Sunday, March 29, 2009

TAMING YOUR TONGUE (Natatawa ka ba sa Green Jokes?)

Minsan, habang nakasakay ako sa isang FX taxi papuntang mall, nabigla ako sa mga pananalita ng isang babaeng DJ ng isang FM Station. With matching hagikhik at halakhak, nagbitiw siya ng isang joke na may double meaning. Hindi niya iyon ginawa in 20 seconds. Sa loob ng 3 minuto, nilaro niya ang imahinasyon ng mga nakikinig sa kung anong parte ng katawan ng tao ang kaniyang pinapahulahan. Nang sabihin niya ang sagot, tuwang-tuwa siya at sinabihan ang mga makikinig na huwag masyadong maging green-minded dahil hindi naman talaga bastos ang sagot. Tiningnan ko ang reaksyon ng mga kasama ko sa sasakyan. Ang mga matatanda, hindi natuwa. Pero ang mga kabataan, nakangisi lahat.

Isa sa paraan para malaman mo kung lumalago ka na sa iyong relasyon sa Panginoon ay kung hindi ka na nag-eenjoy sa mga green jokes o malalaswang usapan. God hates those things. Kapag nagsasama ang barkada at wala nang mapag-usapan, napupunta sa human anatomy ang diskusyon. Pinag-uusapan ang human anatomy ng opposite sex. Ito ang sinulat ni Pablo na mga usapan ng mga hangal at mga nakakahiyang usapan ng mga taong walang magawa sa buhay. Kapag lagi ito ang laman ng ating mga usapan, mas lalo tayong nalalayo sa Diyos.

Ano ngayon ang gagawin natin para maiwasang makapagsalita o kaya ay matuwa sa mga green jokes? First and foremost, we must discipline our minds. Huwag ibabad sa ating isipan ang mga malalaswang kaisipan at bagay. Iwaksi agad ang mga nakikita, naririnig o nararamdaman na maaring magdala sa atin sa kalaswaan. For instance, avoid pornographic sites and sexually stimulating webpages sa iyong pagsu-surf sa Internet. Huwag nang ibabad ang paningin sa mga dyaryong may mga hubad na larawan. Do not visit places that could give you sinful thoughts.

Second, tanggalin ang lahat ng mga malalaswang materyales sa iyong paligid. Kung nakikinig ka ng radyo o nanonood ng telebisyon at narinig mong kabastusan na ang pinagsasabi ng mga hosts o announcer, kailangang may knee-jerk response ka—ilipat o patayin ang istasyon ng pinanonood o pinakikinggan. Kung nakita mo namang may naligaw na mga smut magazines and newspapers sa sala ng inyong bahay, huwag nang basahin, kung puwedeng itapon sa basurahan, itapon na.

Third, huwag nang makihalubilo sa mga taong panay kalaswaan ang pinag-uusapan. Agad umiwas kapag kabastusan na ang sentro ng kasiyahan ng barkada. Walang ibubungang maganda ang ganitong mga kuwentuhan kung hindi kasalanan at maruming pag-iisip. Mas mabuti kung pagsabihan ang grupo na ibahin ang usapan. Kung ayaw talaga paawat, iwan ang grupo. If you do not want to corrupt your mind, never listen to lustful stories.

No comments: