- Tagu-taguan sa bukid
- Siato – iyong may dalawang kahoy na hinahataw tapos kapag natalo kayo sisigaw kayo ng napakahabang Siyaaaaaaaaa......to! hanggang umabot ka kung saan nagmula ang hinagis na kahoy.
- Sketeng ang tawag sa scooter noon na ginawa sa isang plywood at dalawang maingay na bearing. Iyong pako ang preno.
- Nagpapalipad din kami ng saranggola, boca-boca at borador
- Usong-uso din ang text cards na nabibili singko isa. Kahon-kahon ang pinaglalaruan ko noon at dumadayo pa sa ibang barangay para makipaglaro
- Hindi rin nakalampas ang mga balot at kaha ng sigarilyo. May iba’t ibang halaga iyon ayon sa halaga ng isang stick ng sigarilyo
- Paramihan din ng laste
- Tumbang preso
- Paunang bumilot ng gagamba at salagubang
- Nanghuhuli rin kami ng palakang bukid at suso sa bukid
- Hinahabol din naming ang mga tutubing karayom at tutubing kalabaw
Hindi killjoy si Lord. He wants us to enjoy life and have it to the fullest.The challenge is how to strike a balance between recreation/entertainment and our responsibility to please God in everything that we do. Ano ang sinasabi ng Bibliya ukol sa pagpili natin ng kasiyahan at libangan? Apostle Peter wrote in 1 Peter 1:15-16 (MKJV):
“… but according to the Holy One who has called you, you also become holy in all conduct, because it is written, "Be holy, for I am holy."
Ang mga Cristianong kabataan ay tinawag upang mabuhay sa kalinisan at malayo sa kasalanan. Magkagayon, anumang uri ng kasiyahan na “marumi sa paningin ng Panginoon” at sisira sa ating kabanalan ay hindi dapat tangkilikin. For instance, maraming mga pelikula ang nagpapahayag na ang premarital sex at homosexuality ay ayos lang. Ngunit sa katunayan, hindi maaring umayon ang Panginoon sa ganoong mga kaisipan. Sadly, many youth enjoy movies promoting those messages. May ilang prinsipyo tayong kailangang sundin pagdating sa pagpili ng ating libangan.
PRINCIPLE 1: GET RID OF WORLDLINESS -Kailangang umiwas ang lahat ng kabataan sa anumang uri ng kamunduhan. If we are worldly, we cannot please God.Kailangang alamin natin kung ang ating buhay ay nakatuon na lamang sa mga bagay dito sa sanlibutan.Our thinking must be heavenward and not earth-bound.Christians, although living physically in the world, must come spiritually out of the world.Paano mo malalaman kung hindi nakakalugod sa Panginoon ang iyong libangan? Isang basehan ay ang sinabi ni Apostol Juan:
Do not love the world, nor the things in the world. If anyone loves the world, the love of the Father is not in him, because all that is in the world, the lust of the flesh, and the lust of the eyes, and the pride of life, is not of the Father, but is of the world. (1 John 2:15-16)
Lust of the Flesh (“nakakapukaw sa masamang pita ng laman”) - The flesh is defined as a way of thinking and living that is contrary to the way of God. Kung ang ating mga pagnanasa ay labag sa kalooban ng Diyos, mas minamahal natin ang kasalanan ng daigdig. Pumupukaw ba ng masamang pagnanasa ng katawan ang iyong libangan? Maaari bang magdulot ng “addiction” ang iyong labis na paglilibang? Binigyan tayo ng Diyos ng kakayahang magnasa ng mga bagay-bagay. Pero kung hindi natin ipapasailalim sa Kaniyang kapangyarihan ang mga bagay na ito, maari tayong wasakin ng mga pagnanasang ito. Hindi masamang kumain, subalit makakasama sa atin ang sobrang pagkain (gluttony). Hindi masamang matulog subalit ang sobrang tulog ay tanda ng katamaran na magbubunga ng kahirapan. There’s nothing wrong with fulfilling our sexual desires if it is done within the boundaries of marriage. Fornication (i.e. pre-marital sex, adultery, homosexuality) is sinful.
Lust of the Eyes (“nakakatukso sa paningin”) - We can have pleasure from gratifying our eyes and minds. Maaring dalhin tayo ng ating mata sa pagkakasala. Marami ang naakit sa magagandang babae/lalake, magagarang kotse, naglalakihang bahay. Gagawin nila ang lahat para matamo ang mga bagay na ito. Hindi nila alam na habang nagsisikap silang makuha ang mga bagay na ito, lalo silang nalalayo sa Diyos. Inaakit ba ng iyong libangan ang iyong sarili upang ikaw ay maging sakim at gumawa ng kasalanan? We must remember that we see in this world are temporal. Maglalaho silang lahat subalit ang lahat ng may takot sa Diyos ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan.
Pride of Life (“karangyaan sa buhay”) -People can be proud because of the riches and material things they possess. Ito ang dahilan kung bakit minsan nasabi ng Panginoon na mahirap makapasok sa kaharian ng langit ang mga mayayaman. Rich people may forget God because they are materially well-off. Ganundin, maari tayong ilayo ng ating libangan sa kalooban ng Diyos. Dinadala ka ba ng iyong libangan sa isang sitwasyon upang makalimutan mo ang Diyos at nakatuon ka na lamang sa iyong pansariling interes? Kapag inisip mong hindi mo na kailangan ang Diyos, nagsisimula nang kumapit sa iyo ang kayabangan.
Sa kabuuan, hindi natin dapat tangkilikin ang mga libangan na MAKAPAGLALAYO sa atin sa Diyos. Hindi masamang maglibang ngunit kung ito ang magiging dahilan upang tayo ay mawala sa kalooban at plano ng Diyos, kailangan natin itong bitiwan at iwan. The main question is: DO THESE ENTERTAINMENT BUILD UP MY RELATIONSHIP WITH GOD? Christians must always please God in everything they do.
PRINCIPLE 2: DO NOT LET YOUR ENTERTAINMENT PREVENT YOU FROM SERVING GOD-Our entertainment must not prevent us from serving and worshipping God and living a holy life. Bagaman binigyan tayo ng Panginoon ng kalayaan na gawin ang lahat ng ating magustuhan, hindi lahat ng iyon ay makakatulong sa ating buhay-espiritwal. All things are permissible but not all are beneficial. Our entertainment might be morally permissible but not spiritually profitable. Kung tunay tayong mga Cristiano, nasa ating puso ang Banal na Espiritu na siyang magsasabi sa atin kung tama o mali ang ating ginagawa. Malalaman mo kung OK ba o hindi sa Panginoon ang iyong paglilibang sa pamamagitan ng iyong isip at konsensiya. Kung sinasabi ng iyong isip o/at ng iyong konsensiya na hindi nalulugod ang Diyos sa iyong ginagawa, palagay ko kailangan mo nang itigil ang iyong ginagawa.
PRINCIPLE 3: BE A GOOD STEWARD OF TIME AND RESOURCES-Kasabay nito, kailangan tayong maging matalino sa paggamit ng oras. Saan natin madalas inuubos ang ating oras? Sa paglalaro ng video games o sa paglilingkod sa Panginoon? Some entertainment can cause addiction. Over-indulgence in any form of entertainment is dangerous. Maaring mawalan ka na ng panahon sa paggawa ng mas mahalagang bagay sa iyong buhay (i.e. panagon para sa Panginoon, panahon sa pamilya o pag-aaral.
PRINCIPLE 4: DO NOT BE A STUMBLING BLOCK TO OTHERS-Ganundin, kailangang alalahanin din natin ang ating kapwa Cristiano na mahina pa sa pananampalataya. We should know if our entertainment causes them to fall away from faith. Kapag Cristiano ka, hindi lang sariling kagustuhan mo ang masusunod, kung hindi kailangang alagaan mo rin ang iyong patotoo sa ibang tao.
No comments:
Post a Comment