Saturday, October 18, 2008

Beware of Mall SALE Deception

Noong Biyernes, isang oras akong natrapik sa Ortigas nang umalis ako sa bahay ng 12 ng tanghali, sakay ng FX, para makarating sa MRT station. Dahil dito, hindi ako nakapunta sa aking 1pm na meeting. Hindi umuusad ang sasakyan at kahit saan ka sumuot, laging may bottleneck ang trapiko. Doon ko na-REALIZE, as in na-REALIZE na nagsimula pala noong araw na iyon ang Sale sa Megamall. Para hindi masayang ang panahon ko, bumaba na ako sa Mega Mall dahil hindi na rin ako makakarating sa aking appointment at hindi na umuusad ang mga sasakyan.

Sinubukan kong tingnan ang item na gusto kong bilhin sa isang music shop. Dahil sa SALE ang nakalagay, inasahan ko na mas mababa ang aking malalamang presyo. Lo and behold, WALANG PINAGBAGO sa presyo. May dagdag lang---ang presyong itinaas ng P2000 na may nakapatong na malaking "X" mark para magmukhang GRABE nilang ibinaba ang presyo.
Nagtanong ako na animo'y inosente na tunay na presyo. Ang hindi alam ng salesboy, ang presyong SALE na inilagay nila sa item ay ang MISMONG PRESYO kapag walang sale. Sa isip ko, isang malaking PANLILINLANG ito. Kapag hindi ka matalinong mamimili, madadala ka na lang sa matatamis na salita ng mga nagbebenta.

Naniniwala ako na ang mga SALE declarations ng mga malls ay panahon din para sa mga ilang mall stores na linlangin ang mga consumer. Kahit wala silang mga depreciated items, binabandera nilang nagbababa rin sila ng presyo.

Walang manlilinlang, kung walang MAGPAPALINLANG.

No comments: