Naimbento ang video games noong 1970s. Simple lang ang unang naimbentong laro, ang Pong na may dalawang rectangle bilang paddle at isang square ball na pagpapasa-pasahan ng mga manlalaro. Ang itinuturing na kauna-unahang marahas na laro ay ang PAC-MAN kung saan kumakain na ng mga pills at ghosts ang bida sa laro. Marami nang lumabas na mga laro magmula nang maimbento ang Pac-Man. Marami sa kanila ay hindi lang mas magaganda ang graphics, mas mararahas din. Halos lumuwa ang bituka at bumaha ng dugo ang ilan sa mga tauhan ng mga larong ito kapag nababaril o napapatay ng naglalaro. Ito ang mga larong kalimitang kinahuhumalingan ng maraming kabataan.
BENEFITS AND DRAWBACKS OF VIDEO GAMES
NGUNIT Sa kabila ng lahat ng kabutihang maaring idulot ng paglalaro ng mga computer games, maraming kabataan ang lalong napapasama dahil sa lubos na pagkagumon. Sa halip na maging educational ang mga simulation games, nagiging “murder simulators” sila dahil mismo ang mga kabataan ang nag-iisip ng paraan paano papatayin ang kanilang kaaway.
Hindi lang karahasan kung hindi maging kahalayan ang maaring bumulaga sa lahat ng video game fanatics. Isang classic example dito ang Duke Nukem 3D, ang kauna-unahang PC first-person shooter game na inilabas noong 1996. Kasama sa laro ang mga hubad na babae, strippers at prostitutes na puwede mong bayaran ng pera para ipakita ang kanilang hubad na katawan.
May tatlo nang naitalang namatay dahil sa sobrang paglalaro ng video games: Si Lee Seung Seop ng South Korea na namatay habang naglalaro ng Starcraft sa loob ng 50 oras, si Xu Yan ng Jinzhou, China na naglalaro ng online games sa loob ng 15 araw at isang hindi ipinakilalang 30-taon na lalaki na namatay sa Guangzhou, China matapos maglaro sa loob ng tatlong araw.
Other negative effects include the following: antisocial behavior, poor academic performance, desensitization to violence and aggression, too much emotional involvement with the character in video games, can lead to other delinquency (i.e. stealing), and can reinforce the aggressive tendencies of players through constant stimulation. Dahil sa tindi ng problema, mayroon isang clinic sa
SIGNS OF ADDICTION
May mga palatandaan kung paano mo malalaman kung may sintomas ka na ng Video Game Addiction. Any addiction involves preoccupation, loss of control, withdrawal and continuance of act despite adverse consequences.
· Preoccupation
o Nauubos ang oras mo sa paglalaro
o Napapabayaan mo na ang iyong kalusugan. Lumiliban ka na sa pagkain.
o You forget your personal hygiene dahil busy ka sa paglalaro
· Loss of control
o Hindi mo mapigilang hindi maglaro
o Gumagawa ka ng paraan para makapaglaro
o Lumiliban sa klase, naghahanap ng paraan para hindi magambala sa paglalaro
o Laging nasa isip mo ang video games.
· Withdrawal
o Naiirita ka kapag hindi ka nakakapaglaro
o Nagagalit ka sa sinumang pinipigilan kang maglaro
PREVENTION IS STILL THE BEST SOLUTION
Gusto mo bang makaligtas sa panganib ng video game addiction? I give you these recommendations:
· Huwag mo nang simulan ang bisyo. Ilaan ang oras at salapi sa mas mahahalagang bagay.
· Humingi ng tulong sa Panginoon sa pamamagitan ng palaging pananalangin upang makontrol at madisiplina ang sarili. Limit your play time and be selective of the game you play. No gore, no violence, no sex, no evil contents.
· Sa halip na sa video games ilaan ang iyong panahon, get involved in activities that will develop your whole personality-get involved in extra-curricular activities in school and church ministries. Focus on your studies and academic work.
· Huwag sumama sa mga barkadang magtutulak sa iyo na maging gumon sa video games.
No comments:
Post a Comment