I like watching television shows and movies. May mga pagkakataon na kapag nababagot akong magbasa ng libro, hinahanap ko ang movie version nito at pinapanood ko na lang. Mas madali ko siyang maintindihan. It has become an educational tool. Watching TV programs and movies can also relax our minds and bodies. Kaya pagdating sa bahay mula sa matinding trabaho, binubuksan agad ang TV. Kapag kailangang makinig ng balita at weather reports, nandiyan ang TV. Ayon sa isang survey, halos 18 oras ang inilalalan ng isang normal na Filipino sa panonood lamang ng telebisyon.
Isang malaking paksa ang dapat na maging ugali ng mga kabataan pagdating sa panonood ng telebisyon. Marami kasing kabataan ang na-aadict sa panonood ng TV shows kung kaya’t napapabayaan na nila ang mas mahalagang gawain sa kanilang buhay tulad ng pag-aaral, panahon sa pamilya at paglilingkod sa Diyos. Marami rin mensaheng tayong nasasagap sa mga TV programs hindi umaayon sa kabutihang asal. To the extreme, many youth are desensitized to the evil messages of TV programs that they are now having a hard time distinguishing good messages from evil influences. Nonetheless, we can control our viewing habits. If we want to please God, we should be guided by the following:
* We sin when we watch TV shows/movies which encourage lustful thoughts. Do not watch shows that would corrupt your mind and soul.
* We should not conform to the standards of the evil world. Hindi na tayo dapat nagi-enjoy sa mga programang walang kabuluhan at panay kabastusan, green jokes, karahasan at masasamang mensahe ang ipinapakita.
* Manood lamang ng mga programang magbibigay sa atin ng mabubuti at positibong aral at mensahe. This is what Paul called as: "true, noble, right, pure, lovely, admirable and praiseworthy.” Huwag tambakan ang utak ng basurang ideya, programa at pelikula.
* Sa tuwing may pinanonood, test everything. Huwag agad paniwalaan ang sinasabi ng sinuman. Hindi dahil sa sikat ang isang taong nagsasalita sa telebisyon ay dapat na siyang paniwalaan. Laging umattend sa Bible studies upang masuri ang mga mensaheng napapanood sa telebisyon.
Makakabuti ding limitahan ang panonood ng telebisyon at ibuhos ang panahon sa mas makabuluhang bagay—magbasa, gumawa ng project/assignment at tumulong sa gawaing bahay. Kung may sarili kang kuwarto, huwag ka nang mag-request sa magulang mo na magpalagay ng telebisyon sa iyong kuwarto. One TV set in the living room is enough. Althoug it depends on how you discipline yourself, naniniwala pa rin ako na kapag lagi kang may kadikit na telebisyon, mas malaki ang posibilidad na lagi mo siyang bubuksan.
Minsang tinanong ako ng isang kabataan, “Kuya, bawal bang manood ng sine ang isang Kristiyano?” Tinanong ko siya kung bakit Niya tinanong niya iyon. Ang kaniyang sagot: “Tinuturo kasi sa church namin na kapag dumating daw si Lord, baka abutin daw kaming nanonood ng sine. E, ang sinehang ay lugar na maraming nangyayaring kasalanan (alam ninyo na siguro kung ano-ano ang mga iyon...).
Ano’ng masasabi natin sa ganoong mga pananaw? Mali ba talaga ang manood ng sine? Watching films in movie theatres is not sinful. Watching sinful movies is the problem. Hindi ang pagpunta sa sinehan ang masama kung hindi ang palagiang pagpunta sa sinehan para magsaya. Maraming kabataan ang hindi kumpleto ang buhay kapag hindi nakakapanood ng sine bawat linggo. Nauubos ang allowance sa panonood ng sine o kaya ay pagbili ng pirated DVDs.
Hindi minsan magandang basehan ang mga ratings na inilalabas ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) upang malaman kung talagang walang masamang nilalaman ang isang pelikula. May mga “PG-13” na pelikula na maari nang ibilang na “R” movies dahil sa mayroon ding mga sexual at violent contents. Be aware of the possible effects of the movie on your spiritual well-being. Maraming pelikula na sinasabi nilang mga obra-maestra ay punong-puno ng kahalayan at karahasan. Marami pa nga sa kanila ang nakakatanggap ng awards sa iba't ibang award-giving bodies. But we must remember that secular standards often do not conform with the standards of God.
Overall, if we want to please God in our lives, we must subject our desires to His will. Napakahirap noon. Maaaring sabihin ninyo sa akin: "killjoy ka naman kuya!" No, I am not killjoy. I just don't want the younger generation to be killed by earthly, secular joy.
Thanks for visiting my blogspot. This is the place where you can know me as a minister, as a kuya (big brother), as an husband, as an academic and as a typical homo sapiens sapiens. I am the head pastor of the GENERATION 3:16 Ministries, a ministry devoted to the evangelism and discipleship of the younger generation. I also lead the LOVESTRUCK MOVEMENT, a ministry preaching Biblical purity and responsible dating, courtship, marriage and sexuality (www.lovestruckmovement.org).
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
-
Maaaring ang artista’y sumuko at manahimik, upang mabuhay, ngunit ang ganya’y tiyak na kamatayan ng kaniyang sining. Nakikilala niyang bahag...
-
In Europe a woman named Hilda was near death from a rare type of cancer. There was one drug that doctors thought might save her. It was a fo...
-
Isang eksperimento ang isinagawa upang malaman kung paano tinitingnan ng isa tao ang kaniyang sarili at ang kaniyang kapwa. Pinangalanan ito...
No comments:
Post a Comment