Taun-taon, nagsusulputang parang mga kabute ang mga libro tungkol sa PAG-IBIG. Iba't iba ang oryentasyon at rekomendasyon. Iba't iba ang background ng mga nagsusulat. Iba't iba ang pagtingin sa pakikipagrelasyon--ang iba agresibo, ang iba sobrang Jurassic ang pagiging konserbatibo. Wala akong inirerekomendang libro na basahin ninyo pagdating sa usapin ng love, courtship, dating, marriage, sex and marriage. Magbibigay lamang ako ng ilang pamantayan na maari ninyong gamitin upang malaman kung ano ang dapat ninyong tangkilikin. I have three major recommendations.
FOUNDED ON THE WORD OF GOD – Never patronize books that are humanistic—those who are man-centred and undermine Christian and Biblical principles. Practical principles often do not please God. For instance, many love books undermine the importance of faith. Among Christians, 2 Corinthians 6:14 should take precedence. The principle of marrying ONLY believers is the rule. It is non-negotiable. Maraming Cristiano ang nag-aasawa dahil sa napag-iiwanan na daw sila ng kalendaryo kaya kung sino na lang ang makita sa daan ang pakakasalan. Also, many love books recommend shortcuts in relationships. May isa pa nga akong narinig na HUWAG nang PATAGALIN ang relasyon kung pareho nang MARRIAGABLE ang magka-partner—kahit na dalawang buwan pa lamang nagkakakilala. There are many things in the relationship that we cannot short-circuit. Whirlwind romance can be disastrous.
BEEN THERE, DONE THAT, BEEN THAT AUTHOR – Isinulat ba ang libro ng isang taong may sapat na karanasan o iyong nagpapanggap lamang na eksperto? Inirerekomenda kong basahin ninyo ang mga librong isinulat ng mga taong NARANASAN na at NATUTO sa mga kamalian ng maling pakikipagrelasyon. They know what they are talking about. Higit pa rito, mas makabubuting basahin ang mga libro ng mga manunulat na IKINASAL na o may ASAWA na at PAMILYA. Bakit? Kasi, sila ang totoong eksperto. Parang ganito lang yan. Kung ako ay hihingi ng payo tungkol sa pagpapamilya, mas maniniwala ako sa isang matandang walang pinag-aralan ngunit nakapagtatag ng isang maayos na sambahayan, iginagalang ng kaniyang mga anak at asawa KAYSA sa isang Psychologist na walang asawa at hindi pa nararanasan ang magpatakbo ng isang sambahayan. Marami kasi akong nababasang mga “love guru” na nagsusulat ukol sa SEX MATTERS ngunit wala pang karanasan sa SEX. Yes, it is true that you do not need to engage in premarital sex to understand its consequences, but it is more CREDIBLE and AUTHORITATIVE to write on the matter if you already experienced being subjected to the dynamics of sex life. Go for books written by well-seasoned authors.
CULTURALLY-SENSITIVE ADVICE –Nirerekomenda ba ng libro ang mga pagpapahalagang hindi natin dapat niyayakap bilang mga Filipino? Many would say that love topics transcend culture. I beg to disagree. For instance, some books recommend that ladies COURT boys in a blatant, obvious manner kung torpe ang lalake. Well, walang problema iyon sa mga Western, industrialized, capitalist countries. But every Filipina who will embrace idea must also be ready to face the cultural consequences of the action. Sa ngayon, hindi tanggap ng lipunan na maging agresibo ang mga kababaihan sa panliligaw (palipad-hangin siguro puwede). Maaring sabihin ninyo sa akin, “Hindi ba dapat binabali na natin ang ganitong kaisipan? We now live in the period of globalization of ideas.” Mahirap pag-isahin ang kultura ng lahat ng bansa. Although globalization entails the homogenization of cultures, I am still with the view that basic cultural practices and values of different countries cannot be easily eroded by globalization factors. Isa lang ang puwede kong isagot: It is your prerogative to embrace contemporary, Western values. But I would still recommend that you respect the culture you are in, because you may be a stumbling block to others.
Thanks for visiting my blogspot. This is the place where you can know me as a minister, as a kuya (big brother), as an husband, as an academic and as a typical homo sapiens sapiens. I am the head pastor of the GENERATION 3:16 Ministries, a ministry devoted to the evangelism and discipleship of the younger generation. I also lead the LOVESTRUCK MOVEMENT, a ministry preaching Biblical purity and responsible dating, courtship, marriage and sexuality (www.lovestruckmovement.org).
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
-
Maaaring ang artista’y sumuko at manahimik, upang mabuhay, ngunit ang ganya’y tiyak na kamatayan ng kaniyang sining. Nakikilala niyang bahag...
-
In Europe a woman named Hilda was near death from a rare type of cancer. There was one drug that doctors thought might save her. It was a fo...
-
Isang eksperimento ang isinagawa upang malaman kung paano tinitingnan ng isa tao ang kaniyang sarili at ang kaniyang kapwa. Pinangalanan ito...
No comments:
Post a Comment