Mahal na mahal tayo ng Diyos. The truth of the matter is: God does not love; He is love itself. Kung walang Diyos, walang pag-ibig. Marunong tayong umibig dahil ang lumikha sa atin ay PAG-IBIG. He has a wonderful plan for all of us. Because of His nature, He can never have “bad plans.” Lahat ng naisin Niya para sa atin ay maganda. Minahal na Niya tayo kahit hindi pa natin Siya nakikilala o sumasagi man sa ating isipan. He has loved us with His everlasting love. Hindi kailanman matatapos ang Kaniyang pagmamahal sa tao. Wala ring bagay ang maaring makapaghiwalay sa atin sa kaniyang pag-ibig. Pagbali-baligtarin man ang mundo, lumindol man, bumagyo, iwan man tayo ng lahat ng ating mga mahal sa buhay, nariyan ang Diyos, magmamahal sa atin.
Napakalapit sa puso ng Diyos ang tao. Ginawa Niya ang tao sa kaniyang wangis. Siya ang inatasan Niyang mamahala sa lahat ng Kaniyang nilikha. Ngunit mayroong isang malaking isyu: bakit hindi nararanasan ng marami ang pagmamahal at biyaya ng Diyos sa kanilang buhay? Ito ay dahil sa KASALANAN na siyang naghihiwalay sa atin sa Diyos. Dahil sa kasalanan, hindi makagalaw ang Diyos sa buhay ng marami. Ang kasalanan ay paglabag sa Kaniyang kautusan at kagustuhan. At ang lahat ay nagkasala. Sinungaling tayo kung sasabihin nating wala tayong kasalanan.
We must realize that God is holy. Dahil sa Siya ay banal, hindi Siya kailanman nagkakasala. Lahat ng Kaniyang ginagawa ay wasto at tama.Kung nais nating makapiling ang Diyos, kailangan nating maabot ang kaniyang pamantayan—we must also be holy. God wants perfect holiness: 100 percent. Ang problema, walang taong nakapasa sa Kaniyang requirement. Lahat tayo, bumagsak! Nasusunod mo ba lagi ang sampung utos ng Diyos? Dahil isa man lang ang hindi mo masunod sa mga iyon, itinuturing na nasuway mo na ang lahat. Nakapagsinungaling ka na ba? Biblical ang kasabihang, liars go to hell. Kapag labis kang napopoot sa iyong kapatid, maibibilang ka nang mamamatay tao. Para sa iba, kailangang kang sumiping sa asawa ng iba upang magawa ang pakikiapid o adultery. Mali. Sabi ng Panginoon, tumingin ka lang sa isang tao nang malaswa, nakikiapid ka na. In short, we are all sinners and fell short of the glory of God.
Ano ngayon ang ibubunga ng ating pagiging makasalanan? Maliwanag ang Salita ng Diyos: ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan. Mamamatay ang tao – physically and spiritually. The curse of death entered the human race when Adam and Eve rebelled against God in Garden of Eden. Naipasa sa mga sumunod na henerasyon ang makasalanang kalikasan ng tao. Hindi nagbabago ang statistics: 100 out of 100 people will die. Think of this: kung hindi pahihintulutan ng Diyos na magkaroon ng hangganan ang buhay ng makasalanang tao, marahil sangkaterbang World Wars na ang naganap sa mundo at siguradong puno ng hinagpis ang mabuhay sa daigdig. Minsang sinabi ng Panginoon kay Noe na hindi na lalampas ng 120 taon ang buhay ng tao pagkatapos Niya gunawin ang mundo sa pamamagitan ng baha. God saw the wickedness of man and what he is capable of.
Sa paningin ng Diyos, patay ang taong hindi pa napapatawad sa kaniyang kasalanan. They are spiritually dead. Humihinga ka nga physically pero patay ang iyong espiritu. Our spirit is the one which detects God’s presence. Kung patay ang iyong espiritu, your soul can never appreciate the things of God. Ito ang dahilan kung bakit marami ang hindi makaramdam na may Diyos at walang interes na lumapit sa Kaniya. They just cannot feel God’s presence in their lives. Spiritual death comes from living in sin. If we continue to live in sin, our spirits can never be made alive.
Jesus has the authority to judge all men, old and young. Hahatulan Niya tayo sa panahon ng ating pisikal na kamatayan. May mabigat na parusa na naghihintay sa lahat ng nabubuhay nang hiwalay sa Diyos. Ang lahat na binawian ng buhay na hindi napapatawad ang kanilang Kasalanan ay may isa pang kamatayang mararanasan—sa impiyerno. A person can spend eternity either in heaven or hell. No middle ground. Those who refuse to accept the Lordship of Christ in their lives, particularly those who are immoral and live sinful lives are hell-bound. Hindi ginawa ng Diyos ang impiyerno para sa tao, kundi para kay satanas at sa kaniyang mga demonyo. Ang trabaho ni satanas ay magsama ng pinakamaraming tao sa kaniyang huling hantungan. Maraming nagpapatunay na totoong may impiyerno, Cristiano man o hindi. Mismo ang Panginoong Hesus ang nagpaliwanag sa atin kung ano ang mararanasan natin doon. It is a place of unending fire and punishment, total darkness, full of tormenting worms, and a place of regrets and crying.
Maraming kabataan ang laging nagtatanong sa akin, Kuya, totoo ba talagang may impiyerno? Ang lagi kong sinasagot: Siyempre naman! Nonetheless, it doesn’t matter whether you believe in hell or not. Kahit hindi ka naniniwala, the truth remains-mayroong impiyerno. Kahit hindi mo pa siya nakikita o nararating, it exists. Often, we need to see the real thing before we believe it. Sa mga talagang naghahanap ng kasagutan, ito pa ang sinasabi ko: “If you only believe what you can see, NAKIKITA MO BA ANG UTAK MO? Kung hindi, it’s only logical to conclude that you don’t have a brain”.
Many consider hell as a figment of human imagination. Naniniwala sila sa langit ngunit hindi maatim na may impiyerno. Ang lagi nilang argumento: A loving God cannot send people to hell. Tama ba iyon? If we believe in Jesus, we must also believe in His words. Isa sa kaniyang binigyang-tuon ay ang walang hanggang kaparusahan sa mga hindi nananalig sa Kaniya. Siya mismo ang nagsabi nito: "I tell you, my friends, do not be afraid of those who kill the body but cannot afterward do anything worse. I will show you whom to fear: fear God, who, after killing, has the authority to throw into hell. Believe me, he is the one you must fear! God hates sin so He must punish sinners. After our physical death, there will never be a second chance. We must receive God's forgiveness before we die. The good news is: may ginawa ang Diyos upang huwag nating danasin ang impiyerno.
“..THAT HE GAVE HIS ONLY BEGOTTEN SON...”
Imagine this: Hinatulan ka ng death penalty dahil sa nagawa mong heinous crime. Nakahiga ka na sa deathbed para turukan ng lethal injection nang biglang nagdesisyon ang presidente ng Pilipinas. Binigyan ka ng presidential pardon with condition. Pinayagan nitong may sumalo sa iyong parusa. May mamamatay na para sa iyo. Natuwa ka at naramdaman mong parang may malaking pakong nabunot mula sa iyong dibdib. Hindi ka lamang maa-acquit sa iyong kaso, bibigyan ka pa ng pagkakataong mabuhay! Ganito ang ginawa ng Diyos nang mamamatay si Cristo sa krus para sa atin. Hindi pinabayaan ng Diyos na mapahamak ang tao. Siya mismo ang gumawa ng paraan—ibinigay Niya ang kaniyang bugtong na Anak na si Hesus upang siyang tumubos sa ating kasalanan. Masagwa o morbid mang pakinggan, dahil sa labis na pagmamahal ng Diyos sa atin, nagawa niyang ipapako sa krus ang kaniyang Anak.
Jesus paid the price we cannot pay. Hindi natin kayang iligtas ang ating sarili. Marami ang nagpipilit matamo ang kaligtasan sa pamamagitan ng pagdalo sa simbahan, pag-aayuno, pagdidisiplina sa kabutihang-asal at pagbibigay ng tulong sa mga charitable institutions. Walang mali sa paggawa ng mga ito. Pero ito ang tanong: ito ba ang makapagliligtas sa tao? May isang malungkot na na katotohanan. Gumawa man tayo ng mabubuting bagay, mananatiling parang maruming basahan lamang ang lahat ng iyon sa harap ng Diyos. Dahil makasalanan ang tao, hindi siya kailanman makakagawa ng isang bagay na malinis sa harap ng Diyos.
The Bible declares that we cannot be saved by our good works but only through the pure grace of God. Hindi natin kayang bayaran ang pagpunta sa langit dahil sa paningin ng Diyos, makasalanan tayo. We can never reach His standard of holiness. Ipinakita ng Diyos ang kaniyang kagandahang-loob sa pamamagitan ni Hesus na Siyang naging Kordero ng Diyos (sacrificial lamb) na nag-alis ng kasalanan ng sanlibutan. Sa pamamagitan Niya muling mabubuo ang ating relasyon sa Diyos. Si Hesus ang naging daan para matanggap tayo ng Diyos. At Siya lamang ang ibinigay ng Diyos, ang tanging daan upang makalapit tayo sa Kaniya. There are no other means from which man can be saved except through Christ. To prove that He is indeed the Savior of the world, He rose from the grave, three days after His death on the cross. Walang kabuluhan ang kamatayan ni Hesus sa krus kung hindi siya nabuhay-muli. Hindi tayo maililigtas ng isang patay na Hesus. It is His ressurection which confirmed God’s plan of salvation for mankind.
“…THAT WHOEVER BELIEVES IN HIM SHALL NOT PERISH BUT HAVE ETERNAL LIFE.”
Hindi sapat na malaman lang natin na namatay si Cristo para sa atin. Mas mahalagang maunawaan natin bakit Siya nag-alay ng buhay para sa sangkatauhan. Ang pinakamahalaga sa lahat ay tanggapin natin ang kaligtasang kaniyang ibinibigay. Salvation is a free gift. Kung hindi natin ito tatanggapin, hindi ito mapapasaatin. Kung bibigyan kita ng isang napakagandang cellphone at tinanggihan mo, masasabi mo bang sa iyo na iyon? Of course, not! Ganundin pagdating sa kaligtasan. If we don’t accept it, we are still under God’s judgment. All we have to do is accept Christ’s complete work on the cross. If you want to receive God’s salvation, do the there major A’s.
APPROACH GOD - Ang paglapit ang unang hakbang ng pagpapakumbaba natin sa Diyos. Maraming tao ang ayaw lumapit sa Diyos dahil nahihiya at puno ng guilt ang puso. However, God can only transform us if we will let Him interfere in our lives. Let us come boldly to His throne of grace so that we may find mercy. Kung lalapit tayo sa Kaniya, siguradong lalapit Siya sa atin. Makakaasa tayong hindi Niya tayo itataboy.
ADMIT YOUR SINFULNESS AND FORSAKE YOUR SINS - As we approach God, we must acknowledge our sinfulness. Kailangan nating aminin na nagkasala tayo sa Kaniya and we desperately need His forgiveness. Unless we see our filthiness before God, we can never fully appreciate Christ’s death on the cross. We have God’s promise that if we confess our transgressions, hindi lamang Niya tayo papatawarin kung hindi lilinisin rin mula sa lahat ng ating nagawang kamalian. When God forgives, He forgets. As in malinis na ang record mo sa paningin ng Diyos! Ang Diyos ay katulad ng isang ama na naghihintay sa pagbabalik ng kaniyang mga anak na nahiwalay sa Kaniya sa mahabang panahon.
After we acknowledged our sinfulness, we must also abandon a life of sin. Kung hindi natin tatalikdan ang ating kasalanan, hindi tayo kailanman makakalapit sa Diyos because He despises sin. Hindi Niya kailanman pakikinggan ang ating mga dalangin kung punong-puno ng karumihan ang ating puso. Walang saysay ang humingi ng tawad sa Diyos, pagkatapos ay maglulublob uli sa kasalanan. Inihambing ng Bible sa baboy ang mga taong gumagawa ng ganoong bagay. Niloloko lamang nila ang kanilang sarili. Ang kasalanan, hindi na dapat binabalikan.
ACCEPT CHRIST AS YOUR LORD AND SAVIOR- Naghihintay si Hesus na gawin mo Siya bilang Tagapagligtas at Panginoon ng iyong buhay. Kung magagawa mo iyon, He will come into your heart and positively transform your life. Si Hesus lamang ang paraan upang makaiwas tayo sa parusa ng kamatayan. Sa Kaniya natin dapat ipagkatiwala ang ating buhay. Ipapailalim natin ang lahat ng bahagi ng ating buhay (i.e. pag-aaral, pamilya, love life, trabaho) sa kaniyang kapangyarihan.
You may not understand the depth of God’s love and salvation. Maaaring marami ka pang tanong. But you must take the first step. Believe in what the Bible says is God’s way of salvation. Hayaan mong manguna si Hesus sa iyong buhay. Maari mong sambitin ang mga sumusunod na pangungusap bilang isang panalangin. Linawin ko lang: walang magical powers ang mga salitang ito. Hindi ka maililigtas ng mga salitang ito kahit sambitin mo siya nang makailang beses, maliban na lamang kung tunay silang magmumula sa iyong puso. Alam mo ba na ito ang pinakamahalagang panalangin na maari mong sambitin sa iyong buhay? Ready ka na? Now is the day to receive God’s salvation.
Hesus, lumalapit ako sa inyo at nagpapakumbaba. Inaamin ko na ako ay isang makasalanan. Patawarin Mo ako sa lahat ng aking nagawang kamalian, sa isip, sa salita at sa gawa. Salamat sa iyong ginawa sa krus ng kalbaryo upang bayaran ang aking kasalanan. Tinatanggap Kita bilang aking Panginoon, Diyos, Hari at Tagapagligtas ng aking buhay. Isinusuko ko sa Iyo ang aking buong pagkatao. Pangunahan mo at baguhin ang aking buhay. Ito ang aking samo’t dalangin. Amen.
No comments:
Post a Comment