Wednesday, January 28, 2009

R U IN OUR OUT (Dealing with Peer Pressure)

Having a group of friends is an important part of being youth. It is how young people learn to get on in the world of their own age group and to gradually become independent. Ang pagkakaroon ng kaibigan ay maraming magandang maidudulot sa isang kabataan. Ilan dito ang mga sumusunod.

  • Pagtaas ng self-esteem o pagpapahalaga sa sarili
  • Pagkakaroon ng mga taong makakatulong sa panahon ng problema
  • Pag-unlad ng pagkatao dahil mas lalong nakikilala ang sarili
  • Pagsubok sa kung gaano katatag ang pagpapahalaga
  • Pagtulong upang matutong maging independent
  • Pagsasanay upang lalong makilala at matutong makihalubilo sa opposite sex
  • Isang paraan kung saan mai-apply ang mga natutunang magagandang kaugalian at asal
  • Makatulong upang mapagbuti ang pagdedesisyon sa buhay

Sa kabilang banda, may mga negatibong epekto rin ang pagkakaroon ng malapit na relasyon sa mga kaibigan. Isa na dito ang tinatawag na peer pressure. Peer pressure can be positive or negative. Isang halimbawa ng positive peer pressure ay ang pagpilit sa iyo ng iyong kaibigan na gumawa ng isang bagay na sa iyong pananaw ay hindi magandang gawin pero talagang makabubuti. Napilit ka na ba minsan na sumama sa isang contest dahil sa naniniwala ang mga kaibigan mo na magaling ka at puwede kang manalo? Noong nagpapilit ka, nanalo ka nga! Na-pressure ka na rin ba na huwag ituloy ang isang bagay dahil sa ayaw ng mga kaibigan mo na masaktan ka sa bandang huli? Positive peer pressure can also come from our church friends who always force us to attend youth gatherings, camps and retreats kahit ayaw natin. Nang hatakin ka sa church, mas lalong lumalim ang iyong relasyon sa Panginoon. Peer pressure may be a positive influence and help to challenge or motivate us to do our best.

Pero ang madalas na bumubulaga sa maraming kabataan ay ang negative peer pressure. It happens when "friends" persuade you to do something that you do not want to do. Pinapagawa ka ng mga bagay na laban sa iyong kalooban dahil alam mong mali. Ito ang mga kalimitang linyang naririnig natin kapag nasa gitna ka ng negative peer pressure:

  • Subukan mo, try mo lang…for experience…
  • Everyone does it…
  • Wag kang killjoy! Makisama ka…
  • Walang makakaalam, tayo-tayo lang…
  • Duwag ka pala e…Gawin mo na…
  • Go on, I dare you…

Dahil sa pamumuwersa ng kabarkada, nagbabago ang pagkilos, pananalita at pananaw ng maraming kabataan. Maaring maapektuhan ang iba’t ibang aspeto ng kanilang buhay: fashion styles, verbal expressions, pagkakaroon ng boyfriend/girlfriend, pagpili ng kaibigan, paninigarilyo, pag-inon ng alak, paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Bakit bumibigay ang marami sa peer pressure? Unang-una, dahil sa pagnanais na matanggap sa grupo. They want to be liked, to fit in. Mahalaga sa mga kabataan na matanggap ng iba. Being part of a group is a BIG DEAL sa kabataan. Kung hindi ka “IN”, “OUT” ka. Especially for teenagers, being out of the group should never happen. Kailangan laging kasama sa isang grupo.

DEALING WITH PEER PRESSURE -May mga paraan para makatakas tayo sa peer pressure. Iyon ay kung gusto nating tumakas. Kung hindi naman ay madali na lamang magpati-anod sa daloy ng sitwasyon. May isang classic case sa Bibliya. Basahin ang Mark 6:17-29 nang matunghayan kung paano pinapatay ni Herodes si Juan Bautista dahil sa kahilingan ng kaniyang mga panauhin at dahil na rin sa kaniyang binitiwang pangako. Hindi naka-hindi si Herodes dahil sa mga taong nakapaligid sa kaniya. He was victimized by his own pride. He cared what his guests thought of him. Hence, he made a rash statement without thinking. Ito ang mga bagay na kailangan mong isipin bago kagatin ang pain ng kaaway.

Think First -Lahat ng bagay na ating ginagawa ay may ibubunga. Before you do something, mag-isip muna. Ito ang ipinagkaiba natin sa mga hayop, lahat ng tao nag-iisip. We should be rational enough to know the consequences of our actions. Tanungin ang sarili kung ano ang magiging epekto ng pagsunod sa masasamang hilig ng barkada sa :1) sarili; 2) sa mga mahal sa buhay; 3) sa relasyon mo sa Panginoon. Isipin din kung ano ang maaaring mangyayari sa iyo.

Please God, not Men -We must obey God, not men. Minsan mas gusto nating pasayahin ang tao kaysa pasayahin ang Diyos. Dahil sa hiya sa barkada, mas pinipiling sumama sa inuman at gimikan, kaysa sumunod sa payo ng magulang. Christians are not men-pleasers. Kung ayaw ng Diyos, hindi na natin dapat ginagawa kahit ano pa ang sabihin ng mga taong nakapaligid sa atin. Hindi na tayo dapat nagpapadala sa takbo ng makasalanang mundo. Obeying God means disobeying our sinful desires and interests. Ang pagsunod natin sa Diyos ay nangangahulugang iiwan na natin ang makasalanan nating pagkatao. Hindi na dapat naghahari sa atin ang mga masasamang ugali at masasamang kaisipan. Those who obey their human nature cannot please God.

Manindigan sa Tama -Gustong-gusto kong sabihin sa mga kabataang aking nakakausap, “What’s popular is not always right. What’s right is not always popular”. Hindi dahil sa isanlibong tao ang nagsasabi sa atin na gawin natin ang kasalanan ay magpapa-anod na tayo sa daloy ng sitwasyon, Only dead fish go with the flow. Ang kasalanan, kasalanan. Hindi dapat ginagawa. You need to know what you stand for lest you fall to whatever situation arises. Malalaman lamang natin kung ano ang tama sa mali kung magpapatuloy sa pag-aaral ng Salita ng Diyos. Be assertive with your decision. Kung maramdaman nila na hindi ka nila mapapasunod, there, mapapagod din sila. Nang subukin ni satanas si Hesus sa ilang, sumuko siya dahil hindi niya mapasunod si Hesus. Maaring laging nakabuntot sa iyo ang negative peer pressure subalit kung lagi kang maninindigan sa katwiran, madaling mapagtagumpayan ang lahat.

Prepare for Battle -Para hindi na mahirapan sa mga pagkakataong may peer pressure, isipin na kung ano ang dapat gawin. Kung isinasama ka ng barkada na maglakwatsa at mag-cut ng klase, maaring idiin sa kanila na dapat alalahanin ang kanilang mga magulang na nagbibigay sa kanila ng baon sa bawat araw. O kaya naman ay ipakita na mas mahalaga ang mag-aral kaysa magpunta sa mall upang gumimik. The key is to resist the pressure through righteous words and actions. Always say “NO” when negative pressure sets in.

The Art of Saying “No” -Just say No and mean it. Kung ayaw nilang makuntento sa sagot mo, iwan ang barkada para hindi na mapressure gumawa ng mga bagay na ayaw mong gawin. May iba pang pang “creative ways” para lusutan ang anumang peer pressure.

  • Magkunwaring hindi narinig ang sinabi ng kabarkada at umalis
  • Think of excuses (”May gagawin pa ako..”)
  • Change the subject matter (”Mas magandang pag-usapan ito...”)
  • Although it may not always work, present an alternative idea can be effective sometimes (“Kaysa manood tayo ng X-rated movie, mag-mall na lang tayo, di ba?”)
  • Give a sarcastic laugh (“Hahahaahaha!!! Naisip mo iyon!”)
  • Appeal to the conscience of the person (“Ano’ng mararamdaman mo kung sa iyo gawin ang iniisip mo?”)
  • Maging matigas sa paninindigan (“That’s my final decision”)

Laging Manalangin -Sa tuwing humaharap sa mga tukso, hindi puwedeng mawala ang panalangin. Aminin sa sariling hindi kaya ang sinasagupang problema. Apart from God, we can do nothing. Dapat maging normal ang mga “Help me Lord” prayers. God will always provide escape whenever we face temptations. Habang nanalangin, siyempre kailangang iwasan ang masasamang gawain ng barkada. Huwag nang bumabad sa sanhi ng kasalanan.

Nakilala si King Louis XVI ng Pransiya bilang isang masama at tamad na pinuno. Sa halip na pakinggan ang kaniyang mga naghihirap na kababayan, lalo pa itong naging gahaman sa salapi, naging lasenggero at nahilig sa sobrang kalayawan. Sinasabing naglingkod sa kaniya ang isang yaya na nais sirain ang buhay ng kaniyang anak. Ngunit sa tuwing tinuturuan siyang gumawa ng kasamaan, lagi ito nagdadabog at sinasabi sa nag-aalaga sa kaniya, “Hindi ko puwedeng gawin iyan! Anak ako ng Hari!” Sana ganito rin ang masabi natin sa mga taong nais ibulid tayo sa kasamaan. Masasabi kaya natin, “Hindi ako puwedeng gumawa ng kasalanan, Anak ako ng Diyos!”

Stick with those who share your values -Kung ayaw mong madawit sa mga masasamang trip ng iba, dumikit ka sa mga kaibigang hindi ka ibubulid sa kasamaan—iyong kapareho ng iyong ugali at pagpapahalaga. Minsan sinabi ni Pablo kay Timoteo, “But flee youthful lusts, and follow righteousness, faith, love, peace, with those who call on the Lord out of a pure heart.” (2 Timothy 2:22-MKJV). Sumama sa mga may takot sa Panginoon at lumalakad sa katwiran at kabanalan ng Diyos.

Talk to a trusted adult -Kung labis nang nababagabag sa mga pressures na nararanasan, kausapin ang iyong magulang, guro o kaya ay isang mapagkakatiwalaang counselor. Ilabas ang lahat ng problema sa pamamagitan ng pakikipag-usap at paghingi ng payo.

ARE YOU A THERMOMETHER OR A THERMOSTAT?

Tumulad tayo sa isang thermostat at hindi isang thermometer. Ang thermometer ay ang sumusukat ng temperatura ng kaniyang paligid. Kung mainit ang panahon, tumataas ang mercury sa thermometer. Kapag malamig, mababa naman. Ang isang thermometer na kabataan ay iyong laging umaayon sa kaniyang paligid at mga kasama. Kung gumigimik ang kaibigan, gimik din siya. Kung may bisyo ang friends, sama rin sa bisyo. Pero kung nasa church, siyempre dapat holy-looking rin, nagpe-praise and worship pa. Kumbaga, dalawang mukha. Ang isang paa minsan kay Lord at ang isang paa naman ay para sa kaaway.

Sino naman ang mga thermostat Christians?. Sila iyong mga taong alam ang kanilang temperatura. Nakakita na ba kayo ng isang maayos na automatic thermos? Kung nagpakulo tayo ng tubig, nilalagay natin ito sa isang thermos. Lumalamig ba siya kapag nasa thermos na, kahit lumipas ang ilang araw? Of course not, unless sira na at mahinang klase ang thermos. Ibig sabihin, alam ng isang Cristianong kabataan ang kaniyang temperatura kahit malamig o mainit ang kaniyang kapaligiran. Bilang taga-sunod ni Cristo, sino man ang kasama natin, Cristiano tayo, we should never compromise. Hindi tayo dapat umaayon sa masasamang hilig ng kabataan. Let us not give the devil a foothold in our lives.

Wednesday, January 21, 2009

ADDICT KA BA SA VIDEO GAMES?

Isa sa hindi ko makakalimutang regalo noong ako ay bata pa ay ang Game and Watch na ibinigay sa akin ng aking tita na nagtatrabaho dati sa Saudi Arabia. Iyon ang old version ng Gameboy. Kapag may Game and Watch ka noon, angat ka sa mga kalaro mo na walang alam laruin kundi tumbang preso at tagu-taguan. Pero nawala ang atensyon ko sa Game and Watch nang bigyan ang pinsan ko ng ATARI. Pa-morningan ang laro namin ng Pacman pati Enduro (ung race car game) hanggang sa ilang joystick ang masira namin sa sobrang energetic namin maglaro. Kapag ayaw magpalaro ng iba, siguradong away iyon. Nasundan ang ATARI ng Family Computer. Ang Family Compute ay sinundan naman ng Computer Games at Play Station. Ngayon mayroon nang PSP at Online Games tulad ng D.O.T.A. (Death of the Ancients) at Counter Strike. Nauso pa ang Nintendo Wii at Sony PS3.

Naimbento ang video games noong 1970s. Simple lang ang unang naimbentong laro, ang Pong na may dalawang rectangle bilang paddle at isang square ball na pagpapasa-pasahan ng mga manlalaro. Ang itinuturing na kauna-unahang marahas na laro ay ang PAC-MAN kung saan kumakain na ng mga pills at ghosts ang bida sa laro. Marami nang lumabas na mga laro magmula nang maimbento ang Pac-Man. Marami sa kanila ay hindi lang mas magaganda ang graphics, mas mararahas din. Halos lumuwa ang bituka at bumaha ng dugo ang ilan sa mga tauhan ng mga larong ito kapag nababaril o napapatay ng naglalaro. Ito ang mga larong kalimitang kinahuhumalingan ng maraming kabataan.

BENEFITS AND DRAWBACKS OF VIDEO GAMES

May magandang naidudulot ang paglalaro ng video games sa mga kabataan. Video games can make one’s mind active and alert. Some even say that video games like Tetris can be a form of therapy and a form of relaxation. Napapaunlad din ng mga video games ang analytical skills ng mga kabataan lalo na sa mga larong ginagamitan ng strategy. These games can also develop eye-hand coordination. Sabay na nanood ang naglalaro at ginagamit ang mouse upang pagalawin ang mga karakter at mga gamit na gadgets sa laro. Simulated games can also promote education, learning, control and discipline. Isang halimbawa nito ay ang mga flight simulators kung saan parang isang piloto ang isang naglalaro. Isa ring magandang halimbawa ay ang SIMS, ang itinuturing na best-selling game of all time.

NGUNIT Sa kabila ng lahat ng kabutihang maaring idulot ng paglalaro ng mga computer games, maraming kabataan ang lalong napapasama dahil sa lubos na pagkagumon. Sa halip na maging educational ang mga simulation games, nagiging “murder simulators” sila dahil mismo ang mga kabataan ang nag-iisip ng paraan paano papatayin ang kanilang kaaway.

Hindi lang karahasan kung hindi maging kahalayan ang maaring bumulaga sa lahat ng video game fanatics. Isang classic example dito ang Duke Nukem 3D, ang kauna-unahang PC first-person shooter game na inilabas noong 1996. Kasama sa laro ang mga hubad na babae, strippers at prostitutes na puwede mong bayaran ng pera para ipakita ang kanilang hubad na katawan.

May tatlo nang naitalang namatay dahil sa sobrang paglalaro ng video games: Si Lee Seung Seop ng South Korea na namatay habang naglalaro ng Starcraft sa loob ng 50 oras, si Xu Yan ng Jinzhou, China na naglalaro ng online games sa loob ng 15 araw at isang hindi ipinakilalang 30-taon na lalaki na namatay sa Guangzhou, China matapos maglaro sa loob ng tatlong araw.

VIDEO GAME ADDICTION: ISANG BAGONG SAKIT

Pinag-uusapan na ngayon ng American Medical Association (AMA) kung ituturing na bang isang mental illness ang Video Gaming Addiction. Bagaman marami pang pag-aaral na kailangang gawin, nakakabahala na ito dahil nakaabot na ito sa atensyon ng mga sikolohista at eksperto sa medisina. Pinatunayan ng isang pag-aaral sa Iowa State University na hindi mapaghihiwalay ang violent video games sa pagiging marahas ng mga kabataan. Hindi makakaila na may epekto ang paglalaro ng video games sa emosyon ng maraming kabataan. Mas tumitindi ang masamang epekto ng mga mararahas na video games sa buhay ng isang kabataan kung nararanasan at nakikita niya rin ang mga bagay na ito sa kaniyang buhay at paligid.

Other negative effects include the following: antisocial behavior, poor academic performance, desensitization to violence and aggression, too much emotional involvement with the character in video games, can lead to other delinquency (i.e. stealing), and can reinforce the aggressive tendencies of players through constant stimulation. Dahil sa tindi ng problema, mayroon isang clinic sa Beijing, China na itinayo upang gamutin ang mga video game addicts. Kalimitan sa mga pasyente ay mga teenagers na may edad 12 hanggang 17. Dahil sa tindi ng problema sa mga mauunlad na bansa tulad ng Amerika, nirerekomenda na ng mga eksperto na magtatag ng Video Gamers Anonymous katulad ng Alcoholics Anonymous para sa mga lulong sa alak.

SIGNS OF ADDICTION

May mga palatandaan kung paano mo malalaman kung may sintomas ka na ng Video Game Addiction. Any addiction involves preoccupation, loss of control, withdrawal and continuance of act despite adverse consequences.

· Preoccupation

o Nauubos ang oras mo sa paglalaro

o Napapabayaan mo na ang iyong kalusugan. Lumiliban ka na sa pagkain.

o You forget your personal hygiene dahil busy ka sa paglalaro

· Loss of control

o Hindi mo mapigilang hindi maglaro

o Gumagawa ka ng paraan para makapaglaro

o Lumiliban sa klase, naghahanap ng paraan para hindi magambala sa paglalaro

o Laging nasa isip mo ang video games.

· Withdrawal

o Naiirita ka kapag hindi ka nakakapaglaro

o Nagagalit ka sa sinumang pinipigilan kang maglaro

PREVENTION IS STILL THE BEST SOLUTION

Gusto mo bang makaligtas sa panganib ng video game addiction? I give you these recommendations:

· Huwag mo nang simulan ang bisyo. Ilaan ang oras at salapi sa mas mahahalagang bagay.

· Humingi ng tulong sa Panginoon sa pamamagitan ng palaging pananalangin upang makontrol at madisiplina ang sarili. Limit your play time and be selective of the game you play. No gore, no violence, no sex, no evil contents.

· Sa halip na sa video games ilaan ang iyong panahon, get involved in activities that will develop your whole personality-get involved in extra-curricular activities in school and church ministries. Focus on your studies and academic work.

· Huwag sumama sa mga barkadang magtutulak sa iyo na maging gumon sa video games.

Monday, January 19, 2009

REPLICA OF NOAH'S ARK in Netherlands



This is the replica of Noah's Ark constructed by a Christian Dutch,Johan Huibers of Schangen, Netherlands. Ito ang patunay na naniniwala siya sa Bibliya at mga kuwento na ipinahayag sa Genesis 6. Mayroong mga life-size giraffees, elephants, zebras and other animals. Makikita rin sa arko ang isang 50-seat theatre kung saan puwedeng mapanood ng mga bisita ang pelikula tungkol kay Noe. Napakalaki na ng arko pero ang tunay na arko ni Noa ay LIMANG BESES mas malaki sa ginawa ni Huibers. Sinimulan niya ang paggawa sa arko noong May 2005. The major reason why Huibers constructed the ark: He wants the younger generation to know the story of God's goodness as revealed in Genesis.

Thursday, January 08, 2009

The REAL DEAL on the REPRODUCTIVE HEALTH BILL

The Reproductive Health Bill sponsored by the group of Rep. Edcel Lagman has been the talk of the town for the past few months. Apparently, the Roman Catholic Church (CBCP) takes the lead in opposing the bill. As an academic, I encourage critical and systematic study of issues. As a minister, I support laws that would protect the younger generation from the negative consequences of irresponsible sexual behavior.

Attached is the Reproductive Health Bill (HB 5043). Read the text yourself, then make your own judgment. I highlighted in yellow the sections which I would consider "interesting", "noteworthy", "contentious" and require thorough studies and discussions.

Overall, the bill promotes responsible parenthood through conscious, government-led information campaign. It even supports the promotion of ABSTINENCE before marriage--the message I have been preaching for years. A legal website summarizes the contents of the bill. You can visit: http://jlp-law.com/blog/reproductive-health-bill-fact-sheet-and-explanatory-note/

------

(Note: This is the Fact Sheet from the Committee on Health on House Bill No. 5043 [full text], in substitution to HB Nos. 17, 812, 2753 & 3970. Introduced by Reps. Edcel C. Lagman, Janette L. Garin, Narciso D.Santiago III, Mark Llandro Mendoza, Ana Theresia Hontiveros-Baraquel, Eleandro Jesus F. Madrona. The full text of the explanatory note of Rep. Edcel Lagman’s House Bill No. 17, one of the substituted bills, is also reproduced below.

OBJECTIVE/S:

  • To uphold and promote respect for life, informed choice, birth spacing and responsible parenthood in conformity with internationally recognized human rights standards.
  • To guarantee universal access to medically-safe, legal and quality reproductive health care services and relevant information even as it prioritizes the needs of women and children.

KEY PROVISIONS:

  • Mandates the Population Commission, to be an attached agency of the Department of Health, to be the central planning, coordinating, implementing and monitoring body for effective implementation of this Act.
  • Provides for the creation of an enabling environment for women and couples to make an informed choice regarding the family planning method that is best suited to their needs and personal convictions.
  • Provides for a maternal death review in LGUs, national and local government hospitals and other public health units to decrease the incidence of maternal deaths.
  • Ensures the availability of hospital-based family planning methods such as tubal ligation, vasectomy and intrauterine device insertion in all national and local government hospitals, except in specialty hospitals.
  • Considers hormonal contraceptives, intrauterine devices, injectables and other allied reproductive health products and supplies under the category of essential medicines and supplies to form part of the National Drug Formulary and to be included in the regular purchase of essential medicines and supplies of all national and local hospitals and other government health units.
  • Provides for a Mobile Health Care Service in every Congressional District to deliver health care goods and services.
  • Provides Mandatory Age-appropriate Reproductive Health Education starting from Grade 5 to Fourth Year High School to develop the youth into responsible adults.
  • Mandates the inclusion of the topics on breastfeeding and infant nutrition as essential part of the information given by the City or Municipal Office of the Family Planning to all applicants for marriage license.
  • Mandates no less than 10% increase in the honoraria of community-based volunteer workers, such as the barangay health workers, upon successful completion of training on the delivery of reproductive health care services.
  • Penalizes the violator of this Act from one month to six months imprisonment or a fine ranging from ten thousand to fifty thousand pesos or both such fine and imprisonment at the discretion of the Court.

Free Seminar-Workshop on Youth Ministry Concerns

God has been using me in the teaching ministry. I conduct free seminars and workshops on the following topics:

1) Love, Courtship and Dating (including Homosexuality Concerns)
2) Adolescent Development
3) High School Ministry Essentials
4) Christian Leadership

IF I COULD BE OF HELP TO YOUR CHURCH/YOUTH GROUP/MINISTRY, Kindly contact me through my email addresses: rcmolmisa@gmail.com/rcmolmisa@yahoo.com or my celnum: 0919-6428217. You can also visit our under construction, provisional website: www.generation316.webs.com, for details about our ministry.

I am also an executive staff of the PCEC-National Youth Commission. You can also contact me through pcecnyc@gmail.com. As of now, we're preparing for our annual youth conference, YOUTH FACTOR 2, tentatively scheduled on April 17. Will post more details soon.

God bless YOUth!!

Wednesday, January 07, 2009

YOU'RE NOT TOO YOUNG TO SERVE GOD

Ang isang batang Hudyo na umabot na sa edad na 13 (sa lalake) o 12 (sa mga babae) ay kailangang dumaan sa isang seremonya na tinatawag na Bar Mitzvah (sa lalake) o Bat Mitzvah (sa babae). After the ceremony, the child is obligated to observe all the commandments. Simula edad 13, ang mga kabataan ay nagsisimulang makibahagi sa mga gawaing panrelihiyon. Kinakabitan sila ng mga phylacteries o maliliit na kahon na itinatali sa kanilang katawan. Nakalagay roon ang mga kasulatan na kailangan nilang basahin at kabisaduhin. Mayroon ding mga isinusuot sa kanilang kaliwang braso at noo upang mas madali niyang maalala ang mga kautusan ng Diyos. Nagbabasa rin siya ng mga libro ni Moises (ang Torah) sa mga pagtitipon.

Katulad ng mga batang Hudyo, kailangang isaisip ng lahat ng kabataan na maglingkod sa Panginoon kahit sa mura nilang edad. Ang panahon ng kabataan ay panahon ng pagseseryoso sa buhay. Hindi natin dapat tanggapin ang ideya na kapag kabataan, OK lang ang magpakasarap sa luho at layaw, dahil ito daw ang pinakamagandang paraan para matuto ng magagandang aral.One of the best ways of developing the character of the youth is through service in the church. Serving God can do wonders in their lives.


Para sa lahat ng kabataan...

Serving God is the main purpose of your life. We are created to serve God. Christ himself set us an example. Maraming kabataan ang mas gusto pang maglingkod sa mga non-Christian organizations kaysa magpagamit sa mga ministries sa church. Hindi ko sinasabing mali ang mag-involve sa mga secular organizations. Kung mayroong mang dapat magsimulang makita ang diwa ng paglilingkod ng mga kabataan, ito ay sa loob ng iglesya. Sa pamamagitan ng iglesya, naitatama ang puso ng mga kabataan. Many get involved in socio-civic projects for personal fulfillment adventure and experience. But when we serve in the church, we are also reminded of the truth that the center of our service should be Christ not us. We are servants and Christ is our Master.

Serving God can make the Word of God more powerful. Mas madaling mong mauunawaan ng mga kabataan ang kahulugan ng pagiging isang Cristiano kung sila mismo ang makakaranas nito. Mas matindi ang epekto ng direktang pagministeryo sa mga mahihirap nang aktuwal kaysa pagtuturo sa Bible studies ng pagmamahal ng Diyos sa mga mahihirap. They need to experience the things being taught to them. Kung kabataan ka na parang walang kabuhay-buhay ang iyong buhay-Cristiano, try to get involved in hands-on ministry. Ministry can make the Word of God more visible and powerful.

Serving God can positively transform your character. Babaguhin ng Diyos ang puso mo kapag lagi kang naglilingkod sa Kaniya. When you minister to people, you do not only change the lives of others, you are also making an impact to your life. Kung dati hate na hate mo ang mga pulubi dahil sila ay marurumi, try mong pakainin sila at mararamdaman mo na hindi sila dapat pandirihan at layuan. Service to God can teach you how to love and be humble. When you get involved in the ministry, He will impart His character to you because you partake in His work.

Sunday, January 04, 2009

Ang Kuwento ni Mang Meliton (A Retired UP-Diliman Janitor) - A REPOST

I am reposting this essay about a former janitor of UP-Diliman, Mang Mel. Lagi ko siyang nakikita sa AS (Arts and Sciences) Building noong ako ay nag-aral at nagtrabaho bilang researcher sa College of Social Sciences and Philosophy. Ipinakita ni Mang Mel kung paano siyang naging mapagmahal sa mga estudyante na nangangailangan ng tulong. You may not have the interest to buy his CD but feel free to spread the goodness of his story. Minsan sinabi ng Panginoon na huwag na nating hayaang makita ng ating kanang kamay ang ginagawa ng ating kaliwang kamay. God will reward our good works, kahit hindi iyon alam ng marami. Ang mga tunay na bayani, hindi dapat kinakalimutan.

---

Meet Meliton Zamora, a retired University of the Philippines janitor and my hero.

For forty-five years, he swept floors, cleaned up trash, watered plants and did odd jobs at the University.

I met him when I was active with the UP Repertory Company, a theater group based (then) at the third floor lobby of the Arts & Sciences (AS) building. He would sweep and mop the hallway floors in silence, venturing only a nod and a smile whenever I passed him.

Back then, for me he was just one of those characters whom you got acquainted with and left behind as soon as you earned your degree and left the university for some big job in the real world. Someone whose name would probably ring a bell but whose face you'd have a hard time picturing. But for many UP students like me who were hard up and had a difficult time paying their tuition fees, Mang Mel was a hero who gave them the opportunity to finish university and get a big job in the real world.

The year was 1993 and I was on my last semester as a Clothing Technology student. My parents had been down on their luck and were struggling to pay for my tuition fee. I had been categorized as Bracket 9 in the recently implemented Socialized Tuiton and Financial Assistance Program (STFAP). My father had lost his job and to supplement my allowance, I worked part time as a Guest Relations Officer at Sam's Diner (back when the term GRO didn't have shady undertones) and took some odd jobs as a Production Assistant, movie extra and wardrobe mistress.

To be eligible for graduation, I had to enroll in my last three courses and pay my tuition fee. Since my parents didn't have enough money for my matriculation, I applied for a student loan hoping that my one of my Home Economics (HE) professors would take pity on me and sign on as a guarantor for the student loan. But those whom I approached either refused or were not eligible as guarantors. After two unsuccessful weeks of looking for a guarantor, my prospects looked dim, my future dark. And so, there I was, a downtrodden twenty year old with a foggy future, crying in the AS lobby. I only had twenty four hours left to look for a guarantor.

Mang Mel, with a mop in hand, approached me and asked me why I was crying. I told him I had no guarantor for my student loan and will probably not be able to enroll this semester. I had no hopes that he would be able to help me. After all, he was just a janitor. He borrowed my loan application papers and said softly, "Puwede ako pumirma. Empleyado ako ng UP." He borrowed my pen and signed his name. With his simple act of faith, Mang Mel not only saved my day, he also saved my future.

I paid my student loan the summer after that fateful day with Mang Milton and it has been 15 years since then. I am not filthy rich but I do have a good job in the real world that allows me to support my family and eat three meals a day. A few weeks ago, a friend and UP Professor, Daki, told me that Mang Mel recently recorded an album which he sells to supplement his meager retirement pay, I asked another friend, Blaise, who's taking his Master's degree at UP to find out how we could contact Mang Mel. My gesture of gratitude for Mang Mel's altruism has been long overdue. As fate would have it, my friend saw Mang Mel coming out of the shrubbery from behind the UP library, carrying firewood. He got Mang Mel's address and promised him that we would come over to buy his album.

Together with Blaise and my husband Augie, I went to pay Mang Mel a visit last Sunday. Unfortunately, he was out doing a little sideline gardening for a UP professor in Tandang Sora. We were welcomed into their home by his daughter Kit. As she pointed out to a laminated photo of Mang Mel on the wall, she proudly told us that her father did retire with recognition from the University. However, she sadly related to us that many of the students whose loans Mang Mel guaranteed neglected to settle their student loans. After forty-five years of service to the University, Mang Mel was only attributed 171 days of work for his retirement pay because all the unpaid student loans were deducted from his full retirement pay of about 675 days. This seems to me a cruel repayment for his kindness.

This is a cybercall to anyone who did not get to pay their student loans that were guaranteed by Mang Mel. Anytime would be a good time to show Mang Mel your gratitude.

Mang Mel is not asking for a dole out, though I know he will be thankful for any assistance you can give. So I ask those of you who also benefited from Mang Meliton's goodness or for those who simply wish to share your blessings, please do visit Mang Mel and buy his CD (P350 only) at No. 16-A, Block 1, Pook Ricarte, U.P. Campus, Diliman, Quezon City (behind UP International House) or contact his daughter Kit V. Zamora at 0916-4058104.

http://mikersindahawz.multiply.com/journal/item/11/Paying_It_Back_for_Mang_Meliton_a.k.a_Mang_Milton

Saturday, January 03, 2009

HIGH SCHOOL MINISTRY ESSENTIALS (Issues and Responses)

I have been a youth ministry leader for more than a decade. Nagsimula kami sa pagmiministeryo sa Rizal High School, ang minsang itinuring ng Guiness Book of World Records na pinakamalaking high school sa buong mundo. Kung kaya, mahigit 4,000 kaming nagtapos noong batch ko. Kaya dalawang araw ang graduation ceremonies. After ten years, binalikan ko ang aking Alma Mater, upang maipahayag sa mga estudyante doon ang Mabuting Balita ng Panginoon. I could say that God has been faithful to our ministry in RHS.

May mga reyalidad na kailangan tayong tanggapin at harapin kung nais nating magsimula ng High School Ministry. Karamihan sa mg katotohanang ito ay may kinalaman sa kung paano tayo makakapasok sa loob mismo ng campus. Although suportado ng DepEd ang pagpo-promote ng Values Education sa mga HS students, hindi ganoon kasimple ang sitwasyon. May nakita akong apat na bagay na makakapigil sa isang iglesya upang mabilis na mapasok
ang isang high school upang magministeryo.

1. PRINCIPAL
2. ABSENCE OF CONTACTS (Teacher and Students)
3. SCARCITY OF MINISTRY VOLUNTEERS
4. LACK OF SYSTEMATIC PROGRAM

THE GATEKEEPER ISSUE
Naniniwala ako na ang pinaka-crucial sa HS ministry sa ating bansa ngayon ay ang mga PRINCIPALS mismo. Sila ang gatekeeper ng anumang paaralan. Kahit mayroon kang permit from the Division Office o basbas mismo sa DepEd ukol sa kagandahan ng iyong intensyon, ang PRINCIPAL pa rin ang masusunod. Unless bukas ang kanilang puso at isipan upang tayo
ay magministeryo, mahihirapan tayong pumasok.

Minsan kinausap ko ang isang principal upang makapagdaos kami kahit ng 30 minutos na youth gathering sa kaniyang eskwelahan. Dahil sa wala pa kaming permit from the Division office noon, pinayuhan kaming kumuha muna. Nakalipas ang isang buwan nang bigyan kami ng Division Office ng permiso. Umaasa kaming papayagan na kami sa eskwelahang aming gustong pasukin. Ngunit biglang nagbago ang ihip ng hangin. Sinabi ng principal na isang Marian Devotee na hindi daw kami maaring payagan dahil baka daw MALITO ang mga bata. Bakit? Kasi mayroon na daw silang lingguhang misa kung saan pinadadalo nila ang mga estudyante. Sa isip ng principal, baka daw MALITO ang mga estudyante kung sino daw ang
sasambahin. Hindi na kami nagtangkang magpaabot ng argumento at hinaing dahil sa talagang hindi niya pinapayagan ang anumang Christian ministry sa loob ng kaniyang eskwelahan. Sinabi na lamang namin na handa kaming makipag-ugnayan sa kaniyang opisina kung kailangan niya ang aming tulong.

PROPOSED SOLUTION/S: Simple subalit parang mahirap gawin. We must first build rapport and relationship with school authorities. This may take time. Lalo na sa mga principals na iba ang religious persuasion. As I see it, hindi natin maaring ipilit ang anumang permits from
higher authorities dahil ang mga principals ang mga presidente ng eskwelahan. Ang kanilang mga salita ang mas pinanghahawakan ng mga estudyante at mga guro. Kung ipipilit naman natin ang ating kagustuhan na wala silang basbas, humanda na tayo sa isang SECRET High School Missionary Strategies. Maari natin itong gawin sa labas o loob ng eskwelahan. Pero, outside class hours. If you can do this strategy, wala namang problema. But we can make HS ministry easier and hassle-free.

How can we establish relationship with school authorities? Isang epektibong paraan ay pagdadaos ng mga proyekto o seminar na makakatulong sa mga estudyante na walang masyadong religious bias (i.e. Career Orientation Program, Drug Abuse Awareness Program). As for our case, we coordinate with Values Education Department Heads of High Schools to have Love, Courtship and Dating Seminars which are presented in academic manner. I can say, effective siya lalo na sa mga third year and fourth year students.

THE ISSUE OF CONTACTS
Kung maayos naman ang ating relasyon sa principal ng eskwelahan at pinapayagan tayo na makapagministeryo, may isa pa tayong kailangan lampasan—kailangan mayroon tayong mga contacts. Ang hirap magsimula ng HS ministry na wala kang contacts sa loob. I am not saying that you cannot start a HS ministry without contacts. This scenario, however, can hamper the growth of the ministry. It would be better if we have students whom we can meet regularly every week. Train them to do the works of the ministry and send them to minister to other students.

Also, if you want instant student groups na mami-meet every week, you must have a contact teacher na inyong kilala. Nonetheless, hindi ninyo puwede i-meet nang buong class time ang mga estudyante dahil masisilip iyon ng School authorities at ng DepEd. DepEd has set specific learning competencies for the students. As for our ministry's case, we are only allowed to meet the students 30 minutes at most (for non-Values Education subject) para may time pa for academic instruction ang aming contact teachers. We can only teach for one
hour sa mga Values Education subjects. We meet the students once a week for a Christian values program we designed.

PROPOSED SOLUTION/S: Make your church youth as your school contacts. Disciple and train them to do campus work. Scout for Christian teachers in the high school. Pray for them and schedule a meeting.

LACK OF VOLUNTEERS
Kung maayos na ang relasyon natin sa principal, may mga contacts na tayo na estudyante at mga guro, subalit wala naman tayong REGULAR na HS Ministry Volunteers, maaring masayang din ang ating mga pagsisikap. High school ministry is a weekday ministry. Isa sa mga dahilan kung bakit kakaunti ang mga HS Campus ministers dahil karamihan sa mga
church workers ay may mga trabaho. To some extent, HS ministry often requires volunteers who can be available any day of the week. To establish relationship with the students, you need to visit them, talk to them, attend school events and relate to them. Ideally, a HS campus minister must stay inside the campus at least 6 HOURS a week for student visitation.

PROPOSED SOLUTION/S: Pag-usapan sa iglesya kung sino ang itatalagang campus ministry director o staff. Maaring ang pastor mismo ang magsimula at magsama ng mga volunteers na puwedeng i-train.

THE NEED FOR A SYSTEMATIC PROGRAM
Kailangan ng high school ministry ang isang maayos at sistematikong programa for certain reasons. Una, limitado ang oras ng mga estudyante sa loob ng campus. Dalawa ang maaring maging istratehiya: inside or outside the classroom. Kapag uwian na, inaasahan sila na umuwi na sa bahay. Kung titipunin natin sila after class hours, hindi puwedeng masyadong matagal ang anumang gathering (recommended is 1 hour). Kung sa loob naman ng classroom, kailangang may maayos na lesson plan o curriculum na ituturo sa kanila upang maging maayos at mapabilis ang paglagong espiritwal ng mga estudyante.

Pangalawa, batay na rin sa aming karanasan, nababagot ang maraming estudyanteng dumalo sa ministeryong hindi nila alam ang kanilang patutunguhan. Kailangan ipaalam sa mga estudyante kung ano ang mga benepisyo at kahalagahan ng pagsama sa isang Christian fellowship.Kailangan maging lugar ang ministeryo upang mapalago ng estudyante ang
kanilang relasyon sa Panginoon, makakita ng mga bagong kaibigan at malinang ang kanilang mga talento (i.e. music and dance).

Pangatlo, mahihirapang ma-sustain ang isang HS ministry na walang programa. Halimbawa, kailangang may maayos na sistema kung paano pipiliin ang mga HS Ministry staff na mga estudyante, paano ang kanilang training, ang mga ministry requirements at marami pang iba.
Isa sa mga dapat isaisip ng mga iglesya ay ang makapagtatag ng isang HS Christian organization upang mapanatili ang ministeryo sa loob ng campus.

PROPOSED SOLUTION/S:
• Kung wala pang karanasan ang iglesya sa HS ministry, maaring makipag-ugnayan sa mga church, parachurch o mga ministeryo na nagbibigay ng mga campus ministry training.
• Maari din namang magdisenyo ang iglesya ng mga programa at proyekto kung paano iri-reach-out ang mga HS students. Makakatulong ang pagsasaliksik sa Internet o pagsa-subscribe sa mga online campus ministry newsletters upang magkaroon ng mas malawak na kaalaman.

HEART FOR HS STUDENTS
Alam ninyo ba na maari kayong magtayo ng isang church mula sa mga high school students? Sinasabi ko ito dahil ang iglesyang aking pinangungunahan ay binuo ng Panginoon mula sa mga kabataan sa haiskul. Isa sa mga ipinanalangin ko bago ko suungin ang HS ministry ay ang mga pangungusap na ito: "PANGINOON, BIGYAN MO AKO NG PUSONG LABIS NA
MAGMAMAHAL SA MGA KABATAAN." Hindi madali ang HS ministry dahil magastos, nakakapaos sa boses at makukulit ang mga estudyante. BUT IT'S ALL WORTH IT. Ang mga patotoo ng mga kabataang nababago ang buhay dahil sa pagmahahal sa Panginoon ay sapat na para magpatuloy tayo sa pag-abot sa mga kabataan.