Sunday, April 05, 2009

TAMING YOUR TONGUE (Profanities, Swearing and Cussing)

Mayroon kaming kapitbahay noon na ang lutong nang magmura kahit anim na taong gulang pa lamang. Na-develop sa kaniya ang ugaling ito dahil sa laging siyang minumura ng kaniyang magulang. Ganundin ang ilang kaklase ko sa hayskul na sadyang bulaklak na ng kanilang bibig ang pagmumura. Madulas, mura. Makakita ng magandang babae, mura. Kapag nagalit, talagang malutong magmura! Kahit kapag nagbibitiw ng jokes, mura nang mura sa tuwa. Kaya pag-uwi ko sa bahay, ang mga mura niya na minsan ang laman ng utak ko. Nang ako ay tumuntong ng kolehiyo at magtrabaho, ibang level naman ng pagmumura ang naririnig ko-English na!

OK LANG BANG MAGMURA?

Our culture often determines what words can be considered as profanities and vulgar. Malalaman mo na mali ang sinasabi mo kung hindi mo masasabi iyon sa pakikipag-usap sa iyong magulang, amo mo sa trabaho, o sabihin sa broadcast at print media tulad ng diyaryo, telebisyon at radyo. Para naman sa iba, ok lang magmura kasi dapat lamang ilabas ang iyong galit na kalimitang bunga ng pagmumura. Kung hindi magkaka-alta presyon ka at magkakasakit sa puso. Ang pagmumura daw ay isang paraan ng “emotional release”. Vulgar words are considered by many as normal expressions and should never be a big deal.


Sa lahat ng ito, babalikan pa rin natin ang sinabi ng Panginoon---na ang anumang bagay na lumalabas sa ating bibig ay sumasalamin sa kundisyon ng ating puso. Kailangang unahin natin ang pagbabago ng puso kung gusto nating mawawala sa ating mga bibig ang masasamang pananalita. In short, ang mga taong madalas magmura ay yaong may problema ang kundisyon ng puso. As Christians, we should stop telling crude or vulgar words. Kung mga pangit na salita pa rin ang lalabas sa ating bibig, wala tayong pinagkaiba sa mga taong walang takot sa Diyos na parang imburnal ang mga bibig sa dumi ng kanilang pinagsasabi.


KICK THE “OH MY GOD!” HABIT

Kapag tinatawag ang pangalan mo, napapalingon ka ba o wala kang reaksyon? Siyempre, lilingon ka kasi narinig mo ang pangalan mo. Palagay mo, kung sasabihin mo, OH MY GOD!, mapapalingon ba ang Diyos? E, kung sabihin mo sa Kaniya, “Sorry Lord, hindi naman kita tinatawag e!” Kung ganoon, parang niloloko mo lang ang Diyos. Nasasaktan ang puso ng Diyos kung binabanggit natin ang Kaniyang pangalan sa mga bagay na walang kabuluhan. We are cheapening the name of our Creator if we say His name as a mere expression. These words are called profanities which express irreverence to things that are sacred or holy. Dahil sa Siya ay banal, ipinagbabawal Niya ang maling paggamit ng Kaniyang pangalan. Ang Kaniyang pangalan ay ang Kaniyang karangalan. Ito ang pangatlong utos ng Diyos. We must use the name of God with holy fear and reverence.


Kailangang nating iwasan ang maling paggamit ng pangalan ng Diyos. Minsan, ginagamit pa natin ang pangalan ng Diyos sa pangangako sa ating kapwa: Saksi ko ang Diyos, Mamatay man ako, babayaran kita! Minsan sinabi ng Panginoon na huwag na huwag tayong susumpa sa Kaniyang pangalan dahil wala tayong maipagmamalaki. Lumalabas na dinadamay pa natin Siya sa mga pagkakataong hindi natin matutupad ang ating pangako. We should not swear in behalf of His name or His creations. Just say “Yes” or “No” whenever we promise something.


Mayroon din tayong tinatawag na mga “minced oaths” o mga patagong panunumpa sa pangalan ng Diyos. Minced oaths are corrupted forms of (usually religion-related) swear words that originally arose in English culture sometime before the Victorian Age. Ang mga salitang ito ay mga tagong pagmumura na ginamit noon sa Great Britain upang hindi mahalata ng mga makapangyarihan ang mga pangit na pananalita. May parusa kasi sa mga taong sumusumpa sa pangalan ng Diyos. Madalas natin itong maririnig sa mga pelikula, radyo at telebisyon, pero hindi na pinapansin ng marami. Ilan lamang sa mga ito ay ang sumusunod:



  • By golly = By God's body
  • By gosh = By God
  • My gosh = My God
  • Chrissakes = For Christ's sake
  • Darn = Damn (hell)
  • For crying out loud = For Christ's sake
  • Gee = Jesus or Jerusalem
  • Geez = Jesus
  • Gee whizz = Jesus
  • Good grief = Good God
  • Goodness gracious = Good God
  • Gosh = God
  • Heck = Hell
  • Jeepers Creepers = Jesus Christ
  • Jeez = Jesus
  • My goodness = My God
  • Susmaryosep = Jesus, Maria, Jose


The Bible declares that the name Jesus is above every name. It should be respected and revered. Hindi natin dapat ginagawang simpleng “emotional expression” ang pangalan ng Panginoon kung nabibigla, nagugulat o kaya naman ay wala nang maisip sabihin. Malinaw ang pamantayan ng Panginoon. Kailangang iwasan natin ang mga usapan at pananalitang walang kabuluhan. Kasama ito sa tinutukoy ni Pablo na mga birong hindi nararapat. Profanities do not not please God in any way.


SPEAK BLESSINGS, NOT CURSES


Our lips should speak blessings, not curses or cusses. Kapag galit tayo, madaling sabihin sa kaaway natin, “Masagasaan ka sana ng ten-wheeler truck!” Matalisod ka sana at mahulog sa imburnal! Hindi ito nakalulugod sa Diyos. Hindi tayo dapat nagsasabi ng masasamang bagay sa ating kapwa. Romans 12:14 declares that we should ask God to bless those who persecute us, ask Him to bless, not curse them.


Kahit sinisira ng mga maling impormasyon ang ating reputasyon, umasa tayong ipagtatanggol tayo ng Panginoon. Just like David who was once a victim of false accusations, believe that God will vindicate us. Siya ang magtatanggol sa atin sa bandang huli. Kung mayroon mang mga taong nag-iimbento ng mga akusasyon laban sa atin dahil sa ating pagiging Cristiano, matuwa tayo dahil sa napapatunayan natin sa ating sarili na tayo ay talagang mga anak ng Diyos. Wala na dapat sa bokabularyo natin ang paghihiganti. Hindi natin dapat ginagantihan ng masama ang mga taong gumagawa sa atin ng masama. We must always overcome evil with good.


Hindi lamang tayo nakapagsasabi ng sumpa sa ating kapwa. Nakapagsasalita din tayo ng mga sumpa sa ating buhay. Iyong tayo ang may kagagawan. Mga salitang nagbibigay sa atin ng problema. Kapag sinabi mong, “Bobo ako. Hindi na ako gagaling kahit kailan sa Math”, maaring bumagsak ka nga sa Math exam mo kahit hindi ka bobo. Kailangang bawiin natin ang lahat ng mga masasamang bagay na sinabi natin sa ating kapwa at ating sarili. God does not want us to suffer from curses. It is his will for us to live in blessings and good life.


Our words should be used not to tear down but to build-up. Huwag na huwag gagamitin ang pananalita para manakit ng kapwa. Our speech should always be pleasant and interesting. We should not use harmful words but only helpful words that could build us up and other people’s lives. Let no unwholesome words or worthless talk come from our mouth, but only those which are beneficial and would be blessings to those who will hear it.

2 comments:

John Rey Labong said...

Your blog kuya Ronald is such a great at makatotohanan. it has a good blog posts which is maganda syang mabasa ng mga mahilig magbasa ng blog..hehe nice...

Ronald Molmisa said...

hello janrey, thanks for dropping by. God bless