Panginoon.
Kasalanan - Ang paggawa ng kasalanan ay maaring magbunga ng unreasonable guilt feelings sa isang tao. Matindi ang nararamdamang kalungkutan ng mga taong biglang nahuhulog sa kasalanan. Ito ang naranasan ni Haring David nang siya ay magkasala ng pakikiapid kay Bathseba. Bumagsak ang katawan ni David dahil sa sobrang kalungkutan ngunit muli siyang bumangon nang ihayag niya sa Diyos ang lahat ng kaniyang pagkakasala. Hindi nakapagtataka na marami sa mga kabataang mabababa ang pagtingin sa kanilang sarili ay may sariling mundo kung saan matatanggap sila at matatanggap nila ang kanilang sarili. Halimbawa, marami ang nagkukulong sa loob ng kuwarto at nagbababad sa pakikipag-chat sa Internet. Dahil hindi sila nakikita ng mga taong kanilang kausap, naitatago nila ang kanilang sarili.
IMPROVE YOUR SELF-ESTEEM
May mga paraan upang mapataas mo ang iyong pagtingin sa iyong sarili. I have seen these work sa maraming kabataan sa aking ministeryo. Madaling lang silang gawin.
First, get rid of negative thoughts about yourself. Kung palaging nakatuon ka sa iyong kahinaan, walang mangyayari sa iyo. Never entertain thoughts that will further get you down emotionally. Do not be too critical of yourself. Kung may nagawa kang mabuti, reward yourself. Manood ka ng sine. Bumili ka ng gustong-gusto mong pagkain. Kung mayroon ka namang nagawang kamalian, move on. Do not wallow in your weaknesses.
Second, do not be a perfectionist. Iyong parang hate na hate na magkamali. Laging 100% ang standard. Tanggapin ang katotohanang nagkakamali ka. Hindi ka si Superman, Rambo o Mc Gyver na may solusyon sa lahat ng bagay. Hindi masama ang magkaroon ng kahinaan. Lahat ng tao ay may kahinaan. See your weaknesses as opportunities to improve yourself. Just do your best sa lahat ng iyong ginagawa.
Third, learn to accept compliments. May mga katangian tayo na kahit ayaw nating paniwalaan ay napapansin ng iba. Halimbawa, sinabi ng iba na maganda ka magsulat sa isang seryoso at hindi pabirong paraan, TANGGAPIN MO na maganda ang sulat mo. Respect their opinions dahil may katotohanan ang mga iyon.
Fourth, know the things you can and cannot change. May mga bagay sa ating buhay na kahit ano pang gawin natin ay talagang wala na talagang mangyayari malibang maghimala ang Panginoon. Kung hindi ka na talaga tatangkad dahil talagang mababa ang height ng inyong angkan, positively accept that. Cute naman ang maliit di ba? Walang masama sa pagiging vertically-challenged. There are things in our life that we just have to live with. Pero hindi ibig sabihin na wala na tayong gagawin sa mga bagay na puwede naman nating mabago. Kung magagawa mong maging magaling sa pagsasalita ng Ingles, mag-aral ka at magbasa ng English literature, watch English movies and hang-out with English-speaking friends. Kung kaya mo namang maging magaling na basketbolista, mag-ensayo at palakasin ang katawan. You can do something.
Fifth, magkaroon ng tiwala sa iyong sariling opinyon at pananaw. Take pride in your views and do not be afraid to voice them. Nonetheless, when your opinion is rejected, remember that it is part of the process. Talagang makakaranas ka ng oposisyon mula sa ibang tao. At least, you value your thoughts.
Sixth, spend time with people who help you to feel good about yourself. Have a life. Have as many friends as you can. Visit places and spend time with people who can build your self-confidence. Huwag maging loner. There are things in life that you can enjoy if you will just get out of your shell. Get out and meet people.
SEE YOURSELF FROM GOD’S VANTAGE POINT
No person is one-dimensional. Every individual can be seen from three different views: from the Divine vantage point, from the views of others and the perception we have of ourselves. Sa lahat ng ito, ang pagtingin ng Diyos sa atin ang kailangan nating mas pagtuunan ng pansin. Paano ba tayo tintingnan ng Diyos?
We were created in the very image of God. Ang tao ang pinakadakila sa lahat ng Kaniyang nilikha at ginawang tagapamahala sa mga bagay sa daigdig. Isinulat nga ni Haring David na nilikha ng Diyos ang tao na halos mas higit sa mga anghel. Man is the object of God’s salvation. Dahil mahal na mahal tayo ng Diyos, hindi Niya hinayaang mapunta na lamang tayo sa impiyerno. God sent Jesus Christ to redeem us from our sins. Jesus said that we should love our neighbor as ourselves. We have to repent of the sin of self-pity. Kung mahalaga tayo sa paningin ng Diyos, kailangang maayos din ang pagtingin natin sa ating sarili. Self pity is not from God. It is important that we have a healthy view of ourselves.
No comments:
Post a Comment