Sa isang conference na inorganisa namin, isang kabataan ang napansin kong may EMO look. Napakaganda ng kaniyang buhok. Napakahaba ng bangs at ang tigas ng buhok malapit sa batok. Halos hindi ko na masilip ang kaniyang mga mata dahil natatabunan ng kaniyang mahabang bangs. Nakasuot siya ng itim na t-shirt at pantalon at malaking kwintas. Naisip ko: iba na talaga ang mga teenagers ngayon. Nabubuhay tayo ngayon sa isang henerasyon na binabandera ang konsepto ng “individualism”. Kung ano’ng gusto mo sa sarili mo, ipakita mo. Walang pakialaman. Iba-iba tayo ng trip sa buhay.
We must remember that Christians are temples of the Holy Spirit.Kung tunay tayong mga Cristiano, hindi na natin pagmamay-ari ang ating pisikal na katawan. Gamitin natin ito upang maparangalan ang Diyos. Kasama na dito ang paraan ng ating pananamit, mga bagay na ating kinakain, at mga bagay na inilalagay natin sa ating katawan.
Tandaan natin na ang anumang damit o fashion ay may nais sabihin. Ang mga style ng pananamit ay laging may dahilan. Ang “Punk” look (iyong may mga hair spikes at kadenang sinturon) ay nagpapakita ng ideolohiya ng anarkismo o rebelyon. Ang “Gothic” look (iyong lahat ng suot mo itim pati make-up itim) ay nagpapakita ng paglapit sa kultura ng kadiliman. The word Gothic itself literally means “barbarous or uncivilized.” Kaya huwag nating sabihin na ang damit natin ay damit lang. It can reflect our personality and values.
Christians reveal their identity through their clothes and appearance. Walang isang uri ng damit ang sinasabi ang Panginoon na dapat nating isuot. The Bible does not specifically mention what we should wear or not wear. Ganunpaman, may mga pamantayan ang Salita ng Diyos. Two passages in the New Testament deal with the issue of fashion. Bagaman sa mga kababaihan ipinapaabot ang mga ito, maari din itong iangkop sa sitwasyon ng mga kalalakihan.I also want women to dress modestly, with decency and propriety, not with braided hair or gold or pearls or expensive clothes, but with good deeds, appropriate for women who profess to worship God (1 Timothy 2:9-10). Your beauty should not come from outward adornment, such as braided hair and the wearing of gold jewelry and fine clothes. Instead, it should be that of your inner self, the unfading beauty of a gentle and quiet spirit, which is of great worth in God's sight. For this is the way the holy women of the past who put their hope in God used to make themselves beautiful (1 Peter 3:2-5)
First, Christians should dress in moderation. Ano ang ibig sabihin ng moderation? Well, sa Tagalog, “maghinay-hinay”. Hindi dahil may bagong usong style ng damit, makikisunod na sa uso. Our clothing must be consistent with righteousness and holiness. Do not draw attention to yourself. Kapag nagsusuot ng mga damit na sobrang ganda at ningning, ano ang gusto mong sabihin? Do not tell me that you do not want attention. You wear those clothes to get attention. This attitudes talks about self-centeredness. The Bible says, dress moderately.
Second, wear a decent clothing. There are dresses that can provoke sensous responses from men. Ito iyong mga damit na sobrang higpit sa bust-line, sobrang baba ang neck-line, sobrang higpit sa back-side ng babae, sobrang nipis na halos kita na ang undergarments at iyong mga skirt na may mga slits. Kapag nagsuot ka ng disenteng damit, sinasabi mo sa ibang tao na “Kagalang-galang ako”. Para sa mga girls, subukan ninyong pumunta sa kulungan at magsuot ng short shorts at damit na labas ang inyong pusod, siguradong hindi matitigil ang pagsipol sa inyo ng mga inmates na magnanasa sa inyong katawan.
Third, dress appropriately. Magsuot ng damit ayon sa tamang pagkakataon at tamang panahon. Our dress must conform to the standards of politeness, respect, decency and morally accepted behavior of society. Do not shock other by wearing dresses that only you think is appropriate. Sa madaling salita, makibagay ka sa kulturang iyong ginagalawan. Huwag pupunta sa church na para kang maliligo sa beach. Hindi ka dapat nagsusuot ng mga “revealing clothes” kung dadalo ka ng worship service. Siguradong maraming taong hindi magiging komportableng tingnan ka. May iba’t ibang pamantayan pagdating sa pananamit ang iba’t ibang kultura at iglesya. What we should avoid is the style of dress that is offensive or opposing the church community's values.
Fourth, our dress must show God’s holiness. Do not cause others to sin. Immodest dress can encourage sexual lust. Kahit gustong-gusto mong magsuot ng bathing suit, siguraduhin mong hindi ka magiging dahilan ng pagkakasala ng iba. Sa lahat ng damit na ating isusuot lagi nating tatanungin ang gating sarili, “Natutuwa ba ang Diyos sa aking damit o nagiging dahilan ako ng pagkakasala ng iba?” Apostle Peter said that our look must not depend on the things we wear but from “our inner self, the unfading beauty of a gentle and quiet spirit, which is of great worth in God's sight.” Hindi natin maiiwasang huhusgahan tayo ng mga tao batay sa damit na ating isinusuot. Kailangang maging maayos ang puso mo pagdating sa bagay na ito.
Our clothes and appearance are a reflection not only of our socioeconomic status, but also of our moral values. Nakikilala ang ating personalidad at pagpapahalaga ayon sa ating isinusuot. Simply put, we are what we wear. Marami ang nagmumukhang may Hepatitis dahil sa dami ng naninilaw na ginto sa kanilang katawan. They adorn themselves with jewelries to please themselves. We should not be vain or conceited and not to draw attention to ourselves by the way we look . Mayroon namang nagsusuot ng mga damit upang makiayon sa barkadas at grupo. They dress to fit in or to be accepted by their peers. The Christian, however, must dress to glorify God. Kahit sabihin mo na hindi ka dapat pakialaman kung paano ka manamit, nakatingin pa rin ang iba sa kung paano nabago ang buhay mo ng Panginoon. Sasalaminin iyon ng uri ng iyong pananamit.
Bagaman may mga parehong damit na isinusuot ang mga babae at lalake (i.e. jeans, rubber shoes), mayroon pa ring mga damit na kailangang ang babae o ang lalake lamang ang gumamit. Ipinagbabawal ng Panginoon ang pagsusuot ng mga damit na sinusuot ng ibang kasarian. If you are male and you wear clothes identified with women in your culture, you are considered a cross-dresser. Cross-dressing is only an outside manifestation of the person’s values and convictions. Ang isang babae (i.e. lesbian) na nais maging lalake ay maaring magsusuot ng mga damit na panlalake. Ganundin ang mga lalake (i.e.gays and homosexuals) na nagsusuot ng mga damit pambabae na nais maging babae. God wants us to maintain our functional roles as individuals.
Sa Lumang Tipan, ipinagbawal ni Yahweh na magpa-tatoo at magpungos ng bahagi ng katawan (mutilation) ang mga Israelita upang hindi sila maapektuhan at mahaluan ng kulturang pagano. Bagaman hindi na ikinakapit sa paganong relihiyon ang pagpapa-tatoo sa katawan sa kasalukuyang panahon, kailangan pa ring pag-isipan ng bawat kabataan kung malulugod o hindi malulugod ang Diyos sa kanilang gagawing pagmamarka sa katawan.
Siguraduhing hindi pagsisisihan ang gagawing pagpapa-tatoo. Masakit ang pagpapatanggal ng marka sa katawan. Hindi lang iyon, mahal ang operasyon. May mga dating nagpamarka sa katawan na inisip na sana’y hindi na nila ginawa iyon. May isa akong kaibigan na dating nagtrabaho bilang tattoo designer na nagsisi sa kaniyang mga marka sa katawan. Marami kasi ang pinagkakamalan siyang masamang tao dahil sa ahas na nakamarka sa kaniyang braso. If a tattoo in any way hinders a your Christian witness you should really be concerned. It is true that God does not look primarily at the physical appearance because He looks at the heart. Siguraduhin mo lang sa iyong sarili na gagawin mo hindi dahil gusto mo lang sumunod sa uso, kung hindi para parangalan ang Diyos sa iyong buhay.
Thanks for visiting my blogspot. This is the place where you can know me as a minister, as a kuya (big brother), as an husband, as an academic and as a typical homo sapiens sapiens. I am the head pastor of the GENERATION 3:16 Ministries, a ministry devoted to the evangelism and discipleship of the younger generation. I also lead the LOVESTRUCK MOVEMENT, a ministry preaching Biblical purity and responsible dating, courtship, marriage and sexuality (www.lovestruckmovement.org).
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
-
Maaaring ang artista’y sumuko at manahimik, upang mabuhay, ngunit ang ganya’y tiyak na kamatayan ng kaniyang sining. Nakikilala niyang bahag...
-
In Europe a woman named Hilda was near death from a rare type of cancer. There was one drug that doctors thought might save her. It was a fo...
-
Isang eksperimento ang isinagawa upang malaman kung paano tinitingnan ng isa tao ang kaniyang sarili at ang kaniyang kapwa. Pinangalanan ito...
3 comments:
yap. corect po kau jan..
i hope you convice to all readers sa article mo.. God Bless
tama po kau at natutuwa akong mabasa ang gnitong online advice....hope marami paang makabasa nito.
naumpisahan ko nang baguhin ang sarili ko at nagsimula ako sa pananamit ko masaya at marasap sa pakiramdam kpag mlapit tau kay god..
Post a Comment