Bakit ba ganoon na lamang ang hatak ng mga vampire stories sa mga kabataan ngayon? Kapansin-pansin na mga kabataang babae ang madaling maakit sa mga bagay na ito.
Many teenage girls love to listen to romantic lines and dialogues. Studies show that men are attracted to women because their physical attributes, while women are attracted to men because of their romantic styles and attitudes. Sa simula ng pelikulang Twilight, ito ang sinabi ni Bella: “I’d never given much thought to how I would die…. Surely it was a good way to die, in the place of someone else, someone I loved.” Sagot naman ng guwapong bampira: “I don’t have the strength to stay away from you anymore.” Effective “kilig” lines ito sa marami.
Vampire movies often reveal the utmost need of women—acceptance and affection. Kung mapapansin ninyo, vampire always sneaks into the room of the lady every night. Ang ganitong scenario ang kinababaliwan ng maraming teenage girls—iyong feeling na mayroon kang stalker na nagmamahal sa iyo. Sa pelikulang Twilight, sinabi ni Edward na nilayuan niya noong una si Bella dahil sa kakaiba ang amoy ng dugo nito. It was so desirable. Nahirapan si Edward na pigilan ang kaniyang sarili na biktimahin ang dalaga. But instead of killing the lady, he fell in love with her. Doon nagsimula ang love story. Ang pag-ibig na hindi nakuha ni Bella mula sa kaniyang pamilya ay natagpuan niya sa binatilyo. Nais ni Edward na manatiling mortal si Bella—hindi siya dapat mamatay at hindi rin dapat maging bampira kahit gusto nito.
No comments:
Post a Comment