It is only appropriate to state that the story of Jonah is the great case of resurrection in the Old Testament. Namatay siya at kinain ng malaking isda at muling binuhay upang maghatid ng Mabuting Balita sa mga makasalanan (2:16-17). Just like Jesus. Another crucial fact: ang story na ito ay isang historical account, hindi kuwento ni Pinocchio. Propeta si Jonah noong panahon ni King Jeroboam II (2 Kings 14:25).
Maikli lang ang book of Jonah. Pero hindi ibig sabihin ay napaka-trivial ng kaniyang mensahe. Ang totoo niyan: dito pinatunayan ni Yahweh kung gaano kadakila, kalalim at minsan, ka-incomprehensible ang Kaniyang pagmamahal sa lahat.
Isa sa dakilang aral: huwag mag-ala Jonah. Huwag kang makipagmatigasan kay Lord. Hindi ka mananalo. Hindi mo kayang takasan ang calling Niya. Susundan at susundan ka ng pangungulit Niya. Consider that as a great privilege dahil napili ka. Bihira ang nabibigyan ng pagkakataon na maging representative Niya.
Matigas talaga minsan ang ulo natin at feeling mas matalino pa kay Lord. Natanong ninyo na ba bakit ayaw na ayaw ni Jonah na puntahan ang Nineve? Magkakaroon kayo ng clue sa chapter 4:1-2. Reklamo niya: “….is this not what I said when I was still at home? That is why I was so quick to flee to Tarshish. I knew that you are a gracious and compassionate God, slow to anger and abounding in love, a God who relents from sending calamity.”
Ito rin ang naganap noong sinabihan niya si Jeroboam II pero pinagpala pa ni Lord at pinalawak ang kaniyang teritoryo. Ito ang linyahan ni Jonah: “Lord, hindi puwedeng i-bless mo ang masasama, kasi laging sasama ang mga iyan.” Bottomline: galit si Jonah sa ganitong scenario. He simply does not want wicked people to take advantage of divine mercy.
Ipagpag ang self-righteousness. Tindi ng rebuke ni Lord kay Jonah nang mag-tantrums siya. Ganito ang mensahe sa kaniya (4:6-10): “Concerned na concerned ka sa halaman na pinatubo ko para bigyan ka ng lilim kahit hindi ikaw ang nagpalago. Itong Nineveh na may at least 120,000 na populasyon ay hindi mo kayang mahalin? Ibahin mo ako: malulungkot ako kapag napahamak ang mga ito.” Ganito rin ang sinabi ni Pablo sa Romans 3:9: “What shall we conclude then? ARE WE ANY BETTER? Not at all! We have already made the charge that Jews and Gentiles alike are all under sin.”
Good news: nagsisi naman ang mga taga-Nineve. Bad news: bumalik pa rin sila sa pasaway mode. Kaya sa sulat ni Nahum 150 years later, kailangan na silang disiplinahin (1:3). Mahal tayo ni Lord nang sobra-sobra. Kaya niya tayong patawarin pero God of holiness and justice din Siya.
Balikan natin ang main message: Mahal ka ni Lord kahit nagrerebelde ka sa Kaniya. Matindi ang pasensiya Niya sa lahat (Psalm 103:18-13). Slow to anger and very rich in mercy. BUT, isang malaking BUT. Kung hindi ka magsisisi sa iyong kasalanan at aayusin ang buhay mo, wait ka lang sa matinding kaparusahan Niya.
Huwag abusuhin ang Kaniyang kabutihan. His patience also runs out. Kailangang tapusin ang kasalanan para hindi tayo mapahamak at mapahamak ang iba bunga ng ating mga kalokohan. Parte ng grasya ng Diyos ay magparusa sa kasalanan. Truth and grace revealed.
No comments:
Post a Comment