Tuesday, March 31, 2009

TAMING YOUR TONGUE (Sa lahat ng Tsismoso at Tsismosa)

Isa sa nagpapaandar sa mundo ng showbiz ay ang tsismis. Kung walang tsismis, babagsak ang industriya ng pelikula dahil wala nang magpapasikat sa mga artista. Sabi nga nila, good or bad publicity, it is still publicity. Hindi dapat umayon ang mga taga-sunod ni Cristo sa matsismis na mundo ng showbiz. Walang lugar ang mga kuwentong nakakasira sa ating kapwa. Kailangang iwaksi natin ang mga bagay na ito.

Paano ba natin malalaman kung nagtsi-tsismisan na tayo? May dalawang elemento ang isang tsismis. First, gossip is talking about other people behind their backs. Kapag wala ang taong pinag-uusapan, tsismis iyon. Hindi mo masasabi ang isang tsismis kapag kaharap mo ang taong inyong pinag-uusapan. Second, it usually involves negative or private details that put the individual in a bad light. Maaring totoo ang mga bagay na ating pinag-uusapan natin ngunit hindi na dapat pinagkakalat dahil sumisira sa reputasyon ng taong ating pinag-uusapan. Gossip “demonizes” the person.


Gossips greatly damage relationships causing anger and bitterness. Ipakita mo sa akin ang pagkakaibigan na puno ng tsismisan at ipapakita ko sa iyo ang isang sirang relasyon. Kapag may siraan at tsismisan, siguradong may pag-aaway at pagsasakmalan. Walang panalo sa tsismisan. God considered gossip to be such a serious matter that He included the avoidance of it as one of the Ten Commandments. "Thou shall not bear false witness against your neighbor".

The biggest problem with gossip is that most people don’t realize when they are doing it. Para sa iba, inosenteng usapan lang ang lahat (“…talaga bang ganiyan siya….). Dinadahilan naman ng iba na concerned lang sila at nagbibigay ng opinyon (“…naku dapat ganito siya…”). Ang iba naman, para maging espiritwal, sinasama pa sa mga prayer requests. Kung kaya, isa sa pinakamagandang magagawa ng maraming iglesya at Christian small groups ay ang kontrolin ang tsismis sa kanilang mga prayer gatherings.


Inihalintulad ng Bibliya ang mga tsismoso at tsismosa sa mga hangal. Christians should stay away from these people because they can never keep a secret. Even Paul told Timothy that he should admonish the wives to be of good character and not gossip. Kapag pinagtsi-tsismisan natin ang isang tao, akala natin tayo ang tama dahil sa pinag-uusapan natin ang kaniyang kasalanan. At the back of our minds, we’re saying we are better than the person. We feel that we are morally superior. We must remember that love covers a multitude of sins. Kung mahal natin ang isang tao, hindi natin siya sisirain sa pamamagitan ng ating salita. Bantayan natin ang ating mga sinasabi lalo na kung ang kahinaan na ng isang tao ang ating pag-uusapan. We must always think what will the person feel if he/she hears our conversations. Then try to imagine if you were the person.


Gossips can destroy friendships. Maraming magkakaibigan sa matagal na panahon ang puwedeng sirain ng isang maling kuwento at malisyosong mga usapan. Kung kaya, huwag agad maniniwala sa sabi-sabi. Minsan sinabi ng Panginoon sa mga Israelita na kung nakarinig sila ng mga tsismis, kailangan nilang alamin muna ang katotohanan at huwag agad maniniwala.

Ano naman ang dapat nating maging reaksyon kapag nabibiktima tayo ng mga maling tsismis? Remember that God promises good things. Proverbs 19:5 (MKJV) declares, “A false witness shall not be unpunished, and a breather of lies shall not escape”. Siguradong may kaparusahan sa mga taong nagkakalat ng maling mga impormasyon at naninira ng pangalan ng kaniyang kapwa. Kung babantayan natin ang ating mga pananalita, siguradong hindi tayo mapapahamak. Mahalin natin ang ating kapwa katulad ng pagmamahal natin sa ating sarili. Huwag na huwag magkakalat ng tsismis.

Sunday, March 29, 2009

TAMING YOUR TONGUE (Natatawa ka ba sa Green Jokes?)

Minsan, habang nakasakay ako sa isang FX taxi papuntang mall, nabigla ako sa mga pananalita ng isang babaeng DJ ng isang FM Station. With matching hagikhik at halakhak, nagbitiw siya ng isang joke na may double meaning. Hindi niya iyon ginawa in 20 seconds. Sa loob ng 3 minuto, nilaro niya ang imahinasyon ng mga nakikinig sa kung anong parte ng katawan ng tao ang kaniyang pinapahulahan. Nang sabihin niya ang sagot, tuwang-tuwa siya at sinabihan ang mga makikinig na huwag masyadong maging green-minded dahil hindi naman talaga bastos ang sagot. Tiningnan ko ang reaksyon ng mga kasama ko sa sasakyan. Ang mga matatanda, hindi natuwa. Pero ang mga kabataan, nakangisi lahat.

Isa sa paraan para malaman mo kung lumalago ka na sa iyong relasyon sa Panginoon ay kung hindi ka na nag-eenjoy sa mga green jokes o malalaswang usapan. God hates those things. Kapag nagsasama ang barkada at wala nang mapag-usapan, napupunta sa human anatomy ang diskusyon. Pinag-uusapan ang human anatomy ng opposite sex. Ito ang sinulat ni Pablo na mga usapan ng mga hangal at mga nakakahiyang usapan ng mga taong walang magawa sa buhay. Kapag lagi ito ang laman ng ating mga usapan, mas lalo tayong nalalayo sa Diyos.

Ano ngayon ang gagawin natin para maiwasang makapagsalita o kaya ay matuwa sa mga green jokes? First and foremost, we must discipline our minds. Huwag ibabad sa ating isipan ang mga malalaswang kaisipan at bagay. Iwaksi agad ang mga nakikita, naririnig o nararamdaman na maaring magdala sa atin sa kalaswaan. For instance, avoid pornographic sites and sexually stimulating webpages sa iyong pagsu-surf sa Internet. Huwag nang ibabad ang paningin sa mga dyaryong may mga hubad na larawan. Do not visit places that could give you sinful thoughts.

Second, tanggalin ang lahat ng mga malalaswang materyales sa iyong paligid. Kung nakikinig ka ng radyo o nanonood ng telebisyon at narinig mong kabastusan na ang pinagsasabi ng mga hosts o announcer, kailangang may knee-jerk response ka—ilipat o patayin ang istasyon ng pinanonood o pinakikinggan. Kung nakita mo namang may naligaw na mga smut magazines and newspapers sa sala ng inyong bahay, huwag nang basahin, kung puwedeng itapon sa basurahan, itapon na.

Third, huwag nang makihalubilo sa mga taong panay kalaswaan ang pinag-uusapan. Agad umiwas kapag kabastusan na ang sentro ng kasiyahan ng barkada. Walang ibubungang maganda ang ganitong mga kuwentuhan kung hindi kasalanan at maruming pag-iisip. Mas mabuti kung pagsabihan ang grupo na ibahin ang usapan. Kung ayaw talaga paawat, iwan ang grupo. If you do not want to corrupt your mind, never listen to lustful stories.

Saturday, March 28, 2009

TAGA-UP Ka ba? (Survey)

1. ANONG STUDENT NUMBER MO?
95-10593


2. NAKAPASA KA BA OR WAITLISTED?

Noong una waitlisted ako dahil hindi ko napasa lahat requirements. Pero nakapasa talaga ako.

3. PAANO MO NALAMAN ANG ENTRANCE EXAM RESULT?

Sinabi sa akin ng kaklase ko.

4. ANO ANG FIRST CHOICE MO NA COURSE?

BS Economics (pero dahil hindi covered ng scholarship, hindi ko tinuloy)

5. SECOND CHOICE?
BS ECE (dahil kasama sa DOST scholarship)

6. ANO COURSE NATAPOS MO?

BA Public Administration (with flying colors)

7. NAG-SHIFT KA BA?

Yes, kaya nga BAPA ako.. (duh..)

8. CHINITO/CHINITA KA BA?
Yes, may lahi kaming Intsik. (why this question?)

9. NAKAPAG-DORM KA BA?

Never (Ayaw payagan ng magulang)

10. NAKA UNO KA BA?

Oo Naman (Anthropology pati Political Science)

11. NAGKA-3?

Marami...

12. LAGI KA BANG PUMAPASOK SA KLASE?

Kapag tinatamad, namamasyal sa SM North at nagbababad sa library

13. MAY SCHOLARSHIP KA BA?

DOST Scholarship hanggang first sem ng first year, tapos STFAP na

14. ILANG UNITS NA ANG NAIPASA MO?

Tingnan ninyo na lang Transcript tko

15. NANGARAP KA BANG MAGING CUM LAUDE?

Hindi. Pero muntikan na maging cum laude

16. KELAN KA NAGTAPOS?

2001 BAPA, 2005 Masters in International Studies

17. FAVE PROF

Prof. Boncodin (dating DBM Secretary), Dr. Walden Bello

18. WORST TEACHER:

Many to mention

19. FAVE SUBJECT:

International Political Economy, Public Policy,

20. WORST SUBJECT:

Ano pa..e di Math 106 (naka-dalawa akong MAth 53 hehehe)

21. FAVE BUILDING:

AS, Main Library

22. PABORITONG KAINAN:

Lutong Bahay, malapit sa Post Office

23. NONG ESTUDYANTE KA PA MAGKANO BA ANG BINABAYAD MO SA JEEP?
Mukhang P2 pa lang nun

24. LAGI KA BA SA LIBRARY?
That's my place!!!

25. NAGPUNTA KA BA SA CLINIC NUN?

Mukhang isang beses lang.. nang inihatid ko ang medical records ko.

26. MAY CRUSH KA BA SA CAMPUS?
Marami pero hanggang dun lang.

27. ANU-ANO ANG MGA NAGING PE MO?
Weightlifting lang..

28. KAMUSTA NAMAN ANG BLOCK NYO?
Mga taga-Phil Science HS ang mga ka-block ko sa Eng kaya may sarili silang mundo at mga cliques. Kaya second sem pa lang ng first year, umalis na ako sa block

29. MEMORIZE MO BA ANG ALMA MATER SONG?

Of course, ang UP NAGING MAHAL este UP NAMING MAHAL

30. MEMBER KA BA NG VARSITY TEAM?

I wish...

31. NAKA-PERFECT KA NA BA NG EXAM?

Siguro.. hindi ko na matandaan

32. DITO KA BA NATUTONG UMINOM NG BEER?

Beer-Brand

33. Nahuli ka bang nakikipaglampungan sa Sunken Garden?

Marami akong nasaksihan at nahuli kahit sa katanghalian...

34. Saan ang pinakamasarap na Fishball?

Sa tapat ng Vinzons' Hall ako madalas bumibili

35. Anong battalion mo nung ROTC?

Rayadillo ako. Honor Guards. Hindi na nga binalik sa akin ang uniporme ko nang ipahiram ko sa kasamahan ko. Bad effect of esprit de corps

36. Ano paborito mong meryenda sa UP?

Monay na may cheese

37. Naikot mo na ba ang acad oval?

Ilang beses na nang mag-physical exam kami sa ROTC

38. Inulan ka ba nung umattend ka ng University Graduation?
Hindi ako umatend ng Univ Graduation..hehehe

39. Ano ang pinakagrabeng pilang napuntahan mo?

Noong 1997, hanggang checkpoint ang pila, mula sa SURP

40. Kung may quote ka para sa UP, ano ito?

UP will not only improve your academic attitudes, it will also develop your LIFE SKILLS. Once a UP student, always a UP student

Thursday, March 26, 2009

Taming your Tongue (Liars go to Hell)

Alam ninyo ba na ang pinakamalakas na muscle natin sa katawan ay ang ating dila? Ito siguro ang dahilan kung bakit walang tigil ang iba sa kasasalita at kakukuwento. Nakita ko ang kapangyarihan ng salita nang malaman ko ang pinagdaanan ng isang kabataang nakasama ko sa isang ministeryo.

Proverbs 18:21 (CEV) states: “Words can bring death or life! Talk too much, and you will eat everything you say.” Words are also described as weapons, as swords and arrows. Kailangang maghinay-hinay tayo sa ating sinasabi upang hindi natin anihin ang masasamang bunga nito. The words we say our spiritual and have spiritual implications. Binalaan na tayo ng Panginoon sa pagsasalita ng mga masasamang bagay. He said in Matthew 12:36-37 (GNB): You can be sure that on the Judgment Day you will have to give account of every useless word you have ever spoken. Your words will be used to judge you---to declare you either innocent or guilty. Ano ba ang tinutukoy na “useless words” ng Panginoon? Ito iyong mga salita na sinabi nating walang kabuluhan. Wala mabuting paggagamitan. Nasabi marahil dahil sa galit. Nasabi nang hindi nag-iisip. These are the words people “do not really mean”. Iyong sinabi pero hindi alam ang ibubunga. We can be trapped by the useless things we say and the words of our mouth.

Our words are a window to our soul. Malalaman ng iba ang ating pagkatao sa uri ng ating pananalita. Jesus said that out of the abundance of the heart, our mouth speaks. Malalaman mo ang kundisyon ng puso ng isang tao sa pamamagitan ng mga salitang lumalabas sa kaniyang bibig. Kung panay galit ang nasa puso mo, panay galit din ang lalabas sa iyo. Sa mga namomroblema sa pera, panay pangangailangan sa pera ang laging nasasabi.

Napakahirap supilin ng ating dila. Kaya nitong kontrolin ang buo nating katawan. May kakayahan itong gumawa ng mabuti at masama. Dito nanggaling ang mga papuri sa Diyos subalit dito rin nagmumula ang paglibak sa ating kapwa. Kung nagagawa na raw nating makontrol ito, sabi ng Bible, PERFECT na tayo! Siguradong wala pang taong nakakagawa noon. Kung kaya, hindi puwedeng parehong magmula sa ating dila ang papuri sa Panginoon at pagsasalita ng mga bagay na makakasakit sa Kaniyang puso. Kung tunay tayong matalino, kontrolin natin ang ating pananalita. Kapag matutunan nating magpigil sa ating dila, maiiwasan nating magkasala at mapasama sa anumang gulo o pakikipag-away.

LIARS GO TO HELL

Sumikat noong nasa kolehiyo ako ang pelikulang, Liar, Liar (Universal Pictures, 1997, starring Jim Carrey) dahil sa kakaibang kuwento nito. Tungkol ito sa buhay ni Fletcher Reede, isang diborsyadong abogadong puro katotohanan ang lumalabas sa bibig dahil hiniling ng kaniyang anak, si Max, sa Diyos na huwag na siyang makapagsinungaling. Lagi kasing hindi niya tinutupad ang pangako sa anak. Kung kaya, sa tuwing haharap siya sa korte, hindi niya maipanalo ang kahit anong kaso na kailangan siyang magsinungaling. Lahat ng lumalabas sa kaniyang bibig ay pawang katotohanan. Ang lahat ng saloobin niyang pilit na tinatago ay nasasabi rin niya dahil hindi siya puwedeng magkunwari. Hindi rin siya makapagsulat ng kasinungalingan dahil pinipigilan ng kaniyang kamay ang pagsusulat ng mga maling bagay.

Ang nakakalungkot, walang taong katulad ni Fletcher. Lahat tayo ay nakapagsinungaling na at may posibilidad pa ring makapagsinungaling. Hindi mo puwedeng sabihin na hindi ka pa nakakapagsinungaling, nang hindi nagsisinungaling. Gets? Dahil lahat ng tao ay nakapagsisinungaling.

Talamak din ang pagsisinungaling sa loob ng eskwelahan. Maraming lumilinaw ang mata at humahaba ang leeg kapag oras ng exams. Tandaan natin na kahit kailan, hindi natutuwa ang Panginoon sa mga sinungaling. He hates liars. May naghihintay na parusa sa kanila. Biblikal ang kasabihang “Liars go to hell” at “kapatid ng sinungaling ang magnanakaw”. The Devil is the father of lies. Kung kaya, sa bawat pagsisinungaling na ating ginagawa, natutuwa si satanas. Doon siya expert—ang magsinungaling. Sabi ng salmista, ang mapaggawa ng masama, sa simula’t simula pa ay sinungaling na.

We lie when we do not tell the truth. Kapag hindi natin sinabi ang tunay na dahilan kung bakit hindi tayo umuwi ng bahay. Sinabi sa magulang na nagkaroon ng group study para sa final exams, pero ang totoo nag-overnight kasama sa bahay ng kabarkada sa Tagaytay. Adding information is also a lie. Kapag masyado ka OVER-OVER-EXXAGERATED at punong-puno ng SUPERLATIVES ang ating mga sinasabi. Those who exaggerate facts are not truthful. Karamihan sa kanila gusto lang magpa-impress at umangat ang pagtingin sa kanila ng iba. The truth is, they are lying.

We lie when we do not say the whole truth. Sinasabi lamang natin ang mga bagay na gustong marining ng ating kapwa o ang gusto nating sabihin. Sometimes we do not say things na makakasakit ng damdamin ng ating kapwa. Tawag doon half-truths. It is good to consider the feelings of others but it is better to tell him/her the truth para sa kaniyang pagbabago. We must remember, “open rebuke is better than secret love.” Ganundin, minsan sinasabi lang natin ang gusto nating sabihin to protect ourselves. Dahil sa ayaw nating madawit sa kontrobersiya, mas pinipili nating huwag na lamang magsalita. Ika nga, no talk, no trouble. But the Bible declares that we should do good, if we have the power to do it.

We also lie when we bear false witness. Ito ay kapag nagsasabi tayo ng mga hindi totoo o gawa-gawang bagay upang paniwalain ang ating kapwa. During the time of Jeremiah, many false prophets arose. God punished them because they invented revelations and dreams which many people believed. Paparusahan ng Diyos ang lahat ng mga taong nag-iimbento ng mga akusasyon.

We lie when we break our promises. Ecclesiastes 5:4-5 (GNB) states “So when you make a promise to God, keep it as quickly as possible. He has no use for a fool. Do what you promise to do. Better not to promise at all than to make a promise and not keep it. Huwag na huwag tayong mangangako na hindi natin tutuparin. Hihintayin ng Diyos ang katuparan ng ating mga pangako. Hindi niya makakalimutan ang lahat ng iyon.

If our character does not reflect our faith, we lie. Kung sinasabi nating mahal natin ang Diyos ngunit hindi naman natin ginagawa ang kaniyang kalooban, sinungaling tayo. Kung sinasabi din nating mahal natin ang Diyos subalit hindi natin magawang mahalin ang ating kapwa, sinungaling tayo.

Did you know that lying to God can be deadly? Mapapahamak tayo sa pagsisinungaling. May mag-asawa sa Bibliya na nagngangalang Ananias at Zafira na nagsinungaling sa Diyos. Sa halip na ibigay sa mga kapwa-Kristiyano ang pinagbilhan nila ng kanilang lupa, katulad ng kaugalian ng mga mananampalataya, nagnakaw sila mula sa kanilang kita. Ano ang kanilang naging parusa? Namatay sila sa harap ng maraming Cristiano. Dahil dito, mas lalong natakot ang tao sa paggawa ng kasalanan. Huwag na nating hintayin na bumulagta tayo sa harap ng maraming tao dahil sa pagsisinungaling. The truth will always set us free. If you are honorable Christian, you should be truthful. We must keep from speaking evil and stop telling lies.

Saturday, March 21, 2009

Sa mga Sagad sa Lupa ang SELF-ESTEEM...

Isang eksperimento ang isinagawa upang malaman kung paano tinitingnan ng isa tao ang kaniyang sarili at ang kaniyang kapwa. Pinangalanan itong Scar Study. Lahat ng kasama sa eksperimento ay nilagyan ng mga make-up effects na mga pilat sa mukha. Ipinakita sa kanila ang kanilang anyo at sinabing sila ay pipila sa mga ospital at oobserbahan ang reaksyon ng mga tao sa kanilang itsura. Ito ang trick: sa proseso ng pagme-makeup, sinabihan sila na kailangan pa silang lagyan ng finishing powder para maiwasan ang pagkasira ng kanilang make-up. Ang katotohanan, tinanggal ng finishing powder ang mga pilat sa kanilang mukha.

Kung kaya, sa paniniwalang mayroon pa rin silang mga sugat, pumunta sila sa kanilang mga assigned medical offices. Matapos ang ilang oras, nagbalik ang mga kalahok. Pare-pareho ang kanilang naging obserbasyon: hindi naging maganda ang trato sa kanila, naging bastos ang iba, samantalang ang iba naman ay umiiwas na wari’y nandidiri sa kanila.
Ano ang mensahe ng eksperimento? How we feel about ourselves can influence how we relate to others and live our lives. Kung ano ang ating iniisip tungkol sa ating sarili, nagiging ganoon tayo. Isa sa mga kalimitang problema ng mga kabataan ay ang mababa at negatibong pagtingin nila sa kanilang sarili (low self-esteem). Laging nakasiksik sa isipan na pangit dahil sa sungking ngipin. Ang iba hindi umiimik sa klase dahil sa iniisip na siya ang pinakamahina ang ulo sa lahat ng subjects. Wala namang barkada ang ilan dahil sa natatakot na itaboy ng mga kaibigan.

CAUSES OF LOW SELF-ESTEEM

Maraming dahilan kung bakit mababa ang pagtingin ng maraming kabataan sa kanilang sarili. May limang kalimitang dahilan kung bakit nagaganap ito.

Physical Appearance -Ang pinakalutang sa lahat ng dahilan ay may kinalaman sa itsura o pisikal na katangian ng mga kabataan. Itinuturing nila na hindi sila maganda, hindi guwapo, mala-bariles ang katawan, mukhang kawayan sa sobrang payat, mala-poste ng Meralco dahil sa walang hubog ang katawan, at iba pa. Kung may sapat lang na pera, magpupunta sa mga cosmetic surgeon para magpabago ng mukha at magpa-retoke ng katawan.Kaya patok na patok sa ang mga ultimate make-over programs. Kung kaya, sinusukat ng maraming kabataan ang kanilang pagkatao batay sa sinasabi ng media, mga fashion magazines at mga nakikita nila sa mga TV shows.

Kakulangan sa Edukasyon - Ang pangalawang dahilan ay may kinalaman sa kaalaman o intelligence. Some feel badly about themselves because they think they are intellectually inferior sa iba. Dahil hindi sila nakatapos ng elementarya o anumang pormal na edukasyon, iniisip nila na wala silang karapatang magmarunong o makisama sa anumang intelligent discussions.

Mga Trahedya ng Buhay - Maaaring bunga naman ng mga trahedya ng buhay kung bakit kimi at tahimik ang maraming kabataan. Nakilala ko si George (hindi niya tunay na pangalan) nang ako ay nasa kolehiyo. Tahimik si George at walang imik. Aloof siya sa lahat at kakaiba ang kaniyang mga kilos. Hindi siya nakikipag-usap sa marami at madalas nagkukulong sa kuwarto. Minsan, maririnig na lamang siya na umiiyak sa isang sulok ng kaniyang kuwarto. Nalaman ko na nasawi ang mga kamag-anak ni George sa isang trahedya na naganap noon sa Ipil, Zamboanga nang sunugin ng bandidong Abu Sayyaf ang kanilang buong barangay. Marami siyang masasamang ala-ala ng pangyayari. Ito ang naging dahilan kung bakit hindi niya kayang makipagkaibigan sa iba.

Physical or Emotional Abuse- Mahirap matanggal sa isipan ng isang kabataan ang anumang pang-aabuso na kaniyang naranasan. Kalimitan sa mga nakaranas na abusuhin ng kanilang mga kamag-anak, pisikal man o emosyonal, ay nag-iiwan ng sugat sa puso ng isang kabataan na mahirap matanggal. Marami ang lumalaking tahimik o timid dahil sa mga ganitong pangyayari. Kailangan ng mga taong nakaranas ng mga traumatic events sa kanilang buhay ang kasiguruhan na kaya nilang lampasan ang mga masasamang ala-ala sa tulong ng Panginoon.

Kasalanan - Ang paggawa ng kasalanan ay maaring magbunga ng unreasonable guilt feelings sa isang tao. Matindi ang nararamdamang kalungkutan ng mga taong biglang nahuhulog sa kasalanan. Ito ang naranasan ni Haring David nang siya ay magkasala ng pakikiapid kay Bathseba. Bumagsak ang katawan ni David dahil sa sobrang kalungkutan ngunit muli siyang bumangon nang ihayag niya sa Diyos ang lahat ng kaniyang pagkakasala. Hindi nakapagtataka na marami sa mga kabataang mabababa ang pagtingin sa kanilang sarili ay may sariling mundo kung saan matatanggap sila at matatanggap nila ang kanilang sarili. Halimbawa, marami ang nagkukulong sa loob ng kuwarto at nagbababad sa pakikipag-chat sa Internet. Dahil hindi sila nakikita ng mga taong kanilang kausap, naitatago nila ang kanilang sarili.

IMPROVE YOUR SELF-ESTEEM

May mga paraan upang mapataas mo ang iyong pagtingin sa iyong sarili. I have seen these work sa maraming kabataan sa aking ministeryo. Madaling lang silang gawin.

First, get rid of negative thoughts about yourself. Kung palaging nakatuon ka sa iyong kahinaan, walang mangyayari sa iyo. Never entertain thoughts that will further get you down emotionally. Do not be too critical of yourself. Kung may nagawa kang mabuti, reward yourself. Manood ka ng sine. Bumili ka ng gustong-gusto mong pagkain. Kung mayroon ka namang nagawang kamalian, move on. Do not wallow in your weaknesses.

Second, do not be a perfectionist. Iyong parang hate na hate na magkamali. Laging 100% ang standard. Tanggapin ang katotohanang nagkakamali ka. Hindi ka si Superman, Rambo o Mc Gyver na may solusyon sa lahat ng bagay. Hindi masama ang magkaroon ng kahinaan. Lahat ng tao ay may kahinaan. See your weaknesses as opportunities to improve yourself. Just do your best sa lahat ng iyong ginagawa.

Third, learn to accept compliments. May mga katangian tayo na kahit ayaw nating paniwalaan ay napapansin ng iba. Halimbawa, sinabi ng iba na maganda ka magsulat sa isang seryoso at hindi pabirong paraan, TANGGAPIN MO na maganda ang sulat mo. Respect their opinions dahil may katotohanan ang mga iyon.

Fourth, know the things you can and cannot change. May mga bagay sa ating buhay na kahit ano pang gawin natin ay talagang wala na talagang mangyayari malibang maghimala ang Panginoon. Kung hindi ka na talaga tatangkad dahil talagang mababa ang height ng inyong angkan, positively accept that. Cute naman ang maliit di ba? Walang masama sa pagiging vertically-challenged. There are things in our life that we just have to live with. Pero hindi ibig sabihin na wala na tayong gagawin sa mga bagay na puwede naman nating mabago. Kung magagawa mong maging magaling sa pagsasalita ng Ingles, mag-aral ka at magbasa ng English literature, watch English movies and hang-out with English-speaking friends. Kung kaya mo namang maging magaling na basketbolista, mag-ensayo at palakasin ang katawan. You can do something.

Fifth, magkaroon ng tiwala sa iyong sariling opinyon at pananaw. Take pride in your views and do not be afraid to voice them. Nonetheless, when your opinion is rejected, remember that it is part of the process. Talagang makakaranas ka ng oposisyon mula sa ibang tao. At least, you value your thoughts.

Sixth, spend time with people who help you to feel good about yourself. Have a life. Have as many friends as you can. Visit places and spend time with people who can build your self-confidence. Huwag maging loner. There are things in life that you can enjoy if you will just get out of your shell. Get out and meet people.

SEE YOURSELF FROM GOD’S VANTAGE POINT

No person is one-dimensional. Every individual can be seen from three different views: from the Divine vantage point, from the views of others and the perception we have of ourselves. Sa lahat ng ito, ang pagtingin ng Diyos sa atin ang kailangan nating mas pagtuunan ng pansin. Paano ba tayo tintingnan ng Diyos?

We were created in the very image of God. Ang tao ang pinakadakila sa lahat ng Kaniyang nilikha at ginawang tagapamahala sa mga bagay sa daigdig. Isinulat nga ni Haring David na nilikha ng Diyos ang tao na halos mas higit sa mga anghel. Man is the object of God’s salvation. Dahil mahal na mahal tayo ng Diyos, hindi Niya hinayaang mapunta na lamang tayo sa impiyerno. God sent Jesus Christ to redeem us from our sins. Jesus said that we should love our neighbor as ourselves. We have to repent of the sin of self-pity. Kung mahalaga tayo sa paningin ng Diyos, kailangang maayos din ang pagtingin natin sa ating sarili. Self pity is not from God. It is important that we have a healthy view of ourselves.

Monday, March 16, 2009

SA MGA MIYEMBRO NG DEPARTMENT OF "PROCRASTINATION"

Marami sa kabataan ang may sakit na “manana habit” o ang tinatawag na “procrastination”. Ayaw simulan agad ang dapat simulan. Mas gustong laging naghahabol. Well, may mga kabataan na lumalabas daw ang kanilang “creative juices” kapag may pressure. Pero kaunti lang sila. If you cannot accomplish your project earlier, see to it na hindi bababa ang quality ng proyekto ninyo na iyong tatapusin. We cannot redeem time. Kapag sinabi ng teacher at professor na tapusin ang isang term paper o proyekto, mag-brainstorm agad at i-schedule ang mga bagay na dapat gawin. Sa gayon, walang magaganap na paghahabol sa oras.

Excessive procrastination can result in many troubles. Una, it can cause anxiety dahil sa wala ka pang natatapos. Nagiging manic-depressive ka at hindi makatulog. Laging nagka-cram sa mga huling minuto ng pagpapasa ng project. Pangalawa, it can also give guilt feelings dahil hindi mo nagawa ang mga bagay na dapat mong natapos na dapat. At ang mas matindi pa sa lahat, procrastination can cause poor performance. Dahil sa tinapos mo lamang sa maikling panahon ang isang bagay, siguradong apektado ang kalidad ng iyong gawa. Overall, procrastination introduces negative effects on your studies and personal success.

PANLABAN SA PROCRASTINATION

May ilang bagay na kailangang isaisip kung ayaw maging biktima ng procrastination. Kalimitang, hindi ang bigat at hirap ng proyekto ang problema kung hindi ang attitude toward the work. First, motivate yourself to work on a task with the idea that NOW is the right time to do it. We do not know what will happen tomorrow. Gawin na NGAYON ang trabaho at piliting tapusin iyon NGAYON. Wala nang pabukas-bukas pa. Second, prioritize the tasks you have to do. Iwasan ang sobrang gimik kung may project. Tigilan ang masyadong panonood ng TV o paglalaro ng video games. Sabi nga nila, PRESSURE first before PLEASURE. Mas magandang mag-window shopping at gumimik kasama ang barkadas kapag wala ka nang iniisip na trabaho o deadlines.

Pangatlo, ipinapayong gawin ang trabaho kung kailan buhay na buhay ang iyong dugo. Iyong gising na gising ka. May mga peak-time ang ating utak. Alamin kung kailan iyon—sa umaga, tanghali o gabi. Isa-alang-alang rin ang lugar at mga bagay na makakatulong sa iyong mabilis na mag-isip. Find a good place. Kung gusto mo sa park gumawa dahil doon mo matatapos ang santambak mong trabaho, nasa iyo iyon. May kilala ako na labis na nagiging productive kapag may nakapasak na earphone sa tenga na halos marinig mo na ang kaniyang pinakikingan na music. Pang-apat, iwasan ang ma-frustrate at ma-overwhelm. Hatiin ang malakihang trabaho sa mga malililiit na gawain at i-schedule ang paggawa. Isang dahilan kung bakit ayaw nang ituloy-tuloy ng maraming estudyante ang trabaho ay nakikita nila ang laki ng trabaho. Nalulula at nabibigatan. Unti-unti lang. Baka mahina ang kalaban. Unahin ang mga bagay na madaling matapos. Set reasonable time frame to finish your work. Also set realistic standards.

Panglima, although hindi relaxing ang paggawa ng project, be cool. Give yourself a break kapag namumula na ang mata sa tapat ng computer. Pumikit muna for 10 minutes o take a nap. Listen to music that will relax your mind. Do tasks that will not wear you down. Kailangang lagi kang may energy. Kapag natapos ang ginagawa, reward yourself. You deserve it.

MANAGE YOUR TIME

May tatlong kalendaryong kailangang gawin ang bawat estudyante. Tig-iisa para sa long-term schedule, intermediate o weekly schedule at short-term o day schedule. Mas magandang mag-print ng mga schedule na ito at idikit o ilagay kung saan sila madaling makikita as a reminder (dingding, pintuan ng kuwarto, salamin). The major rule is be OBEDIENT and CONSISTENT to the designated schedule.

Ang long-term schedule ay ang mga bagay na kailangang mong gawin sa loob ng isang semestre o isang academic year. Ito ang batayan ng pag-a-adjust ng iyong mga gawain o schedule sa ibang bagay. I suggest that you make it by day para madaling sundan.

Ang intermediate o weekly schedule ay kinabibilangan ng mga bagay na kailangan mong gawin na may kinalaman sa iyong mga academic subjects at non-academic activities. Again, do this according to the day of activity/activities.

Samantala, ang short-term schedule ay listahan ng mga bagay na kailangan mong gawin sa loob ng isang araw. It is your schedule for the next day.

BE ON TIME!

Isa pang sakit ng maraming estudyante ang tardiness o pagiging late sa eskwela. Isa na ako doon noong ako ay nasa haiskul. I learn many things the hard way. Maniniwala ba kayong tatlong-daang (300) metro lang ang layo ng bahay namin sa eskwelahan—at yes, nale-late pa ako? Bakit? Kasi masyado akong confident na hindi ako male-late. Alas-6:30 ng umaga ang pasok namin noon. Gumigising ako ng 6AM. Kapag hindi pa na-aalimpungatan sa higaan, mag-i-inin pa (parang sinaing ba...sinisiguradong luto na ang bigas). Ilang minuto pang nakahiga. Pero nagbago ako ng style nang fourth year high school na ako. Nagkaroon ako ng guro na sobrang aga sa pagpasok. Galing pa siya sa Cavite noon papunta ng Pasig. Hindi lang iyon, napakalaki ng boses at mabulaklak ang kaniyang bunganga sa mga late pumasok. Sa tuwing nale-late ako, lagi akong may welcome na ”MR. MOLMISA, LATE KA NA NAMAN!” Dahil sa ayaw ko nang mabansagan na THE LATE MR. MOLMISA, gumigising na ako nang maaga.

Nang magsimula akong magturo sa isang unibersidad, binigyan ako ng klase sa umaga. Kinuha ko siya dahil gusto kong matutong magising nang maaga. Dahil alas-8 ang klase ko, kailangang naka-talilis na ako sa bahay ng alas-6. Minsan, hiniling ng mga estudyante ko na bigyan ko ng additional grade ang makakatapos ng semestre na walang absence. Nagdalawang-isip pa ako kung pagbibigyan ko sila. Inakala kong madali namang pumasok ng alas-8 ng umaga. I succumbed to their request. Doon ko nalaman, sa pagtatapos ng semestre, na halos 10 lang sa 41 kong estudyante sa section na iyon ang makakakuha ng additional grade. Iyong mga walang absence, minsan nale-late pa nga. Noon ko nalaman na mahirap talagang gumising ng maaga.

We must always be ON TIME in attending classes and personal appointments. If we are too early, we are wasting our time. If we are late, we are wasting others’ time. Show respect by coming on time. Nagiging maganda tayong halimbawa sa ating mga kaibigan sa tuwing pumapasok tayo sa tamang oras. Isang malaking dagok sa patotoo ng isang Cristianong kabataan ang masabihang LATE-COMER. Laging kinaasaran kapag may mga lakad dahil siya ang laging hinihintay. Huwag maging notorious sa pagiging late.

Also, when we attend our classes on time, we show respect to our teachers and their subjects. This is the reason I always check the attendance of my students before I start my lecture. I value punctuality because I don’t want my subject to be taken for granted. Kung lagi kang late, isa lang ang ibig sabihin noon, hindi mo masyado binibigyan ng importansya ang subject na iyon. As if, ok lang ma-late sa klase. That should not happen. Matulog nang maaga. Iwasan ang sobrang gimmicks sa gabi. Early to bed, early to rise.

We must also submit assignments and projects ON TIME. Maraming estudyante ang may sakit na HOMEWORKITIS. Laging nagkakasakit kapag homework na ang pinag-uusapan. Kaya pagpasok sa eskwela, sa kaklase umaasa. Pagdating naman sa pagpapasa ng project, paborito din ng marami ang kasabihang, BETTER LATE THAN NEVER. Huli man daw at magaling, naihahabol pa rin. Ang tamang sagot doon: If you submit your project late, laging may deductions. Kung minsan, hindi na nga tinatanggap kaya nasasayang ang pinagpaguran (kung talagang pinagpaguran). At madalas, ang mga project at term papers na pinasang late ay hindi maayos at maganda ang pagkakagawa. Minadali kasi. Huwag masanay sa ganitong asal. We must always give our best in everything that we do.

Kung kaya, para sa mga laging late: Huli ka man at magaling, HULI KA PA RIN. Hence, “IT IS BETTER NOT TO BE LATE!

Friday, March 13, 2009

MAHAL MO BA MAGULANG MO?(The Value of Obeying our Parents)

Maraming kabataan ang nagrerebelde dahil hindi nila alam ang pamantayan ng Diyos pagdating sa paggalang at pagsunod sa magulang. Upang maging maayos ang ating pakikitungo sa kanila, dapat tayong makinig sa sinasabi ng Bibliya. Let’s read Ephesian 6:1-3 (MKJV):

Children, obey your parents in the Lord, for this is right. Honor your father and mother (which is the first commandment with a promise), so that it may be well with you, and that you may live long on the earth.

Sinasabi doon that we must obey our parents when we are still young. Ibig sabihin, mula sa ating kabataan hanggang sa tayo ay tumanda. Maraming teenagers ang sadyang matigas talaga ang ulo at ayaw sumunod sa magulang. Kapag sinabing huwag sasama sa masamang hilig ng barkada, lalong dumidikit sa mga masasamang “trip” ng mga kaibigan. Kapag sinabi ng magulang na bawal muna mag-boyfriend o mag-girlfriend, ayaw talagang papigil at lalo pang nanggigigil. Nakita na ito ni Apostol Pablo nang sabihin niya sa kaniyang anak-anakan na si Timoteo na marami ang magiging suwail sa kanilang mga magulang sa mga huling araw.

May isa akong trivia sa inyo. Alam ninyo ba na noong Old Testament Times, pinapatay ang mga suwail sa magulang sa bayan ng Israel? Ayon sa Kautusan, may naghihintay na parusa kung ating nilalapastangan ang ating mga magulang. The children will be brought to the elders and will be stoned to death. Ihaharap sila sa buong bayan at papanoorin habang pinapatay. Walang anak na lumalapastangan sa kaniyang magulang ang pagpapalain ang buhay. The Lord wants all of us to honor our earthly fathers and mothers. Kapag sinasabi nating mahal natin ang Panginoon ngunit sinusuway natin ang Panginoon, para nating niloloko lang natin Siya.

ANG DAKILANG GANTIMPALA

Nine out of the Ten Commandments are direct commandments. Walang anumang rewards na makukuha kapag iyong natupad. Hindi ka magnakaw, wala kang reward. Hindi ka mangalunya, good. Hindi ka magnakaw, ayos lang. But notice this. If we will obey the Lord by honoring our parents, may naghihintay na pangako sa atin. Two things: 1) magiging maayos ang buhay natin dito sa daigdig; at 2) we will have a long life on earth.

What do we mean by the first promise? It means that we can definitely experience the blessings of the Lord if we support and love our parents. So paano naman iyong pangalawang pangako? Sa mga burol ng patay malalaman natin kung naging maayos ang buhay ng namatay. May maririnig kang nagsasalita, “Mabuti na lamang at kinuha na siya ni Lord….” Parang ang sama pakinggan. I remember visiting a funeral where the deceased was praised for his goodness and kindness. Ang paghaba ng ating buhay ay hindi lamang nasusukat sa tagal ng ating paglakad sa daigdig na ito, kung hindi maging sa tagal ng pag-alala ng iba sa kabutihan ng Diyos sa buhay natin. Isang tanong ang maari kong ibigay sa lahat: Kung kukunin ka ni Lord ngayon (kunwari lang naman..) ano ang gusto mong maalala ng ibang tao tungkol sa iyo?Kailangan nating sumunod sa ating mga magulang bilang tanda ng pagpapasakop natin sa Panginoon. Our parents (father and mother) are the ones God tasked to protect and care for us. They should be the authority in our homes. When you disobey your parents, you are not only disobeying your parents, you are disobeying God.

CONSEQUENCES OF REBELLION

In the last days, children will be disobedient to their parents. Nakikita na natin ito ngayon. May babala ang Bibliya sa mga anak na ganito ang asal. Rebellious children often live destroyed lives. Ang mga ayaw pasakop sa magulang at gustong mabuhay nang walang nakikialam sa kanila ay ang mga kalimitang napapariwara. If you rebel against your parents, there will surely be disaster and calamity in your life. Kalimitang pinagtatawanan ng maraming tao ang mga anak na napapariwara. Parang sinasabi sa kanila, “Mabuti nga, sa iyo. Salbahe ka kasi!” Pinipili ng mga rebeldeng anak ang kanilang sinasapit. Nasa huli lagi ang pagsisisi. We do not want to be like the prodigal son in Luke 15. After spending all the riches he inherited from his father, he suffered from poverty and loneliness. Bumalik siya sa kanilang tahanan dahil naisip niya at naramdaman na mali ang kaniyang ginawa. It was a painful realization. Kailangang pang makipag-agawan siya ng pagkain sa mga baboy at iwan ng kaniyang mga kaibigan bago siya tuluyang magbalik sa kanilang tahanan at sabihing tanggapin na lamang siya bilang alipin. Again, nasa huli lagi ang pagsisisi.

Thursday, March 12, 2009

HANGGANG INGAY NA LANG BA? (On Contemporary Praise and Worship)

Maaring may tumaas ang kilay sa mga babanggitin ko tungkol sa kasalukuyang uri ng praise and worship sa mga local churches ngayon, especially sa mga so-called contemporary youth worship services.

Nagsimula akong kumanta ng praise and worship songs noong 1984 dahil Sunday School kid ako. Iyon ang heyday ng mga kantang “This is the Day” (C and F lang ang chords ng kantang iyon), In Him We Live, Oil in my Lamp, Make Me a Servant, Seek First the Kingdom of God at marami pang iba. Kung hindi ninyo na alam ang mga kantang ito, I recommend na bumili kayo ng songbook at records ng Charismatic Praise and Worship Songs.

Sa pagdaan ng panahon, napansin ko na paingay nang paingay (o palakas nang palakas) ang mga kinakanta sa maraming Christian churches. To be musically-correct, pakapal nang pakapal ang tugtugan dahil parami nang parami ang mga instrumento. Hindi mapapasubalian na isa sa mga malaking pangarap ng maraming iglesya ang mabuo ang church band—may drums at percussions, keyboards, lead guitar, rhythm guitar, bass guitar. Kung pinagpala nang husto ang church, may wind instruments pa. Walang masama dito. Kailangan naman talaga ng lahat ng church ang maaayos na instrumento at sound system dahil may epekto ito sa “glorious character” ng pag-awit sa Panginoon ng kongregasyon.

Isa sa nakikita kong dahilan ang pagbabago ng taste sa musika ng mga kabataan na siyang nakakaapekto sa church music. For instance, kung ikukumpara ninyo ang mga unang albums ng Hillsongs tulad ng All Things are Possible at God is in the House, may pagka-swabe ang tugtugan, jazzy at very light ang atake sa mga koro. Nang makilala sa buong daigdig ang United Live, binago rin nito ang mga kantang inilalabas ng Hillsongs---mas maraming distorted lead guitar at matitinding drum beats.

HOWEVER, may isang negatibong “trend” din akong napansin sa pagdaan ng panahon. This is the way churches would AMPLIFY their sound system and musical instruments during praise and worship celebrations. I would like to clarify that this has nothing to do with the inability of the sound system technician of the church to control the audio. NILALAKASAN lang talaga kung minsan, especially sa mga youth worship services. Sa isang church kung saan naimbitahan akong magsalita, halos mabingi ako sa lakas ng instrumento, samantalang napakaliit ng church na may capacity lamang na hindi hihigit sa 60 katao.

The major question is: BAKIT KAILANGANG INGAYAN ANG TUGTUGAN?

Dahil sa ingay ng mga kantahan, halos wala nang pinagkaiba ang mga praise and worship celebrations sa mga churches sa mga secular rock concerts. Nakakalungkot isipin na minsan, ANG TUGTUGAN ANG NAGIGING SENTRO NG AWITAN SA LOOB NG IGLESYA.

Ito ang minsang naging problema nila Matt Redman sa kanilang church. Alam ninyo ba ang dahilan kung bakit naisulat ni Matt ang kantang Heart of Worship? Ibinigay ng Panginoon kay Matt ang lyrics ng kanta nang magkaproblema ang kaniyang church. Kahit na ginagamit ang iglesya ni Matt, ang Soul Survivor sa England, sa isang revival, hindi nila maramdaman and reyalidad ng revival.

Sa isang interview, sinabi ni Matt, “There was a dynamic missing, so the pastor did a pretty brave thing. He decided to get rid of the sound system and band for a season, and we gathered together with just our voices. His point was that we’d lost our way in worship, and the way to get back to the heart would be to strip everything away.”

Ito ang dahilan kung bakit ang unang linya ng kanta ay nagsasabing...When the music fades, all is stripped away, and I simply come / Longing just to bring something that’s of worth that will bless your heart… / I’m coming back to the heart of worship, and it’s all about You, Jesus

Another question: Mag-eenjoy pa ba ang maraming kabataan sa praise and worship kahit walang nang tumutugtog na instrumento at acapella lang? I am looking forward to the day that all young people will not be limited by musical instruments as far as their worship and relationship to God is concerned.

Tuesday, March 10, 2009

Call for VOLUNTEERS (Youth Factor 2 Conference)

The PCEC-NYC needs some volunteer staff for the upcoming Youth Factor 2 Conference. If you are interested, kindly email pcecnyc@gmail.com or PM me. We are waiting for you. God bless.

Saturday, March 07, 2009

Explicit lyrics linked to sex among teens

PARIS -- Can listening to sexually aggressive lyrics prompt teenagers to have sex at an earlier age?

That's the issue raised by a new study, and it could unleash a fierce debate over whether a teen's music player is potentially risky and, if so, what should or can be done about it.

In an unusual piece of research, investigators at the University of Pittsburgh graded the sexual aggressiveness of lyrics, using songs by popular artists on the US Billboard chart.

The lyrics were graded from the least to the most sexually degrading.

They then asked 711 students aged 15 to 16 at three local high schools about their music preferences and their sexual behavior.

Overall, 31 percent of the teens had had intercourse.

But the rate was only 20.6 percent among those who had been least exposed to sexually degrading lyrics but 44.6 percent among those highly exposed to the most degrading lyrics.

The study's lead author, Brian Primack, said music by itself was not the direct spark for sex but helped mould perception and was thus "likely to be a factor" in sexual development.

"These lyrics frequently portray aggressive males subduing submissive females, which may lead adolescents to incorporate this 'script' for sexual experience into their world view," he told AFP.

The study took social factors, educational attainment and ethnicity into account.

"Non-degrading" lyrics described sex in a non-specific way and as a mutually consensual act, while "degrading" lyrics described sexual acts as a purely physical, graphic and dominant act.

The study did not give the names of songs or artists, but gave an example of degrading lyrics as "Wait till you see my dick / I'm gonna beat that pussy up".

"Lyrics describing degrading sex tend to portray sex as expected, direct and uncomplicated," said the paper, which appeared last week in the American Journal of Preventive Medicine.

"Such descriptions may offer scripts that adolescents feel compelled to play out, whether they are cast in the role of either the female or the male partner."

Steven Martino, author of a study published in 2000 that also made the same association between music and sexual behavior, said the findings were a wake-up call.

"The need [is] for parents to be aware so that they can place limits and criticize and understand what their children are listening to," said Martino, a behavioral scientist in Pittsburgh with the Rand Corporation.

More than 750,000 American teenagers become pregnant each year, giving the United States one of the highest rates of teenage pregnancies in the rich world, according to figures quoted in the study.

Nearly a quarter of all female teenagers in the United States have a sexually-transmitted disease.

Nearly a quarter of a century ago, lyrics by Prince on his album "Purple Rain" prompted wives of senior politicians in Washington, led by Tipper Gore, to set up the Parents Music Resource Centre.

They pushed for the music industry to develop guidelines and a rating system for lyrics, similar to ratings for movies. The system was criticized by many as unworkable and counter-productive, making it more daring for teens to buy songs they deemed taboo.

"Government needs to help parents to regulate the industry," said Helen Ward, president of the Kids First Parents Association of Canada.

Today's technology means it is "physically impossible" for parents to monitor what their children listened to or watched on their MP3, she said.

But Raymond MacDonald, a specialist in music psychology at Glasgow Caledonian University, described it as "a perennial debate that cropped up with artists like Frankie Goes to Hollywood, the Sex Pistols and Elvis Presley before that".

"Do we really need a solution to the problem?", he asked.

MacDonald said that even if every generation rehashes the discussion differently, there's an important difference today: age lines have blurred and now everyone is listening to everything.

"Maybe we should do a study to see if the music has as a bad an influence on grandparents," he said wryly.

Source: http://showbizandstyle.inquirer.net/breakingnews/breakingnews/view/20090307-192858/Explicit-lyrics-linked-to-sex-among-teens

THE GREATEST MESSAGE OF ALL...

Paano ba tayo magkakaroon ng isang tunay na relasyon sa Diyos? The answer: We must first become a true Christian. Ano naman ang kahulugan ng pagiging Cristiano? Kapag bininyagan ka ba sa simbahan, Cristiano ka na? Kapag nagsisimba ka ba tuwing Linggo, Cristiano ka na? Maraming tao ang nakakakakila kay Cristo (subukan mong magtanong sa kalye at mga lansangan). The main question is: sapat na bang makilala natin si Cristo sa pangalan? What does it really mean to be a CHRISTIAN? Simply put, ang pagiging Cristiano ay ang pagkakaroon ng isang personal na relasyon sa Diyos sa pamamagitan ni Hesus. This truth is revealed in the so-called most popular verse in the Bible.

"For God so loved the world that he gave his one and only Son, that whoever believes in him shall not perish but have eternal life. (John 3:16-NIV)

“FOR GOD SO LOVED...”

Mahal na mahal tayo ng Diyos. The truth of the matter is: God does not love; He is love itself. Kung walang Diyos, walang pag-ibig. Marunong tayong umibig dahil ang lumikha sa atin ay PAG-IBIG. He has a wonderful plan for all of us. Because of His nature, He can never have “bad plans.” Lahat ng naisin Niya para sa atin ay maganda. Minahal na Niya tayo kahit hindi pa natin Siya nakikilala o sumasagi man sa ating isipan. He has loved us with His everlasting love. Hindi kailanman matatapos ang Kaniyang pagmamahal sa tao. Wala ring bagay ang maaring makapaghiwalay sa atin sa kaniyang pag-ibig. Pagbali-baligtarin man ang mundo, lumindol man, bumagyo, iwan man tayo ng lahat ng ating mga mahal sa buhay, nariyan ang Diyos, magmamahal sa atin.

“…THE WORLD...”

Napakalapit sa puso ng Diyos ang tao. Ginawa Niya ang tao sa kaniyang wangis. Siya ang inatasan Niyang mamahala sa lahat ng Kaniyang nilikha. Ngunit mayroong isang malaking isyu: bakit hindi nararanasan ng marami ang pagmamahal at biyaya ng Diyos sa kanilang buhay? Ito ay dahil sa KASALANAN na siyang naghihiwalay sa atin sa Diyos. Dahil sa kasalanan, hindi makagalaw ang Diyos sa buhay ng marami. Ang kasalanan ay paglabag sa Kaniyang kautusan at kagustuhan. At ang lahat ay nagkasala. Sinungaling tayo kung sasabihin nating wala tayong kasalanan.

We must realize that God is holy. Dahil sa Siya ay banal, hindi Siya kailanman nagkakasala. Lahat ng Kaniyang ginagawa ay wasto at tama.Kung nais nating makapiling ang Diyos, kailangan nating maabot ang kaniyang pamantayan—we must also be holy. God wants perfect holiness: 100 percent. Ang problema, walang taong nakapasa sa Kaniyang requirement. Lahat tayo, bumagsak! Nasusunod mo ba lagi ang sampung utos ng Diyos? Dahil isa man lang ang hindi mo masunod sa mga iyon, itinuturing na nasuway mo na ang lahat. Nakapagsinungaling ka na ba? Biblical ang kasabihang, liars go to hell. Kapag labis kang napopoot sa iyong kapatid, maibibilang ka nang mamamatay tao. Para sa iba, kailangang kang sumiping sa asawa ng iba upang magawa ang pakikiapid o adultery. Mali. Sabi ng Panginoon, tumingin ka lang sa isang tao nang malaswa, nakikiapid ka na. In short, we are all sinners and fell short of the glory of God.

Ano ngayon ang ibubunga ng ating pagiging makasalanan? Maliwanag ang Salita ng Diyos: ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan. Mamamatay ang tao – physically and spiritually. The curse of death entered the human race when Adam and Eve rebelled against God in Garden of Eden. Naipasa sa mga sumunod na henerasyon ang makasalanang kalikasan ng tao. Hindi nagbabago ang statistics: 100 out of 100 people will die. Think of this: kung hindi pahihintulutan ng Diyos na magkaroon ng hangganan ang buhay ng makasalanang tao, marahil sangkaterbang World Wars na ang naganap sa mundo at siguradong puno ng hinagpis ang mabuhay sa daigdig. Minsang sinabi ng Panginoon kay Noe na hindi na lalampas ng 120 taon ang buhay ng tao pagkatapos Niya gunawin ang mundo sa pamamagitan ng baha. God saw the wickedness of man and what he is capable of.

Sa paningin ng Diyos, patay ang taong hindi pa napapatawad sa kaniyang kasalanan. They are spiritually dead. Humihinga ka nga physically pero patay ang iyong espiritu. Our spirit is the one which detects God’s presence. Kung patay ang iyong espiritu, your soul can never appreciate the things of God. Ito ang dahilan kung bakit marami ang hindi makaramdam na may Diyos at walang interes na lumapit sa Kaniya. They just cannot feel God’s presence in their lives. Spiritual death comes from living in sin. If we continue to live in sin, our spirits can never be made alive.

Jesus has the authority to judge all men, old and young. Hahatulan Niya tayo sa panahon ng ating pisikal na kamatayan. May mabigat na parusa na naghihintay sa lahat ng nabubuhay nang hiwalay sa Diyos. Ang lahat na binawian ng buhay na hindi napapatawad ang kanilang Kasalanan ay may isa pang kamatayang mararanasan—sa impiyerno. A person can spend eternity either in heaven or hell. No middle ground. Those who refuse to accept the Lordship of Christ in their lives, particularly those who are immoral and live sinful lives are hell-bound. Hindi ginawa ng Diyos ang impiyerno para sa tao, kundi para kay satanas at sa kaniyang mga demonyo. Ang trabaho ni satanas ay magsama ng pinakamaraming tao sa kaniyang huling hantungan. Maraming nagpapatunay na totoong may impiyerno, Cristiano man o hindi. Mismo ang Panginoong Hesus ang nagpaliwanag sa atin kung ano ang mararanasan natin doon. It is a place of unending fire and punishment, total darkness, full of tormenting worms, and a place of regrets and crying.

Maraming kabataan ang laging nagtatanong sa akin, Kuya, totoo ba talagang may impiyerno? Ang lagi kong sinasagot: Siyempre naman! Nonetheless, it doesn’t matter whether you believe in hell or not. Kahit hindi ka naniniwala, the truth remains-mayroong impiyerno. Kahit hindi mo pa siya nakikita o nararating, it exists. Often, we need to see the real thing before we believe it. Sa mga talagang naghahanap ng kasagutan, ito pa ang sinasabi ko: “If you only believe what you can see, NAKIKITA MO BA ANG UTAK MO? Kung hindi, it’s only logical to conclude that you don’t have a brain”.

Many consider hell as a figment of human imagination. Naniniwala sila sa langit ngunit hindi maatim na may impiyerno. Ang lagi nilang argumento: A loving God cannot send people to hell. Tama ba iyon? If we believe in Jesus, we must also believe in His words. Isa sa kaniyang binigyang-tuon ay ang walang hanggang kaparusahan sa mga hindi nananalig sa Kaniya. Siya mismo ang nagsabi nito: "I tell you, my friends, do not be afraid of those who kill the body but cannot afterward do anything worse. I will show you whom to fear: fear God, who, after killing, has the authority to throw into hell. Believe me, he is the one you must fear! God hates sin so He must punish sinners. After our physical death, there will never be a second chance. We must receive God's forgiveness before we die. The good news is: may ginawa ang Diyos upang huwag nating danasin ang impiyerno.

“..THAT HE GAVE HIS ONLY BEGOTTEN SON...”

Imagine this: Hinatulan ka ng death penalty dahil sa nagawa mong heinous crime. Nakahiga ka na sa deathbed para turukan ng lethal injection nang biglang nagdesisyon ang presidente ng Pilipinas. Binigyan ka ng presidential pardon with condition. Pinayagan nitong may sumalo sa iyong parusa. May mamamatay na para sa iyo. Natuwa ka at naramdaman mong parang may malaking pakong nabunot mula sa iyong dibdib. Hindi ka lamang maa-acquit sa iyong kaso, bibigyan ka pa ng pagkakataong mabuhay! Ganito ang ginawa ng Diyos nang mamamatay si Cristo sa krus para sa atin. Hindi pinabayaan ng Diyos na mapahamak ang tao. Siya mismo ang gumawa ng paraan—ibinigay Niya ang kaniyang bugtong na Anak na si Hesus upang siyang tumubos sa ating kasalanan. Masagwa o morbid mang pakinggan, dahil sa labis na pagmamahal ng Diyos sa atin, nagawa niyang ipapako sa krus ang kaniyang Anak.

Jesus paid the price we cannot pay. Hindi natin kayang iligtas ang ating sarili. Marami ang nagpipilit matamo ang kaligtasan sa pamamagitan ng pagdalo sa simbahan, pag-aayuno, pagdidisiplina sa kabutihang-asal at pagbibigay ng tulong sa mga charitable institutions. Walang mali sa paggawa ng mga ito. Pero ito ang tanong: ito ba ang makapagliligtas sa tao? May isang malungkot na na katotohanan. Gumawa man tayo ng mabubuting bagay, mananatiling parang maruming basahan lamang ang lahat ng iyon sa harap ng Diyos. Dahil makasalanan ang tao, hindi siya kailanman makakagawa ng isang bagay na malinis sa harap ng Diyos.

The Bible declares that we cannot be saved by our good works but only through the pure grace of God. Hindi natin kayang bayaran ang pagpunta sa langit dahil sa paningin ng Diyos, makasalanan tayo. We can never reach His standard of holiness. Ipinakita ng Diyos ang kaniyang kagandahang-loob sa pamamagitan ni Hesus na Siyang naging Kordero ng Diyos (sacrificial lamb) na nag-alis ng kasalanan ng sanlibutan. Sa pamamagitan Niya muling mabubuo ang ating relasyon sa Diyos. Si Hesus ang naging daan para matanggap tayo ng Diyos. At Siya lamang ang ibinigay ng Diyos, ang tanging daan upang makalapit tayo sa Kaniya. There are no other means from which man can be saved except through Christ. To prove that He is indeed the Savior of the world, He rose from the grave, three days after His death on the cross. Walang kabuluhan ang kamatayan ni Hesus sa krus kung hindi siya nabuhay-muli. Hindi tayo maililigtas ng isang patay na Hesus. It is His ressurection which confirmed God’s plan of salvation for mankind.

“…THAT WHOEVER BELIEVES IN HIM SHALL NOT PERISH BUT HAVE ETERNAL LIFE.”

Hindi sapat na malaman lang natin na namatay si Cristo para sa atin. Mas mahalagang maunawaan natin bakit Siya nag-alay ng buhay para sa sangkatauhan. Ang pinakamahalaga sa lahat ay tanggapin natin ang kaligtasang kaniyang ibinibigay. Salvation is a free gift. Kung hindi natin ito tatanggapin, hindi ito mapapasaatin. Kung bibigyan kita ng isang napakagandang cellphone at tinanggihan mo, masasabi mo bang sa iyo na iyon? Of course, not! Ganundin pagdating sa kaligtasan. If we don’t accept it, we are still under God’s judgment. All we have to do is accept Christ’s complete work on the cross. If you want to receive God’s salvation, do the there major A’s.

APPROACH GOD - Ang paglapit ang unang hakbang ng pagpapakumbaba natin sa Diyos. Maraming tao ang ayaw lumapit sa Diyos dahil nahihiya at puno ng guilt ang puso. However, God can only transform us if we will let Him interfere in our lives. Let us come boldly to His throne of grace so that we may find mercy. Kung lalapit tayo sa Kaniya, siguradong lalapit Siya sa atin. Makakaasa tayong hindi Niya tayo itataboy.

ADMIT YOUR SINFULNESS AND FORSAKE YOUR SINS - As we approach God, we must acknowledge our sinfulness. Kailangan nating aminin na nagkasala tayo sa Kaniya and we desperately need His forgiveness. Unless we see our filthiness before God, we can never fully appreciate Christ’s death on the cross. We have God’s promise that if we confess our transgressions, hindi lamang Niya tayo papatawarin kung hindi lilinisin rin mula sa lahat ng ating nagawang kamalian. When God forgives, He forgets. As in malinis na ang record mo sa paningin ng Diyos! Ang Diyos ay katulad ng isang ama na naghihintay sa pagbabalik ng kaniyang mga anak na nahiwalay sa Kaniya sa mahabang panahon.

After we acknowledged our sinfulness, we must also abandon a life of sin. Kung hindi natin tatalikdan ang ating kasalanan, hindi tayo kailanman makakalapit sa Diyos because He despises sin. Hindi Niya kailanman pakikinggan ang ating mga dalangin kung punong-puno ng karumihan ang ating puso. Walang saysay ang humingi ng tawad sa Diyos, pagkatapos ay maglulublob uli sa kasalanan. Inihambing ng Bible sa baboy ang mga taong gumagawa ng ganoong bagay. Niloloko lamang nila ang kanilang sarili. Ang kasalanan, hindi na dapat binabalikan.

ACCEPT CHRIST AS YOUR LORD AND SAVIOR- Naghihintay si Hesus na gawin mo Siya bilang Tagapagligtas at Panginoon ng iyong buhay. Kung magagawa mo iyon, He will come into your heart and positively transform your life. Si Hesus lamang ang paraan upang makaiwas tayo sa parusa ng kamatayan. Sa Kaniya natin dapat ipagkatiwala ang ating buhay. Ipapailalim natin ang lahat ng bahagi ng ating buhay (i.e. pag-aaral, pamilya, love life, trabaho) sa kaniyang kapangyarihan.

You may not understand the depth of God’s love and salvation. Maaaring marami ka pang tanong. But you must take the first step. Believe in what the Bible says is God’s way of salvation. Hayaan mong manguna si Hesus sa iyong buhay. Maari mong sambitin ang mga sumusunod na pangungusap bilang isang panalangin. Linawin ko lang: walang magical powers ang mga salitang ito. Hindi ka maililigtas ng mga salitang ito kahit sambitin mo siya nang makailang beses, maliban na lamang kung tunay silang magmumula sa iyong puso. Alam mo ba na ito ang pinakamahalagang panalangin na maari mong sambitin sa iyong buhay? Ready ka na? Now is the day to receive God’s salvation.

Hesus, lumalapit ako sa inyo at nagpapakumbaba. Inaamin ko na ako ay isang makasalanan. Patawarin Mo ako sa lahat ng aking nagawang kamalian, sa isip, sa salita at sa gawa. Salamat sa iyong ginawa sa krus ng kalbaryo upang bayaran ang aking kasalanan. Tinatanggap Kita bilang aking Panginoon, Diyos, Hari at Tagapagligtas ng aking buhay. Isinusuko ko sa Iyo ang aking buong pagkatao. Pangunahan mo at baguhin ang aking buhay. Ito ang aking samo’t dalangin. Amen.

ANO BA TALAGA ANG "CALLING" KO?

Lagi kong naririnig iyan sa mga kabataang kaga-graduate lang sa kolehiyo at mga young professionals na nababagot sa buhay. Nagtatanong si...