Naranasan ninyo na bang hindi mapakali sa sobrang kati? Iyong uber kati pero hindi ninyo maabot ang dapat kamutin? Para maibsan ang itchiness, ikiniskis ninyo ang inyong likod o parte ng inyong katawan sa puwedeng kumamot (i.e. pader). Careful ka lang at baka magasgas ang iyong skin at magkapeklat. Hindi ka na flawless.
Marami ang kating-kati na magka-BF/GF. Kasi may nagpapakati sa kanilang sitwasyon.
Napanood ang mga mag-jowang naglalambingan. Kinati.
Kinilig sa mga love teams at Koreanovela. Kinati.
Gustong magkaroon ng spice ang buhay. Kinati.
May nais patunayan sa sarili. Kinati.
Nag-panic attack bunga ng paglipas ng kalendaryo. In-allergy sa kati.
Gusto mag-trip sa pakikipagrelasyon. Pinilit ang sarili na mangati.
Umiwas sa mga bagay na magpapakati sa iyong emosyon. Ang mga kating-kating pumasok sa relasyon madalas nagkakamali sa pagdedesisyon. Kapag lagi kang nagmamadali, marami kang malalampasan. Hindi mo mararamdaman ang maraming "wonderful" na karanasan. Huwag isipin na kapag may partner, mas makulay ang buhay. Ang iba, sa halip na inspirasyon ang matagpuan, konsumisyon at sakit ng ulo at puso ang binagsakan.
May season ang lahat ng bagay. May panahon para damhin ang kamusmusan. May oras para i-enjoy ang iyong kabataan. May panahon para magsikap sa pag-aaral. May tamang oras para manligaw o ligawan. May panahon upang ihanda ang sarili sa pagpapamilya. Kapag nagkawindang-windang ang sequencing ng iyong life chapters, baka hindi mo maranasan ang magandang plano ni Lord sa iyong buhay.
Hintay-hintay at hinay-hinay. Waiting builds our character. Pag may tiyaga, may nilaga. Si Noe itinuloy ang paggawa ng arko kahit matindi ang sikat ng araw. Kahit tuksuhing nababaliw, sige lang sa pagtupad sa utos ni Yahweh. Nang dumaluyong ang grabeng baha, nag-swimming at nalunod ang mga tumutuligsa subalit naligtas ang lahat ng miyembro ng kaniyang sambahayan.
Si Abraham, hinintay na magka-anak sila ni Sara ayon sa pangako ng Panginoon. Pero tinamaan ng inip kaya ipinanganak si Ismael sa alipin nilang si Hagar. Nang matutunan nilang maghintay, dumating si Isaac kung saan nagmula ang lahi ng Israel.
Si Jose hinintay ang tamang pagkakataon upang maging kanang kamay ng paraon ng Ehipto. Nagtiwala siya sa Panginoon na ang lahat ng mapapait niyang karanasan ay aayusin ng Diyos para sa ikabubuti ng kaniyang pamilya. Nailigtas niya ang kaniyang ama at mga kapatid sa panahon ng taggutom.
Si Job, hinintay na maghilom ang kaniyang mga sugat. Kahit gawin siyang punching bag ng kaaway, keri lang. Pagkatapos noon, dumagsa ang pagpapala ni Yahweh. Pinalitan ng Diyos nang mas higit ang mga inagaw sa kaniya ng kaaway.
May ultimate solution sa mga kati ng ating puso. Hindi mo kailangang magkaroon ng partner upang mabuo ang iyong pagkatao. You need to understand first how to be "single", unique and whole before you enter into a relationship. Hanapin ang kaligayahan sa Panginoon. Siya lang ang puwedeng bumuo sa iyong pagkatao dahil Siya ang may likha sa Iyo.
Wait on God, not on your future mate. As you wait on Him, He will renew your strength. Delight yourself in Him. Huwag maiinip maghintay. Ika nga ni Santiago (1:4): "...let patience have its perfect work, that you may be perfect and complete, lacking nothing."
Let's pray. "Lord, turuan mo akong maghintay. Pakitanggal ang masasamang kati sa aking buhay. Nais kong maging kuntento sa iyong pagmamahal. Turuan mo akong manahan sa pag-ibig Mo. Nais kong kayo ang maging first love ko. Amen."
Thanks for visiting my blogspot. This is the place where you can know me as a minister, as a kuya (big brother), as an husband, as an academic and as a typical homo sapiens sapiens. I am the head pastor of the GENERATION 3:16 Ministries, a ministry devoted to the evangelism and discipleship of the younger generation. I also lead the LOVESTRUCK MOVEMENT, a ministry preaching Biblical purity and responsible dating, courtship, marriage and sexuality (www.lovestruckmovement.org).
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
-
Maaaring ang artista’y sumuko at manahimik, upang mabuhay, ngunit ang ganya’y tiyak na kamatayan ng kaniyang sining. Nakikilala niyang bahag...
-
In Europe a woman named Hilda was near death from a rare type of cancer. There was one drug that doctors thought might save her. It was a fo...
-
Isang eksperimento ang isinagawa upang malaman kung paano tinitingnan ng isa tao ang kaniyang sarili at ang kaniyang kapwa. Pinangalanan ito...
1 comment:
tama, its better to wait kesa naman magmamadali ka puro heartache lng naman ang pagdadaanan mu e di maghintay kana lang sa taong ibibigay ng Lord diba.
Post a Comment