Monday, November 24, 2008

PARA SA MGA HINDI MATALINO

“The function of education is to teach one to think intensively and to think critically...
Intelligence plus character – that is the goal of true education.”— MARTIN LUTHER KING JR., American civil rights leader (1929-1968)

“If you think education is expensive, try ignorance.”- DEREK BOK, Harvard University Professor (1983-1991)

Hindi ko makakalimutan ang lahat ng first school days ko noong ako ay nasa elementarya pa lamang. Hindi dahil sa excited ako mag-aral kung hindi dahil sa mga bago kong bag, notebooks, lapis, pencil case at uniform. Sa tuwing inaamoy ko sila, parang ayaw ko na silang gamitin. Baka kasi maluma. Pero hindi puwedeng mangyari iyon. Mga isang buwan ko pa lamang sila nagagamit, madumi na ang bag ko sa alikabok at mantsa, pudpod na ang lapis ko at lukot-lukot na ang mga dating bago kong notebooks.

Minsan, iniisip natin na ang pag-aaral ay parang pagkakaroon lang ng mga bagong gamit. Madali tayong nawawalan ng interes sa pag-aaral kapag wala na ang bango ng ating mga school supplies. Ang iba, hindi na pumapasok dahil talagang wala nang interes makita ang mga teachers at classmates. Kung hindi pa pagagalitan at parurusahan ng magulang ay hindi papasok sa eskwela. Kailangan nating maintindihan na ang pag-aaral ay bahagi ng ating paghahanda para sa kinabukasan. May mga bagay na kailangang tayong maunawaan tungkol sa plano ng Diyos sa mga kabataan sa loob ng ekswelahan. Kailangan nating alamin ang Salita ng Diyos upang lubos na maunawaan kung paano Niya ginagamit ang edukasyon upang matupad ang Kaniyang dakilang plano para sa atin.

Education provides us knowledge. And we must understand that all knowledge ciomes from God. Sa kaniya nagsisimula ang lahat ng karunungan. Hindi natin mauunawaan ang lahat ng bagay sa daigdig kung hindi Niya tayo pagkakalooban ng kaalaman. Makukuha lamang natin ang kaalamang ito kung magsisikap tayong mag-aral. Sa kabilang banda, marami naman ang nanangan sa sarili nilang karunungan at wari’y sinasabing hindi nila kailangan ang Diyos. Dahil sa sobra nilang katalinuhan, they even deny the existence of God. Secular knowledge is good but if it contradicts the holiness of God, it should never be embraced and promoted.

God is never anti-intellectual. Ayaw niya na maging mangmang ang mga tao sa mundo lalo na ang kaniyang mga anak. Many people are destroyed due to lack of wisdom. May naghihintay na parangal ang mga matatalino. When wise people speak, knowledge becomes more attractive. Mas lalong nagiging interesante ang mag-aral. Nakaka-inspire ang mga taong puno ng karunungan. Isang dahilan kung bakit ginusto kong maging isa gurp ay dahil nais kong maging instrumento ng pagbabago ng maraming kabataan. Hindi lang basta karunungan ang nais kong ibahagi sa kanila, kung hindi karunungan na nagmumula sa Diyos. Kung mayroon kang karunungan, mas magiging mabunga at matagumpay ang iyong buhay. Sa kabilang banda, ang mga mangmang ay laging mahihirapan.

We must always ask God for knowledge. Mas mahalaga ang karunungan kaysa anumang yaman sa daigdig. Solomon once wrote: “being wise is better than being strong; yes, knowledge is more important than strength”. Lagi nating naririnig: Knowledge is power. Kung sino ang may hawak ng karunungan, nagtataglay din siya ng kapangyarihan at kalakasan. Suportado ito ng Salita ng Diyos. Proverbs 8:10-11 even declares that we should choose knowledge rather than gold.

No comments: