Friday, November 22, 2013

PROPESIYA, PANGAMBA AT PAGBABALIK-LOOB

Ilang katanungan ang natanggap ko ukol sa kumakalat sa social media na mga propesiyang binitiwan ng dalawang Indian prophets--si Vincent Selvakumar at Sadhu Sundar Selvaraj. Nakakagulantang ang mga deklarasyon—magmula sa paglipol sa pamamagitan ng baha at bagyo hanggang sa nakapandidiring “flesh-eating disease” na magmumula sa Pangasinan at iba’t ibang panig ng bansa. Ito ang aking posisyon ukol sa isyu.

First, we should never despise prophecies (1 Thess. 5:20). Prophecies as used here refers to “prediction” and “foretelling”. Punong-puno ang Bibliya ng mga istorya na naganap bunga ng propesiya. Hindi ako naniniwalang natigil na ang pagbibigay ng Panginoon ng mga rebelasyon sa pamamagitan ng mga propeta. May sadyang tinawag talaga sa ganitong ministeryo at gawain (Eph. 4:11-13, Amos 3:7). God reveals himself in different ways—through dreams, visions, signs, wonders and miracles (Num. 12:6, Joel 2:8-9, Mark 16:17-18).

Ganunpaman, kailangang salain ang mga prophetic declarations ng ilang bagay. Una, sa pamamagitan ng Salita ng Diyos. Pangalawa, sa pagsilip sa credentials at character ng mga nagsasabing propeta. Pangatlo, sa kung ano ang ipinararamdam ng Banal na Espiritu sa mga mananampalataya sa bawat panahon sa kasaysayan.

Unahin natin ang Salita ng Diyos.  The Bible is our final authority on matters of faith (Matt. 4:4, 2 Tim. 3:16-17). Kung ang isang propesiya ay kumakalaban sa katotohanan ng Salita ng Diyos, aba’y magtaka ka na (Deut.13:1-4). Ang mga extra-Biblical revelations ay dapat itinatapon sa basura (Isaiah 8:20, Gal. 1:8-9).

Pangalawa, nakikilala ang isang tunay na propeta ng Diyos sa pamamagitan ng kaniyang karakter at mga gawa. By their fruits, you shall know them (Matt. 7:16). Lantad ba sa buhay nila ang “fruit of the Spirit”? (Gal. 5:22-23). Sino ba ang kanilang binabandera? Ang kanilang sarili o ang Panginoon? At ito pa ang ultimate test: nagaganap ba ang kaniyang mga sinasabi? (Deut. 18:22, Jer. 28:9). Moreover, a prophecy must exalt and proclaim the Biblical Jesus (1 John 4:1-2). Remember: the testimony of Jesus is the spirit of prophecy (Rev. 19:10).

Pangatlo, ang lahat ng tunay na Cristiano ay ginagabayan ng Banal na Espiritu na siyang tatak ng kanilang kaligtasan (Eph. 1:13). At Siya ang magpapahayag ng katotohanan sa bawat isa (John 15:26). God’s sheep hear His voice (John 10:27). Simple lang ang logic: kung walang resonance sa puso ng mga mananampalataya, maaaring huwag pansinin at isawalang-bahala. Ganunpaman, hindi lahat ng mananampalataya ay “in-tuned” sa Panginoon sa lahat ng pagkakataon bunga ng kasalanan at kawalan ng malapit na relasyon sa Kaniya. At doon pumapasok ang problema. Kapag nangingibabaw ang iyong “flesh” kaysa espiritung sensitive sa galaw ng Panginoon, maaaring ma-miss out mo ang sinasabi Niya.

Balikan natin ang propesiyang binitiwan ng mga Indian prophets. Sa aking pagsusuri at panonood ng ilang Youtube videos at pagbabasa ng 20-page transcript na inilabas ng Intercessors for the Philippines (IFP), na may pamagat na “Warnings, Punishments and Judgments for the Philippines if the nation does not return to God”, masasabi kong hindi mauunawaan at matatanggap ng ilan ang dokumento. Samahan mo pa ng ilang kakaibang mga pahayag ukol sa mga matatangkad na anghel at mga “bowls of wrath” statements, siguradong mapapaisip o magugulantang ka.  Ito ang buod ng pahayag:

“If you don’t repent and pray God has planned much destruction all over the Philippines which are very disastrous. The cup of God’s wrath over the Philippines is very, very disastrous. There will be much disaster all over the land. The Lord will give you over to flood and waters. The Lord will torture your land with typhoons and hurricanes. The Lord will plague the land with diseases. The Lord will punish your land with famine and scattering.” (pp. 1)

Ayaw kong matuon sa eschatology (study of last days) at usapin ng dispensationalism at last day blessings, kundi sa mas mahalagang mensahe ng propesiya. Sa kabila ng mga nakakagimbal na mga detalye, natapos ang lahat sa panawagan na manalangin at “magsisi” para sa kasalanan ng sambayanan. Sa ganang akin, ito ang clincher statement. At walang tunay na anak ng Diyos ang tatanggi sa mensaheng ito. May propesiya man o wala, hindi natatapos ang panawagan sa lahat na lumayo sa kasamaan at manumbalik sa piling ng Diyos.

Dahil sa habag at biyaya ng Diyos, hindi Siya basta-basta nagpaparusa. Gumagamit siya ng mga tao upang ipahayag ang Kaniyang kalooban. He forewarns people who are ripe for punishment (i.e. Israelites and Nineveh). Samakatwid, hindi ko huhusgahan ang propesiya sa mga bagay na hindi nito natupad, kundi sa mga bagay na sinabi nito na naganap. Mas gusto kong isipin na isa itong panawagan na mamuhay sa kabanalan at katuwiran ng Diyos. Makinig ang may pandinig!

Monday, October 28, 2013

LOVESTRUCK III: Unveiling the "S" Word by Deb Bataller (CBN Asia)

What is the first thing that comes to your mind when you hear or read the word SEX? Do you still regard it, as something sacred and pure?
Or do you see it as a common practice that many people (married or not) engage in, simply to satisfy our carnal nature’s innate craving for pleasure?
To help us understand better this sensitive topic, renowned author of the best-seller Lovestruck series, Pastor Ronald Molmisa is back with a third installment. . Entitled “Lovestruck: Sexy Edition,” the book “presents the frequently asked questions and issues with regard to Filipino sexuality” and provides answers according to Biblical standards.
In the book, Pastor Ronald shares with us a comprehensive account of what the “real issues” are when it comes to sex and why it is very important to deal with these as Filipinos and as Christians.
lovestruck sexyIN THE DARK NO MOREIt’s sad how this three-letter word is evaded by many local Christian authors as a subject in their writings. Only a few dared to delve deeper into the matter. As the book’s cover color suggests, most of the topics presented in the book are usually “discussed in secrecy.”
Thankfully, we still have writers like Pastor Ronald Molmisa who are not afraid to take a stand on what the Scriptures says about sex.
What is also very commendable about Lovestruck: Sexy Edition is the book’s bold approach in explaining what sex is and what it is intended for. It is admirable how the author carefully included not only Bible verses, but also credible research, studies and statistics to support and to justify his well-explained points.
The book also make a clever way of exposing the misconceptions linked to sex and sexuality. It includes enlightening and well-supported explanations on what others may deem as sensitive and controversial topics such as masturbation and homosexuality.
GOOD MADE BADThese days, the meaning of sex and its purpose seem to be stained by the media.  Even for some Christians, our views of sex has been polluted and distorted. From magazines, to TV shows and even in music, the world depicts sex differently from what God had in mind when he created it.
According to the author, “the writing of the manuscript was inspired by the surge of issues which disturb our sexuality–the rise in teenage pregnancies in 2012 (per a United Nations report), the mainstreaming of the homosexual agenda in media , and mainly because of counselees (online and offline) who desire sexual restoration (i.e sexual abuse and porn addiction).”
WORTH EVERY PENNYUnlike the first two LOVESTRUCK books, there’s not a great deal of humor on this book.
“This book, I should say, is meant to be straightforward. This can’t be easily mixed with jokes lest it may [sic] send confusing messages and signals,” admits  Ronald.
Still, the author was able to insert funny quips from time to time to further engage its readers. He adds, “I tried to include humor in some sections but not to the detriment of its serious information. Compared to the first two books, this could be the most controversial since I expressed my position on sensitive issues.”
As with the first two LOVESTRUCK books, the Sexy Edition is also concisely and cleverly written. Each topic is discussed with  brevity yet with clarity. There are no dull moments in reading this book.
Given the interesting and informative contents compressed in a pocket-sized book, one can easily finish reading it. One will not regret buying this great read. Indeed, it’s worth every penny spent on it.
This book will surely bring some sense into our conflicted society when it comes to sex and straighten out the distorted view we acquired about it. It’s high time the “S” word be unveiled and a loud applause for Pastor Ronald Molmisa for successfully bringing it out in the light.

Friday, August 23, 2013

9 WAYS TO DEAL WITH HEARTBREAK

1. FEEL the pain. Befriend the heartbreak. Aminin sa sarili na nasasaktan ka. Never deny the feelings of hurt and loneliness. Iiyak lang iyan. Running away is not an option. The hurt will go with you wherever you go.

2. FIGURE OUT what happened. Process the things that transpired and analyze. Maaring may mga bagay na hindi mo napansin o binalewala. As an exercise, try to write your love story from start to finish (kahit bullet points lang o images). You can discern patterns of mistakes and significant lapses in the relationship. Your job is not to repeat past blunders and mistakes.

3. FORGET and FORSAKE all things which remind you of him/her (i.e. photo albums, love/emo songs, Facebook connection). Switch mental gears kapag nadadala ang utak sa mga ala-ala. Tanggapin din ang katotohanan na mahirap tanggalin sa isipan ang isang taong napakaraming ibinigay sa iyo.

4. FINISH what needs to be finished. Huwag nang hintayin na ang kabilang partido ang magsara ng dapat isara. Initiate the closure. Put an end to everything. Tanggapin na "tapos na ang lahat." Ang natapos na relasyon ay tulad ng mga basag na matalim na salamin. Minsan, mas mainam na huwag na siyang pulutin at buuin kaysa masaktan muli ang iyong damdamin."

5. FELLOWSHIP with Family and Friends. They are your refuge in many ways. Avoid being alone. Have a support system/emotional shock absorber. Makapagbibigay sila ng matitinding encouragement. As Proverbs 12:25 tells us, "Anxiety in a man's heart weighs him down, but a good word makes him glad."

6. FIND Activities which can ease the pain (i.e.leisure travel, comfort food, read books). Keep yourself busy. Counter sadness with preoccupation with things that are fun and enjoyable. Channel your energies to worthwhile activities. Now is the time to love yourself (one thing you may have forgotten when you were in a relationship).

7. FORGIVE yourself and your ex. This may take time but this is the way to go. Be better, not bitter. Get rid of anger and other emotional baggages. Never argue with the person because it can only worsen the situation. FREE Yourself from pain! Kung ikaw ang dahilan ng breakup, patawarin ang sarili. Hindi lang ikaw ang may pagkukulang.

8. FALL IN LOVE again. There is wisdom in the "2-year rule" before commencing a new relationship. Take time to heal unresolved feelings. Matapos ang recuperation period, pagbigyan ang puso na muling magmahal at mahalin. Meet new people and potential partners. Sa iba, mas matagal ang recovery. The rule of the thumb is: huwag papasok sa relasyon nang hindi pa lubusang nakaka-move on (iyong wala na ang sakit at galit kapag nagkita muli kayo ni ex).

9. FOCUS on God's love for you. Walang ibang magmamahal sa iyo nang todo kundi si Lord. Huwag mong hanapin ang kaligayahan sa ibang tao. Si Lord ang greatest lover mo. Sa Kaniya, kumpleto ka! Isapuso ang awit ni David sa Psalm 34:18-19: "The Lord is near to the brokenhearted and saves the crushed in spirit. Many are the afflictions of the righteous, but the Lord delivers him out of them all."

Thursday, August 22, 2013

TANGGALIN ANG BABOY SA PULITIKANG PINOY

Pinatindi ng Napoles corruption scandal ang galit ng sambayanan ukol sa maling paggamit ng pera ng bayan sa pamamagitan ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) o mas kilala sa tawag na "pork barrel." Ayon sa Commission on Audit (COA) Report, mahigit P1.6 bilyong pondo ng tatlong senador ang napunta sa mga pekeng NGOs. Aabot naman sa 17 banko ang pinaglagakan ng mahigit na 400 bank accounts ni Napoles. Ang kasong ito ay ilan lamang sa napakaraming kaso ng pangungurakot sa buwis ng bayan.

Ang pork barrel ay isang lump-sum budget na ibinibigay sa presidente at mga mambabatas taon-taon at malaya nilang nailalaan kung saan nila gustong gastahin. May 200M ang bawat senador, samantalang 70M naman ang mga miyembro ng Mababang Kapulungan. Maaaring hindi sila ang humahawak ng pondo subalit sila ang nasusunod kung ano ang mga proyekto na dapat puntahan ng mga pondong ito.

Aabot sa P27 bilyon ang matatanggap ng lahat ng mga senador at kongresista sa budget sa taong 2014. Mahirap paniwalaan na ang mga perang ito ay talagang maibubuhos sa serbisyong pampubliko. Ito ay bunga ng samut-saring estilo ng mga pulitiko at mga kakuntsaba nilang mga contractor upang nakawin ang pera ng bayan. Sa maraming pagkakaton, halos 80 porsyento ng nakalaang pondo ay napupunta sa bulsa ng mga pulitiko, samantalang 20 porsyento lamang ang napupunta sa proyekto. Huwag na tayong magtaka na kung hindi overpriced ay substandard ang pagkakagawa ng maraming public infrastructure projects.

Katulad ng pagpasa sa Anti-Political Dynasty Bill, isang suntok sa buwan ang suhestiyon na i-abolish ang pork barrel sa kasalukuyan dahil nasa puwesto ang mga mambabatas na sangkot sa anomalya. Hindi kailanman papayagan ng mga senador at kongresista na mawala ito dahil ito ang kanilang instrumento upang makuha ang suporta ng mga tao, lalo na kung malapit na ang eleksyon. Ito rin ang sandata nila upang talunin ang mga bagito at walang pera sa pulitika.

Hindi pabor ang presidente sa pagbuwag sa pork barrel. Mas pahihirapan daw kasi nito ang pagbibigay ng serbisyo publiko lalo na kung sa national government pa aasa ang mga local government units para sa kanilang mga pangangailangan. Ngunit kailangan ding tingnan kung paano ginagamit ng presidente ang kanyang kapangyarihan upang hindi ma-release ang PDAF ng mga pulitikong kumakalaban sa kanyang liderato. Sa isang COA audit report, milyun-milyong pondo ang pinamudmud ng dating Pangulong Macapagal-Arroyo sa mga miyembro ng kaniyang partido at oposisyon mula 2007 hanggang 2009 kung kailan humarap siya sa matinding krisis pampulitika. Nasa kamay ng mga miyembro ng kongreso ang susi para tanggalin ang pork barrel. Ngunit kung ayaw ng presidente, huwag umasang susunod ang mga mambabatas.

Kung nais ng mga mambabatas na makatulong sa kanilang mga kababayan sa mas epektibong paraan, maaari namang padaanin ang pondo sa mga regional, provincial, at municipal development councils. Sa ganitong paraan, mas magiging sensitibo ang mga programa sa pangangailangan ng mga nakararami, kaysa sa iilan lamang.

Gayundin, dapat maging matapang at maagap ang Commission on Audit sa paghain ng kanilang imbestigasyon. Sadyang napakabagal ng COA sa pagsasaayos ng mga report. Kailangang magkaroon ng mabilis na sistema ng auditing upang imbestigahan ang mga expenditure records ng mga mambabatas at masawata ang mabilis na paglalaho ng pera ng bayan.

 Ang isang matinding problema ay nangangailangan ng matinding solusyon. Ang pork barrel ay hindi nakatuon sa pagpapaunlad ng bayan kundi sa pagbili ng suporta ng taumbayan. Ugatin natin ang problema. Kung walang pork barrel, walang sistemang aabusuhin. Tanggalin ang "baboy" sa pulitikang Pinoy.

Ang Opinyon ng Pilipino ay isinulat ni Ronald Molmisa ng Pananaw Pinoy. Dahil sa isang bansang may demokrasya, opinyon ng bawat isa ay mahalaga.

Thursday, July 11, 2013

FIVE ANTI-M.U. SAKIT TIPS (For Ladies)

PAKINGGAN ANG MAGIC WORDS. Huwag maging assumera hangga't walang mga salitang namumutawi sa bibig niya. Yes, hindi ka manhid. Ramdam mo ang special treatment. Gets na gets mo ang mga signs and signals. Pero may mga guys na sadyang malambing lang talaga. Huwag magpapatianod sa mga pa-tweetums nilang mga kilos. May mga magic words kang aabangan--magmula sa "type kita" hanggang sa "ikaw ang aking BUKO (buhay ko). Pero bilog na ang ulo mo, huwag hayaang bilugan pa niya. Libreng mag-isip dear.

PIGILAN ANG KILIG. Kapag ibinulalas na niya ang kaniyang feelings, huwag excited much. Kung may feelings ka, huwag umastang officially yours na kayo sa isa't isa. Madalas umaalagwa ang imahinasyon ng maraming ladies. Hindi pa kayo, wedding entourage na ang pinaplano. First things first. Mahirap na. Baka ang inaakala mong "love story" mauwi sa "toy story". Nilalandi ka lang pala.

PUTULIN ANG UGNAYAN KAPAG PLAYING SAFE SIYA. Huwag magpapaniwala na "Super Friends" kayo. Unless kasing kisig siya ni Clark Kent at kasing-sexy ka ni Wonderwoman at may invisible jet ka. Huwag hayaang maging shock absorber ka ng mga problema niya sa buhay. Ibuhos niya sa ibang tao ang kaniyang mga ka-emohan kung ayaw mong masaktan. Puwede kayong maging emotionally-dependent sa isa't isa. Be aware of the dangers of emotional attraction. Huwag palalimin ang intimacy kung walang matatag na commitment.

PORMAL NA LIGAWAN. Tandaan: Kung seryoso sa iyo ang lalake, pormal siyang manliligaw. Hindi iyong binabakuran ka lang. Hindi dapat hanggang drawing lang. Ang mga lalake nagi-effort kung gusto niya ang babae. Magpapaalam iyan sa magulang. Pupuntahan ka sa bahay at gagawin ang lahat para mabihag ang iyong puso. Maidagdag ko lang: Mag-imbestiga ka rin baka marami kayo sa kaniyang listahan.

PRAY FOR YOUR FEELINGS. Ipanalangin na bigyan ka ng Panginoon ng pusong uber-inlab sa kaniya. Iyong hindi basta-basta maghahanap ng atensyon sa iba. Ipatanggal sa Kaniya ang mga "may sabit" na damdamin (i.e. kung may GF na siya). Ipag-pray mo rin ung guy na mag-ayos-ayos siya lalo na't magulo ang mga kilos niyang ipinapakita. Wait upon the Lord always.

Monday, June 24, 2013

Ang Tensiyon sa Pagitan ng Relihiyon at Sekularismo

Pumukaw ng matinding atensiyon ang napabalitang pagbibigay ng mga Bibliya sa mga freshmen ng University of the Philippines-Los Banos noong ika-9 ng Hunyo. Maraming umalma sa insidente dahil nillabag daw ng UPLB Office of Student Affairs ang prinsipyo ng "separation of church and state." Sa isang pormal na liham, ipinahayag ni UPLB Chancellor Rex Victor Cruz, na ang UPLB bilang institusyon ng pamahalaan ay hindi kailanman bumili at namigay ng mga Bibliya para sa mga estudyante.

Pinalutang ng UPLB incident ang tensiyon sa pagitan ng kalayaan sa relihiyon at paggalang sa prinsipyo ng "separation of Church and State." Kailangang balikan natin ang sinasabi ng Saligang Batas ukol sa isyu. Tandaan natin na ang probisyong ito ng Konstitusyon ay nagbibigay-proteksyon sa mga mamamayan laban sa mapaniil na kapangyarihan ng estado. Layunin nilang pigilan ang pagsupil sa kalayaan sa relihiyon.

Ayon sa Article 3, Section 5, walang batas ang dapat ipasa ng Kongreso na magtatatag ng isang pambansang relihiyon o pipigil sa malayang pagsasagawa nito. Hindi ring maaaring gawing basehan ng pagtupad sa anumang sibil at pulitikal na karapatan ang relihiyon. Sa ganitong kalakaran, malaya ang sinumang taong-simbahan o lider ng anumang iglesya na tumakbo sa pulitika at humawak ng puwesto sa pamahalaan.

Sinasabi naman sa Article 6, sec. 29 na hindi dapat ginagamit ang pondo ng pamahalaan para sa anumang gawain ng anumang relihiyon o simbahan. Ganundin, kung nais ng sinuman na magturo ng religious subjects sa mga elementary at secondary schools, itinatadhana ng Article 14, sec. 3 na kailangang humingi ng permiso ang magtuturo sa mga magulang ng mga estudyante.

Ang naging isyu sa UPLB ay ang pamimigay ng Bibliya ng isang pampublikong opisina. Kahit sabihing hindi sapilitan ang pagtanggap ng mga materyales na ito, naging kasangkapan ang UPLB OSA upang maibahagi ang mga Cristianong materyales at babasahin. Bagaman walang pondong inilibas ang UPLB para ipamahagi ang mga Bibliya, nalabag nito ang pananawa na ang isang "sekular" na paaralan ay hindi dapat nagi-endorso ng anumang relihiyon. Upang maiwasan ang pagkiling sa anumang pananampalataya, maaring ibigay na lamang ng Office of Student Affairs ang trabaho ng pamimigay ng Bibliya sa mga Christian student organizations sa unibersidad. May karapatan ang bawat grupo sa unibersidad na mamigay ng kanilang religious materials. Ang karapatang ito ay ibinibigay din sa ibang relihiyon, maging sa mga atheists at agnostics na hindi naniniwala sa Diyos.

Patuloy na hinahamon ng sekularismo ang pananampalataya ng maraming Cristiano sa bansa. Pilit na inihihiwalay nito ang pananampalataya sa pampublikong buhay ng maraming Pinoy. Sa kabuuan, ang ating pananampalataya, bagaman isang personal na desisyon ay hindi maaaring manatiling pribado. Lalabas at lalabas ang ating mga pagpapahalaga. Maging ang mga opisina ng pamahalaan ay punong-puno ng mga santo at imahe ni Maria at Cristo. Mayroon pang sariling chapel ang iba kung saan maaring manalangin ang mga empleyado. Kung talagang seryoso ang pamahalaan na gawing "sekular" ang pamamahala, kailangang tanggalin sa lahat ng sulok ng pamahalaan ang anumang religious symbols tulad ng krus at mga imahe ng mga santo.

Hindi na lamang ito usapin ng pagsunod sa batas kundi ng paninindigan sa pananampalataya. Nang pigilan ng Sanedrin sina Pedro at ang ibang apostol sa pagbabahagi ng ebanghelyo ng Kaligtasan sa mga Hudyo, matatag nilang sinabi, "mas nanaisin naming sundin ang Diyos, higit ang tao!" (Gawa 5:29). Ganundin, mas dapat tupdin ng mga tunay na Cristiano ang kalooban ng Diyos higit sa pagsunod sa mga ideyolohiya at batas na lumalabag dito. 

Monday, June 17, 2013

LOVESTRUCK SAKIT Series 3: Kung Ako'y Iiwan Mo

Nang mawala ka sa akin, ikaw at ako’y nawalan: Ako dahil ikaw ang minahal ko nang lubusan. At ikaw dahil ako ang sa iyo’y lubusang nagmahal. Ngunit sa dalawa ay ikaw ang higit na nawalan: Dahil pwede kong mahalin ang iba tulad nang pagmamahal ko sa iyo ngunit ika’y ‘di mamahalin tulad nang kung paano kita minahal.” — Ernesto Cardenal 

Walang masaya kapag sila ay iniwan ng kanilang minamahal. Lalo na ang mga inabandona nang walang "justified" at katanggap-tanggap na dahilan. Maraming couples and singles ang labis na sinisi ang kanilang sarili dahil sa kinahinatnan ng kanilang relasyon, kahit hindi sila ang ugat ng hiwalayan.

Ito ang mga kuwentong dumurog sa puso nila. Masakit pero totoo. Hindi na kailangang ibulgar dahil matagal nang lantad sa publiko. Ito ang "bulok na style" ng mga naging tampalasan o taksil sa relasyon. 

Inakala ni Anna na nagtatrabaho ang kaniyang mister sa abroad upang gumanda ang buhay ng kanilang pamilya. Lo and behold, may bago na siyang kinakasama. Batang-bata at dalaga pa. Tandaan: ang pagtataksil sa iyong kabiyak ay karumal-dumal sa sa batas ng Diyos at batas ng tao. Winawasak mo ang iyong puri at dangal. Huwag mong sabihing marupok ka. Dahil sa bawat sandali na ikaw ay nalalapit (o lumalapit) sa tukso, tao ka---may kakayahang mag-isip at umiwas sa kasalanan. 

Lumuluha si Grace nang mag-email sa akin. Isang "Cristiano" kunong lalake ang yumurak sa kanyang emosyon at pagkatao. Niligawan siya ni boy. Nag-effort at nilambing sa maraming bagay. Of course, bumigay siya. Sumama siya sa isang exclusive na lakad sa isang resort sa isang probinsiya. Naganap ang hindi dapat maganap. Ilang araw ang nakalipas, nagkaroon ng "invisible powers" ang lalake matapos simsimin ang bango ng kaniyang katawan. Kahit nagkikita sila sa opisina "Hu U?" na ang turingan. Sa lahat ng kalalakihan: hindi mga babaeng bayaran ang tunay na nagmamahal sa iyo. Kung ganyan ka nang ganyan, humanda ka sa bigat ng parusang bubulaga sa harap mo.

Maraming ladies ang ginagawang business ang pagbo-boyfriend. Gold-digger kung sila ay tawagin. Naghahanap ng boy toys at mga lalakeng may 4 na "M"--matandang mayamang madaling mamatay. Matapos huthutan ang lalake, lilipat sa panibagong lalake para limasin ang kaniyang kayamanan. Kung ikaw ito kapatid, hindi forever ang kaligayahang dulot ng panlilinlang. Nawa'y nakakatulog ka pa nang mahimbing sa iyong ginagawang kalokohan.
Para naman sa mga iniwan, hindi dapat tumigil ang inyong mundo.

Breaking-up is predictable and preventable. Dapat marunong kang bumasa ng "warning signs". Kung alam mong nanlalamig na ang kaniyang pag-ibig, kausapin siya. Kung nararamdaman mong lumalayo na ang puso ninyo sa isa't isa, kailangang may gawin ka. Kung naaamoy mong may ginagawa siyang kalokohan, confront him/her head on. Ang iba gusto pang "killing me softly" ang drama. Huwag maging masokista. Mahalin ang sarili. You have the right to demand faithfulness from your partner. 

Tanggapin ang katotohanang lahat ng tao ay nagbabago. Ang nakilala mong gentleman sa una, maaring maging "balasubas" sa huli. Ang nakita mong "mahinhin" na dalaga, maaring maging "demonyita" sa paglipas ng panahon. Anupaman ang kadahilanan ng kanilang pagbabago manatili kang nagmamahal nang tapat.
Sa mga iniwan nang hindi alam ang dahilan, move on and live your life to the fullest. Mas mabuting nakilala mo na siya nang maaga kaysa ikaw ay tuluyang magdusa. He/she does not deserve your love. Hindi lahat ng iyong mamahalin kaya kang alagaan at mahalin nang totoo. Si Lord lang makakagawa noon, hindi ang tao.

Kung iniwan ka ng iyong asawa, ituon ang iyong panahon hindi sa pagluluksa kundi sa pag-aaruga ng iyong mga anak. Kailangang maging matatag ka para sa kanila. Huwag isandig ang buhay sa taksil mong asawa. Mas lalong kumapit sa Panginoon sa panahon ng problema. 

Let's pray. "Lord, iniwan ako ng aking taong mahal. Paghilumin mo ang aking pusong sugatan. Hindi ko kaya ang laban. Ikaw lang ang aking maasahan. Ibinibigay ko ang lahat ng kabigatan. Amen."

Saturday, June 08, 2013

Perhaps a great love is never returned. - Dag Hammerskjold

May isang remarkable love triangle sa Genesis. Matindi ang dinanas ni Lea nang mapangasawa niya si Jacob at maging kakumpetensiya niya sa pag-ibig ang kaniyang nakababatang kapatid na si Rachel (Genesis 29-30). Kinailangan niyang magtiis at manlimos ng pag-ibig. Martir na asawa ang peg niya--unloved sabi ng Bibliya. Ikinasal kasi siya bunga ng panlilinlang ng kaniyang ama na si Laban. Siya ang pinasiping kay Jacob sa halip na si Rachel dahil labag daw sa tradisyon na unang mag-asawa ang nakababatang kapatid. 

Nagtiis si Lea dahil marahil dahil alam niyang hindi talaga siya ang tunay na pag-ibig ni Jacob. Swak na swak sa kaniya ang kaniyang pangalan na nangangahulugang "malamlam ang mga mata". Natigib ng luha at kalungkutan ang kaniyang buhay. Pero mabait si Lord kay Leah. Binuksan ni Yahweh ang kaniyang sinapupunan habang nanatiling baog si Rachel (29:31). Sa 13 anak ni Jacob, pito ay nagmula sa kaniya (Reuben, Simeon, Levi, Judah, Issachar, Zebulun at Dinah), dalawa mula sa alipin na babae ni Rachel na si Bilha (Dan at Naphthali), dalawa sa aliping babae ni Leah na si Zilpah (Gad at Asher). Si Rachel naman ang naging ina ni Jose at Benjamin.

Na-Lea ka na ba? Dedma ka sa paningin ng iba. Hirap na hirap kang makakuha ng "kahit konting pagtingin" mula sa taong pinapangarap ng iyong kaluluwa.

Ang katotohanan: hindi mo kayang pilitin ang iba na mahalin ka. Well, hindi naman talaga dapat pinupuwersa ang pagmamahal. Walang tunay na saya sa relasyong hindi natural. 

Normal na mag-expect. Normal na "umasa". Because we want to be loved. We want to be affirmed. Kapag hindi nasuklian ang ating pag-ibig, we feel rejected. 

Dahil mahal mo siya, sinusundan mo kahit saan siya magpunta. In-add mo sa Facebook para laging mo siyang nakikita. Nag-enroll ka sa same university. Same course. Same subjects. Same room. Same-same. Kasi akala mo magiging same ang feelings.

Nagmamahal ka pero friends lang talaga ang turing sa iyo. Hanggang friendzone lang talaga. Wala nang ilalampas pa. Ikaw naman, asa nang asa. Pinagpe-pray mo: "Lord, sige na, buksan mo na ang kaniyang mga mata!"

Never fall into imaginary romance. Stop fantasizing na mahal ka rin niya. Kasi ang totoo, hindi kayo. Nagsisinungaling ka sa iyong sarili. Kung may kasama siyang iba, huwag kang mananaghili. Remember: may mga taong nagmamahal sa iyo na hindi mo rin pinapansin. Kaya unfair ka rin sa kanila. 

Hindi kailangang "exchange gift" ang pag-ibig. Kapag nagmamahal ka, nagmamahal ka lang. Hindi naghihintay ng kapalit. Kapag lagi kang umaasa na susuklian ang iyong pag-ibig, hindi ka makukuntento. Dahil hindi lahat ng tao marunong makaunawa sa pangangailangan mo. It is better to give than to receive (Acts 20:35). 

Walang talo sa taong nagmamahal. Huwag matuon sa kung ano ang matatanggap. Ang kaligayahan mo ay dapat magmula kung paano mo napapangiti ang iyong kapwa. Hindi "gayuma" ang sagot upang ikaw ay lumigaya, kundi ang patuloy na magmahal pa.

Mahalin ang iyong sarili. Hindi dapat umikot ang mundo mo sa sinuman. Sa pag-ibig ni Lord ka manahan. Huwag mo ring kalimutan ang mga mahal mo sa buhay na iyong sandigan sa panahon ng kalungkutan.

Si Lord nga hindi tinanggap ng sarili niyang bayan (John 1:11). At nang magkagipitan na, iniwan siya ng kaniyang mga tagasunod (Mark 14:50). Sa halip na parusahan sila sa kanilang kataksilan, ginawa pa rin Niya ang kalooban ng Kaniyang Ama--ang mamatay sa Krus para sa kasalanan ng sangkatauhan. 

Sa maraming pagkakataon, hindi natin pinapansin si Lord. Mahal na mahal ka Niya. Ikaw lab mo ba talaga siya?

Let's pray. "Salamat Panginoon sa iyong hindi nagmamaliw na pag-ibig sa akin. Tulungan mo akong maging kuntento sa iyong pagmamahal. Ayaw kong umasa sa ibang tao upang lumigaya. Ikaw ang kumumpleto sa aking buhay. Amen."

Wednesday, June 05, 2013


"God whispers to us in our success, but shouts in our pain." -C.S. Lewis

Maraming sikat na love stories sa kasaysayan, sad ang ending. Romeo and Juliet. Queen Cleopatra and Mark Anthony. Shah Jahan and Mumtaz Mahal. Queen Victoria and Prince Albert. Anakin at Amidala Skywalker. Popoy at Basha.

Isang kabataan ang nagtanong sa akin, "Kuya, bakit ganoon umibig, ang sakit-sakit?"

Masakit nga ba talaga ang magmahal?

May sakit na bunga ng paniniil ng iba at hindi maiiwasang dagok ng buhay. Ngunit mayroon ding mga sakit na bunga ng kasalanan (1 Peter 2:20). Ito ang kailangan nating tingnan.

Bakit maraming nasasaktan? Kasi may mali.

Maling panahon. Pilit ka nang pilit e hindi pa hinog ang sitwasyon. Nang pitasin mo ang bunga at matikman mong mapakla, bigla kang nasuka at napariwara. Relax lang kapatid. Dadating tayo diyan. Huwag excited much. Dapat marunong kang tumimpla ng klima ng buhay ng iba.

Maling motibasyon. Huwag umasang magtatagal ang relasyon kung sabit na ang pinagmulan. Umibig dahil naiinip nang magka-dyowa. Gusto lang mag-rebound mula sa isang natapos na relasyon.Tinuluyan ang partner dahil lang sa tuksuhan. Sa mga alanganin: huwag kang paasa at baka masaktan ka at makasakit ng iba.

Maling pamamaraan sa relasyon. Relationships should be nurtured. You must decide to love your partner regularly and with passion. Break-up is predictable. Mararamdaman mo iyan kung unti-unti nang natutuyo ang damdamin ninyo sa isa't isa. Huwag ipagkibit-balikat ang mga "warning signs". Kapag ang halaman, may mga tuyot nang bahagi, maalarma ka na. Baka tuluyang ikamatay niya.

Maling partner. Hindi mo man intensiyon, maaring mabiktima ka ng isang partner na hunyango. For ladies: kilalanin muna ang nagpapakilalang guwapo bago bitiwan ang matamis na "Oo". For guys: hindi kumo mabango ang shampoo at balingkinitan ang katawan, qualified ng maging kasama sa buhay. Makinig sa mga taong tunay na "concerned" sa iyo. Mahirap bumalik ang paningin ng mga taong nagbubulag-bulagan. Kung matalino ka, makikinig ka rin sa sinasabi ng iba. Dahil maaaring may alam sila na hindi mo nakikita.

When our emotions get wounded, our souls are also shattered. Kaya big challenge ang mag-move on. Ok lang umiyak. Ok lang magdamdam. Si Lord nga tumangis nang mamatay ang kaniyang matalik na kaibigan (John 11:35). Tumatangis din siya kapag nagtatampisaw tayo sa kasalanan at nabibiktima ng kasinungalingan.

Sa panahon ng kalungkutan lumalabo ang ating paningin. Hindi natin makita maging ang pinakamagandang bagay sa ating buhay. Hindi mo rin magawang i-appreciate ang mga taong nagmamahal iyo. Masyado kang na-consumed ng ideya na ikaw lang ang tao sa mundo.

God is near to the broken-hearted (Psalm 34:18). Iwan ka man ng iyong mga mahal sa buhay, may Diyos kang maasahan (Psalm 27:10). Lapit lang sa Kaniya at siguradong gagaan ang iyong kalooban. He invites us to come and rest in Him (Matthew 11:28-30). Hindi mo kailangang magmakaawa dahil Siya na mismo ang nag-iimbita. Sa panahon ng lungkot, kinakausap ka Niya.

Your pain will never be in vain. If you love God, umasa kang kahit ang pinakamadilim mong nakaraan ay patungo sa magandang kinabukasan (Romans 8:28). Kayang gamitin ni Lord ang masasakit mong karanasan upang hipuin ang puso ng ibang tao. Mas lulutang ang iyong pusong mapagmahal dahil naranasan mong damayan at makiisa sa damdamin ng iba. Mas matatag ka kaysa noong una.

Sa pag-ibig, hindi maiiwasang ikaw ay masaktan dahil may mga bagay na hindi sakop ng iyong kapangyarihan. Ganundin, hindi mo kailangang magdusa para matuto. Ilang libo, ilang milyon na ang lumuha sa iba't ibang kamalian. Matuto sa kanila kung ayaw mong masaktan.

Libreng mag-isip. Maging matalino. Linisin ang utak (Romans 12:1-2). Rendahan ang mapanlinlang na emosyon (Jeremiah 17:9). Higit sa lahat, unang mahalin ang Panginoon (Matthew 22:37).

Tandaan: ang tamang pakikipagrelasyon hindi nagbubunga ng sakit kundi ng matamis na pag-ibig.

Let's pray. "Lord, turuan mo akong maging matalino sa pakikipagrelasyon. Ibinibigay ko sa iyo ang lahat ng mapait kong karanasan at damdamin. Patawad sa lahat ng aking pagkakamali. Ikaw ang muling bumuo ng gula-gulanit kong kaluluwa. Sa Iyong mga kamay inilalagak ko ang aking puso. Amen."

Saturday, May 18, 2013

IMPLIKASYON NG 2013 ELECTIONS

Bagaman may ilang surpresa na bumulaga sa sambayanan sa paglabas ng resulta ng senatorial elections, may mga bagay na sadyang hindi madaling maipagpag sa ating diwa at pagpapahalaga bilang sambayanan.

Maaaring tingnan na "vote of confidence" ang pagkapanalo ng marami sa Team PNoy senatoriables. Dahil dito, mas lalakas ang suporta ng Pangulo sa Senado ngayong nararamdaman na natin na 9 saadministration candidates ay siguradong pasok na sa Top 12. Ang partido rin ng pangulo ang nakakuha ng pinakamaraming puwesto sa Mababang Kapulungan. Madaling isulong ang mga reform agenda kung "solid" ang suporta ng Senado at Mababang Kapulungan sa Malacanang. Kung nais ng pangulo na mahalal ang mga kandidato na kaniyang i-endorso sa 2016, kailangang mapanatili niya ang kaniyang mabangong pangalan at reputasyon.

Winasak ng resulta ang kaisipan ng marami na ang surveys na inilalabas ng SWS at Pulse Asia ay pawang mga "survey massage" na nais lamang kundisyunin ang isip ng publiko. Ayon sa kanilang pre-election surveys, 12 na senatoriables ang malaking tsansang mananalo--si Legarda, Cayetano, Escudero, Binay, Poe-Llamanzares, Estrada, Villar, Pimentel, Aquino, Angara, Honasan at Trillanes. Ang 12 ding ito ang nangunguna sa bilangan as of May 15.

Malaking ang naitulong ng pagiging "consensus candidate" ng mga topnotcher sa listahan. Sinuportahan ng mga miyembro ng Team PNoy at UNA si Grace Poe, Loren Legarda at Chiz Escudero. Bentahe naman kay Grace Poe ang pangalan ng kaniyang ama na itinuturing ng marami na siyang lehitimong nanalo sa pagkapangulo noong 2004 elections.

Minsan pang inihayag ng eleksiyon na ito na matindi ang epekto ng "religious vote".  Nanguna sa listahan ang Buhay Partylist na siyang partido ng charismatic group na El Shaddai ni Brother Mike Velarde. Malaki rin ang naitulong ng pagi-endorso ng Iglesia ni Cristo (INC). Sampu sa kanilang binasbasan ay nasa Top 12.

Pinalutang din ng eleksyon ang pagiging makakalimutin o mapagpatawad na ugali ng maraming Pinoy. Hindi na isyu sa maraming taga-Maynila ang plunder cases ni Erap upang muli siyang pumasok sa pulitika bilang alkalde. Kahit naka-hospital arrest, muling iniluklok sa puwesto ang dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bilang Congressman ng 2nd District ng Pampanga.

Tandaan rin natin na sa tunay na takbo ng pulitika, hindi sapat ang "good intentions". Ang mga independent candidates at minor political parties ay maaaring pupukaw ng atensiyon at gumising sa mga tulog na diwa. Ngunit katulad ni Juan Bautista, dapat handa rin silang magdusa sa kamay ng mga Herod Antipas ng bansa. Ang national elections ay labanan ng kahandaan sa pagmomobilisa na nangangailangan ng malaking pondo at koneksyon sa mga lider ng pinakamaliit na mga komunidad. Bagaman nagbabandera ng mga programa para sa mga manggagawa at mahihirap na masa, bigong manalo si Teddy Casino at Risa Hontiveros. Ganundin, kinulang din ng sapat na suporta ang mga kandidatong nais magsulong ng mga radikal na reporma sa pamahalaan tulad ni Brother Eddie Villanueva at Greco Belgica.

It is traditional politics as usual. Ang eleksyong ito ay hindi pinaglabanan batay sa posisyon ng mga kandidato sa samu't-saring isyu. Matingkad pa rin ang labanan ukol sa personalidad, pera at popularidad. Sa ganitong kalakaran, kailangang matiyagan ang galaw ng mga nahalal na senador. Sa isang bansang maymulti-party system, napaka-unpredictable ng mga political alliances. Ang kaibigan mo ngayong eleksyon ay maaaring maging mortal na kaaway sa susunod na eleksyon.

Sa isang demokratikong bansa, laging may magsasabing nagkamali ang karamihan, lalo na ang masa, sa kanilang binoto. Nanggagaling ito sa katotohanan na may mga ideyal na batayan kung paano dapat tayo maghalal lider ng bansa. Ganunpaman, hindi dapat sisihin at husgahan ang masa kung bakit bakit nagpapatuloy ang traditional politics. Maging sila ay biktima rin ng umiiral na sistemang hindi nagbibigay ng pagkakataon sa iba upang mahalal. Huwag insultuhin ang kanilang pulitikal na kaisipan at pagpapahalaga. Kung nais nating maging intelihente ang mga botante, kailangang resolbahin muna natin ang mga batayan nilang pangangailangan--pagkain, kabuhayan at edukasyon.

Tuesday, April 09, 2013

IT TAKES A MAN AND A WOMAN (A Must-Watch)

Sinundan namin ni misis ang Sarah-John Lloyd trilogy mula 2008 hanggang 2013. Iba talaga ang chemistry ng dalawang on-screen lovers. Binihag nila ang masayahin at mapagmahal na puso ng Pinoy. Mula sa mga cheesy pick-up lines hanggang sa wagas na  "Rain Dance", pinagaan ng pelikula ang pagharap sa mabibigat na isyu ng buhay-pag-ibig.

Nakatatak na sa kasaysayan ng pelikulang Pinoy ang box-office romantic comedy. Mahusay ang produksyon. Makabuluhan ang laman at daloy ng istorya. Natural ang bitaw ng mga linya. Tagos sa puso ng manononood. Higit sa lahat, umaapaw sa mga aral ukol sa wagas na pagmamahal. Sa pangatlong pagkakataon, muling nainlab at ngumiti ang sambayanan. Magandang balikan at silipin ang mga temang bumuhay sa pagmamahalan ni Laida at Miggy.

FAMILY - Magmula sa part 1 ng trilogy, lutang na lutang ang impluwensiya ng pamilya. Nang mag-inarte si Laida dahil sa mga tampuhan nila ni Miggy, naroon ang kaniyang mga mahal sa buhay upang yakapin siya. Nang mag-struggle si Miggy sa kaniyang posisyon bilang anak ng isang mistress, pinilit niyang makuha ang tiwala ng kaniyang mga kapatid. Lahat tayo ay siguradong maluluha sa mga tagpong ibinuhos ni Laida at Miggy ang bigat ng kanilang kalooban at sinalo sila ng kanilang sambahayan. Blood will always be thicker than water. Kahit ano pa ang pagkakamali ng ating ka-pamilya, mananatili sila sa ating puso.

FRIENDS - Pampatamis ng kuwento ang Zoila and Friends, ang makukulit na barkada ni Laida na humahampas sa kaniya sa mga panahong hindi siya nag-iisip nang tuwid at tama.  Huwag mamaliitin ang papel ng inyong kaibigan sa usapin ng pakikipagrelasyon. Marami silang nakikita na hindi nasasagap ng radar ng iyong isip at damdamin. At kung tunay silang "concerned" sa iyo, hindi ka nila kailanman iiwan sa panahon ng kalungkutan. Hindi ka rin nila hahayaang malubog sa kumunoy ng pagdurusa bunga ng iyong kapusukan.

FORGIVENESS- Sa pangatlong pelikula, hindi kailanman pinatahimik si Laida ng kaniyang desisyon na magkaroon ng "pusong bato". Sa kabila ng iyak at luhod ng nagkasalang partner, nagbulag-bulagan siya sa pagsusumamo ng kasintahan. Sa bandang huli, siya pa rin ang talo. Swak na swak ang sinambit ng ina ni Laida, na nakaranas din ng unos sa kaniyang relasyon sa kaniyang asawa--ang pagpapatawad, katulad ng pag-ibig, ay isang desisyon.

FAITHFULNESS- Ang taong tapat, hindi napapagod umibig. Ang taong tapat, hindi kayang makipagharutan sa iba. Ang taong tapat, nagtitiis hanggang huli. Ang taong nagmamahal, kayang tabunan ang anumang kasalanan. Ang tunay na nagmamahal, hindi  nakatingin sa kahinaan ng partner dahil siya mismo ay mayroon ding pagkukulang. Hindi siya nakatuon sa kung ano ang kaniyang makukuha sa relasyon. Mahalagang maunawaan ng marami na ang pag-ibig ay hindi laging "bed of roses". Dahil maging ang tangkay ng rosas ay puno ng tinik. Nagising sa katotohanan si Laida na hindi fairy tale ang pakikipagrelasyon. Hindi "happy ever after" ang dapat asahan kundi "reality" ever after.

Wednesday, February 27, 2013

LOVESTRUCK Sabit Series 5: One for the ONE

Maraming magkasintahan ang pinag-iisa lamang ng kanilang damdamin para sa isa't isa. Dahil walang nangangalaga at sumusubaybay sa kanilang relasyon, mabilis itong nabubuwal sa pagdating ng problema. Mababaw at mahina ang pundasyon. Kasi may missing element: si Lord.

Sa Hardin ng Eden, ipinakita ng Diyos ang kaniyang dakilang plano sa lahat ng magsing-irog (Gen. 2:21-24). Hindi niya pinayagan na malungkot at nag-iisa si Adan. Nilikha Niya si Eba mula sa kaniyang tadyang--simbolo na ang babae ay kaisa ng lalake sa buhay at dapat pangalagaan. Inilapit ng Diyos kay Adan si Eba. Hindi naghanap ang lalake. Ang Diyos mismo ang nagbigay. Sa lahat ng ito, walang "intervention" ang tao. Si Lord ang nagplano ng lahat. At tandaan natin na ang lahat ng Kaniyang plano ay mabuti at ganap (Jeremiah 29:11).

Walang kasiyahan sa isang relasyon na papalit-palit at hindi pangmatagalan. Dinisenyo ng Diyos ang kasal para sa ating ikabubuti. Ang sinumang yumuyurak o sumisira sa kaayusang ito ay hindi lamang nagkakasala sa Panginoon kundi maging sa kaniyang sarili. God designed marriage for us to pursue holiness and righteousness. Malibang Siya ang magtatag ng sambahayan, mapapagod ang mga taong nagtataguyod nito (Psalm 127:1).

Ang pagdedesisyon sa paghihiwalay ay hindi lamang dapat ginagawa ng mag-asawa. Kasi noong ikinasal kayo, kasama si Lord, di ba? Remember ang bendisyon? In the name of the Father, of the Son and of the Holy Spirit?  Nagsumpaan pa kayo sa isa't isa ng "until death do us part".

Dapat may "say" si Lord sa inyong relasyon. E, ayaw ninya ng divorce. Kaya hindi kayo puwedeng maghiwalay (Malachi 2:16). Maging ang Saligang Batas ng Pilipinas, pinoprotektahan ang institusyon ng kasal (Article II, Sec. 2 and Article XV, Sec. 1 and 2). Marriage is more than a legal contract. It is a holy covenant initiated by God himself.

Sa mga singles pa lamang, madaling i-kompromiso ang 6:14 Rule (2 Cor. 6:14) kung hindi BIG DEAL sa iyo ang iyong relasyon sa Panginoon. Kailangang "tunay" at "buong-buo" ang pagmamahal mo sa Diyos (Matt. 22:37-39). I-align ang nais ng iyong puso sa gusto Niya, hindi sa kung ano ang nais mo.

Noong Old Testament times, ipinagbabawal na pagsamahin sa isang pamatok upang mag-araro sa bukid ang isang baka at asno (Deut. 22:10). Siguradong mabibigatan ang dalawa sa pagtatrabaho. Ganundin, magiging mabigat ang relasyon ng dalawang taong walang pagkakaisa sa espiritu.

Matuto sa naging karanasan ni Haring Solomon. Uber-talino sana kaso uber-disobedient din. Inilayo siya ng kaniyang halos isang libong asawa mula sa Panginoon (1 Kings 11:4-8). Hindi imposibleng mangyari rin ito sa mga "disobedient" na mananampalataya. You cannot serve two masters. Kapag kayo ay nagsama ng iyong partner na hindi mananampalataya, mahirap maging "biyenan" si satanas (John 1:12, John 8:44, 1 John 3:10).

Marriage is all about "oneness" (Genesis 2:24, Matthew 19:6). Malabong maging "isa" kayo sa harap ng Panginoon kung hindi kayo parehong nagmamahal sa Kaniya. Partners cannot truly walk together unless they agree (Amos 3:3). Kapag kayo ay nagkapamilya na, how would you admonish your children to love the Lord kung isa sa inyo ay walang relasyon sa Diyos (Eph. 6:4)?

Mahirap magmahal nang tunay kung hindi mo kilala ang tunay na pag-ibig (1 John 4:7-8). Relationships should always be a love triangle. Si Lord ang nasa tuktok ng tatsulok at kayong dalawang mag-partner ang nasa magkabilang dulo. Habang pareho kayong lumalapit sa Kaniya, naglalapit rin ang inyong puso at kaluluwa. A three-fold cord is not easily broken (Eccl. 4:12). Kailangang nakatuon ang bawat isa na pasayahin ang puso ng Panginoon.

Let's pray. "Lord, patawad kung inuuna ko ang aking nais kaysa sundin ang Iyong kalooban. Tulungan mo akong iwan ang lahat ng bagay na nagpapalayo sa akin sa iyong puso. Ayaw kong masira ang magandang plano mo para sa aking buhay pag-ibig. Gusto kong ikaw ang maging first and endless love ko. Amen."

Tuesday, February 26, 2013

Kapag Naging Showbiz ang Pulitika

Umiikot daw ang buhay ng Pinoy sa PBA--pulitika, basketbol at artista. Hindi kumpleto ang ating araw kapag hindi tayo napapangiti ng isang variety show, telenovela o ng isang matinding laban ng Barangay Ginebra. Hindi rin magpapahuli ang ating pulitika na katulad ng isang pelikula--may comedy, action at drama. Swak na swak talaga ang slogan na, "It is more fun in the Philippines."

Kung dati ay mga pulitiko ang nag-iimbita sa mga artista para pasayahin ang kanilang campaign activities, nabaligtad na ang eksena. Ang mga artista na ang tumatakbo sa pulitika. At dahil mga artista na ang katapat ng mga pulitiko, napipilitan na rin silang sumayaw at magpaka-showbiz. That's Entertainment na ang format ng programa sa pangangampanya.

Bahagi ng buhay ng mga pulitiko ang showbiz--mula sa pagi-endorso sa kanilang political advertisements hanggang sa kanilang buhay pag-ibig. Kung mahirap tandaan ng publiko ang pangalan mo, tatandaan nila ang nag-endorso sa iyo. Importante ang "name recall" upang tumaas ang tsansang manalo. Para mas madaling tandaan ng publiko, puwede mo ring itapat ang schedule ng iyong kasal sa isang sikat na artista bago mag-eleksyon.

Sinimulan ni Rogelio dela Rosa ang "trend" ng pagpasok ng mga artista sa pulitika noong dekada '50. Naging Senador siya noong 1957 subalit naudlot ang pagtakbo sa pagka-presidente sa paniniwalang hindi niya kayang sabayan ang dumi ng pulitika sa bansa. Mahigit apatnapung taon ang lumipas, noong 1998, iniluklok ng sambayanan ang kauna-unahang presidente na dugong showbiz--si Joseph Ejercito Estrada. Sinundan pa ito ng pagkandidato sa pagkapangulo ng Hari ng pelikulang Filipino na si Fernando Poe, Jr. noong 2004.

Maraming aral ang iniwan ng pagtakbo ni Erap sa pulitika. Una, hindi sapat ang kasikatan upang maging magaling at mabuting pangulo. Katulad ng ibang lider ng bansa, kailangan ng matinding pagsasanay at edukasyon ang nagbabalak na maging pangulo.

Pangalawa, hindi maaaring gawing movie script ang mga programa sa pamahalaan. Huwag mangangako ng mga bagay na hindi "totoo sa puso" at hindi kayang tupdin. Sa kaniyang inaugural speech, sinabi ni Erap: "walang kaibigan, walang kumpare, walang kamag-anak" ang maaring makialam sa kaniyang gobyerno. Ngunit sa loob lamang ng dalawang taon sa puwesto, namayani ang kaniyang mga cronies at "midnight cabinet" members.

Pangatlo, kung ang media ang nagluklok kay Erap sa puwesto, ito rin ang naging dahilan ng pagbagsak nito. Hindi nagkamali ang sambayan nang iluklok nila si Erap dahil naging simbolo siya ng kanilang hinaing at pangarap na guminhawa ang buhay. Nang simulan ng media ang serye ng expose' ukol sa mga mansyon at kalaguyo ng pangulo, unti-unting tumamlay ang kaniyang kinang. Sinira ni Erap ang tiwala ng sambayanan sa samu't-saring corruption scandals na naglantad ng kaniyang pribadong buhay at tunay na kulay. Napatunayang guilty siya sa kaso ng plunder o pagnanakaw sa kaban ng bayan.

Sa kasalukuyan, maraming pulitiko pa rin ang gumagamit ng "showbiz techniques" upang hilutin ang isip ng sambayanan. Kapansin-pansin ang kanilang pamamayagpag sa mga programa sa radyo at telebisyon. Hindi naman tayo ipinanganak kahapon. Alam nating bahagi ito ng kanilang campaign strategy upang mapalapit sa puso ng publiko. Sa isang bansang mahilig manood ng telebisyon, ito ang pinakamainam na paraan upang mabuo at patatagin ang positibong imahe ng mga kandidato. Sa ganitong kalakaran, dapat tingnan ng COMELEC kung dapat nang ibawas sa kanilang campaign airtime ang madalas nilang paglabas sa telebisyon. Ganundin, kailangang maayos na rin ang regulasyon ukol sa online campaigning na siyang nagiging bentahe ng mga mga pulitikong may sapat na kayamanan.

Sa kabila ng lahat, nakakatuwang isipin na mas matalino na ang sambayanan ngayon, lalo na ang Internet generation. Hindi na sila madaling madala ng "glitter" effect ng mga artistang kumakandidato. Mas mahusay na silang mag-analisa ng mga isyu dahil mas marami na ang impormasyon na maaaring tingnan upang suriin ang mga kandidato. Lumiliit na ang "information gap" sa pagitan ng publiko at mga pulitiko sa pagdaan ng panahon. Kahit ang mga pinakakatagong sikreto ay madaling nabubulgar sa social media.

Hindi pinipigilan ng batas na tumakbo sa pulitika ang sinumang artista. Karapatan nila iyon bilang mamamayan. Hindi rin mapapasubalian ang kanilang impluwensiya. Tinitingala sila ng masa dahil sila ang nagpapasaya sa kanila. Ngunit hindi dapat ginagawang "showbiz" ang paglilingkod sa bayan. Totoo silang mga tao, na may totoong mga pangangailangan. Huwag silang linlangin ng mga political slogans at movie pick-up lines. Hindi dapat pagsamantalahan ang kanilang kakulangan sa edukasyon at kaalaman. Gamitin ang kasikatan upang isulong ang marangal na paglilingkod na walang halong pagkukunwari at pagpapanggap.

Monday, February 25, 2013

LOVESTRUCK Sabit Series 4: QUE SIRA, SIRA

Que Sera, Sera
Whatever will be, will be
The future's not ours, to see
Que Sera, Sera
What will be, will be.

-Que Sera, Sera by Doris Day 

Maraming bagay sa mundo na hindi natin kayang hulaan. Only God knows, ika nga (Deuteronomy 29:29). Pero pagdating sa pakikipagrelasyon, hindi dapat Que Sera Sera ang eksena. Delikado ang magpadala na lamang sa agos ng panahon. Kailangang laging may destinasyon. When you fail to plain, you plan to fail. Relationships should not have a dead end.

Sa tuwing tinatanong ko ang mga kabataang mag-partner kung ano ang plano nila sa kanilang relasyon wala silang matinong maisagot sa akin. Bakit kamo? Kasi masaya na sila sa romansa ng pagiging mag-jowa. Wala pang planong magpamilya pero "mag-asawa" na kung magtawagan. Ginagawa na ang mga sexual adventures na ginagawa ng mga magkabiyak pero hindi pa handa sa mga seryosong responsibilidad. At kapag nakalunok ng pakwan ang babae (nabuntis), hilong-talilong na ang drama ng dalawa.

Nakakapagod magpatuloy kapag hindi mo alam kung saan papunta ang relasyon. Sa mga ilang taon nang magkasintahan, maaring magkasawaan kayo sa pagdaan ng panahon. Kung walang plano ang isa na dalhin sa kasalan ang relasyon, mahirap patagalin ang pagsasama. Anytime puwede kayong maghiwalay. Kawawa naman ang mas seryoso sa kaniyang buhay pag-ibig.

Marriage is an unconditional commitment to an imperfect person. Kailangang magsimula ito sa courtship stage. Huwag na huwag papasok sa relasyon kung hindi ka handang sumuong sa pag-aasawa. Kailangang maging matibay ang pundasyon ng relasyon kung kaya dapat sanaying ng mag-BF/GF ang katapatan at desisyon na magmahalan anuman ang mangyari kahit hindi pa sila kasal. Ang isang "uncommitted" na relasyon, laging mauuwi sa iyakan. Itaga mo iyan sa bato.

Hindi mo kailangang pumasok sa isang romantic relationship para lubos na makilala ang isang tao at madevelop ang iyong "social skills". On the contrary, kapag may ka-relasyon ka na, malaki ang posibilidad na lumiit ang iyong mundo dahil laging "exclusive" ang lakad ninyong mag-partner. Hindi na sumasama sa mga dating ka-barkada. Hindi na nai-expose sa mas maraming tao. Parang binuhusan na ng tone-toneladang Vulca Seal at Mighty Bond ang isa't isa.

Sinabi ni Pablo sa mga taga-Tesalonica (4:3-6): "Ibig ng Diyos na kayo'y magpakabanal at lumayo sa kahalayan. vDapat maging banal at marangal ang layunin ng sinuman sa kanyang pag-aasawa, vat hindi pagsunod lamang sa pita ng laman, tulad ng inaasal ng mga taong hindi nakakakilala sa Diyos. Sa gayon, hindi yuyurakan ninuman ang karapatan ng kanyang kapwa ni pupugayan man ng dangal."

Kung ikaw ay may ka-relasyon ngayon, tanungin ang iyong sarili:

Nabubuhay ba kami ng aking partner sa kabanalan at hindi sa kahalayan?

Marangal ba ang layunin ko sa aming relasyon o sinusunod ko lang ang pita ng aking laman?

Niyuyurakan ko ba ang karapatan ng aking partner sa aking pananaw sa relasyon? O katulad lang ako ng mga taong hindi kumikilala sa Diyos?

Relationships are meant to be permanent. Maraming naghihiwalay kasi mali ang pagtanaw sa relasyon. Ang tunay na pag-ibig ay hindi isang laro lamang. If marriage is not the goal of a relationship, dapat "game over" na.

Kung hindi ka pa handang mag-asawa, huwag munang mag-BF/GF. Else, maaaring saktan mo lang ang iyong partner na maaring seryoso na sa pagpapakasal. Huwag yurakan ang kaniyang dangal. Huwag na huwag siyang sasaktan.

Kung hindi ka pa handang lumagay sa tahimik, walang saysay na ibuhos ang iyong panahon sa paghahanap ng iyong mapapangasawa. Unang mong hanapin ang kalooban ni Lord sa iyong buhay. Siya ang dapat mauna sa iyong puso (Awit 37:4). Kapag natuwa siya sa iyo, Siya ang magdadala sa harap mo ng iyong magiging partner for life. Kasi Siya mismo ang maglalapit sa inyong mga puso.

Let's pray. "Patawad Panginoon kung pinapangunahan ko ang plano mo para sa aking love life. Nais kong ikaw ang mauna sa aking puso. Maghihintay ako sa taong inilaan mo para sa akin. Tulungan mo ako, Banal na Espiritu, na matuon sa mga bagay na maghahanda sa akin upang maging karapat-dapat na partner sa lalakeng/babaeng ibibigay mo para sa akin."

Tuesday, February 19, 2013

LOVESTRUCK Sabit Series 3: Assumero/Assumera Spirit

Totoo ang kasabihang "no man is an island". Normal sa atin na maghanap ng kalapit ng kalooban. We need others to survive. Pero ang problema, masyadong umaasa ang ilan sa iba para sumaya. Marami sa kanila, naging assumero at assumera. Sinabing inlab sila dahil matindi ang "euphoria".

Umasa ka to the max kaya nasaktan rin to the max. Wagas kang nagbuhos ng emosyon at atensyon. Dahil nag-effort umasang susuklian ng "kahit kaunting pagtingin" ang iyong ibinigay. Nang bigo mong makuha ang nais makuha, naglulupasay ka na parang bata.


Nadevelop ang feelings mo sa iyong textmate. Ibinulgar mo kahit ang kaliit-liitang detalye sa iyong buhay kahit hindi pa kayo nagkikita. Nang matigil ang "text affair" nakalimutan mo nang maging masaya. 


Ayon sa isang pag-aaral, kapag uber-inlab daw ang isang tao, nagsa-shut down ang kaniyang frontal cortex, ang parte ng utak na gumagana upang mag-isip tayo nang matino. Tumataas din ang production ng dopamine, ang chemical na nagbibigay sa atin ng euphoric feeling.  Ganundin, bumibilis rin ang secretion ng "adrenalin", "oxytocin" at "vasopressin" na nagpapatibok ng ating puso at nagpapatindi ng ating emotional attachment sa isang tao. Pagsabay-sabayin mo silang lahat, kandidato ka na para maging delusional. Ito na ang yugtong mahirap ka nang makinig sa mga taong may concern sa iyo. Animo'y "iniwan ka na ng bait" dahil natuon ka na sa sarap ng pakiramdam kahit may nagbabadyang kapahamakan.


Madalas, ang mga assumero/assumera maraming "unmet emotional needs". Nag-uugat ito sa kanilang karanasan sa pamilya. Nag-BF/GF dahil KSP (kulang sa pansin) sa loob ng bahay. Kaya, ang iba mabilis bumibigay sa mga lalakeng/babaeng nag-abot sa kanila ng Maxx candy. Dahil ang equation nila: Candy = love ka niya. Ang babaw a.


Hangga't hindi sinasabi ng kaniyang bibig, huwag mag-assume na ikaw ay kaniyang iniibig. Hindi kumo gusto mo siya, gugustuhin ka rin niya.  Kung ayaw mong masaktan, huwag kang masyadong umasa. Ang tunay na nagmamahal, nagmamahal lang. Wala nang hinihintay kung may kapalit pa.


Kung ano ang iyong pinaniniwalaan, siya rin ang iyong mararamdaman (Proverbs 23:7). May tama si Stephen Chbosky, author ng The Perks of Being a Wallflower, “We accept the love we think we deserve.” Ang mga ayaw maging loser sa kanilang love life, hindi basta-basta papasok sa relasyon. May protective gear ang kanilang puso at isipan. Pero ang mga desperado at hopeless romantic, magkakasya ka na lamang sa kung ano ang mayroon. Huwag ganoon.


Set emotional boundaries for your protection. Ang pusong walang bakod, puwedeng pasukin ng mga magnanakaw at kawatan. Huwag isandal sa iba ang iyong kaligayahan. Don't be in-love with the idea of being in-love. 


Love is not a feeling. Ulitin natin: Love. is. not. a. feeling. Isa pa: Love. is. not. a. feeling. It is a decision. An act of the will. Love is an action. Why? Because God commanded it (Matthew 5:44,46; 1 John 4:7,8). Hindi ito nakabase sa nararamdaman kundi sa nais ng isipan. At kung ito ay base sa isipan, you can choose to do what is right. Magdesisyong magmahal nang tama at wasto. Love does not delight in evil but rejoices with the truth (1 Corinthians 13:6). We will be judged not by the love we feel, but according to the love we give.


Man's heart is  deceitful (Jeremiah 17:4). Do not follow it  blindly. Emotions and feelings have zero IQ. Lead them with a mind renewed by God (Romans 12:1,2). Ang Salita ng Diyos ang lilinis sa lahat ng dumi ng iyong kaluluwa, emosyon at isipan (Ephesians 5:26).


Above all else, guard your heart (Proverbs 4:23). Huwag hayaang magkagula-gulanit iyan. Huwag pagurin ang iyong puso sa pagpasok sa mga iresponsable "emotional attachments". Kakambal ng kapaguran ang takot na muling umibig. Mahirap mag-recuperate ang damdaming dumanas na ng sandamukal na trahedya. 


Let's pray. "Lord, bigyan mo ako ng karunungan upang malaman ang tama at maling emosyon. Gabayan mo ako patungo sa tamang direksyon at pagdedesisyon. Sa Iyo ko ipinapaalaga ang aking puso at damdamin. Amen."


Tuesday, February 12, 2013

LOVESTRUCK Sabit Series 2: The Fast and the Curious

Isang estudyante ang naglahad sa akin ng kaniyang masalimuot na love life. Nabuntis siya ng kaniyang BF. Hindi alam ng kaniyang parents. Nabawasan ang kaniyang pag-aalala nang malaglag ang sanggol. Pinilit niyang hiwalayan ang lalake dahil sa pagiging "obnoxious" at "immature" nito. Pero muli siyang bumigay. Nagkabalikan at na-jontis siya sa pangalawang pagkakataon. Muling nalaglag  ang bata dahil natagpuang may problema siya sa kaniyang matris. Huling balita ko, magpapakasal na siya sa lalakeng nagpasakit ng kaniyang ulo. 

Isa pang dalaga ang nag-email sa akin. "May nangyari sa amin at pinayagan ko siya dahil akala ko mas titibay ang aming relasyon. Nagkamali ako. After that day, hindi na siya nagpaparamdam. Hindi na siya nagte-text. Hindi na niya ako pinapansin." Ilang beses ninyo nang nasaksihan ang ganitong drama?


May nakikipagsex sa partner dahil nais i-level up ang relasyon. Pero mayroon ding "curious" lang talaga. Sila ang mga nababagot at gusto lang magkaroon ng kakaibang "spice" ang pagsasama. Maraming Pinoy singles ang nakikipag-sex dahil ito raw  ang "ultimate" expression ng kanilang pag-ibig sa kanilang BF/GF. Ang totoo niyan, hindi requirement ang love for you to engage in sexual intercourse. Maaaring seryoso ka sa iyong intensyon, e iyong partner mo?

Sex is more than a physical act. It is a spiritual union (Genesis 2:24, Matthew 19:6). Ito ang dahilan kung bakit kapag nakipagniig ka sa isang tao, mahirap mong malimutan ang iyong sexperience. Maging ang mga rape victims ay minumulto ng kanilang mapait na karanasan. Ito ang nangyari kay Dina sa Genesis 34. His rapist's soul cleaved to her. Wari'y nabaliw sa pag-ibig si Shechem. Handang "magpatuli" para lang mapasakanya ang dalaga.

Kapag idinagdag na ang "sex" sa relasyon, it will "never be the same again." Sa halip na matuon sa malalim na pagkakilala sa isa't isa, malaki ang posibilidad na makasama na sa menu ng bawat meeting ang pagniniig ng katawan. 


Ang sex ay tinatawag ding "luto ng Diyos." Dahil ubod-sarap at siguradong babalik-balikan. Kapag natikman, mahirap tantanan. Kaya, kung wala pa sa panahon, huwag na huwag sisimulan. Huwag ipagpalit ang magandang kinabukasan sa 10-minutong kaligayahan.


Three major tips for you not to step into the "danger zone"


First, huwag na huwag makikipaglandian sa tukso. Ikaw ang dapat lumayo. FLEE! (1 Cor. 6:18). Ang tukso ay parang asong ulol na handa kang sagpangin. Takbo!


Huwag mahilig sa mga overnight out-of-town trips na kayong dalawa lang ng iyong partner. 

Huwag maging member ng 4K Gang. Iwasan ang kadilim-diliman, kasuluk-sulukan at kadulu-duluhan ng sinehan upang gumawa ng kababalaghan.


Huwag nang mag-text sa partner ng "Sa'n Na U? Nag-iisa na me sa haws?" kung ayaw ninyong mag-init ang plantsa ng katawan. 

Kapag iniisip mong yakang-yaka mo ang sitwasyon dahil prayerful ka naman at laging umaatend ng Bible studies, malamang doon ka babagsak (1 Cor. 10:12). Do not trust yourself when it comes to sexual feelings.

Second, focus your soul, mind and heart on righteous things (Phil. 4:8). Ang pinakamatinding sex organ ng katawan ay hindi ang genitalia kundi ang utak. Kapag umaalagwa na ang imahinasyon, siguradong kasunod na ang ibang parte ng katawan. 


Pornography will surely increase your libido. 

Erotic romance novels can titillate your imagination. 

Garbage in, garbage out. Do not feed your lust. Disiplinahin ang isip na lumayo sa mga sexual messages and activities.

Third, keep your relationship non-sexual. Do not make sex as the primary expression of your affection. You can be cheesy without being "horny". Kung handa na kayong magpamilya, consider marriage (1 Corinthians 7:9) at nang mai-channel na nang maayos ang inyong sexual energies. You can have all the sex you want kung kayo ay kasal na. Else, practice self-control.  Also have an accountability partner. Mas maigi na may mga taong nagbabantay sa inyo. 


E, paano kung "naisuko mo na ang Bataan" at naibigay mo na ang iyong katawan? Well, hindi nagbabago ang paningin sa iyo ng Panginoon. He never stops loving you. Never think that you are a damaged good. Pero kailangang may gawin ka. Ask for God's forgiveness and leave your life of sin (1 John 1:9, John 8:11). Gamitin ang iyong karanasan upang maging mas mabuting single na nagmamahal sa Panginoon.


God does not intend our bodies for sexual immorality (1 Corinthians 6:18, 16:33; 1 Thessalonians 4:3-4). Kahit gaano pa ka-cute ang commercial ng mga scented condoms. Kahit umabot pa sa bilyon-bilyon ang sirkulasyon ng Playboy, Hustler at FHM magazines. Kahit ilang pelikula pa ang magsabing normal na ang "Friends with Benefits/FuBu" setup at adulterous love affairs. Hindi nagbabago ang kalooban ng Panginoon pagdating sa bagay na ito. No to fornication. Never awake your sexual desires until marriage (Songs of Solomon 2:7).


Let's pray. "Lord, tulungan mo akong kontrolin ang aking sexual tendencies. Bigyan mo ako ng karunungan at tibay ng espiritu upang mapagtagumpayan ang anumang tukso.  I want to live a life of purity for your glory. Amen."