Thursday, March 26, 2009

Taming your Tongue (Liars go to Hell)

Alam ninyo ba na ang pinakamalakas na muscle natin sa katawan ay ang ating dila? Ito siguro ang dahilan kung bakit walang tigil ang iba sa kasasalita at kakukuwento. Nakita ko ang kapangyarihan ng salita nang malaman ko ang pinagdaanan ng isang kabataang nakasama ko sa isang ministeryo.

Proverbs 18:21 (CEV) states: “Words can bring death or life! Talk too much, and you will eat everything you say.” Words are also described as weapons, as swords and arrows. Kailangang maghinay-hinay tayo sa ating sinasabi upang hindi natin anihin ang masasamang bunga nito. The words we say our spiritual and have spiritual implications. Binalaan na tayo ng Panginoon sa pagsasalita ng mga masasamang bagay. He said in Matthew 12:36-37 (GNB): You can be sure that on the Judgment Day you will have to give account of every useless word you have ever spoken. Your words will be used to judge you---to declare you either innocent or guilty. Ano ba ang tinutukoy na “useless words” ng Panginoon? Ito iyong mga salita na sinabi nating walang kabuluhan. Wala mabuting paggagamitan. Nasabi marahil dahil sa galit. Nasabi nang hindi nag-iisip. These are the words people “do not really mean”. Iyong sinabi pero hindi alam ang ibubunga. We can be trapped by the useless things we say and the words of our mouth.

Our words are a window to our soul. Malalaman ng iba ang ating pagkatao sa uri ng ating pananalita. Jesus said that out of the abundance of the heart, our mouth speaks. Malalaman mo ang kundisyon ng puso ng isang tao sa pamamagitan ng mga salitang lumalabas sa kaniyang bibig. Kung panay galit ang nasa puso mo, panay galit din ang lalabas sa iyo. Sa mga namomroblema sa pera, panay pangangailangan sa pera ang laging nasasabi.

Napakahirap supilin ng ating dila. Kaya nitong kontrolin ang buo nating katawan. May kakayahan itong gumawa ng mabuti at masama. Dito nanggaling ang mga papuri sa Diyos subalit dito rin nagmumula ang paglibak sa ating kapwa. Kung nagagawa na raw nating makontrol ito, sabi ng Bible, PERFECT na tayo! Siguradong wala pang taong nakakagawa noon. Kung kaya, hindi puwedeng parehong magmula sa ating dila ang papuri sa Panginoon at pagsasalita ng mga bagay na makakasakit sa Kaniyang puso. Kung tunay tayong matalino, kontrolin natin ang ating pananalita. Kapag matutunan nating magpigil sa ating dila, maiiwasan nating magkasala at mapasama sa anumang gulo o pakikipag-away.

LIARS GO TO HELL

Sumikat noong nasa kolehiyo ako ang pelikulang, Liar, Liar (Universal Pictures, 1997, starring Jim Carrey) dahil sa kakaibang kuwento nito. Tungkol ito sa buhay ni Fletcher Reede, isang diborsyadong abogadong puro katotohanan ang lumalabas sa bibig dahil hiniling ng kaniyang anak, si Max, sa Diyos na huwag na siyang makapagsinungaling. Lagi kasing hindi niya tinutupad ang pangako sa anak. Kung kaya, sa tuwing haharap siya sa korte, hindi niya maipanalo ang kahit anong kaso na kailangan siyang magsinungaling. Lahat ng lumalabas sa kaniyang bibig ay pawang katotohanan. Ang lahat ng saloobin niyang pilit na tinatago ay nasasabi rin niya dahil hindi siya puwedeng magkunwari. Hindi rin siya makapagsulat ng kasinungalingan dahil pinipigilan ng kaniyang kamay ang pagsusulat ng mga maling bagay.

Ang nakakalungkot, walang taong katulad ni Fletcher. Lahat tayo ay nakapagsinungaling na at may posibilidad pa ring makapagsinungaling. Hindi mo puwedeng sabihin na hindi ka pa nakakapagsinungaling, nang hindi nagsisinungaling. Gets? Dahil lahat ng tao ay nakapagsisinungaling.

Talamak din ang pagsisinungaling sa loob ng eskwelahan. Maraming lumilinaw ang mata at humahaba ang leeg kapag oras ng exams. Tandaan natin na kahit kailan, hindi natutuwa ang Panginoon sa mga sinungaling. He hates liars. May naghihintay na parusa sa kanila. Biblikal ang kasabihang “Liars go to hell” at “kapatid ng sinungaling ang magnanakaw”. The Devil is the father of lies. Kung kaya, sa bawat pagsisinungaling na ating ginagawa, natutuwa si satanas. Doon siya expert—ang magsinungaling. Sabi ng salmista, ang mapaggawa ng masama, sa simula’t simula pa ay sinungaling na.

We lie when we do not tell the truth. Kapag hindi natin sinabi ang tunay na dahilan kung bakit hindi tayo umuwi ng bahay. Sinabi sa magulang na nagkaroon ng group study para sa final exams, pero ang totoo nag-overnight kasama sa bahay ng kabarkada sa Tagaytay. Adding information is also a lie. Kapag masyado ka OVER-OVER-EXXAGERATED at punong-puno ng SUPERLATIVES ang ating mga sinasabi. Those who exaggerate facts are not truthful. Karamihan sa kanila gusto lang magpa-impress at umangat ang pagtingin sa kanila ng iba. The truth is, they are lying.

We lie when we do not say the whole truth. Sinasabi lamang natin ang mga bagay na gustong marining ng ating kapwa o ang gusto nating sabihin. Sometimes we do not say things na makakasakit ng damdamin ng ating kapwa. Tawag doon half-truths. It is good to consider the feelings of others but it is better to tell him/her the truth para sa kaniyang pagbabago. We must remember, “open rebuke is better than secret love.” Ganundin, minsan sinasabi lang natin ang gusto nating sabihin to protect ourselves. Dahil sa ayaw nating madawit sa kontrobersiya, mas pinipili nating huwag na lamang magsalita. Ika nga, no talk, no trouble. But the Bible declares that we should do good, if we have the power to do it.

We also lie when we bear false witness. Ito ay kapag nagsasabi tayo ng mga hindi totoo o gawa-gawang bagay upang paniwalain ang ating kapwa. During the time of Jeremiah, many false prophets arose. God punished them because they invented revelations and dreams which many people believed. Paparusahan ng Diyos ang lahat ng mga taong nag-iimbento ng mga akusasyon.

We lie when we break our promises. Ecclesiastes 5:4-5 (GNB) states “So when you make a promise to God, keep it as quickly as possible. He has no use for a fool. Do what you promise to do. Better not to promise at all than to make a promise and not keep it. Huwag na huwag tayong mangangako na hindi natin tutuparin. Hihintayin ng Diyos ang katuparan ng ating mga pangako. Hindi niya makakalimutan ang lahat ng iyon.

If our character does not reflect our faith, we lie. Kung sinasabi nating mahal natin ang Diyos ngunit hindi naman natin ginagawa ang kaniyang kalooban, sinungaling tayo. Kung sinasabi din nating mahal natin ang Diyos subalit hindi natin magawang mahalin ang ating kapwa, sinungaling tayo.

Did you know that lying to God can be deadly? Mapapahamak tayo sa pagsisinungaling. May mag-asawa sa Bibliya na nagngangalang Ananias at Zafira na nagsinungaling sa Diyos. Sa halip na ibigay sa mga kapwa-Kristiyano ang pinagbilhan nila ng kanilang lupa, katulad ng kaugalian ng mga mananampalataya, nagnakaw sila mula sa kanilang kita. Ano ang kanilang naging parusa? Namatay sila sa harap ng maraming Cristiano. Dahil dito, mas lalong natakot ang tao sa paggawa ng kasalanan. Huwag na nating hintayin na bumulagta tayo sa harap ng maraming tao dahil sa pagsisinungaling. The truth will always set us free. If you are honorable Christian, you should be truthful. We must keep from speaking evil and stop telling lies.

No comments: