Sunday, February 22, 2009

When Technology and Christianity Collide (Pleasing God with your Entertainment Part 2)

Isa sa pinakapaboritong regalo ng mga kabataan ngayon ay ang mga information gadgets and gizmos. Sa tuwing magde-debut ang isang dalaga, hindi mawawala sa kaniyang wish list ang cellphone, IPod o kaya naman ay laptop. Indeed, we live in the Information Age. Dahil sa mga teknolohiyang ito, madali nating naaabot ang sinuman saanman sila naroroon. Mas dumadali ang komunikasyon. Hindi na kailangan ang snail mail at kartero, you can send a message in an instant through email. May teleconferencing na rin kung saan makikita mo sa video ang kausap mo, ilang kontinente at dagat man ang layo mo. Sa kabilang banda, ginagamit din ni satanas ang teknolohiya upang sirain ang buhay ng maraming kabataan. This time let’s take a look at the danger of misuse of cellphone and the Internet.

TXTMATE TAU!

Sa tindi ng pagkahilig ng sambayanang Filipino sa cellphone, idineklarang ang salitang “LOBAT” ang salita ng taong 2005, samantalang “MISKOL” naman sa sumunod na taon. Ito ay ayon sa surbey at pag-aaral na ginawa ng Filipinas Institute of Translation, National Commission for Culture and the Arts. Bihira kang makakita ngayon ng kabataan na walang cellphone, dahil 80 porsyento ng populasyon ng Pilpinas ay may access o nakakagamit ng cellphone. Sa pagtaas ng bilang ng may mobile phones, bumuntot din ang mga problema.

Lalong tinatakam ng mga mobile phone companies ang maraming kabataan sa kanilang mga unlimited texting schemes. Dahil mura ang text, wala nang tawagan, text na lang. Mula umaga hanggang bago matulog, text lang ng text. Kahit nasa loob ng classroom, nasa sinehan, nasa toilet, nasa jeep, hindi matigil ang katetext. Kahit magkatabi lang, minsan sa text pa nag-uusap. Nauubos ang allowance sa pagbili lang ng load.

Mababaw na daw ang mga kabataan ngayon. Kahit sa text, naiinlove na. Puwede ka nang magka-BF/GF sa pamamagitan ng SMS (short messaging system). Nagse-sex na rin ang mga teenagers sa pamamagitan ng cellphone. Weird! We must use the technology for our benefit and not for our destruction. Sa halip na mga green jokes at sexual messages ang ipasa sa mga kaibigan, ipasa sa kanila ang mga inspirational words from the Word of God. Our text messages should strengthen rather than destroy our relationship with God.

Also, do not succumb to materialism. Marami sa mga kabataan na gustong laging may bagong cellphone. Kung hindi mo kailangan ng cellphone na may wireless transfer function bakit ka bibili ng gadget na may Wi-Fi? Iakma ang iyong gamit batay sa iyong pangangailangan. Mabilis ang pag-unlad ng teknolohiya. Ang bago ngayon, luma na anim na buwan makalipas. Huwag padala sa materyalismo.

INTERNET ISSUES

Isa sa walong tao sa Amerika ang hindi matagalan na hindi mag-Internet sa buong araw. Ito ang pag-aaral na isinagawa ng Stanford University School of Medicine sa California. Ang kalimitang dahilan: pinadadali daw ng Internet ang kanilang pamumuhay. Ipinahayag din ng pag-aaral na 5 hanggang 10 porsyento sa mga nakapanayam ay maaring maging “Internet addicts” dahil marami sa kanila ay hindi na natutulog, hindi na nakikisalamuha sa maraming tao at nagkakaroon ng mga sakit tulad ng pagluluha ng mata at carpal tunnel syndrome o pananakit ng mga kamay at daliri.

Nabili ko ang una kong computer noong 1996: 486 processor, 32mb ang memory at 250mb ang hard disk. Noong panahong iyon, hindi pa sikat masyado ang Internet. Windows 3.11 pa ang gamit ko noon. Nang dalhin ako ng isang kaibigan sa kaniyang opisina upang mag-research, nag-enjoy talaga ako sa paggamit ng Internet. Ako ang nahilo sa dami ng impormasyon na puwede mong masagap. Nang ako ay magtrabaho, tigil ang operasyon ng opisina kapag walang Internet connection dahil lahat ng aming ginagawa mula sa pagi-email hanggang sa pagre-research ay nangangailangan ng paggalugad sa World Wide Web.

Chain E-Mails and Scam Letters

Hindi lang isang daan beses ako nakakatanggap ng mga chain emails sa aking email inbox. Ang iba, nananakot na mamamatay ka daw at mamalasin kapag hindi mo pinasa sa iba. Ang hindi alam ng maraming kabataan, kinakasangkapan na sila ng kampon ng kadiliman dahil sa ipinapakalat nilang CURSED messages. Sa halip na burahin na lamang para matigil, sige pa rin sa pagpapasa. Ang dahilan: NATATAKOT. Ang mga Cristiano ay hindi dapat natatakot. Greater is He who is in us than he who is in the world. Hindi tayong kayang patayin ng isang chain email letter dahil pinapatnubayan ang lahat ng Cristiano ng Diyos. Mas lalong magkakaproblema kung magiging bahagi ang mga kabataan ng ganitong mga walang kabuluhang mga gawain. They can spread the WORD of the EVIL like wildfire. Huwag nang basahin o i-forward ang anumang chain email letter. Burahin agad kung kinakailangan. Sometimes, they even carry computer viruses that could infect and destroy your computer files. To put your commitment in another level, ipaabot sa mga nagpasa ang isang babala. Sabihin sa kanila na hindi ka naniniwala sa kanilang mga email at sabihing hindi nakakatuwa ang kanilang ginagawa.

Mag-ingat din sa mga scam letters na pangangakuan ka ng kayamanan at limpak-limpak na salapi. Marami ang nasisila ng mga scammer na ito na kalimitang nagmumula sa mga bansa sa Africa na maraming gold deposits. Kesyo anak daw siya ng dating president ng Nigeria, isang katiwala ng isang mayamang tagapagmana at kung anu-ano pa. Ang iba para lalong maging convincing, tinatawagan pa mismo ang nakabasa ng sulat at saka hihingin ng mga preliminary deposit sa bangko. The World Wide Web is a jungle. Huwag agad magbibigay ng maseselang impormasyon kung hindi kilala ang nagpadala sa iyo ng sulat. In everything, always seek the wisdom of God and discern the works of the evil one.

The Temptation of Porn Sites

Ang mga malalaswang websites ang kalimitang puntahan ng mga kabataan sa tuwing nag-iisang katapat ng computer at nagi-Internet. Pornography violates the sexual and moral integrity of human beings. Laging kakabit ng pornograpiya ang malaswang pag-iisip at gawa. Maari nitong sirain ang personalidad ng isang kabataan. Kalimitang ang mga nasasangkot sa panggagahasa, sexual abuse, karahasan, at marami pang kasalanang may kinalaman sa sex, ay ang mga taong matindi ang pagkalantad sa mga pornographic materials. Some recommendations to fight the temptation:

  • Make a decision not to visit websites with pornographic materials. Make a covenant with your eyes.
  • Place your computer in a place where others can see you while using it.
  • Huwag gumamit ng Internet kapag wala nang tao o kaya ay natutulog na ang mga kasambahay. Sa mga sandaling ito, matindi ang tukso sa pagbisita sa mga porn websites.
  • Do not prolong the use of Internet. Gamitin lang sa mga importanteng bagay.

Sino ang ka-Chat Mo?

Maraming kabataan ang nalululong sa Internet Relay Chat o IRC. Madalas sila iyong mga kabataan na nababagot sa buhay at gustong may kausap sa Internet. Mayroon namang mga seryosong naghahanap ng kaibigan. Mayroon ding desperadong makahanap ng boyfriend o girlfriend—to form a romantic relationship. Mas malalakas ang loob ng mga kasama sa IRC pagdating sa pagsasabi ng kanilang nararamdaman dahil hindi nila nakikita sa isa’t isa. Giving false information is also the prevailing culture among chatters. Mas gumaganda daw ang pag-uusap kapag naglolokohan. Madaling manloko sa IRC dahil hindi mo nakikita ang iyong kausap. Identity theft is so rampant that you should not easily trust any person. Kahit pareho ang nick (nickname) na ginagamit ng isang tao, hindi ka pa rin nakasisigurado na siya ang dati mo nang nakausap sa chatroom. No serious chatter would readily give his/her information online. Marami ding scammers sa chatrooms na puwedeng kunin ang personal mong impormasyon (ATM PIN, credit card password at iba pa). That’s why online interaction is considered as an insecure venue to develop relationships. Sa halip na makipag-chat, meet persons through face-to-face interaction. To sustain friendship, you still need physical contact.

No comments: