Saturday, January 03, 2009

HIGH SCHOOL MINISTRY ESSENTIALS (Issues and Responses)

I have been a youth ministry leader for more than a decade. Nagsimula kami sa pagmiministeryo sa Rizal High School, ang minsang itinuring ng Guiness Book of World Records na pinakamalaking high school sa buong mundo. Kung kaya, mahigit 4,000 kaming nagtapos noong batch ko. Kaya dalawang araw ang graduation ceremonies. After ten years, binalikan ko ang aking Alma Mater, upang maipahayag sa mga estudyante doon ang Mabuting Balita ng Panginoon. I could say that God has been faithful to our ministry in RHS.

May mga reyalidad na kailangan tayong tanggapin at harapin kung nais nating magsimula ng High School Ministry. Karamihan sa mg katotohanang ito ay may kinalaman sa kung paano tayo makakapasok sa loob mismo ng campus. Although suportado ng DepEd ang pagpo-promote ng Values Education sa mga HS students, hindi ganoon kasimple ang sitwasyon. May nakita akong apat na bagay na makakapigil sa isang iglesya upang mabilis na mapasok
ang isang high school upang magministeryo.

1. PRINCIPAL
2. ABSENCE OF CONTACTS (Teacher and Students)
3. SCARCITY OF MINISTRY VOLUNTEERS
4. LACK OF SYSTEMATIC PROGRAM

THE GATEKEEPER ISSUE
Naniniwala ako na ang pinaka-crucial sa HS ministry sa ating bansa ngayon ay ang mga PRINCIPALS mismo. Sila ang gatekeeper ng anumang paaralan. Kahit mayroon kang permit from the Division Office o basbas mismo sa DepEd ukol sa kagandahan ng iyong intensyon, ang PRINCIPAL pa rin ang masusunod. Unless bukas ang kanilang puso at isipan upang tayo
ay magministeryo, mahihirapan tayong pumasok.

Minsan kinausap ko ang isang principal upang makapagdaos kami kahit ng 30 minutos na youth gathering sa kaniyang eskwelahan. Dahil sa wala pa kaming permit from the Division office noon, pinayuhan kaming kumuha muna. Nakalipas ang isang buwan nang bigyan kami ng Division Office ng permiso. Umaasa kaming papayagan na kami sa eskwelahang aming gustong pasukin. Ngunit biglang nagbago ang ihip ng hangin. Sinabi ng principal na isang Marian Devotee na hindi daw kami maaring payagan dahil baka daw MALITO ang mga bata. Bakit? Kasi mayroon na daw silang lingguhang misa kung saan pinadadalo nila ang mga estudyante. Sa isip ng principal, baka daw MALITO ang mga estudyante kung sino daw ang
sasambahin. Hindi na kami nagtangkang magpaabot ng argumento at hinaing dahil sa talagang hindi niya pinapayagan ang anumang Christian ministry sa loob ng kaniyang eskwelahan. Sinabi na lamang namin na handa kaming makipag-ugnayan sa kaniyang opisina kung kailangan niya ang aming tulong.

PROPOSED SOLUTION/S: Simple subalit parang mahirap gawin. We must first build rapport and relationship with school authorities. This may take time. Lalo na sa mga principals na iba ang religious persuasion. As I see it, hindi natin maaring ipilit ang anumang permits from
higher authorities dahil ang mga principals ang mga presidente ng eskwelahan. Ang kanilang mga salita ang mas pinanghahawakan ng mga estudyante at mga guro. Kung ipipilit naman natin ang ating kagustuhan na wala silang basbas, humanda na tayo sa isang SECRET High School Missionary Strategies. Maari natin itong gawin sa labas o loob ng eskwelahan. Pero, outside class hours. If you can do this strategy, wala namang problema. But we can make HS ministry easier and hassle-free.

How can we establish relationship with school authorities? Isang epektibong paraan ay pagdadaos ng mga proyekto o seminar na makakatulong sa mga estudyante na walang masyadong religious bias (i.e. Career Orientation Program, Drug Abuse Awareness Program). As for our case, we coordinate with Values Education Department Heads of High Schools to have Love, Courtship and Dating Seminars which are presented in academic manner. I can say, effective siya lalo na sa mga third year and fourth year students.

THE ISSUE OF CONTACTS
Kung maayos naman ang ating relasyon sa principal ng eskwelahan at pinapayagan tayo na makapagministeryo, may isa pa tayong kailangan lampasan—kailangan mayroon tayong mga contacts. Ang hirap magsimula ng HS ministry na wala kang contacts sa loob. I am not saying that you cannot start a HS ministry without contacts. This scenario, however, can hamper the growth of the ministry. It would be better if we have students whom we can meet regularly every week. Train them to do the works of the ministry and send them to minister to other students.

Also, if you want instant student groups na mami-meet every week, you must have a contact teacher na inyong kilala. Nonetheless, hindi ninyo puwede i-meet nang buong class time ang mga estudyante dahil masisilip iyon ng School authorities at ng DepEd. DepEd has set specific learning competencies for the students. As for our ministry's case, we are only allowed to meet the students 30 minutes at most (for non-Values Education subject) para may time pa for academic instruction ang aming contact teachers. We can only teach for one
hour sa mga Values Education subjects. We meet the students once a week for a Christian values program we designed.

PROPOSED SOLUTION/S: Make your church youth as your school contacts. Disciple and train them to do campus work. Scout for Christian teachers in the high school. Pray for them and schedule a meeting.

LACK OF VOLUNTEERS
Kung maayos na ang relasyon natin sa principal, may mga contacts na tayo na estudyante at mga guro, subalit wala naman tayong REGULAR na HS Ministry Volunteers, maaring masayang din ang ating mga pagsisikap. High school ministry is a weekday ministry. Isa sa mga dahilan kung bakit kakaunti ang mga HS Campus ministers dahil karamihan sa mga
church workers ay may mga trabaho. To some extent, HS ministry often requires volunteers who can be available any day of the week. To establish relationship with the students, you need to visit them, talk to them, attend school events and relate to them. Ideally, a HS campus minister must stay inside the campus at least 6 HOURS a week for student visitation.

PROPOSED SOLUTION/S: Pag-usapan sa iglesya kung sino ang itatalagang campus ministry director o staff. Maaring ang pastor mismo ang magsimula at magsama ng mga volunteers na puwedeng i-train.

THE NEED FOR A SYSTEMATIC PROGRAM
Kailangan ng high school ministry ang isang maayos at sistematikong programa for certain reasons. Una, limitado ang oras ng mga estudyante sa loob ng campus. Dalawa ang maaring maging istratehiya: inside or outside the classroom. Kapag uwian na, inaasahan sila na umuwi na sa bahay. Kung titipunin natin sila after class hours, hindi puwedeng masyadong matagal ang anumang gathering (recommended is 1 hour). Kung sa loob naman ng classroom, kailangang may maayos na lesson plan o curriculum na ituturo sa kanila upang maging maayos at mapabilis ang paglagong espiritwal ng mga estudyante.

Pangalawa, batay na rin sa aming karanasan, nababagot ang maraming estudyanteng dumalo sa ministeryong hindi nila alam ang kanilang patutunguhan. Kailangan ipaalam sa mga estudyante kung ano ang mga benepisyo at kahalagahan ng pagsama sa isang Christian fellowship.Kailangan maging lugar ang ministeryo upang mapalago ng estudyante ang
kanilang relasyon sa Panginoon, makakita ng mga bagong kaibigan at malinang ang kanilang mga talento (i.e. music and dance).

Pangatlo, mahihirapang ma-sustain ang isang HS ministry na walang programa. Halimbawa, kailangang may maayos na sistema kung paano pipiliin ang mga HS Ministry staff na mga estudyante, paano ang kanilang training, ang mga ministry requirements at marami pang iba.
Isa sa mga dapat isaisip ng mga iglesya ay ang makapagtatag ng isang HS Christian organization upang mapanatili ang ministeryo sa loob ng campus.

PROPOSED SOLUTION/S:
• Kung wala pang karanasan ang iglesya sa HS ministry, maaring makipag-ugnayan sa mga church, parachurch o mga ministeryo na nagbibigay ng mga campus ministry training.
• Maari din namang magdisenyo ang iglesya ng mga programa at proyekto kung paano iri-reach-out ang mga HS students. Makakatulong ang pagsasaliksik sa Internet o pagsa-subscribe sa mga online campus ministry newsletters upang magkaroon ng mas malawak na kaalaman.

HEART FOR HS STUDENTS
Alam ninyo ba na maari kayong magtayo ng isang church mula sa mga high school students? Sinasabi ko ito dahil ang iglesyang aking pinangungunahan ay binuo ng Panginoon mula sa mga kabataan sa haiskul. Isa sa mga ipinanalangin ko bago ko suungin ang HS ministry ay ang mga pangungusap na ito: "PANGINOON, BIGYAN MO AKO NG PUSONG LABIS NA
MAGMAMAHAL SA MGA KABATAAN." Hindi madali ang HS ministry dahil magastos, nakakapaos sa boses at makukulit ang mga estudyante. BUT IT'S ALL WORTH IT. Ang mga patotoo ng mga kabataang nababago ang buhay dahil sa pagmahahal sa Panginoon ay sapat na para magpatuloy tayo sa pag-abot sa mga kabataan.

No comments: