Wednesday, March 25, 2020

WHY LORD? (God and Crises)

Kapag humaharap tayo sa pagsubok, maraming katanungang nais nating masagot para gumaanan gating kalooban. We often ask “Why” questions sa Panginoon. “Bakit nangyayari sa akin ito?” “Bakit ako ang naghihirap at hindi sila?”

Pero tandaan natin; madalas, ang mga “Why” questions na iyan ay hindi talaga papunta sa pagresolba ng tanong at kapayapaan kundi sa mas marami pang katanungan. May pagkakataon na umaasta tayong parang may moral obligation si Lord na sagutin ang  lahat ng ating rant at angst sa buhay.

May kakayahang mag-rationalize ang marami. Pilit na binibigyan-solusyon ang lahat ng mga bagay na malabo at magulo. Madaling sabihin na ang Corona virus ay sumpa sa mga makasalanan, o parang “The Purge” ng mga pasaway. Ito rin daw ay paglilinis ng Diyos sa kalikasan na matagal nang sinasalaula ng sangkatauhan. O kaya naman, ay bunga ito ng tunggalian sa international geopolitics kaya nabulgar na ang kanilang bio-warfare strategies. Idagdag ninyo pa ang samu’t saring conspiracy theories na nagkalat sa  YouTube at social media.

Hindi ko alam ang sagot kung bakit pinadapa ng Corona Virus ang buong mundo. Hindi rin ako maaring maging “deterministic” sa pagsasabing ang sagot ko ay siya ngang nasa isipan ng Diyos. Hindi ko kailanman kayang arukin ang lalim ng Kaniyang mga panukala (Isaias 55:8-9). Ang alam ko lang ay ginising ng Corona virus ang ating diwa sa katotohanang maikli ang buhay sa daigdig at ang “vulnerability” ng lahat sa isang pandemic. We were not only exposed TO the virus, we were exposed BY the virus---ang ating mga takot, pangamba at pagpapahalaga sa buhay.

Sa kuwento ni Job sa Old Testament, may matinding itinuturo si Yahweh para sa lahat. Ito ang argumento ng mga kaibigan ni Job: “Akala ba namin God-fearing ka, bakit naghihirap ka?” Isa sa hinuha nila ay may kasalanang itinatago si Job kaya siya pinaparusahan ng Diyos. Sa bandang huli, sinabi ni Yahweh kay Job: huwag kang magpapaniwala sa mga kabigan mong sinungaling! (Job 42:7-8). Ouch. Kaya choose your friends and adviser well. Hindi lahat ng payo ay ayon sa kalooban ng Diyos.

Nang tanungin ni Job ang Diyos, ito ang sagot ni Yahweh: Sino ka para mag-alinlangan sa aking mga plano? (38:2). Ito pa ang Kaniyang tinuran (38:1-41): wala ka noong likhain ko ang mundo at hindi ikaw ang nagpasya kung gaano ito kalawak at kung paano nilikha ang mga elemento dito. Hindi ikaw ang nagdidilig sa mga tigang na lupa, nagpapayelo sa malalamig na karagatan at nagsasabi sa mga ulap na magbuhos ng ulan. Hindi ikaw ang gumawa ng mga bituin sa langit. Hindi rin ikaw ang nagpapakain sa mga leon at ibon sa himpapawid.

        Tumiklop si Job at kaniyang nasabi: Sino akong nangahas na kayo'y pag-alinlanganan gayong ako nama'y walang nalalaman?’ Nagsalita ako ng mga bagay na di ko nauunawaan, ng mga hiwagang di abot ng aking isipan(Job 42:3). End of discussion.

Sa halip na galugarin natin ang Bibliya at mag-isip ng kung ano-anong sapantaha at kuro-kuro sa mga particular at “time-specific will” ng Diyos sa bawat sitwasyon, bakit hindi natin hayaang manatiling isang matinding misteryo ang Diyos—na hindi kayang ikahon ng ating mga theological frames at intellectual pursuits? Unless, i-reveal Niya ang Kaniyang sarili sa atin, hayaan natin Siyang maging Diyos. Siya ang magdidikta ng diskusyon at impormasyon, hindi tayo.

Minsang sinabi ni Moises sa mga Israelita sa Deuteronomio 29:29: “May mga bagay na sadyang inilihim ng Diyos nating si Yahweh. Ngunit ipinahayag ang kautusang ito upang sundin natin at ng ating mga anak magpakailanman.” At dahil hindi natin kaya, balikan natin ang  matagal nang sinabi Niya sa atin na maaaring nakakalimutan natin?

Ang “general will” ni Lord para sa lahat ay tanggapin si Jesu-Cristo bilang Diyos, Panginoon at Hari ng ating buhay. Sa kabila ng banta ng pisikal na kamatayan, mahalagang tutukan natin ang ating buhay-espiritwal. Ano ang mapapala natin na kahit mabuhay tayo nang ilang milyong taon sa mundong ito kung mapapahamak naman ang ating kaluluwa? (Marcos 8:36, Roma 3:23, 6:23).

Pinapalutang ng krisis na ito na ang ating kaligtasan ay hindi sa antidote sa virus, sa mga medical professionals, sa mga pulitikong nagbibigay ng sa relief goods, kundi sa Panginoon na Siyang pinagmumulan ng buhay na ganap at kasiya-siya (Juan 14:6, 10:10b). Huwag nating ikatakot ang mga bagay na pumapatay lang sa pisikal na katawan kundi mas matakot tayo sa kayang pumatay ng kaluluwa sa impiyerno kung hindi tayo lalakad sa katuwiran at kabanalan ng Diyos ((Mateo 10:28)

Kung hindi mo pa isinusuko nang buo ang buhay mo sa Panginoon, ito ang tamang pagkakataon para magdesisyon (2 Corinto 6:2). Ikumpisal sa Kaniya ang lahat ng iyong kasalanan at hayaan mong linisin ka Niya sa iyong mga kalikuan (1 Juan 1:29). Veru gracious si Lord sa mga lumalapit sa Kaniya. Ipagkatiwala sa Kaniya ang buo mong pagkatao at masusumpungan mo ang kapayapaang hindi kayang ibigay ng mundo (Mateo 10:28-29, Juan 14:27, Galacia 2:20).

Sa halip na magtanong ng Why” questions, we better have “What” and “How” queries kay Lord. “Ano ang itinuturo mo sa akin Panginoon?”, “Ano ang next move ko sa dinadanas ko ngayon?” “Paano ko malalamapasan ang pagsubok na ito?” At habang nag-aabang tayo ng kasagutan, huwag mawawala ang pagtitiwala sa Panginoon. Ika nga ng isang awit ni Babbie Mason:

God is too wise to be mistaken
God is too good to be unkind.
So when you don't understand.
When don't see His plan.
When you can't trace His hand
Trust His Heart. Trust His Heart.

Anuman ang mangyari, walang makakapaghiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos—kahit ang kaguluhan, kapighatian, pag-uusig, pagkagutom, kahirapan, panganib, o kamatayan (Roma 8:31-39). Focus on Christ, not on the crisis.