Wednesday, January 28, 2009

R U IN OUR OUT (Dealing with Peer Pressure)

Having a group of friends is an important part of being youth. It is how young people learn to get on in the world of their own age group and to gradually become independent. Ang pagkakaroon ng kaibigan ay maraming magandang maidudulot sa isang kabataan. Ilan dito ang mga sumusunod.

  • Pagtaas ng self-esteem o pagpapahalaga sa sarili
  • Pagkakaroon ng mga taong makakatulong sa panahon ng problema
  • Pag-unlad ng pagkatao dahil mas lalong nakikilala ang sarili
  • Pagsubok sa kung gaano katatag ang pagpapahalaga
  • Pagtulong upang matutong maging independent
  • Pagsasanay upang lalong makilala at matutong makihalubilo sa opposite sex
  • Isang paraan kung saan mai-apply ang mga natutunang magagandang kaugalian at asal
  • Makatulong upang mapagbuti ang pagdedesisyon sa buhay

Sa kabilang banda, may mga negatibong epekto rin ang pagkakaroon ng malapit na relasyon sa mga kaibigan. Isa na dito ang tinatawag na peer pressure. Peer pressure can be positive or negative. Isang halimbawa ng positive peer pressure ay ang pagpilit sa iyo ng iyong kaibigan na gumawa ng isang bagay na sa iyong pananaw ay hindi magandang gawin pero talagang makabubuti. Napilit ka na ba minsan na sumama sa isang contest dahil sa naniniwala ang mga kaibigan mo na magaling ka at puwede kang manalo? Noong nagpapilit ka, nanalo ka nga! Na-pressure ka na rin ba na huwag ituloy ang isang bagay dahil sa ayaw ng mga kaibigan mo na masaktan ka sa bandang huli? Positive peer pressure can also come from our church friends who always force us to attend youth gatherings, camps and retreats kahit ayaw natin. Nang hatakin ka sa church, mas lalong lumalim ang iyong relasyon sa Panginoon. Peer pressure may be a positive influence and help to challenge or motivate us to do our best.

Pero ang madalas na bumubulaga sa maraming kabataan ay ang negative peer pressure. It happens when "friends" persuade you to do something that you do not want to do. Pinapagawa ka ng mga bagay na laban sa iyong kalooban dahil alam mong mali. Ito ang mga kalimitang linyang naririnig natin kapag nasa gitna ka ng negative peer pressure:

  • Subukan mo, try mo lang…for experience…
  • Everyone does it…
  • Wag kang killjoy! Makisama ka…
  • Walang makakaalam, tayo-tayo lang…
  • Duwag ka pala e…Gawin mo na…
  • Go on, I dare you…

Dahil sa pamumuwersa ng kabarkada, nagbabago ang pagkilos, pananalita at pananaw ng maraming kabataan. Maaring maapektuhan ang iba’t ibang aspeto ng kanilang buhay: fashion styles, verbal expressions, pagkakaroon ng boyfriend/girlfriend, pagpili ng kaibigan, paninigarilyo, pag-inon ng alak, paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Bakit bumibigay ang marami sa peer pressure? Unang-una, dahil sa pagnanais na matanggap sa grupo. They want to be liked, to fit in. Mahalaga sa mga kabataan na matanggap ng iba. Being part of a group is a BIG DEAL sa kabataan. Kung hindi ka “IN”, “OUT” ka. Especially for teenagers, being out of the group should never happen. Kailangan laging kasama sa isang grupo.

DEALING WITH PEER PRESSURE -May mga paraan para makatakas tayo sa peer pressure. Iyon ay kung gusto nating tumakas. Kung hindi naman ay madali na lamang magpati-anod sa daloy ng sitwasyon. May isang classic case sa Bibliya. Basahin ang Mark 6:17-29 nang matunghayan kung paano pinapatay ni Herodes si Juan Bautista dahil sa kahilingan ng kaniyang mga panauhin at dahil na rin sa kaniyang binitiwang pangako. Hindi naka-hindi si Herodes dahil sa mga taong nakapaligid sa kaniya. He was victimized by his own pride. He cared what his guests thought of him. Hence, he made a rash statement without thinking. Ito ang mga bagay na kailangan mong isipin bago kagatin ang pain ng kaaway.

Think First -Lahat ng bagay na ating ginagawa ay may ibubunga. Before you do something, mag-isip muna. Ito ang ipinagkaiba natin sa mga hayop, lahat ng tao nag-iisip. We should be rational enough to know the consequences of our actions. Tanungin ang sarili kung ano ang magiging epekto ng pagsunod sa masasamang hilig ng barkada sa :1) sarili; 2) sa mga mahal sa buhay; 3) sa relasyon mo sa Panginoon. Isipin din kung ano ang maaaring mangyayari sa iyo.

Please God, not Men -We must obey God, not men. Minsan mas gusto nating pasayahin ang tao kaysa pasayahin ang Diyos. Dahil sa hiya sa barkada, mas pinipiling sumama sa inuman at gimikan, kaysa sumunod sa payo ng magulang. Christians are not men-pleasers. Kung ayaw ng Diyos, hindi na natin dapat ginagawa kahit ano pa ang sabihin ng mga taong nakapaligid sa atin. Hindi na tayo dapat nagpapadala sa takbo ng makasalanang mundo. Obeying God means disobeying our sinful desires and interests. Ang pagsunod natin sa Diyos ay nangangahulugang iiwan na natin ang makasalanan nating pagkatao. Hindi na dapat naghahari sa atin ang mga masasamang ugali at masasamang kaisipan. Those who obey their human nature cannot please God.

Manindigan sa Tama -Gustong-gusto kong sabihin sa mga kabataang aking nakakausap, “What’s popular is not always right. What’s right is not always popular”. Hindi dahil sa isanlibong tao ang nagsasabi sa atin na gawin natin ang kasalanan ay magpapa-anod na tayo sa daloy ng sitwasyon, Only dead fish go with the flow. Ang kasalanan, kasalanan. Hindi dapat ginagawa. You need to know what you stand for lest you fall to whatever situation arises. Malalaman lamang natin kung ano ang tama sa mali kung magpapatuloy sa pag-aaral ng Salita ng Diyos. Be assertive with your decision. Kung maramdaman nila na hindi ka nila mapapasunod, there, mapapagod din sila. Nang subukin ni satanas si Hesus sa ilang, sumuko siya dahil hindi niya mapasunod si Hesus. Maaring laging nakabuntot sa iyo ang negative peer pressure subalit kung lagi kang maninindigan sa katwiran, madaling mapagtagumpayan ang lahat.

Prepare for Battle -Para hindi na mahirapan sa mga pagkakataong may peer pressure, isipin na kung ano ang dapat gawin. Kung isinasama ka ng barkada na maglakwatsa at mag-cut ng klase, maaring idiin sa kanila na dapat alalahanin ang kanilang mga magulang na nagbibigay sa kanila ng baon sa bawat araw. O kaya naman ay ipakita na mas mahalaga ang mag-aral kaysa magpunta sa mall upang gumimik. The key is to resist the pressure through righteous words and actions. Always say “NO” when negative pressure sets in.

The Art of Saying “No” -Just say No and mean it. Kung ayaw nilang makuntento sa sagot mo, iwan ang barkada para hindi na mapressure gumawa ng mga bagay na ayaw mong gawin. May iba pang pang “creative ways” para lusutan ang anumang peer pressure.

  • Magkunwaring hindi narinig ang sinabi ng kabarkada at umalis
  • Think of excuses (”May gagawin pa ako..”)
  • Change the subject matter (”Mas magandang pag-usapan ito...”)
  • Although it may not always work, present an alternative idea can be effective sometimes (“Kaysa manood tayo ng X-rated movie, mag-mall na lang tayo, di ba?”)
  • Give a sarcastic laugh (“Hahahaahaha!!! Naisip mo iyon!”)
  • Appeal to the conscience of the person (“Ano’ng mararamdaman mo kung sa iyo gawin ang iniisip mo?”)
  • Maging matigas sa paninindigan (“That’s my final decision”)

Laging Manalangin -Sa tuwing humaharap sa mga tukso, hindi puwedeng mawala ang panalangin. Aminin sa sariling hindi kaya ang sinasagupang problema. Apart from God, we can do nothing. Dapat maging normal ang mga “Help me Lord” prayers. God will always provide escape whenever we face temptations. Habang nanalangin, siyempre kailangang iwasan ang masasamang gawain ng barkada. Huwag nang bumabad sa sanhi ng kasalanan.

Nakilala si King Louis XVI ng Pransiya bilang isang masama at tamad na pinuno. Sa halip na pakinggan ang kaniyang mga naghihirap na kababayan, lalo pa itong naging gahaman sa salapi, naging lasenggero at nahilig sa sobrang kalayawan. Sinasabing naglingkod sa kaniya ang isang yaya na nais sirain ang buhay ng kaniyang anak. Ngunit sa tuwing tinuturuan siyang gumawa ng kasamaan, lagi ito nagdadabog at sinasabi sa nag-aalaga sa kaniya, “Hindi ko puwedeng gawin iyan! Anak ako ng Hari!” Sana ganito rin ang masabi natin sa mga taong nais ibulid tayo sa kasamaan. Masasabi kaya natin, “Hindi ako puwedeng gumawa ng kasalanan, Anak ako ng Diyos!”

Stick with those who share your values -Kung ayaw mong madawit sa mga masasamang trip ng iba, dumikit ka sa mga kaibigang hindi ka ibubulid sa kasamaan—iyong kapareho ng iyong ugali at pagpapahalaga. Minsan sinabi ni Pablo kay Timoteo, “But flee youthful lusts, and follow righteousness, faith, love, peace, with those who call on the Lord out of a pure heart.” (2 Timothy 2:22-MKJV). Sumama sa mga may takot sa Panginoon at lumalakad sa katwiran at kabanalan ng Diyos.

Talk to a trusted adult -Kung labis nang nababagabag sa mga pressures na nararanasan, kausapin ang iyong magulang, guro o kaya ay isang mapagkakatiwalaang counselor. Ilabas ang lahat ng problema sa pamamagitan ng pakikipag-usap at paghingi ng payo.

ARE YOU A THERMOMETHER OR A THERMOSTAT?

Tumulad tayo sa isang thermostat at hindi isang thermometer. Ang thermometer ay ang sumusukat ng temperatura ng kaniyang paligid. Kung mainit ang panahon, tumataas ang mercury sa thermometer. Kapag malamig, mababa naman. Ang isang thermometer na kabataan ay iyong laging umaayon sa kaniyang paligid at mga kasama. Kung gumigimik ang kaibigan, gimik din siya. Kung may bisyo ang friends, sama rin sa bisyo. Pero kung nasa church, siyempre dapat holy-looking rin, nagpe-praise and worship pa. Kumbaga, dalawang mukha. Ang isang paa minsan kay Lord at ang isang paa naman ay para sa kaaway.

Sino naman ang mga thermostat Christians?. Sila iyong mga taong alam ang kanilang temperatura. Nakakita na ba kayo ng isang maayos na automatic thermos? Kung nagpakulo tayo ng tubig, nilalagay natin ito sa isang thermos. Lumalamig ba siya kapag nasa thermos na, kahit lumipas ang ilang araw? Of course not, unless sira na at mahinang klase ang thermos. Ibig sabihin, alam ng isang Cristianong kabataan ang kaniyang temperatura kahit malamig o mainit ang kaniyang kapaligiran. Bilang taga-sunod ni Cristo, sino man ang kasama natin, Cristiano tayo, we should never compromise. Hindi tayo dapat umaayon sa masasamang hilig ng kabataan. Let us not give the devil a foothold in our lives.

1 comment:

Anonymous said...

thank you,nakatulong siya sa akin.
an interesting one.