Thursday, March 12, 2009

HANGGANG INGAY NA LANG BA? (On Contemporary Praise and Worship)

Maaring may tumaas ang kilay sa mga babanggitin ko tungkol sa kasalukuyang uri ng praise and worship sa mga local churches ngayon, especially sa mga so-called contemporary youth worship services.

Nagsimula akong kumanta ng praise and worship songs noong 1984 dahil Sunday School kid ako. Iyon ang heyday ng mga kantang “This is the Day” (C and F lang ang chords ng kantang iyon), In Him We Live, Oil in my Lamp, Make Me a Servant, Seek First the Kingdom of God at marami pang iba. Kung hindi ninyo na alam ang mga kantang ito, I recommend na bumili kayo ng songbook at records ng Charismatic Praise and Worship Songs.

Sa pagdaan ng panahon, napansin ko na paingay nang paingay (o palakas nang palakas) ang mga kinakanta sa maraming Christian churches. To be musically-correct, pakapal nang pakapal ang tugtugan dahil parami nang parami ang mga instrumento. Hindi mapapasubalian na isa sa mga malaking pangarap ng maraming iglesya ang mabuo ang church band—may drums at percussions, keyboards, lead guitar, rhythm guitar, bass guitar. Kung pinagpala nang husto ang church, may wind instruments pa. Walang masama dito. Kailangan naman talaga ng lahat ng church ang maaayos na instrumento at sound system dahil may epekto ito sa “glorious character” ng pag-awit sa Panginoon ng kongregasyon.

Isa sa nakikita kong dahilan ang pagbabago ng taste sa musika ng mga kabataan na siyang nakakaapekto sa church music. For instance, kung ikukumpara ninyo ang mga unang albums ng Hillsongs tulad ng All Things are Possible at God is in the House, may pagka-swabe ang tugtugan, jazzy at very light ang atake sa mga koro. Nang makilala sa buong daigdig ang United Live, binago rin nito ang mga kantang inilalabas ng Hillsongs---mas maraming distorted lead guitar at matitinding drum beats.

HOWEVER, may isang negatibong “trend” din akong napansin sa pagdaan ng panahon. This is the way churches would AMPLIFY their sound system and musical instruments during praise and worship celebrations. I would like to clarify that this has nothing to do with the inability of the sound system technician of the church to control the audio. NILALAKASAN lang talaga kung minsan, especially sa mga youth worship services. Sa isang church kung saan naimbitahan akong magsalita, halos mabingi ako sa lakas ng instrumento, samantalang napakaliit ng church na may capacity lamang na hindi hihigit sa 60 katao.

The major question is: BAKIT KAILANGANG INGAYAN ANG TUGTUGAN?

Dahil sa ingay ng mga kantahan, halos wala nang pinagkaiba ang mga praise and worship celebrations sa mga churches sa mga secular rock concerts. Nakakalungkot isipin na minsan, ANG TUGTUGAN ANG NAGIGING SENTRO NG AWITAN SA LOOB NG IGLESYA.

Ito ang minsang naging problema nila Matt Redman sa kanilang church. Alam ninyo ba ang dahilan kung bakit naisulat ni Matt ang kantang Heart of Worship? Ibinigay ng Panginoon kay Matt ang lyrics ng kanta nang magkaproblema ang kaniyang church. Kahit na ginagamit ang iglesya ni Matt, ang Soul Survivor sa England, sa isang revival, hindi nila maramdaman and reyalidad ng revival.

Sa isang interview, sinabi ni Matt, “There was a dynamic missing, so the pastor did a pretty brave thing. He decided to get rid of the sound system and band for a season, and we gathered together with just our voices. His point was that we’d lost our way in worship, and the way to get back to the heart would be to strip everything away.”

Ito ang dahilan kung bakit ang unang linya ng kanta ay nagsasabing...When the music fades, all is stripped away, and I simply come / Longing just to bring something that’s of worth that will bless your heart… / I’m coming back to the heart of worship, and it’s all about You, Jesus

Another question: Mag-eenjoy pa ba ang maraming kabataan sa praise and worship kahit walang nang tumutugtog na instrumento at acapella lang? I am looking forward to the day that all young people will not be limited by musical instruments as far as their worship and relationship to God is concerned.

No comments: