Saturday, December 06, 2008

Si Marky Cielo (1988-2008) at ang Buhay-Kabataan

Kasabay ng pagdiriwang sa tagumpay ni Manny Pacquiao sa kaniyang laban kay De La Hoya, ginulantang rin ni Marky ang lahat sa kaniyang hindi inaasahang pagpanaw. Natagpuang siyang patay ng kaniyang ina sa kaniyang kuwarto sa kanilang tahanan sa Antipolo, alas-6 ng umaga ng December 7.

Pinahanga ni Marky ang buong sambayanan sa pagkapanalo niya bilang unang Igorot na sumali sa StarStruck na naging Ultimate Sole Survivor pa ng StarStruck Batch 3! Bagaman sinasabi ng iba na hindi siya kasing-guwapo ng mga tipikal na teenage heartthrobs, pinabilib niya ang sambayanan sa kaniyang talento sa pagsayaw. Lumutang rin ang kaniyang talento sa drama nang gumanap siya ng iba’t ibang papel sa mga telenovela at fantaserye ng GMA-7 katulad ng Encantadia, Fantastikids, Bakekang, Asian Treasures, Boys Next Door, Kaputol ng Isang Awit, and Codename: Asero. Ngunit mas nakilala siya sa kaniyang pagganap bilang si Green Zaido sa fantaserye na Zaido: Pulis Pangkalawakan. Naiwan niya ang isang programa na La Lola at ang kaniyang trabaho bilang main-stay sa variety show na SOP.

Ang pagpanaw ni Marky ay nagpapaalala sa atin na ang ating buhay sa daigdig ay pansamantala lamang (James 4:14, Psalm 90:5). Young people should never boast of their energy and youthfulness. Death can come anytime. Ang tanong: Handa ba tayong harapin ang kamatayan?

The Bible declares that we must start to remember our Creator in the days of our youth (Ecclesiastes 12:1). Huwag na nating hintayin pa na tayo ay tubuan ng puting buhok bago natin ialay ang ating buhay sa Panginoon. It is appointed unto all men to die once, and then God’s judgment begins (Hebrew 9:27). Never leave this world without repenting of your sins and accepting Christ in your heart. Ito ang pinakadakilang mensahe na kailanganh seryosohin ng lahat ng kabataan.

No comments:

ANO BA TALAGA ANG "CALLING" KO?

Lagi kong naririnig iyan sa mga kabataang kaga-graduate lang sa kolehiyo at mga young professionals na nababagot sa buhay. Nagtatanong si...