PANLABAN SA PROCRASTINATION
May ilang bagay na kailangang isaisip kung ayaw maging biktima ng procrastination. Kalimitang, hindi ang bigat at hirap ng proyekto ang problema kung hindi ang attitude toward the work. First, motivate yourself to work on a task with the idea that NOW is the right time to do it. We do not know what will happen tomorrow. Gawin na NGAYON ang trabaho at piliting tapusin iyon NGAYON. Wala nang pabukas-bukas pa. Second, prioritize the tasks you have to do. Iwasan ang sobrang gimik kung may project. Tigilan ang masyadong panonood ng TV o paglalaro ng video games. Sabi nga nila, PRESSURE first before PLEASURE. Mas magandang mag-window shopping at gumimik kasama ang barkadas kapag wala ka nang iniisip na trabaho o deadlines.
Pangatlo, ipinapayong gawin ang trabaho kung kailan buhay na buhay ang iyong dugo. Iyong gising na gising ka. May mga peak-time ang ating utak. Alamin kung kailan iyon—sa umaga, tanghali o gabi. Isa-alang-alang rin ang lugar at mga bagay na makakatulong sa iyong mabilis na mag-isip. Find a good place. Kung gusto mo sa park gumawa dahil doon mo matatapos ang santambak mong trabaho, nasa iyo iyon. May kilala ako na labis na nagiging productive kapag may nakapasak na earphone sa tenga na halos marinig mo na ang kaniyang pinakikingan na music. Pang-apat, iwasan ang ma-frustrate at ma-overwhelm. Hatiin ang malakihang trabaho sa mga malililiit na gawain at i-schedule ang paggawa. Isang dahilan kung bakit ayaw nang ituloy-tuloy ng maraming estudyante ang trabaho ay nakikita nila ang laki ng trabaho. Nalulula at nabibigatan. Unti-unti lang. Baka mahina ang kalaban. Unahin ang mga bagay na madaling matapos. Set reasonable time frame to finish your work. Also set realistic standards.
Panglima, although hindi relaxing ang paggawa ng project, be cool. Give yourself a break kapag namumula na ang mata sa tapat ng computer. Pumikit muna for 10 minutes o take a nap. Listen to music that will relax your mind. Do tasks that will not wear you down. Kailangang lagi kang may energy. Kapag natapos ang ginagawa, reward yourself. You deserve it.
MANAGE YOUR TIME
May tatlong kalendaryong kailangang gawin ang bawat estudyante. Tig-iisa para sa long-term schedule, intermediate o weekly schedule at short-term o day schedule. Mas magandang mag-print ng mga schedule na ito at idikit o ilagay kung saan sila madaling makikita as a reminder (dingding, pintuan ng kuwarto, salamin). The major rule is be OBEDIENT and CONSISTENT to the designated schedule.
Ang long-term schedule ay ang mga bagay na kailangang mong gawin sa loob ng isang semestre o isang academic year. Ito ang batayan ng pag-a-adjust ng iyong mga gawain o schedule sa ibang bagay. I suggest that you make it by day para madaling sundan.
Ang intermediate o weekly schedule ay kinabibilangan ng mga bagay na kailangan mong gawin na may kinalaman sa iyong mga academic subjects at non-academic activities. Again, do this according to the day of activity/activities.
Samantala, ang short-term schedule ay listahan ng mga bagay na kailangan mong gawin sa loob ng isang araw. It is your schedule for the next day.
BE ON TIME!
Isa pang sakit ng maraming estudyante ang tardiness o pagiging late sa eskwela. Isa na ako doon noong ako ay nasa haiskul. I learn many things the hard way. Maniniwala ba kayong tatlong-daang (300) metro lang ang layo ng bahay namin sa eskwelahan—at yes, nale-late pa ako? Bakit? Kasi masyado akong confident na hindi ako male-late. Alas-6:30 ng umaga ang pasok namin noon. Gumigising ako ng 6AM. Kapag hindi pa na-aalimpungatan sa higaan, mag-i-inin pa (parang sinaing ba...sinisiguradong luto na ang bigas). Ilang minuto pang nakahiga. Pero nagbago ako ng style nang fourth year high school na ako. Nagkaroon ako ng guro na sobrang aga sa pagpasok. Galing pa siya sa Cavite noon papunta ng Pasig. Hindi lang iyon, napakalaki ng boses at mabulaklak ang kaniyang bunganga sa mga late pumasok. Sa tuwing nale-late ako, lagi akong may welcome na ”MR. MOLMISA, LATE KA NA NAMAN!” Dahil sa ayaw ko nang mabansagan na THE LATE MR. MOLMISA, gumigising na ako nang maaga.
Nang magsimula akong magturo sa isang unibersidad, binigyan ako ng klase sa umaga. Kinuha ko siya dahil gusto kong matutong magising nang maaga. Dahil alas-8 ang klase ko, kailangang naka-talilis na ako sa bahay ng alas-6. Minsan, hiniling ng mga estudyante ko na bigyan ko ng additional grade ang makakatapos ng semestre na walang absence. Nagdalawang-isip pa ako kung pagbibigyan ko sila. Inakala kong madali namang pumasok ng alas-8 ng umaga. I succumbed to their request. Doon ko nalaman, sa pagtatapos ng semestre, na halos 10 lang sa 41 kong estudyante sa section na iyon ang makakakuha ng additional grade. Iyong mga walang absence, minsan nale-late pa nga. Noon ko nalaman na mahirap talagang gumising ng maaga.
We must always be ON TIME in attending classes and personal appointments. If we are too early, we are wasting our time. If we are late, we are wasting others’ time. Show respect by coming on time. Nagiging maganda tayong halimbawa sa ating mga kaibigan sa tuwing pumapasok tayo sa tamang oras. Isang malaking dagok sa patotoo ng isang Cristianong kabataan ang masabihang LATE-COMER. Laging kinaasaran kapag may mga lakad dahil siya ang laging hinihintay. Huwag maging notorious sa pagiging late.
Also, when we attend our classes on time, we show respect to our teachers and their subjects. This is the reason I always check the attendance of my students before I start my lecture. I value punctuality because I don’t want my subject to be taken for granted. Kung lagi kang late, isa lang ang ibig sabihin noon, hindi mo masyado binibigyan ng importansya ang subject na iyon. As if, ok lang ma-late sa klase. That should not happen. Matulog nang maaga. Iwasan ang sobrang gimmicks sa gabi. Early to bed, early to rise.
We must also submit assignments and projects ON TIME. Maraming estudyante ang may sakit na HOMEWORKITIS. Laging nagkakasakit kapag homework na ang pinag-uusapan. Kaya pagpasok sa eskwela, sa kaklase umaasa. Pagdating naman sa pagpapasa ng project, paborito din ng marami ang kasabihang, BETTER LATE THAN NEVER. Huli man daw at magaling, naihahabol pa rin. Ang tamang sagot doon: If you submit your project late, laging may deductions. Kung minsan, hindi na nga tinatanggap kaya nasasayang ang pinagpaguran (kung talagang pinagpaguran). At madalas, ang mga project at term papers na pinasang late ay hindi maayos at maganda ang pagkakagawa. Minadali kasi. Huwag masanay sa ganitong asal. We must always give our best in everything that we do.
Kung kaya, para sa mga laging late: Huli ka man at magaling, HULI KA PA RIN. Hence, “IT IS BETTER NOT TO BE LATE!
1 comment:
This is a nice post. Kasi miyembro din ako ng Department of Procrastination.. Feeling ko nga Department Head ako dun...he he he
Post a Comment