“You have kept record of my days of wandering. You have stored my tears in your bottle and counted each of them.” (Psalm 56:8-CEV)
Marami nang pagkakataong lumuha ako nang todo sa Panginoon. Lumuha ako noong nagkasakit ang aking ama pagkatapos kong magtapos sa haiskul. Lumuha ako noong nagtapos ako sa kolehiyo dahil sa labis na pasasalamat. Lumuha ako noong namatay ang aking lola dahil siya ang naging dahilan kung bakit ako naging pastor ngayon. Lumuha ako habang kami ay kinakasal ng aking kabiyak na si Gigi. Lumuha ako at nagsumbong sa Panginoon nang ilang beses magtangka ang ibang tao na sirain ang aking pagkatao.
There are times we can’t feel the presence of God in our lives. Sa mga panahong iyon, madalas tayong lumuluha. Luha ng lungkot. Luha bunga ng depression. Luha ng saklolo. Luha ng kawalang-pag-asa.
God acknowledges our tears. Anuman ang dahilan ng iyong pagluha, batid iyon ng Panginoon. As David wrote, nasasaksihan iya kung gaanong karaming luha na ang ating nailabas dahil mayroon siyang “record” noon sa langit.
In 2 Kings 20:5-6, Hezekiah wept before God. In response, God extended his life.
Si Jeremias ang tinatawag na “weeping prophet” dahil siya ang tumatangis sa Panginoon upang maligtas ang bayan ng Israel sa lahat ng kapahamakan at sumpa.
In 1 Samuel 1:9-10 Hannah wept because she was childless. God saw her tears and answered her prayer. Umiyak din ang balo ni Nain dahil sa pagkamatay ng kaniyang anak. Nahipo ang puso ng Panginoon kung kaya’t binuhay muli ang kaniyang supling (Lucas 7:11-15).
Umiyak si Pedro nang magsisi siya sa kaniyang pagtatwa sa Panginoon (Mateo 26:75).
Lubos na nalugod ang Panginoon sa babaeng nagbuhos sa kaniyang paa ng mamahaling pabango at naglinis nito sa pamamagitan ng kaniyang mga luha (Lucas 7:36-48).
Marami pa akong luhang ilalabas sa paglipas ng panahon. Pero, OK lang. Dahil alam ko na sa bawat pag-iyak at dalamhati na aking nararamdaman, nakikita iyon ng Panginoon.
HAS GOD SEEN YOUR TEARS? Iiyak mo lang iyan. Nararamdaman ng Diyos ang damdamin mo. Be honest with Him. Nakikita niya ang laman ng iyong puso. He will never leave you nor forsake you.
Thanks for visiting my blogspot. This is the place where you can know me as a minister, as a kuya (big brother), as an husband, as an academic and as a typical homo sapiens sapiens. I am the head pastor of the GENERATION 3:16 Ministries, a ministry devoted to the evangelism and discipleship of the younger generation. I also lead the LOVESTRUCK MOVEMENT, a ministry preaching Biblical purity and responsible dating, courtship, marriage and sexuality (www.lovestruckmovement.org).
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
-
Maaaring ang artista’y sumuko at manahimik, upang mabuhay, ngunit ang ganya’y tiyak na kamatayan ng kaniyang sining. Nakikilala niyang bahag...
-
In Europe a woman named Hilda was near death from a rare type of cancer. There was one drug that doctors thought might save her. It was a fo...
-
Isang eksperimento ang isinagawa upang malaman kung paano tinitingnan ng isa tao ang kaniyang sarili at ang kaniyang kapwa. Pinangalanan ito...
No comments:
Post a Comment