Napapadaan ako sa Quiapo sa tuwing ako ay umuuwi ng bahay mula sa trabaho. Anecdote: Dahil sa kasalukuyang isyu tungkol sa isang starlet at isang batang doktor, isa lang ang tanong (note: pabulong) ng mga parokyano sa lahat ng bilihan ng DVD sa lugar, babae man o lalake: Mayroon na ba kayo ng scandal ni KH? Hindi naman makapagbenta nang lantaran ang mga pobreng tindero dahil halos isang dosenang pulis ang nakaposte ngayon sa kalye ng Arlegue. Matindi ang crackdown sa mga nagbebenta ng video scandal. Ang sabihing “pinagpipiyestahan” ng sambayanan ngayon ang KH scandal ay isang “understatement.” Ang katotohanan, nagkalat na sa Internet sites ang video. You can never put the genie back in the bottle again. Dahil sikat ang mga kasama sa video scandal, knee-jerk response ng lahat na hanapin ang video sa Youtube at mga web sites.
Hindi pa uso ang Internet, sandamukal nang sex videos ang nagsulputan. Dati sa Betamax at VHS pa lang. Sa kasalukuyan, lahat ng may email ay imposibleng hindi mabigyan ng mga unsolicited, spam mails na may mga pornographic contents. Nakalulungkot isipin na hindi lamang mga estudyante at kabataan ang madalas na “stars” sa mga iskandalosong pelikula, kung hindi sila na rin ang pasimuno sa pagpapakalat ng mga ito. Sa isang bansang konserbatibo, hindi katanggap-tanggap ang ganitong deviant behavior. Dahil napag-uusapan ang iba’t ibang scandals, this is my way of making sense of the issue.
Violation of people’s privacy and man’s sinful nature. Bahagi ng ating pagkatao ang personal nating mga sikreto o mga bagay na ayaw nating ipaalam sa iba for personal reasons. The Bible also values privacy. With regards to private property, pinagbabawalan tayong magnakaw at kumuha ng asawa ng iba (Exodus 20). Maging ang Diyos ay may sikreto na hindi na natin dapat ungkatin pa (Deuteronomio 29:29, Isaias 45:15). When we violate people’s privacy, we also destroy their dignity—dahil nagmumukha silang helpless. May nais silang itago sa maraming tao pero nadiskubre na at nabuksan na ang libro ng kanilang buhay. Man’s sinful and fallen nature enjoys intruding other’s privacy. Gusto nating nakikialam sa buhay ng iba because it gives us pleasure. Voyeurism is a self-centered activity.
Ika nga ng tiyuhin ni Spiderman, great power comes great responsibility. Naging malaking isyu ang kasalukuyang scandal dahil prominenteng mga tao ang involved. Pinapatunayan lamang nito na hindi ang “video scandal” per se ang naging sentro ng usapan, kung hindi ang mga sikat na taong naging bahagi ng istorya. Isang malaking hamon sa mga lider na panatilihin ang kanilang integridad. Kahit sabihin ng ilang mga artista na hindi nila kailanman nanaisin na maging mga “role models”, the fact na humaharap sila sa kamera, by default, sinusubaybayan ng publiko ang kanilang buhay. Hence, they have the moral obligation to live moral lives. That’s the cost they have to pay by being famous and powerful.
Use Information and Communication Technologies (ICTs) for our benefit, not for our destruction. Maraming kabataan ang walang patumanggang pinagkukunan (cellphone, digicam) ang kanilang sarili—sa kalye, sa eskwelahan, sa poste, sa kanilang kuwarto, kahit sa loob ng CR. Ang iba walang paki- kung naka-underwear lang o halos wala nang saplot. Para sa kanila, kailangang i-celebrate ang kanilang kaseksihan at voluptuous na katawan. Tuwang-tuwa rin silang tawagan ang kanilang mga sarili CAM-WHORES at i-upload ang lahat ng kanilang “sexy pose” sa kanilang Friendster, Multiply at online websites. Tapos, magtataka sila kung bakit may nakakuha ng kanilang mga sexy photos samantalang naka-private ang setting ang kanilang album. They are simply clueless about the possibility of hacking and information-sharing in the Net. Ito ang dahilan kung bakit dumarami ang mga video scandals.
We must remember that the Internet is a jungle and an information black hole. Kapag nagpakawala ka rito ng impormasyon, hindi mo na uli iyon mabubura. For instance, kahit i-cancel mo na ang account mo sa Facebook, gagawin lang nilang inactive ang iyong account. Kapag magbago ka nang isip at gusto mong balikan ang iyong profile, mag-log-on ka lang uli sa dati mong username at password, activated na naman ang iyong account. Ganundin, napakadali nang sumikat sa Youtube. Kumuha ka ng digicam., i-edit mo sa movie-maker, lagyan ng effects, may instant digi-film ka nang puwedeng pagkaguluhan ng lahat ng tao sa buong mundo.
We need the power of God’s Spirit to overcome lust and temptation. Madaling sabihin na huwag tumingin sa mga pornographic materials. Kasi kahit ayaw mo, may bigla na lamang bubulaga sa harap mo. Dahil halos lahat na mabalingan ng iyong tingin ay may sexual content, mukhang imposibleng hindi marumihan ang iyong isip. Manood ka sa TV, making ka sa FM stations, magbasa ka ng magazines at mga tabloids---lahat may sex messages at ang iba ay lantaran at bahagi na ng mga jokes ng mga TV host at radio DJs. Halos lahat ng teenagers ay may Friendster, Multiply at Facebook accounts kung saan nabubuo minsan ang mga MU (malalaswang ugnayan).
Nasaksihan ni Pablo sa mga taga-Roma ang ganitong kalagayan kung kaya’t sumulat siya sa mga iglesya doon (12:1-2). Noong panahong iyon, talamak ang homosexual activities, at nasa peak ang sexual revolution sa Imperyo. Ang kaniyang sulat ay siya ring mensahe sa kasalukuyang henerasyon. Kailangang “baguhin natin ang takbo ng ating pag-iisip at linisin ang ating mga puso”. We must not conform to the standards of this dying world. Overcoming lust and temptation is a matter of decision and spiritual will. We must develop spiritual disciplines that can help us overcome lust and negative sexual thoughts.
Since we live in a sex-saturated world, our mind is the main battleground. Kung ano ang makakabihag ng ating isipan, iyon ang maaring bumihag sa ating katawan at puso. Simply put, a mind that is not controlled and subjected to the authority of God cannot overcome worldly sins and values. Pornography is always crouching at our door. Hence, we also need to make a "covenant with our eyes" (Job 31:1).
Thanks for visiting my blogspot. This is the place where you can know me as a minister, as a kuya (big brother), as an husband, as an academic and as a typical homo sapiens sapiens. I am the head pastor of the GENERATION 3:16 Ministries, a ministry devoted to the evangelism and discipleship of the younger generation. I also lead the LOVESTRUCK MOVEMENT, a ministry preaching Biblical purity and responsible dating, courtship, marriage and sexuality (www.lovestruckmovement.org).
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
-
Maaaring ang artista’y sumuko at manahimik, upang mabuhay, ngunit ang ganya’y tiyak na kamatayan ng kaniyang sining. Nakikilala niyang bahag...
-
In Europe a woman named Hilda was near death from a rare type of cancer. There was one drug that doctors thought might save her. It was a fo...
-
Isang eksperimento ang isinagawa upang malaman kung paano tinitingnan ng isa tao ang kaniyang sarili at ang kaniyang kapwa. Pinangalanan ito...
No comments:
Post a Comment