Maraming magkasintahan ang pinag-iisa lamang ng kanilang damdamin para sa isa't isa. Dahil walang nangangalaga at sumusubaybay sa kanilang relasyon, mabilis itong nabubuwal sa pagdating ng problema. Mababaw at mahina ang pundasyon. Kasi may missing element: si Lord.
Sa Hardin ng Eden, ipinakita ng Diyos ang kaniyang dakilang plano sa lahat ng magsing-irog (Gen. 2:21-24). Hindi niya pinayagan na malungkot at nag-iisa si Adan. Nilikha Niya si Eba mula sa kaniyang tadyang--simbolo na ang babae ay kaisa ng lalake sa buhay at dapat pangalagaan. Inilapit ng Diyos kay Adan si Eba. Hindi naghanap ang lalake. Ang Diyos mismo ang nagbigay. Sa lahat ng ito, walang "intervention" ang tao. Si Lord ang nagplano ng lahat. At tandaan natin na ang lahat ng Kaniyang plano ay mabuti at ganap (Jeremiah 29:11).
Walang kasiyahan sa isang relasyon na papalit-palit at hindi pangmatagalan. Dinisenyo ng Diyos ang kasal para sa ating ikabubuti. Ang sinumang yumuyurak o sumisira sa kaayusang ito ay hindi lamang nagkakasala sa Panginoon kundi maging sa kaniyang sarili. God designed marriage for us to pursue holiness and righteousness. Malibang Siya ang magtatag ng sambahayan, mapapagod ang mga taong nagtataguyod nito (Psalm 127:1).
Ang pagdedesisyon sa paghihiwalay ay hindi lamang dapat ginagawa ng mag-asawa. Kasi noong ikinasal kayo, kasama si Lord, di ba? Remember ang bendisyon? In the name of the Father, of the Son and of the Holy Spirit? Nagsumpaan pa kayo sa isa't isa ng "until death do us part".
Dapat may "say" si Lord sa inyong relasyon. E, ayaw ninya ng divorce. Kaya hindi kayo puwedeng maghiwalay (Malachi 2:16). Maging ang Saligang Batas ng Pilipinas, pinoprotektahan ang institusyon ng kasal (Article II, Sec. 2 and Article XV, Sec. 1 and 2). Marriage is more than a legal contract. It is a holy covenant initiated by God himself.
Sa mga singles pa lamang, madaling i-kompromiso ang 6:14 Rule (2 Cor. 6:14) kung hindi BIG DEAL sa iyo ang iyong relasyon sa Panginoon. Kailangang "tunay" at "buong-buo" ang pagmamahal mo sa Diyos (Matt. 22:37-39). I-align ang nais ng iyong puso sa gusto Niya, hindi sa kung ano ang nais mo.
Noong Old Testament times, ipinagbabawal na pagsamahin sa isang pamatok upang mag-araro sa bukid ang isang baka at asno (Deut. 22:10). Siguradong mabibigatan ang dalawa sa pagtatrabaho. Ganundin, magiging mabigat ang relasyon ng dalawang taong walang pagkakaisa sa espiritu.
Matuto sa naging karanasan ni Haring Solomon. Uber-talino sana kaso uber-disobedient din. Inilayo siya ng kaniyang halos isang libong asawa mula sa Panginoon (1 Kings 11:4-8). Hindi imposibleng mangyari rin ito sa mga "disobedient" na mananampalataya. You cannot serve two masters. Kapag kayo ay nagsama ng iyong partner na hindi mananampalataya, mahirap maging "biyenan" si satanas (John 1:12, John 8:44, 1 John 3:10).
Marriage is all about "oneness" (Genesis 2:24, Matthew 19:6). Malabong maging "isa" kayo sa harap ng Panginoon kung hindi kayo parehong nagmamahal sa Kaniya. Partners cannot truly walk together unless they agree (Amos 3:3). Kapag kayo ay nagkapamilya na, how would you admonish your children to love the Lord kung isa sa inyo ay walang relasyon sa Diyos (Eph. 6:4)?
Mahirap magmahal nang tunay kung hindi mo kilala ang tunay na pag-ibig (1 John 4:7-8). Relationships should always be a love triangle. Si Lord ang nasa tuktok ng tatsulok at kayong dalawang mag-partner ang nasa magkabilang dulo. Habang pareho kayong lumalapit sa Kaniya, naglalapit rin ang inyong puso at kaluluwa. A three-fold cord is not easily broken (Eccl. 4:12). Kailangang nakatuon ang bawat isa na pasayahin ang puso ng Panginoon.
Let's pray. "Lord, patawad kung inuuna ko ang aking nais kaysa sundin ang Iyong kalooban. Tulungan mo akong iwan ang lahat ng bagay na nagpapalayo sa akin sa iyong puso. Ayaw kong masira ang magandang plano mo para sa aking buhay pag-ibig. Gusto kong ikaw ang maging first and endless love ko. Amen."
Thanks for visiting my blogspot. This is the place where you can know me as a minister, as a kuya (big brother), as an husband, as an academic and as a typical homo sapiens sapiens. I am the head pastor of the GENERATION 3:16 Ministries, a ministry devoted to the evangelism and discipleship of the younger generation. I also lead the LOVESTRUCK MOVEMENT, a ministry preaching Biblical purity and responsible dating, courtship, marriage and sexuality (www.lovestruckmovement.org).
Wednesday, February 27, 2013
Tuesday, February 26, 2013
Kapag Naging Showbiz ang Pulitika
Umiikot daw
ang buhay ng Pinoy sa PBA--pulitika, basketbol at artista. Hindi kumpleto ang
ating araw kapag hindi tayo napapangiti ng isang variety show, telenovela o ng
isang matinding laban ng Barangay Ginebra. Hindi rin magpapahuli ang ating pulitika
na katulad ng isang pelikula--may comedy, action at drama. Swak na swak talaga ang
slogan na, "It is more fun in the Philippines."
Kung dati ay mga
pulitiko ang nag-iimbita sa mga artista para pasayahin ang kanilang campaign activities,
nabaligtad na ang eksena. Ang mga artista na ang tumatakbo sa pulitika. At dahil
mga artista na ang katapat ng mga pulitiko, napipilitan na rin silang sumayaw
at magpaka-showbiz. That's Entertainment na ang format ng programa sa pangangampanya.
Bahagi ng
buhay ng mga pulitiko ang showbiz--mula sa pagi-endorso sa kanilang political
advertisements hanggang sa kanilang buhay pag-ibig. Kung mahirap tandaan ng
publiko ang pangalan mo, tatandaan nila ang nag-endorso sa iyo. Importante ang
"name recall" upang tumaas ang tsansang manalo. Para mas madaling
tandaan ng publiko, puwede mo ring itapat ang schedule ng iyong kasal sa isang
sikat na artista bago mag-eleksyon.
Sinimulan ni Rogelio
dela Rosa ang "trend" ng pagpasok ng mga artista sa pulitika noong
dekada '50. Naging Senador siya noong 1957 subalit naudlot ang pagtakbo sa
pagka-presidente sa paniniwalang hindi niya kayang sabayan ang dumi ng pulitika
sa bansa. Mahigit apatnapung taon ang lumipas, noong 1998, iniluklok ng
sambayanan ang kauna-unahang presidente na dugong showbiz--si Joseph Ejercito
Estrada. Sinundan pa ito ng pagkandidato sa pagkapangulo ng Hari ng pelikulang
Filipino na si Fernando Poe, Jr. noong 2004.
Maraming aral
ang iniwan ng pagtakbo ni Erap sa pulitika. Una, hindi sapat ang kasikatan upang
maging magaling at mabuting pangulo. Katulad ng ibang lider ng bansa, kailangan
ng matinding pagsasanay at edukasyon ang nagbabalak na maging pangulo.
Pangalawa, hindi
maaaring gawing movie script ang mga programa sa pamahalaan. Huwag mangangako
ng mga bagay na hindi "totoo sa puso" at hindi kayang tupdin. Sa
kaniyang inaugural speech, sinabi ni Erap: "walang
kaibigan, walang kumpare, walang kamag-anak" ang maaring makialam sa
kaniyang gobyerno. Ngunit sa loob lamang ng dalawang taon sa puwesto, namayani ang
kaniyang mga cronies at "midnight cabinet" members.
Pangatlo,
kung ang media ang nagluklok kay Erap sa puwesto, ito rin ang naging dahilan ng
pagbagsak nito. Hindi nagkamali ang sambayan nang iluklok nila si Erap dahil
naging simbolo siya ng kanilang hinaing at pangarap na guminhawa ang buhay. Nang
simulan ng media ang serye ng expose' ukol sa mga mansyon at kalaguyo ng
pangulo, unti-unting tumamlay ang kaniyang kinang. Sinira ni Erap ang tiwala ng
sambayanan sa samu't-saring corruption scandals na naglantad ng kaniyang
pribadong buhay at tunay na kulay. Napatunayang guilty siya sa kaso ng plunder
o pagnanakaw sa kaban ng bayan.
Sa
kasalukuyan, maraming pulitiko pa rin ang gumagamit ng "showbiz techniques"
upang hilutin ang isip ng sambayanan. Kapansin-pansin
ang kanilang pamamayagpag sa mga programa sa radyo at telebisyon. Hindi naman
tayo ipinanganak kahapon. Alam nating bahagi ito ng kanilang campaign strategy upang mapalapit sa
puso ng publiko. Sa isang bansang mahilig manood ng telebisyon, ito ang
pinakamainam na paraan upang mabuo at patatagin ang positibong imahe ng mga
kandidato. Sa ganitong kalakaran, dapat tingnan ng COMELEC kung dapat nang ibawas
sa kanilang campaign airtime ang madalas nilang paglabas sa telebisyon. Ganundin,
kailangang maayos na rin ang regulasyon ukol sa online campaigning na siyang
nagiging bentahe ng mga mga pulitikong may sapat na kayamanan.
Sa
kabila ng lahat, nakakatuwang isipin na mas
matalino na ang sambayanan ngayon, lalo na ang Internet generation. Hindi na
sila madaling madala ng "glitter" effect ng mga artistang
kumakandidato. Mas mahusay na silang mag-analisa ng mga isyu dahil mas marami na
ang impormasyon na maaaring tingnan upang suriin ang mga kandidato. Lumiliit na
ang "information gap" sa pagitan ng publiko at mga pulitiko sa pagdaan
ng panahon. Kahit ang mga pinakakatagong sikreto ay madaling nabubulgar sa
social media.
Hindi
pinipigilan ng batas na tumakbo sa pulitika ang sinumang artista. Karapatan
nila iyon bilang mamamayan. Hindi rin mapapasubalian ang kanilang impluwensiya.
Tinitingala sila ng masa dahil sila ang nagpapasaya sa kanila. Ngunit hindi
dapat ginagawang "showbiz" ang paglilingkod sa bayan. Totoo silang mga
tao, na may totoong mga pangangailangan. Huwag silang linlangin ng mga political
slogans at movie pick-up lines. Hindi dapat pagsamantalahan ang kanilang kakulangan
sa edukasyon at kaalaman. Gamitin ang kasikatan upang isulong ang marangal na
paglilingkod na walang halong pagkukunwari at pagpapanggap.
Monday, February 25, 2013
LOVESTRUCK Sabit Series 4: QUE SIRA, SIRA
Que Sera, Sera
Whatever will be, will be
The future's not ours, to see
Que Sera, Sera
What will be, will be.
-Que Sera, Sera by Doris Day
Maraming bagay sa mundo na hindi natin kayang hulaan. Only God knows, ika nga (Deuteronomy 29:29). Pero pagdating sa pakikipagrelasyon, hindi dapat Que Sera Sera ang eksena. Delikado ang magpadala na lamang sa agos ng panahon. Kailangang laging may destinasyon. When you fail to plain, you plan to fail. Relationships should not have a dead end.
Sa tuwing tinatanong ko ang mga kabataang mag-partner kung ano ang plano nila sa kanilang relasyon wala silang matinong maisagot sa akin. Bakit kamo? Kasi masaya na sila sa romansa ng pagiging mag-jowa. Wala pang planong magpamilya pero "mag-asawa" na kung magtawagan. Ginagawa na ang mga sexual adventures na ginagawa ng mga magkabiyak pero hindi pa handa sa mga seryosong responsibilidad. At kapag nakalunok ng pakwan ang babae (nabuntis), hilong-talilong na ang drama ng dalawa.
Nakakapagod magpatuloy kapag hindi mo alam kung saan papunta ang relasyon. Sa mga ilang taon nang magkasintahan, maaring magkasawaan kayo sa pagdaan ng panahon. Kung walang plano ang isa na dalhin sa kasalan ang relasyon, mahirap patagalin ang pagsasama. Anytime puwede kayong maghiwalay. Kawawa naman ang mas seryoso sa kaniyang buhay pag-ibig.
Marriage is an unconditional commitment to an imperfect person. Kailangang magsimula ito sa courtship stage. Huwag na huwag papasok sa relasyon kung hindi ka handang sumuong sa pag-aasawa. Kailangang maging matibay ang pundasyon ng relasyon kung kaya dapat sanaying ng mag-BF/GF ang katapatan at desisyon na magmahalan anuman ang mangyari kahit hindi pa sila kasal. Ang isang "uncommitted" na relasyon, laging mauuwi sa iyakan. Itaga mo iyan sa bato.
Hindi mo kailangang pumasok sa isang romantic relationship para lubos na makilala ang isang tao at madevelop ang iyong "social skills". On the contrary, kapag may ka-relasyon ka na, malaki ang posibilidad na lumiit ang iyong mundo dahil laging "exclusive" ang lakad ninyong mag-partner. Hindi na sumasama sa mga dating ka-barkada. Hindi na nai-expose sa mas maraming tao. Parang binuhusan na ng tone-toneladang Vulca Seal at Mighty Bond ang isa't isa.
Sinabi ni Pablo sa mga taga-Tesalonica (4:3-6): "Ibig ng Diyos na kayo'y magpakabanal at lumayo sa kahalayan. vDapat maging banal at marangal ang layunin ng sinuman sa kanyang pag-aasawa, vat hindi pagsunod lamang sa pita ng laman, tulad ng inaasal ng mga taong hindi nakakakilala sa Diyos. Sa gayon, hindi yuyurakan ninuman ang karapatan ng kanyang kapwa ni pupugayan man ng dangal."
Kung ikaw ay may ka-relasyon ngayon, tanungin ang iyong sarili:
Nabubuhay ba kami ng aking partner sa kabanalan at hindi sa kahalayan?
Marangal ba ang layunin ko sa aming relasyon o sinusunod ko lang ang pita ng aking laman?
Niyuyurakan ko ba ang karapatan ng aking partner sa aking pananaw sa relasyon? O katulad lang ako ng mga taong hindi kumikilala sa Diyos?
Relationships are meant to be permanent. Maraming naghihiwalay kasi mali ang pagtanaw sa relasyon. Ang tunay na pag-ibig ay hindi isang laro lamang. If marriage is not the goal of a relationship, dapat "game over" na.
Kung hindi ka pa handang mag-asawa, huwag munang mag-BF/GF. Else, maaaring saktan mo lang ang iyong partner na maaring seryoso na sa pagpapakasal. Huwag yurakan ang kaniyang dangal. Huwag na huwag siyang sasaktan.
Kung hindi ka pa handang lumagay sa tahimik, walang saysay na ibuhos ang iyong panahon sa paghahanap ng iyong mapapangasawa. Unang mong hanapin ang kalooban ni Lord sa iyong buhay. Siya ang dapat mauna sa iyong puso (Awit 37:4). Kapag natuwa siya sa iyo, Siya ang magdadala sa harap mo ng iyong magiging partner for life. Kasi Siya mismo ang maglalapit sa inyong mga puso.
Let's pray. "Patawad Panginoon kung pinapangunahan ko ang plano mo para sa aking love life. Nais kong ikaw ang mauna sa aking puso. Maghihintay ako sa taong inilaan mo para sa akin. Tulungan mo ako, Banal na Espiritu, na matuon sa mga bagay na maghahanda sa akin upang maging karapat-dapat na partner sa lalakeng/babaeng ibibigay mo para sa akin."

Tuesday, February 19, 2013
LOVESTRUCK Sabit Series 3: Assumero/Assumera Spirit
Totoo ang kasabihang "no man is an island". Normal sa atin na maghanap ng kalapit ng kalooban. We need others to survive. Pero ang problema, masyadong umaasa ang ilan sa iba para sumaya. Marami sa kanila, naging assumero at assumera. Sinabing inlab sila dahil matindi ang "euphoria".
Umasa ka to the max kaya nasaktan rin to the max. Wagas kang nagbuhos ng emosyon at atensyon. Dahil nag-effort umasang susuklian ng "kahit kaunting pagtingin" ang iyong ibinigay. Nang bigo mong makuha ang nais makuha, naglulupasay ka na parang bata.
Nadevelop ang feelings mo sa iyong textmate. Ibinulgar mo kahit ang kaliit-liitang detalye sa iyong buhay kahit hindi pa kayo nagkikita. Nang matigil ang "text affair" nakalimutan mo nang maging masaya.
Ayon sa isang pag-aaral, kapag uber-inlab daw ang isang tao, nagsa-shut down ang kaniyang frontal cortex, ang parte ng utak na gumagana upang mag-isip tayo nang matino. Tumataas din ang production ng dopamine, ang chemical na nagbibigay sa atin ng euphoric feeling. Ganundin, bumibilis rin ang secretion ng "adrenalin", "oxytocin" at "vasopressin" na nagpapatibok ng ating puso at nagpapatindi ng ating emotional attachment sa isang tao. Pagsabay-sabayin mo silang lahat, kandidato ka na para maging delusional. Ito na ang yugtong mahirap ka nang makinig sa mga taong may concern sa iyo. Animo'y "iniwan ka na ng bait" dahil natuon ka na sa sarap ng pakiramdam kahit may nagbabadyang kapahamakan.
Madalas, ang mga assumero/assumera maraming "unmet emotional needs". Nag-uugat ito sa kanilang karanasan sa pamilya. Nag-BF/GF dahil KSP (kulang sa pansin) sa loob ng bahay. Kaya, ang iba mabilis bumibigay sa mga lalakeng/babaeng nag-abot sa kanila ng Maxx candy. Dahil ang equation nila: Candy = love ka niya. Ang babaw a.
Hangga't hindi sinasabi ng kaniyang bibig, huwag mag-assume na ikaw ay kaniyang iniibig. Hindi kumo gusto mo siya, gugustuhin ka rin niya. Kung ayaw mong masaktan, huwag kang masyadong umasa. Ang tunay na nagmamahal, nagmamahal lang. Wala nang hinihintay kung may kapalit pa.
Kung ano ang iyong pinaniniwalaan, siya rin ang iyong mararamdaman (Proverbs 23:7). May tama si Stephen Chbosky, author ng The Perks of Being a Wallflower, “We accept the love we think we deserve.” Ang mga ayaw maging loser sa kanilang love life, hindi basta-basta papasok sa relasyon. May protective gear ang kanilang puso at isipan. Pero ang mga desperado at hopeless romantic, magkakasya ka na lamang sa kung ano ang mayroon. Huwag ganoon.
Set emotional boundaries for your protection. Ang pusong walang bakod, puwedeng pasukin ng mga magnanakaw at kawatan. Huwag isandal sa iba ang iyong kaligayahan. Don't be in-love with the idea of being in-love.
Love is not a feeling. Ulitin natin: Love. is. not. a. feeling. Isa pa: Love. is. not. a. feeling. It is a decision. An act of the will. Love is an action. Why? Because God commanded it (Matthew 5:44,46; 1 John 4:7,8). Hindi ito nakabase sa nararamdaman kundi sa nais ng isipan. At kung ito ay base sa isipan, you can choose to do what is right. Magdesisyong magmahal nang tama at wasto. Love does not delight in evil but rejoices with the truth (1 Corinthians 13:6). We will be judged not by the love we feel, but according to the love we give.
Man's heart is deceitful (Jeremiah 17:4). Do not follow it blindly. Emotions and feelings have zero IQ. Lead them with a mind renewed by God (Romans 12:1,2). Ang Salita ng Diyos ang lilinis sa lahat ng dumi ng iyong kaluluwa, emosyon at isipan (Ephesians 5:26).
Above all else, guard your heart (Proverbs 4:23). Huwag hayaang magkagula-gulanit iyan. Huwag pagurin ang iyong puso sa pagpasok sa mga iresponsable "emotional attachments". Kakambal ng kapaguran ang takot na muling umibig. Mahirap mag-recuperate ang damdaming dumanas na ng sandamukal na trahedya.
Let's pray. "Lord, bigyan mo ako ng karunungan upang malaman ang tama at maling emosyon. Gabayan mo ako patungo sa tamang direksyon at pagdedesisyon. Sa Iyo ko ipinapaalaga ang aking puso at damdamin. Amen."

Tuesday, February 12, 2013
LOVESTRUCK Sabit Series 2: The Fast and the Curious
Isang estudyante ang naglahad sa akin ng kaniyang masalimuot na love life. Nabuntis siya ng kaniyang BF. Hindi alam ng kaniyang parents. Nabawasan ang kaniyang pag-aalala nang malaglag ang sanggol. Pinilit niyang hiwalayan ang lalake dahil sa pagiging "obnoxious" at "immature" nito. Pero muli siyang bumigay. Nagkabalikan at na-jontis siya sa pangalawang pagkakataon. Muling nalaglag ang bata dahil natagpuang may problema siya sa kaniyang matris. Huling balita ko, magpapakasal na siya sa lalakeng nagpasakit ng kaniyang ulo. Isa pang dalaga ang nag-email sa akin. "May nangyari sa amin at pinayagan ko siya dahil akala ko mas titibay ang aming relasyon. Nagkamali ako. After that day, hindi na siya nagpaparamdam. Hindi na siya nagte-text. Hindi na niya ako pinapansin." Ilang beses ninyo nang nasaksihan ang ganitong drama?
May nakikipagsex sa partner dahil nais i-level up ang relasyon. Pero mayroon ding "curious" lang talaga. Sila ang mga nababagot at gusto lang magkaroon ng kakaibang "spice" ang pagsasama. Maraming Pinoy singles ang nakikipag-sex dahil ito raw ang "ultimate" expression ng kanilang pag-ibig sa kanilang BF/GF. Ang totoo niyan, hindi requirement ang love for you to engage in sexual intercourse. Maaaring seryoso ka sa iyong intensyon, e iyong partner mo?
Sex is more than a physical act. It is a spiritual union (Genesis 2:24, Matthew 19:6). Ito ang dahilan kung bakit kapag nakipagniig ka sa isang tao, mahirap mong malimutan ang iyong sexperience. Maging ang mga rape victims ay minumulto ng kanilang mapait na karanasan. Ito ang nangyari kay Dina sa Genesis 34. His rapist's soul cleaved to her. Wari'y nabaliw sa pag-ibig si Shechem. Handang "magpatuli" para lang mapasakanya ang dalaga.
Kapag idinagdag na ang "sex" sa relasyon, it will "never be the same again." Sa halip na matuon sa malalim na pagkakilala sa isa't isa, malaki ang posibilidad na makasama na sa menu ng bawat meeting ang pagniniig ng katawan.
Ang sex ay tinatawag ding "luto ng Diyos." Dahil ubod-sarap at siguradong babalik-balikan. Kapag natikman, mahirap tantanan. Kaya, kung wala pa sa panahon, huwag na huwag sisimulan. Huwag ipagpalit ang magandang kinabukasan sa 10-minutong kaligayahan.
Three major tips for you not to step into the "danger zone"
First, huwag na huwag makikipaglandian sa tukso. Ikaw ang dapat lumayo. FLEE! (1 Cor. 6:18). Ang tukso ay parang asong ulol na handa kang sagpangin. Takbo!
Huwag mahilig sa mga overnight out-of-town trips na kayong dalawa lang ng iyong partner.
Huwag maging member ng 4K Gang. Iwasan ang kadilim-diliman, kasuluk-sulukan at kadulu-duluhan ng sinehan upang gumawa ng kababalaghan.
Huwag nang mag-text sa partner ng "Sa'n Na U? Nag-iisa na me sa haws?" kung ayaw ninyong mag-init ang plantsa ng katawan.
Kapag iniisip mong yakang-yaka mo ang sitwasyon dahil prayerful ka naman at laging umaatend ng Bible studies, malamang doon ka babagsak (1 Cor. 10:12). Do not trust yourself when it comes to sexual feelings.
Second, focus your soul, mind and heart on righteous things (Phil. 4:8). Ang pinakamatinding sex organ ng katawan ay hindi ang genitalia kundi ang utak. Kapag umaalagwa na ang imahinasyon, siguradong kasunod na ang ibang parte ng katawan.
Pornography will surely increase your libido.
Erotic romance novels can titillate your imagination.
Garbage in, garbage out. Do not feed your lust. Disiplinahin ang isip na lumayo sa mga sexual messages and activities.
Third, keep your relationship non-sexual. Do not make sex as the primary expression of your affection. You can be cheesy without being "horny". Kung handa na kayong magpamilya, consider marriage (1 Corinthians 7:9) at nang mai-channel na nang maayos ang inyong sexual energies. You can have all the sex you want kung kayo ay kasal na. Else, practice self-control. Also have an accountability partner. Mas maigi na may mga taong nagbabantay sa inyo.
E, paano kung "naisuko mo na ang Bataan" at naibigay mo na ang iyong katawan? Well, hindi nagbabago ang paningin sa iyo ng Panginoon. He never stops loving you. Never think that you are a damaged good. Pero kailangang may gawin ka. Ask for God's forgiveness and leave your life of sin (1 John 1:9, John 8:11). Gamitin ang iyong karanasan upang maging mas mabuting single na nagmamahal sa Panginoon.
God does not intend our bodies for sexual immorality (1 Corinthians 6:18, 16:33; 1 Thessalonians 4:3-4). Kahit gaano pa ka-cute ang commercial ng mga scented condoms. Kahit umabot pa sa bilyon-bilyon ang sirkulasyon ng Playboy, Hustler at FHM magazines. Kahit ilang pelikula pa ang magsabing normal na ang "Friends with Benefits/FuBu" setup at adulterous love affairs. Hindi nagbabago ang kalooban ng Panginoon pagdating sa bagay na ito. No to fornication. Never awake your sexual desires until marriage (Songs of Solomon 2:7).
Sunday, February 10, 2013
Bakit may LOVESTRUCK Singles Edition?
Unang
nabasa ng publiko ang Lovestruck (Love Mo Siya? Sure Ka Ba?) noong Oktubre
2010. Pormal siyang inilunsad noong Pebrero 2011 at naging best-seller matapos
ang tatlong buwan. Matapos ang mahigit isa’t kalahating taon, sinundan ko ito
ng "red book" para sa mga marriables and professionals na naghahanap
ng pag-ibig o kaya naman ay nais nang selyuhan ang kanilang pagmamahalan. Ang
totoo niyan, wala akong balak na sundan ang libro dangan lamang ay dumami ang
mga counsellee ko (online at offline) na nagtatanong ukol sa mga isyu na hindi natalakay
sa unang libro. Ang Single Edition ang munting tulong ko para sa kanila.
Nakalaan
ang unang chapter para unawain ang iba’t ibang uri ng singles at ang dahilan
kung bakit nananatili sila sa ganoong kalagayan. Kinailangan kong makipag-usap
sa mga kaibigang wala pang karanasang magka-partner (Single Since Birth) o kaya
naman ay grabe na ang pinagdaanan sa relasyon. Ang typologies na mababasa ninyo
ay produkto ng ilang focus group discussions at interviews na aking ginawa mula
December 2011 hanggang Marso ng taong 2012.
Nakahain sa Chapter 2 (You Were Born This Way) ang general traits and characteristics ng lalake at babae ayon sa mga pag-aaral at pananaliksik. Marami sa mga katangiang ito ay nasasaksihan rin natin sa iba't ibang kultura. Importanteng maintindihan ng bawat isa ang ugali at katangian ng opposite sex upang lubos na magkaunawaan. Madalas kasi kinakapit sa babae o lalake ang mga katangiang hindi naman talaga akma sa kanila. Nagmumula ang libro sa perspektibang nilikha ng Diyos na magkaiba ang lalake at babae bagaman may mga "gender/social roles" na maaaring mabago sa pagdaan ng panahon.

Sandamukal
namang iyakan at lungkot ng buhay ang nasaksihan ko kung bakit mayroong chapter
ukol sa mahiwagang M.U. (Chapter 4)
at Moving On (Love versus Zombies,
Chapter 6). Hindi nagbabago ang prinsipyo ng Bibliya pagdating sa paggamot sa sugatang
damdamin. Kung gusto ninyong muling mabuo ang inyong gula-gulanit na puso,
ibigay sa Panginoon ang mga "broken pieces". Mahalagang tulungan ang
sarili. Magdesisyon na kumawala sa mapait na karanasan. Hayaan ninyo ring
tulungan kayo ng mga taong tunay na may "concern" sa inyong love
life.
Ibinulgar
ko sa Chapter 5 (How Do I Love Thee?)
ang mga bagay na nagpapatibay ng pagmamahalan namin ng aking DearestGie. Mahalaga
din na maglaan ng kasagutan ukol sa isyu ng May-December love affair at LDR
(Long-Distance relationship). Iwas-tukso rin dapat ang magsing-irog pagdating
sa premarital sex (PMS). Kailangang rendahan ang physical intimacy upang maging
mas mapalalim ang pagmamahalan sa isa't isa.
Ang
Single and Ready to Mingle (chapter
7) ay para naman sa mga humihingi ng tips kung paano sila mapapansin ng
kanilang "long-term crush" na laging kasama sa kanilang prayer items.
Madalas, mga ladies ang lumalapit sa akin sa bagay na ito. Kinausap ko ang ilang lalake kung ano ang nakaka-turn
on at turn-off sa kanila. At ilan lamang ang nasa libro upang tumaas ang
prospects na ikaw ay mapansin.
Kabilang
sana sa unang libro ang Chapter 8 (Before
You Say I Do). Pero dahil "waiting mode" ang tema ng white volume,
minabuti ko at ng aking editor na isantabi muna siya. The chapter include my
"tried and tested" tips for those who would like to tie the knot. May mga checklist na kailangang tingnan para
maging maayos ang buhay bago at matapos ang wedding day.
Pray
with me as I finish Lovestruck Part 3 ukol sa isang paksang kailangang
pag-usapan dahil BIG DEAL sa buhay ng marami. Have a blessed February. Spread
the LOVE!
Friday, February 08, 2013
LOVESTRUCK SABIT Series 1: Kating-Kati Attitude
Naranasan ninyo na bang hindi mapakali sa sobrang kati? Iyong uber kati pero hindi ninyo maabot ang dapat kamutin? Para maibsan ang itchiness, ikiniskis ninyo ang inyong likod o parte ng inyong katawan sa puwedeng kumamot (i.e. pader). Careful ka lang at baka magasgas ang iyong skin at magkapeklat. Hindi ka na flawless.
Marami ang kating-kati na magka-BF/GF. Kasi may nagpapakati sa kanilang sitwasyon.
Napanood ang mga mag-jowang naglalambingan. Kinati.
Kinilig sa mga love teams at Koreanovela. Kinati.
Gustong magkaroon ng spice ang buhay. Kinati.
May nais patunayan sa sarili. Kinati.
Nag-panic attack bunga ng paglipas ng kalendaryo. In-allergy sa kati.
Gusto mag-trip sa pakikipagrelasyon. Pinilit ang sarili na mangati.
Umiwas sa mga bagay na magpapakati sa iyong emosyon. Ang mga kating-kating pumasok sa relasyon madalas nagkakamali sa pagdedesisyon. Kapag lagi kang nagmamadali, marami kang malalampasan. Hindi mo mararamdaman ang maraming "wonderful" na karanasan. Huwag isipin na kapag may partner, mas makulay ang buhay. Ang iba, sa halip na inspirasyon ang matagpuan, konsumisyon at sakit ng ulo at puso ang binagsakan.
May season ang lahat ng bagay. May panahon para damhin ang kamusmusan. May oras para i-enjoy ang iyong kabataan. May panahon para magsikap sa pag-aaral. May tamang oras para manligaw o ligawan. May panahon upang ihanda ang sarili sa pagpapamilya. Kapag nagkawindang-windang ang sequencing ng iyong life chapters, baka hindi mo maranasan ang magandang plano ni Lord sa iyong buhay.
Hintay-hintay at hinay-hinay. Waiting builds our character. Pag may tiyaga, may nilaga. Si Noe itinuloy ang paggawa ng arko kahit matindi ang sikat ng araw. Kahit tuksuhing nababaliw, sige lang sa pagtupad sa utos ni Yahweh. Nang dumaluyong ang grabeng baha, nag-swimming at nalunod ang mga tumutuligsa subalit naligtas ang lahat ng miyembro ng kaniyang sambahayan.
Si Abraham, hinintay na magka-anak sila ni Sara ayon sa pangako ng Panginoon. Pero tinamaan ng inip kaya ipinanganak si Ismael sa alipin nilang si Hagar. Nang matutunan nilang maghintay, dumating si Isaac kung saan nagmula ang lahi ng Israel.
Si Jose hinintay ang tamang pagkakataon upang maging kanang kamay ng paraon ng Ehipto. Nagtiwala siya sa Panginoon na ang lahat ng mapapait niyang karanasan ay aayusin ng Diyos para sa ikabubuti ng kaniyang pamilya. Nailigtas niya ang kaniyang ama at mga kapatid sa panahon ng taggutom.
Si Job, hinintay na maghilom ang kaniyang mga sugat. Kahit gawin siyang punching bag ng kaaway, keri lang. Pagkatapos noon, dumagsa ang pagpapala ni Yahweh. Pinalitan ng Diyos nang mas higit ang mga inagaw sa kaniya ng kaaway.
May ultimate solution sa mga kati ng ating puso. Hindi mo kailangang magkaroon ng partner upang mabuo ang iyong pagkatao. You need to understand first how to be "single", unique and whole before you enter into a relationship. Hanapin ang kaligayahan sa Panginoon. Siya lang ang puwedeng bumuo sa iyong pagkatao dahil Siya ang may likha sa Iyo.
Wait on God, not on your future mate. As you wait on Him, He will renew your strength. Delight yourself in Him. Huwag maiinip maghintay. Ika nga ni Santiago (1:4): "...let patience have its perfect work, that you may be perfect and complete, lacking nothing."
Let's pray. "Lord, turuan mo akong maghintay. Pakitanggal ang masasamang kati sa aking buhay. Nais kong maging kuntento sa iyong pagmamahal. Turuan mo akong manahan sa pag-ibig Mo. Nais kong kayo ang maging first love ko. Amen."

Thursday, February 07, 2013
PARTY-LIST SYSTEM: PARA SA TAO, HINDI SA TRAPO!
Itinatadhana ng Article VI, sec. 5(2) ng Saligang Batas, ang paglalalaan ng 20 porsyento ng kabuuang bilang ng puwesto sa Mababang Kapulungan para sa mga party-list organizations. Ayon sa Konstitusyon, ang mga grupong ito ay dapat magmula sa "sektor ng mga manggagawa, magsasaka, mahirap na tagalungsod, mga katutubong pamayanang pangkalinangan, mga kababaihan, kabataan at sa iba pang mga sektor na maaaring itadhana ng batas, maliban sa sektor na panrelihiyon." Pinatibay ang probisyong ito ng RA 7941 o Party List System Act na naipasa noong Marso 1995. Sa ganitong sistema, bukod sa kanilang district representatives ilalagay rin ng mga botante sa kanilang balota ang pangalan ng dalawang (2) party-list organizations na kanilang nais suportahan. Nakakalungkot masaksihan na ginagamit ng mga traditional politicians (trapo) ang party-list system upang manatli sa kapangyarihan. Matapos ang kanilang termino bilang mga district representatives, gagawin nila ang kanilang sarili bilang mga "nominees" ng mga organisasyon. Kapansin-pansin din ang uri ng pamumuhay ng mga kinatawan ng partylist organizations. Sa kanilang isinimuteng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) para sa taong 2011, 51 sa 55 na party-list representatives ay pawang mga milyonaryo. Hindi nakapagtataka na ang mga nagsimulang mga party-list representatives ay bigla na lamang nilalamon ng sistema at sumasama sa mga malalaking partidong pulitikal.
Sumikat ang kaso ng Ang Galing Pinoy kung saan first nominee si Mikey Arroyo, anak ng dating pangulo at isang third-term congressman ng 2nd district ng Pampanga. Kinakatawan umano ng grupo ang mga security guards at mga tricycle drivers. Diniskwalipika ng COMELEC ang grupo noong Oktubre 2012 dahil hindi nito napatunayan na tinulungan ang nais nitong katawanin sa Kongreso. Ngunit matapos ang dalawang buwan, pinayagan ng Korte Suprema na mangampanya Ang Galing Pinoy para sa May 2013 elections, hanggang sa magkaroon ito ng pinal na desisyon.
Sa desisyon ng Korte Suprema noong 2001, ang Bagong Bayani vs COMELEC, sinabi nitong ang party-list organizations ay dapat na kumatawan sa mga "marginalized" at "underrepresented" na sektor ng lipunan. Ngunit sa isa ring desiyon ng Korte Suprema, ang BANAT versus COMELEC, ang nagsabi na ang isang party-list nominee ay hindi kailangang naghihirap o nagdarahop dahil walang financial requirements ang pagtakbo sa Kongreso. Lumalabas na maaring maging nominee ang sinuman ng isang party-list organization.
Samut-saring kalituhan din ang bumalot ukol sa kung paano iko-compute ang mga boto at kung paano gagawaran ng puwesto ang isang organisasyon. May apat na prinsipyong kailangang sundin sa party-list system. Una, ang pagpupuno sa 20 porsyento ng kabuuang bilang ng posisyon sa Mababang Kapulungan, na maaaring tumaas sa pagdaan ng panahon. Pangalawa, ang proportional representation o paglalaaan ng puwesto ayon sa bilang ng boto na natanggap ng isang organisasyon. Pangatlo, ang 2-percent threshold o 2 porsyento ng kabuuang bilang ng boto na kailangang makalap upang magkaroon ng isang puwesto. At pang-apat, ang itinakdang limitasyon na 3 puwesto para sa bawat party-list organization.
Lumalabas na mahirap tupdin ang mga prinsipyong ito nang sabay-sabay. Nagdesisyon ang Korte Suprema na "unconstitutional" ang 2-percent threshold at pinagtibay ang nakasaad sa Konstitusyon na mas unahing tupdin ang pagpuno sa 20 porsyento ng mga upuan sa Mababang Kapulungan. Sa kasalukuyang sistema, maari nang magkamit ng puwesto ang mga partylist organizations kahit hindi nito makuha ang 2 porsyento ng kabuuang boto para sa party-list groups.
Maraming kailangang ayusin at linisin sa pagpapatupad ng Party-List System Act. Hindi ito trabaho ng Korte Suprema kundi ng Kongreso. Kailangan ding magmatyag ang sambayanan upang hindi ito magamit ng mga abusadong nasa kapangyarihan. Sa ganitong paraan, matutupad natin ang tunay na layunin ng batas--ang palawigin ang katarungang panlipunan at bigyang boses ang mga grupong hindi napapansin ng pamahalaan. Isinusulong din nito ang prinsipyo ng Banal na Kasulatan sa Kawikaan 31:8-9- "Ipagtanggol ang mga di makalaban, ipaglaban ang kanilang karapatan. Ipahayag nang malinaw ang katotohanan at ang katuwiran at igawad ang katarungan sa mga api at mahirap."
Tuesday, February 05, 2013
WANTED: Makabuluhang Political Parties
Tanggapin natin ang katotohanang
walang makabuluhang political party system ang Pilipinas. Dahil hindi alam ng sambayanan
ang kahulugan at kahalagan ng partidong pulitikal, mas nakatuon sila sa
personalidad sa tuwing dumarating ang eleksyon. Mas mataas ang
"winnability" ng mga magaling magpatawa, kumanta at sumayaw sa mga
kampanya kaysa mga kandidatong may maayos na plataporma. Ganundin, walang
pagkakaiba sa pilosopiya at ideyolohiya ang mga malalaking political parties dahil
pare-parehong nanggaling ang mga lider
nila sa elitista at mayayamang pamilya. Lumalabas na sila-sila ring magkaka-mag-anak
ang naglalaban para sa mga posisyon sa pamahalaan.
Hindi epektibo ang political party
system sa bansa bunga na rin ng porma ng ating pamahalaan. Mahirap umusbong sa
isang presidential system ang mga partidong may malinaw at matatag na programa.
Dahil sa kaniyang malawak na kapangyarihan, patuloy na sasandig sa presidente
ang lahat ng partido pulitikal. Isang patunay ang "presidential bandwagoning"
matapos ang eleksyon. Nagkukumahog ang mga nanalong pulitiko na maging miyembro
ng partido ng presidente. Ito ay upang lumakas ang kanilang kapit sa nagbibigay
ng pondo para sa kanilang mga nasasakupan.
Sa pulitika, wala kang permanenteng
kaibigan at kaaway. Mayroon ka lamang permanenteng interes. Masasaksihan kung
paanong ang dating magkaaway sa pulitika ay muling magsasama sa isang grupo. Sa
isang bansang may multi-party system, normal ang pagbubuo ng mga koalisyon o pinagsama-samang
mga partido para manalo sa eleksyon. Halimbawa, ang Team PNoy ay bunga ng
pag-iisa ng Liberal Party, Akbayan Party List, Nationalist People's Coalition (NPC),
Nacionalista Party (NP) at Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP). Hindi
nakapagtataka na 3 lamang sa 12 senatoriables ng Team PNoy ang nagmula sa
Liberal Party, ang partido ng presidente--ang presidential cousin na si Bam
Aquino at ang mga dating senador na si Ramon Magsaysay Jr. at Jamby Madrigal.
Hindi nangingiming bumalimbing ang mga
pulitiko dahil walang mahigpit na "party discipline" ang kanilang mga
partido. Walang kaukulang parusa sa mga nang-iiwan ng kanilang grupo. Madalas
mabiyak ang mga partido bunga ng personal na away ng kanilang mga lider. Nang mabigong makuha ni
Fidel V. Ramos ang nominasyon ng Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP) para sa
pagka-presidente noong 1992, bumuo siya ng sarili niyang partido, ang Lakas ng
Tao, na naging Lakas-Kampi-CMD. Ganundin, nang sumabog ang Hello Garci Scandal
na kinasangkutan ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, nahati ang
Liberal Party sa Drilon Wing at Atienza Wing.
Talamak rin ang mga kandidatong
namamangka sa dalawang ilog--ang itinuturing na guest candidates. Sa ganitong
kalakaran, hindi alam kung ano ang platapormang kanilang sinusuportahan.
Bagaman inaangkin ng Team PNoy ang tatlong independent senatoriables, mas dikit
sa United Nationalist Alliance (dating UNO) sina Chiz Escudero, Loren Legarda
at Grace Poe-Llamanzares. Si Llamanzares ay ang anak ng namayapang si Fernando
Poe, Jr na tumakbo sa pagiging presidente noong 2004. Si Legarda, na dating
miyembro ng NPC ay ang Vice-President running mate ni FPJ. Samantala, si
Escudero ang nagsilbing spokesperson ni Binay, ang pinuno ng UNA, nang ito ay
tumakbo bilang bise-presidente noong 2010.
Sa halip na ang mga political parties ang humubog sa
pamumuno ng kanilang mga miyembro, ang mga miyembro ang humuhubog at nagbibigay
direksyon sa kanilang partido. Hangga't ganito ang kalakaran, mamayagpag ang
mga lider na mamumuno upang pangalagaan ang kanilang interes. Sa halip na
isulong ang agenda ng mga nangangailangan o mga marginalized groups sa lipunan,
maari nilang abusuhin ang kanilang kapangyarihan. Ito ang malaking hamon na
dapat nating labanan.
Kung nais nating maging tunay na
"kinatawan" ng sambayanan ang mga pinuno sa pamahalaan, kailangang
paigtingin ang pakikilahok ng mamamayan sa pamumuno. Imulat sila sa etika ng
matino at makatwirang pamamahala. Bigyan sila ng maraming oportunidad upang makisangkot
sa mga usaping panlipunan. Malaki ang magagawa ng mga partidong pulitikal at
party list organizations upang marinig ang tinig ng sambayan at maipaabot ito
sa pamahalaan.
Monday, January 21, 2013
BOOK REVIEW: The Erap Tragedy
It is an opportune
time to revisit the lessons of EDSA 2 given the aggressive stance of former
president Estrada's to revive his political career by running for the mayoral
race of Manila City in May 2013 elections. The Laquian's account of their first
hand experience with the Estrada administration captures the reasons behind the
fall of the ill-fated president. In less than 2 years, Estrada squandered the people's trust. Just like Marcos, he spent his time
amassing wealth and strengthening his relations with his multiple families and
cronies. EDSA 2, although later discredited by former Gloria Macapagal-Arroyo's
numerous scandals, salvaged the country from the pits of demoralization.
The 10-chapter volume
is a chronicle of the short-lived service of the Laquians as advisers to the
president. Aprodicio Laquian served as the chief of staff but was unduly
relieved from office due to what he considered as "irresponsible statements".
He apologized for the following remarks he made during the Manila Overseas
Press Club on March 2000.[1]
- ''Now, another responsibility that I am supposed to have is to help the President's time management. That, to me, is almost mission impossible because the President is used to be the superstar. He is the only superstar in the Palace. In fact one time I told him: Mr. President may naghihintay. He told me: the President is always on time, the guests are early. So ano magagawa mo . . . we try to organize this day, and this night and this morning and so on. Whether he's . . . sleepy because he was with other friends . . ."
- ''Some people are wondering: You know, Rod Laquian and his wife are entitled to socialized housing. Why are they staying in Arlegui? I tell you, so that we can be available to the President 24 hours a day, seven days a week. It's not unusual to get a phone call from the Palace at two in the morning and he says '. . . kailangan ito dito' and you go."
- "It is not unusual to be in the Ang Pangulo, the presidential yacht, and you know feeling so good you know may sarili kaming kuwarto doon sa aming pagtulog but three o'clock in the morning kumanta ka daw ''Maalaala Mo Kaya.''
- ''It's the best thing...at four o'clock in the morning I'm the only sober person. . .and if this is in Canada I will be the designated driver. I will be the one taking them to their beds and so on. So, at least if there is the one person who is sober in the room who would be able to take all of these things that were signed and then hide them in my record book, then the decision-making will probably be -- in the beautiful light of the morning --- be very rational.''
The first two
chapters highlight the rise to power of the charismatic president (Champion of
the Poor and The People's Court). The Estrada administration became so
overconfident due to massive popular support. It overestimated the people's willingness to
support unpopular policies. Erap failed that much because he presented himself
as a leader who can deliver that much. Filipinos got frustrated over his
explicit promises ("walang kama-kamag-anak, walang
kaibi-kaibigan") not to be corrupt.
Lo and behold, the promising inaugural speech turned out to be a movie script.
The people believed the president but he violated their trust big time.
The Role of Political Culture
The authors'
academic character makes it essential to have a clear grasp of the political culture of the country and how it impinges on the leadership predilections
of Erap. The fall of his administration should be situated within the large
political and cultural context of the country. Politicians in the country
exhibit fatalistic tendencies, always desire to save "face" and would
give primacy to the interests of their families, clans and factions. The wide
gap between the rich and the poor
resulted in the weak implementation of the rule of law, double standard of
justice and the strong military role in the country's political life. The
country's political culture augur well for the rise of leaders like Estrada.
There is a need to distinguish
the ideal politics (no-nonsense leadership) from the elitist, hard-boiled model
which Erap embraced. The president is categorized as a positive-passive leader
who is compliant and easily manipulated due to strong need to be loved and
admired. The tremendous powers and prerogative of the presidency were not
widely used by Erap which resulted in disarrayed government programs. Spin
doctors were hired to establish his reputation and deodorize the negative news hurled
against his office. He heeded to the whispered counsel (bulong) of his cronies
who, in one way or another, impinged on his policies.
The authors attributed
to the troika of "Ms" the downfall of the regime: money, mistresses and
mansions. The role of the watchdog media helped exposed the veiled luxurious
lifestyle of the president. Laquians consider this incongruent to the pro-poor
rhetoric of the Estrada presidency. They witnessed the opulent lifestyle of the
president from the use of his official yacht, Ang
Pangulo, to the decoration of his Malacanang residence.
Psychological Underpinnings (from San Juan to Malacanang)
Chapter 4 presents
an in-depth look at the pyschological rationale of the president's leadership
style, which can be gleaned from his rebellious childhood, lavish stardom and political
stint from being San Juan Mayor up to his entry to Malacanang. The young Estrada
found it difficult to compete against his elder brothers, Paula and Emilio, and
his elder sisters, Pilarica and Patrocinio. Erap's brothers were all handsome
and fair-skinned mestizons while the ladies were very religious, well-behaved
and got good academic grades. An interview with the president's close relatives
and friends revealed that he identified himself with the "masa"
because of his failure to get close to his immediate family. Erap found his
identity and sense of self in the company of poor boys from a slum area in San
Juan. His exposure to gang wars and urban poor rumble made him as a
"toughie".
Erap was considered
by his parents as the "black sheep" of the clan due to several brawls
he got involved into (including his fight with an American student at the Ateneo
boys toilet). His insecurities led him to enter the showbiz industry for fame
and fortune. His mother prohibited him from using the Ejercito family name for
fear of another disgrace. Hence, the screen name "Joseph Estrada" was
popularized--the man who lived a lifestyle that involved heavy drinking,
gambling and womanizing. This observation is complemented by interesting
trivias offered by the authors. The president had an insatiable fetish for coats
and jackets. He did not mind spending a lot of money for one he fancied. Erap's
signature wristband covers a scar from samurai wound he got in a movie sword
fight. When former president Marcos asked him what support he would like to
have for the people of San Juan City (as a political gratis), Erap requested for
a parcel of land in Taytay where he relocated many San Juan squatter residents.
For some psychologists, Erap was considered bright and has a phenomenal ability
to remember names, backgrounds and specific events. He, however, has a low
capacity to analyze problem in an "objective, systematic and rational
manner" (pp. 107).
The President and the Snake Pit
Chapters 5 and 6 detonate
the political bombshells. They present the complex and never-before-seen character
of the "snake pit", that is, Malacanang. It is not unusual for Prod to
have at most 4 hours sleep due to the demands of his job---from reading daily
newspapers to fixing the president's schedule. He likewise witnessed the
jarring view of how Erap treated his subordinates in a domineering and bullying
way. This trained Erap's secretaries to be "ultra-sensitive" to his
moods. He is known to "baptize" people with crude and hurting names
(i.e. Kalbo for baldy, Pandak for short one and BIR (Babaeng Inurungan ng Regla
for old maids). One major liability was Erap's aggressive decision-making. His ego and pride took control of him. He stopped listening
to his well-meaning advisers who truly desired him to pursue good governance.
Prod once said that
living in a "snake pit" would make him as a "snake
charmer." His efforts to get the house in order failed when he clashed
with the PMS chief, Lenny de Jesus, also called as the Dragon (Crying) Lady of
the palace. At many times, he was not comfortable with the micro-management
practices (completed staff work) of Leny--from determining who will ride the
presidential plane up to making scripts for cabinet meetings. The President
acted as a mere "talking head" in these sessions. Several controversies
were hurled against the Laquian couple including the accusation that they were
trying to establish their sub-kingdom in the palace that could undermine the
job of Rod Reyes, the Press Secretary and the PMS chief.
Estrada may have
possessed the patriotism and nationalism that the Filipino people needed during
the turbulent years of the country's history. Nonetheless, his political experience
as a city mayor, senator and Vice-President never provided him enough technical
know-how to lead the country (pp. 102-103). He is known to despise long speeches
and meetings. He gets easily bored with details of a plan. He rarely
participated in serious intellectual discussion. Erap behaved and spoke like
your normal urban poor guy with his "green jokes" and under the belt,
sexist remarks. He lacked the internal moral compass to be a national symbol of
good values. His inability to control his appetites proved to be a liability. Erap
was a self-indulging man who loved to eat high-cholesterol foods (i.e. lechon
and pochero). He had poor work habits and manifested aversion to long hour is
focused, serious work. His sexual appetite was legendary as attested by his
numerous mistresses and dozen children. The authors mentioned in one instance,
how Loi Ejercito remained calm and civil despite the abusive remarks of her
husband. They praised Loi for her temperance for being the "emotional
punching bag" of the president.
The President never
had a coherent program of governance for the first 100 days. Much of time were spent
appointing people to more than 6,000 positions in the government and renovation
of infrastructures to be used by the chief executive. The president had "only the vaguest
notion of what he wanted to do." (pp. 137). He hired more than 30
presidential assistants with full-time salaries, more than 20 consultants and
many informal "calling card" presidential assistants. All of them
were appointed due to political backers who helped Estrada win the 1998
elections.
Estrada was
notorious for being tardy in gracing important meetings. His mood swings got the better
of him. Hence, his cabinet secretaries were always on their toes for any last
minute changes in his itinerary (i.e. deliver the speech of
president). Malacanang would always argue that the "president was never
late, the people were early." He was not
given enough honeymoon period by the media. From day one, he was lambasted by
the press. Consequently, Erap retaliated by commanding his friends to withdraw
their advertisements from broadsheets which magnified his political
incompetence (i.e. Philippine Daily Inquirer, Manila Times). The move by the Office of Executive Secretary to amend the ways of the
"undisciplined" leader came too late and was overtaken by the actions of a critical mass of people who
desired Estrada to vacate Malacanang.
Overall, the
president's leadership style can be summarized as follows (pp. 168-169): 1) He
lacked an overall direction in his administration; 2) He disdained the day-to-day
tasks of running a government; 3) He was not a consultative decision-maker; 4)
He made decisions with incomplete information, he often made mistakes; 5) Erap
mixed official and personal affairs in his public decision-making; and 5) He
failed to use the considerable professional and technical resources in PMS, the
Office of the Executive Secretary and other units inside Malacanang to assist
him.
Estrada never fully
understood his role as the Commander in Chief of the Armed Forces. He found it
difficult to identify with the diciplined and polished character of the
military. Erap was not fond of the military and the "generals did not like
him" (pp. 212). The personal decision-making of the president did not
augur well to the objective, institutional rules of the institution. This could
be a reason why General Angelo Reyes, then AFP Chief of Staff, easily declared,
during EDSA 2, his withdrawal of support to the president, justifying his
action as mere compliance to Article 2, section 3 of the Constitution,
which states that the military should protect the state and its people.
The "Barkada" Factor
Before leaving for
Canada, Prod had a last word for the president: "Bayad na po kayo" referring to his constant admonition to the
president to stop giving favors to his cronies and sycophants (sipsip). During
the president's inaugural address, the couple was requested by Erap's brother
and mother to help the president keep away from the bad influence of his
political and business peers. But for the Laquians, it was next to impossible
to carry out the task mainly because of Estrada's sensitivity and volatile
temperament whenever people talk ill of his friends. In a country where
political leaders protect their family's interest, Erap was an exponential and
classic example since he has more than one family.
Several political
actors competed for the ears of the president. Basically, he nurtured five
groups--his bosom buddies (i.e. FPJ, Reli German and Ducky Paredes), Chinoy
business cronies (i.e. Atong Ang, Lucio Tan, Mark Jimenez), political and
religious allies (i.e. Maceda, Angara, Velarde of El Shaddai), technocrats of
his administration (i.e. Pardo of DTI, Diokno and Medalla of UP School of
Economics) and family members. Due to divergent interests, political clashes
are normal among the president's men, especially between Ronaldo Zamora
(Executive Secretary) and Robert Aventajado, Erap's kumpadre and mobilizer for
JEEP, the president's link to civil society organizations. The term "midnight cabinet" was coined, which later surfaced in the media because of the stubborn habit of president's allies
and close friends to visit Malacanang at the wee hours of the night. Of all the
groups, it was the technocrat circle which truly desired to help the president
in his pro-poor programs.
Of Poverty and Civil Society
Chapter 8 provides a
good scan of poverty studies in the
country (pp. 229-240). The poor in urban centers and the countryside comprised
the bulk of votes which catapulted Erap into power. Relationship of the president
with the Philippine Left, however, proved to be adversarial. Communists
considered Erap as a stooge of the Americans and somehow linked him to the
former dictator. Not surprisingly, the cultural elites never supported the
president who they considered as an intellectually-challenged buffoon. Although
Erap presented himself as pro-market at the start of his administration, the
Makati Business Club aligned themselves against him due to his proclivity to
pursue pro-poor, anti-business programs. As for his relationship with the
Catholic Church, Archbishop Jaime Cardinal Sin openly condemned Erap's
womanizing and gambling activities. Monsignor Pedro Quitoria of the influential
Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) said in a statement that
"If you cannot manage your personal life, how can you manage the life of a
country?"
Chapter 9 presents
the recent literature on the civil society organizations in the country (pp.
263-278). This is juxtaposed with Estrada's JEEP (Justice, Economy, Environment
and Peace) Program headed by Aventajado. The initiative attracted former
Left-wing personalities and intellectuals like Edicio dela Torre, Dodong
Nemenzo, Karina Constantino-David, Renato Constantino Jr. and Leonor Briones. But
the Estrada-civil society affair was cut
short due to several controversies (i.e. Coco Levy Fund). Most notable of all
was the decision of some 3,000 member organizations belonging to CODE-NGO, the
National Peace Conference, and the Women's Action Network for Development
(WAND) to distance themselves from the administration, due to mass-scale
corruption and failure of Malacanang to deliver basic social services to the
poor.
A Must-Read for the Younger Generation
The volume's narratives
are sincere, straightforward and compassionate. Although the Laquians highlight
the disturbing character of the former president, they are also quick to
provide a caveat--that Estrada is not bad to the core. He was just unable to
control the external pressures which derailed his leadership. Nonetheless, the
final accountability belongs to him. The authors write:
"There are many reasons for Erap's downfall. But the
bottom line was that he just didn't have
the capabilities and discipline demanded by the Philippine
presidency. He could have the best minds
in the country to assist him but he chose to listen to the wrong people
instead." (pp. 128)
Several lessons can
be derived from this political tragedy (pp. 312-316): 1) Flagrant immorality
and lifestyle excesses are not acceptable to the Filipino people; 2) Popularity
and celebrity status are not bases for good leadership; 3) Greater public
awareness of graft and corruption is necessary to ensure accountability of
public officials; 4) The politicized role of the military is a threat to
democratic life and 5)The Philippines will continue to be mired in elite and
traditional politics despite civil society efforts.
Erap was a WYSWYG
(What You See is What You Get) president.
The "masa" loved him because of his natural transparency. On
the contrary, he is one of the biggest disappointments in Philippine political
life because he lived a double life, "rivaling, in the amount of lies
unearthed, the excesses of the Marcos dictatorship" (pp. 115). Machiavelli
could have advised Erap to voluntarily relinquish his position mainly because
"fortuna" was not kind to him. Erap attempted to hold on to power. Up
to now, he never admitted that he violated the trust of the people. History is
summoned to show that the "masa" never committed a mistake electing
him into office (because they trusted him) and likewise, never went wrong when
they decided to get rid of him from office (because Erap failed them).
As an old adage
declares, "Old people die. Young
people forget." Filipinos are known to have high tolerance of public
misconduct and corruption. May the painful lessons of the Estrada
administration and EDSA 2 be not relegated to trash bin of Philippine history. The
volume may be misconstrued as a "biased" work of a disgruntled
academic. EDSA 2, however, vindicated the Laquian couple. The book forewarns
the younger generation of the long-term
consequences of electing an incompetent president who is not only prone to
lackadaisical performance but can also be swayed by personal loyalties and
friendships.
[1] Vanzi, Sol Jose. 2000. Transcript of Remarks
which cost Laquian his job. Available at http://www.newsflash.org/2000/03/pe/pe001083.htm (accessed January 20, 2013)
Tuesday, January 15, 2013
PERA NG BAYAN, PANG-BONUS LANG?
Katulad
ng kaniyang campaign slogan, "Gusto ko happy ka!", pinasaya ni Senate
President Juan Ponce Enrile ang Kapaskuhan ng mga miyembro ng Senado sa
pagbibigay ng tig-1.6M na pondo para sa opisina ng 8 senador at tig-P250,000
naman sa apat pa. Kung legalidad ang pag-uusapan, walang
"unconscionable" o kagulat-gulat sa ginawa ng Senate President.
Madalas na itong ginagawa ng maraming ahensiya ng pamahalaan na nagnanais na
palakihin ang kanilang savings sa pagtatapos ng taon o fiscal year. Para kay Enrile,
hindi ito suhol kundi dagdag na budget para sa Maintenance and Other Operating
Expenses (MOOE) ng kaniyang mga kasama. Pero, ang tanong, bakit
kailangang ibigay ang MOOE sa pagtatapos
ng taon? Bakit hindi na lamang ibalik sa National Treasury ang pondo upang magamit
sa ibang pangangailangan?
Sa
isang bansang maraming naghihirap, hindi katanggap-tanggap ang ganitong uri ng
paggamit ng pera ng pamahalaan. Ang Senado ay hindi pinaaandar ng pera ng isang
pribadong kumpanya kundi ng buwis ng
sambayanan. Kung nagpiyesta ang mga staff ng Senado sa malalaking bonus, maraming
empleyado naman ng Department of Agriculture,
National Housing Authority at ilang government owned and controlled
corporations (GOCCs) ang minabuting ibigay na lamang ang kanilang Christmas
bonus sa mga biktima ng bagyong Pablo.
Samu't
saring estratehiya ang ginagawa ng maraming ahensiya ng gobyerno upang lumaki
ang kanilang pondo. Naririyang hindi pinupuno ang mga vacant positions upang maging savings ang mga
pondong inilaan ngunit hindi ginamit para sa mga nabakanteng posisyon. Maituturing
itong "enforced savings". Ito ang kailangang busisiin ng Commission
on Audit (COA) upang magamit nang wasto ang pera ng bayan.
Pinalutang
din ng isyu kung paano nakasandig sa personalidad at pera ang pulitika ng
bansa. Hindi prinsipyo at plataporma ang mahalaga kundi koneksyon sa
makapangyarihan ang labanan. Ginagamit
ng mga pulitiko ang pondo ng pamahalaan upang isulong ang kanilang personal na
agenda at interes.
Mahalaga
ring malaman ng sambayanan ang mga "perks" o benepisyo na makukuha
kung ikaw ay nasa puwesto. Dagdag sa P75,000 na suweldo kada buwan ng isang senador,
may natatangap pa siya, taon-taon, na P200M Priority Development Assistance
Fund (PDAF) o pork barrel, P2.2M para sa suweldo ng kaniyang staff, P500,000
travel allowance at 30,000 hanggang 60,000 kada buwan na honorarium bilang
chairperson o miyembro ng isang Senate Committee. Ang isang senador ay maaring
maging chairperson o miyembro ng mahigit isang komite. Ang mga travel
allowances ay ibinibigay sa kaniya, umalis man siya ng bansa o hindi. Hindi
nakakapagtakang maraming nagnanais na makatuntong sa Senado.
Sa
ganitong kalakaran ng pulitikang Pinoy mas tumitingkad ang babala ng Panginoon
sa lahat ng nasa kapangyarihan. Hindi natin maaring paglingkuran nang sabay ang
Diyos at ang kayamanan (Mateo 6:19,24). Ilang beses nang ipinakita ng
kasaysayan na ang pagkagumon sa pagkamal ng kayamanan ang isang dahilan upang
matanggal ang isang lider sa pamumuno. Lagi nating balikan at isabuhay ang diwa
ng EDSA 1 at 2--na walang karapatang manatili sa puwesto ang mga lider na
gahaman sa salapi at kapangyarihan.
Itinatadhana
rin ng RA 6713 o batas sa etika ng paglilingkod sa bayan na kailangang mamuhay
nang simple ang mga empleyado sa gobyerno. Sinasabi sa section 4(h) ng batas: "Public officials and employees and
their families shall lead modest lives appropriate to their positions and
income. They shall not indulge in extravagant or ostentatious display of wealth
in any form." Nakikita ba natin ito sa ating mga Senador at
Kongresista? Kinakatawan ba talaga nila ang sambayanan, lalo na ang mga
nagdarahop at naghihirap, kung sila mismo ay hindi sanay sa simpleng pamumuhay?
Naging
dukha ang Panginoon upang ipahayag sa lahat na hindi kayamanan ang
magbibigay-kahulugan sa buhay (2 Corinto 8:9). Ang "pagmamahal" sa
salapi ang isa sa ugat ng kasamaan sa lipunan (1 Timoteo 6:9-10). Ito ang maglalayo
sa atin sa katuwiran at kabanalan ng Panginoon (Hebreo 13:5).
Ito po si Ronald Molmisa para sa Opinyon ng Pilipino. Dahil sa isang bansang may demokrasya, opinyon ng bawat isa ay mahalaga.
Monday, December 10, 2012
NANG MATALO ANG PAMBANSANG KAMAO
Hindi sanay ang Pinoy na natatalo ang bida. Hindi bumebenta sa atin ang malulungkot na istorya. Marahil, masyado na tayong lugmok sa kahirapan kaya wala na tayong panahon upang malumbay pa. Gusto natin, ang ending laging masaya.Binago ni Manny ang pagtingin ng bayan sa tunay na tagumpay. Bagaman nabigo siyang depensahan ang kaniyang titulo, hindi nabago ang pagtingin sa kaniya ng marami. Siya pa rin ang hinahangaang "Pambansang Kamao" ng bayan. Hindi nagawang magpalusot, mambuska o mangatwiran. Tinanggap nang buong saya ang pagkatalo. Nasaksihan natin ang isang atletang walang masamang buto sa katawan.
Madalas, naghahanap tayo ng paliwanag sa mga bagay na hindi natin maunawaan. Ibinubunton natin ang sisi sa mga bagay na labas sa ating karanasan. Pinipilit nating madiskubre ang dahilan upang gumaan-gaan ang ating kalooban. Anupaman ang kalabasan ng ating paguusisa, magtiwala tayo na batid ng Diyos ang ating patutunguhan. Minsan, hindi makakatulong ang patuloy na pagtatanong. Ang mga nagtatanong, madalas hindi naghahanap ng kasagutan kundi ng argumento at maidadahilan. Magtiwala na lamang.
Bakit natalo ang pambansang kamao? May simple at masalimuot na sagot. Ang pinakasimple--nagiba siya ng isang malakas na suntok ng kalaban. Period. Ganun ang boksing. Kapag naisahan ka, yari ka.
Ang mas kumplikadong paliwanag at maaring hindi matanggap ng marami- inaayos ng Diyos ang magandang plano para sa kaniyang anak. Ito marahil ang tamang pagkakataon upang pansamantala siyang tumigil upang marinig at maunawaan ang tinig ng kaniyang Panginoon.
Walang kulay ang buhay kung laging panalo. Ang lungkot ang nagbibigay-katuturan sa kasiyahan. Ang pagkatalo ang nagpapasarap sa tagumpay. Tama si Manny. Kahit ang mga higante sa lupa ay may angking kahinaan. Dahil pagdating sa langit, malalantad kung sino ang pinakamakapangyarihan. Hindi nasusukat ang tagumpay sa dami ng yaman at ningning ng pangalan. Ang pinakamahalaga ay nasa pangangalaga ka ng Manlilikha ng buong sanlibutan.
Subscribe to:
Posts (Atom)
-
When Walt Disney announced in 2005 the release of the movie version of C.S. Lewis’s The Chronicles of Narnia (The Lion, the witch and th...
-
In Europe a woman named Hilda was near death from a rare type of cancer. There was one drug that doctors thought might save her. It was a fo...