Friday, March 13, 2009

MAHAL MO BA MAGULANG MO?(The Value of Obeying our Parents)

Maraming kabataan ang nagrerebelde dahil hindi nila alam ang pamantayan ng Diyos pagdating sa paggalang at pagsunod sa magulang. Upang maging maayos ang ating pakikitungo sa kanila, dapat tayong makinig sa sinasabi ng Bibliya. Let’s read Ephesian 6:1-3 (MKJV):

Children, obey your parents in the Lord, for this is right. Honor your father and mother (which is the first commandment with a promise), so that it may be well with you, and that you may live long on the earth.

Sinasabi doon that we must obey our parents when we are still young. Ibig sabihin, mula sa ating kabataan hanggang sa tayo ay tumanda. Maraming teenagers ang sadyang matigas talaga ang ulo at ayaw sumunod sa magulang. Kapag sinabing huwag sasama sa masamang hilig ng barkada, lalong dumidikit sa mga masasamang “trip” ng mga kaibigan. Kapag sinabi ng magulang na bawal muna mag-boyfriend o mag-girlfriend, ayaw talagang papigil at lalo pang nanggigigil. Nakita na ito ni Apostol Pablo nang sabihin niya sa kaniyang anak-anakan na si Timoteo na marami ang magiging suwail sa kanilang mga magulang sa mga huling araw.

May isa akong trivia sa inyo. Alam ninyo ba na noong Old Testament Times, pinapatay ang mga suwail sa magulang sa bayan ng Israel? Ayon sa Kautusan, may naghihintay na parusa kung ating nilalapastangan ang ating mga magulang. The children will be brought to the elders and will be stoned to death. Ihaharap sila sa buong bayan at papanoorin habang pinapatay. Walang anak na lumalapastangan sa kaniyang magulang ang pagpapalain ang buhay. The Lord wants all of us to honor our earthly fathers and mothers. Kapag sinasabi nating mahal natin ang Panginoon ngunit sinusuway natin ang Panginoon, para nating niloloko lang natin Siya.

ANG DAKILANG GANTIMPALA

Nine out of the Ten Commandments are direct commandments. Walang anumang rewards na makukuha kapag iyong natupad. Hindi ka magnakaw, wala kang reward. Hindi ka mangalunya, good. Hindi ka magnakaw, ayos lang. But notice this. If we will obey the Lord by honoring our parents, may naghihintay na pangako sa atin. Two things: 1) magiging maayos ang buhay natin dito sa daigdig; at 2) we will have a long life on earth.

What do we mean by the first promise? It means that we can definitely experience the blessings of the Lord if we support and love our parents. So paano naman iyong pangalawang pangako? Sa mga burol ng patay malalaman natin kung naging maayos ang buhay ng namatay. May maririnig kang nagsasalita, “Mabuti na lamang at kinuha na siya ni Lord….” Parang ang sama pakinggan. I remember visiting a funeral where the deceased was praised for his goodness and kindness. Ang paghaba ng ating buhay ay hindi lamang nasusukat sa tagal ng ating paglakad sa daigdig na ito, kung hindi maging sa tagal ng pag-alala ng iba sa kabutihan ng Diyos sa buhay natin. Isang tanong ang maari kong ibigay sa lahat: Kung kukunin ka ni Lord ngayon (kunwari lang naman..) ano ang gusto mong maalala ng ibang tao tungkol sa iyo?Kailangan nating sumunod sa ating mga magulang bilang tanda ng pagpapasakop natin sa Panginoon. Our parents (father and mother) are the ones God tasked to protect and care for us. They should be the authority in our homes. When you disobey your parents, you are not only disobeying your parents, you are disobeying God.

CONSEQUENCES OF REBELLION

In the last days, children will be disobedient to their parents. Nakikita na natin ito ngayon. May babala ang Bibliya sa mga anak na ganito ang asal. Rebellious children often live destroyed lives. Ang mga ayaw pasakop sa magulang at gustong mabuhay nang walang nakikialam sa kanila ay ang mga kalimitang napapariwara. If you rebel against your parents, there will surely be disaster and calamity in your life. Kalimitang pinagtatawanan ng maraming tao ang mga anak na napapariwara. Parang sinasabi sa kanila, “Mabuti nga, sa iyo. Salbahe ka kasi!” Pinipili ng mga rebeldeng anak ang kanilang sinasapit. Nasa huli lagi ang pagsisisi. We do not want to be like the prodigal son in Luke 15. After spending all the riches he inherited from his father, he suffered from poverty and loneliness. Bumalik siya sa kanilang tahanan dahil naisip niya at naramdaman na mali ang kaniyang ginawa. It was a painful realization. Kailangang pang makipag-agawan siya ng pagkain sa mga baboy at iwan ng kaniyang mga kaibigan bago siya tuluyang magbalik sa kanilang tahanan at sabihing tanggapin na lamang siya bilang alipin. Again, nasa huli lagi ang pagsisisi.

No comments: