Naranasan ninyo na ba ito: epic ang ginawa mong kalokohan sa isang tao pero nagawa ka pa rin niyang patawarin at gawan ng kabutihan? Palagay ko naman, kahit paano, ay namangha ka at kinapitan ng hiya.
Ganiyan ang pag-ibig na ipinakita ni Yahweh sa mga Israelita na ipinahayag at naranasan ni Hosea. Minahal ni Hosea si Gomer kahit mas pinil nitong sumama sa iba. Faithful sa atin si Lord kahit nagtataksil tayo sa Kaniya (ref. Lamentations 3:23, 2 Tim. 2:13). The nation Israel was faced with a privilege and a responsibility. Sila ang niloob ni Yahweh na maging modelo sa pagsunod sa Kaniya. Kaya pinapili sila: blessings or curse? (Deuteronomy 28). Their call.
You can read Hosea with the Book of Amos syntopically dahil sila ang tinawag na “last chance prophets” para gisingin ang bayan ng Israel bago sila ipasakop sa mga Assyrians. Si Hosea ay isang urban northerner, si Amos ay simpleng farmer from the South. Magkaiba ang tono ng kanilang pagsusulat. Amos focused on God’s justice (appealing to the head) while Hosea speaks of God’s mercy (appealing to the heart).
Let’s summarize the book. Una, Nilitanya ni Hosea ang lahat ng kasamaan ng mga Israelita (chapters 1-3). Relatively well-off ang Northern kingdom of Israel noong kaniyang panahon with Assyrians as the superpower of that period. Maraming yumaman pero marami ding naghirap (haves vs. have nots). It was also a period of moral decline. Maraming umaabuso sa kanilang kapangyarihan, lulong sa alak at prostitusyon ang marami, at nalimutan ng bayan ang mga kautusan ni Yahweh. Sinasamba nila ang diyus-diyusan ng mga bayang nakapaligid sa kanila.
As a historical note: nahati sa dalawa ang Israel dahil sa civil war noong panahon ni Haring Solomon (due to forced labor issues, ref: 1 Kings 9:15-17). Naiwan sa South ang dalawang lahi ni Judah at Benjamin (na siyang mas sumunod sa kautusan na binigay through Moses). Sila ang naging tagasunod ni Rehoboam, anak ni Solomon.
Under Jeroboam, nagrebelde ang Northern kingdoms (composed of 10 tribes of Israel) at lumikha ng sarili nilang pamumuhay kasama ng masasamang lahi. May saril silang uri ng pagsamba. Sa templo ng Bethel at Samaria, naglagay sila ng gintong guya at doon nakikipagtalik sa mga lalake at babaeng prostitutes ang mga taumbayan sa paniniwalang pagpapalain ng diyos-diyosan ang kanilang mga pananim.
Interesting trivia: On average, ang mga hari sa Northern Kingdom ay tumatagal lamang ng 3 taon. Ang daming patayan at assassination plots. Kakaiba ang political tenure ng mga Southern Kings: at least 33 years. See the difference kapag sumusunod sa kalooban ng Diyos at hindi?
Bilang pagdidisiplina, inihayag ni Yahweh ang consequences ng katigasan ng kanilang puso (chapters 4-10). Nagkaroon ng taggutom (para sabihin sa kanilang walang bisa ang kanilang mga temple rituals), water shortage, pagkasira ng pananim, mga sakit at pandemya. Sinira rin ni Yahweh ang mga siyudad sa pamamagitan ng mga kidlat sa gitna ng mga bagyo at nilindol ang buong teritoryo (ref. Zech. 14:5).
At ang ultimate discipline: ang pag-exile sa kanila ng mga Assyrians 10 years after ng pahayag ni Hosea. Ganiyan manggising ang Makapangyarihang Diyos! Pero ang lahat ng iyan ay ipinahayag sa Israel paulit-ulit. Hindi nagpaparusa ang Diyos nang walang warning (ref. Amos 3:7).
Ganunpaman, nagtapos ang pahayag ni Hosea sa pangako ng Panginoon na ililigtas Niya ang Israel sa bandang huli (chapters 11-14). Kahit nagtaksil ang mga Northerners, hindi pa rin sila itinakwil ni Yahweh. They are still the apple in God’s eye.
Ibang klaseng grasya at awa di ba? Si Lord na ang pinagkasalaan, Siya pa rin ang gagawa ng paraan para hindi maparusahan? Iyan kasi ang Kaniyang kalikasan. Hindi Niya kailanman nanaisin na mapahamak ang sinuman. It is His will that none should perish but everyone to come to repentance (2 Peter 3:19). Nilikha niya ang impiyerno hindi para sa mga tao kundi sa mga kampon ng kaaway (Matthew 25:41). Ang tao ang pumipili ng Kaniyang kapahamakan.
Katulad ng bayan ng Israel, hindi tayo pinili ng Diyos kasi magaling at angat tayo sa iba (ref. Deut.7:6-8). Minahal Niya tayo dahil pinili Niyang mahalin tayo. Sa gitna ng ating pagkukulang, Siya ang Diyos ng pag-asa. Kapag ikaw ay nagpakumbaba, nagsisi sa iyong mga kalikuan at tanggapin si Jesu-Cristo bilang Diyos, Hari at Panginoon ng iyong buhay, mawawasak ang sumpa ng kasalanan sa iyong buhay. Sinasabi Niya sa iyo: “Pinatnubayan Kita nang buong pagmamalasakit at nang buong pagmamahal.” (Hosea 11:4). Balik na sa piling Niya. Now na.
No comments:
Post a Comment