Wednesday, December 31, 2008

NGAYONG BAGONG TAON, HUWAG AGAD MANGANGAKO...MANATILING LUMA...

Hindi na mawawala sa bokabularyo ng maraming tao ang salitang New Year’s Resolution o mga pangako na nais nilang tuparin sa bagong taon---mga bagay at ugali na gustong tanggalin, gustong gawin dahil hindi nagawa, gustong ulitin dahil na-enjoy ang karanasan at marami pang iba.Honestly, hindi ko ugaling magsabi o magsulat ng New Year’s Resolutions. Rather I always pose New Year’s THANKSGIVING AND PRAYER REQUESTS.

Madaling mangako pero hindi lahat madaling tuparin. Kung marami kang pangakong kailangang panghawakan, mas tumitindi ang “pressure” para sila ay sundin. If you don’t deliver to your promises, you’re just fooling yourself. Sabi nga nila, less promises, less pressure.Bagaman ang mga New Year’s Resolutions ay kalimitang pangako para sa SARILI, sinasalamin rin nito ang puso ng tao patungkol sa kaniyang relasyon sa kaniyang kapwa. What does the Scripture tell us about making promises and entering into commitments and covenants?

GOD PROHIBITS US TO MAKE CARELESS VOWS. Moses said to the tribes of Israel: 'This is what the Lord commands: When a man makes a vow to the Lord, or takes an oath to oblidge himself by a pledge, he must not break his word but must do everything he said.' (Numbers 30:1-2). They are not also allowed to use the name of the Lord when they make promises (Leviticus 19:12). Ito rin ang sinabi ng Panginoong Hesus sa mga disipulo at ni Apostol Santiago (Matthew 5:33-37, Santiago 5:12). Maraming tao, kahit sa kasalukuyang panahon, ang ginagamit pa ang pangalan ng Diyos (“Saksi ko ang Diyos!”) para magmukhang credible ang kanilang pangako. At kapag hindi nila natupad ang kanilang binitiwang pangako, kinakaladkad nila ang pangalan ng Diyos sa kahihiyan.

KAPAG TAYO AY NANGAKO, TUPARIN NATIN AGAD. HANGAL ANG MGA TAONG HINDI TUMUTUPAD SA KANILANG PANGAKO. Minsang isinulat ni Haring Solomon, "When you make a vow to God, do not delay to fulfill it. He has no pleasure in fools; fulfill your vow. It is better not to vow than to make a vow and not fulfill it. Do not let your mouth lead you into sin. And do not protest to the temple messenger, 'My vow was a mistake.' Why should God be angry at what you say and destroy the work of your hands? Much dreaming and many words are meaningless. Therefore stand in awe of God. (Ecclesiastes 5:4-7).

Sa halip na mangako sa pagsisimula ng BAGONG TAON, nirerekomenda kong manatili tayong LUMA..

LUMA-layo sa kasalanan at mga bagay na makakasakit sa puso ng Diyos. We should get rid of all habits, behaviors, attitudes that are would destroy our relationship with God (Isaiah 59:2, Romans 3:23).

LUMA-lakas ang pananampalataya sa Diyos. We can never overcome sin, if we do not have a personal and strong relationship with God. Let us draw nearer to God so that we can live in His holiness (James 4:8).

LUMA-lago ang relasyon at pagkakilala sa Panginoon (3:18 Principle). This year, let us all grow in the knowledge and grace of our Lord Jesus Christ (2 Peter 3:18). May He transform us according to His image and continue to grow from glory to glory (2 Corinthians 3:18).

LUMA-labas ang bunga ng Espiritu dahil sa patuloy na pagsunod sa Diyos (Galatians 5:22-23). Sinabi ng Panginoon sa kaniyang mga disipulo sa Juan 15:4-5, “Manatili kayo sa akin at mananatili ako sa inyo. Hindi makapamumunga ang sangang hindi nananatiling nakakabit sa puno. Gayon din naman, hindi kayo makapamumunga kung hindi kayo mananatili sa akin. Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin, at ako sa kanya, ang siyang namumunga nang sagana; sapagkat wala kayong magagawa kung kayo'y hiwalay sa akin.” It is only through ABIDING in Christ that we can bear the fruit of the Spirit--love, joy, peace, patience, kindness, goodness, faithfulness, humility, and self-control.Isang mapagpalang Bagong taon sa ating lahat. Pagpalain tayo ng Panginoon!

No comments: