Thanks for visiting my blogspot. This is the place where you can know me as a minister, as a kuya (big brother), as an husband, as an academic and as a typical homo sapiens sapiens. I am the head pastor of the GENERATION 3:16 Ministries, a ministry devoted to the evangelism and discipleship of the younger generation. I also lead the LOVESTRUCK MOVEMENT, a ministry preaching Biblical purity and responsible dating, courtship, marriage and sexuality (www.lovestruckmovement.org).
Monday, May 18, 2009
The GOSPEL According to PrisonBreak
Una kong napanood ang life adventures ng magkapatid na Michael Scoffield at Lincoln Burrows noong 2006 through a cable TV channel sa isang hotel sa Malaysia kung saan ako lumagi. I watched the first episode and I was really hooked sa istorya. Interesante para sa akin ang relasyon ng dalawang magkapatid--malalim at hindi madaling mabuwag. Since then, I religiously watched all episodes of all four seasons. Overall, Prison Break is a thriller with a heart.
Do not be deceived by the title. Honestly, I find it is misleading. The protagonists are not hardcore criminals and “fugitives” but only collateral sufferers. For instance, Lincoln an Michael were only victimized by the mistakes of their parents and they endured so many agonies in the process. To give you more ideas on the flow of the story, below are the summaries of season episodes.
SEASON 1: The first season’s suspenseful and fast-paced character attracted millions of viewers around the world. Nagpakulong (sa pamamagitan ng simpleng shoplifting) si Michael sa Fox River State Penitentiary upang tulungang makatakas ang kaniyang kapatid na si Lincoln. Nadiskubre niyang biktima ng isang sindikatong kinabibilangan mismo ng presidente ng Amerika ang kaniyang kapatid. Ang sindikato rin ang nagpapatay sa kanilang ama. He was falsely accused and was sentenced to die. Pina-tatoo niya sa buo niyang katawan ang mapa ng Fox River upang matandaan ang escape plan. Pinakilala rin si sa season si Brad Bellick, ang maton na prison guard ng Fox Penitentiary na nagpahirap sa buhay nila Michael. Dito rin nabuo ang love story ni Michael at Sarah Tancredi. Natapos ang season sa pagtakas ng Fox River Eight—si Michael, Lincoln, ang lovesick na si Fernando Sucre, ang child molester na si T-Bag, ang na-born-again ngunit muling nagbalik sa pagiging criminal na si John Abruzzi, ang responsableng ama na si Benjamin Miles, ang binatang naging biktima ni T-Bag na si David Apolskis at ang mentally deranged na si Charles Patoshik.
SEASON 2: Ito ang second-half ng the Great Escape. Pinalutang ng season ang istorya ng mga mahahalagang karakter. Natapos ang buhay ng tatlo sa Fox River Eight—Abruzzi, Apolskis at Patoshik. Natanggal sa trabaho si Bellick at isa-isang hinanap ang mga pugante kapalit ng reward money. Nagkita-kita naman ang mga karakter nang malaman nilang totoo ang sinabi ng isang prisoner na may ibinaon siyang kayamanan sa isang bahay. Unang lumabas si Agent Alexander Mahone na naatasan upang hulihin ang mga tumakas. Nagtatrabaho pala si Agent Mahone para sa The Company. Sa isang court case, pinawalang-sala si Sara at Lincoln. Silang dalawa ang nagplano upang makatakas si Michael. Natapos ang season sa isang kulungan sa Panama, ang PenitenciarĂa Federal de Sona, kung saan panibagong pahirap naman ang naranasan nina Michael, T-Bag, Bellick at Mahone.
SEASON 3: Sinundan nina Lincoln at Sara si Michael sa Panama. Nakipag-usap si Lincoln sa isang miyembro ng The Company, si Gretchen Morgan na kumidnap sa kaniyang anak na si LJ at Sara. Sinabi ni Gretchen na kailangang maitakas ni Michael si James Whistler. Nakakuha ng trabaho si Sucre sa kulungan upang tulungan si Whistler at Michael sa pagtakas. Nang magtangka si Lincoln na iligtas ang kaniyang anak at si Sara, binigyan siya ng warning ni Gretchen. Pinadalhan siya ng isang kahon na may pugot na ulo. Inakala niyang si Sara ang pinatay. Kinidnap din ang girlfriend ni Lincoln na si Sofia bilang garantiya na maibabalik si Whistler sa The Company. Natapos ang season sa pagtakas ni Michael at Mahone. Hinanap naman ni Lincoln si Gretchen upang maghiganti sa pagkamatay ni Sara.
SEASON 4a: Ipinaalam ng istorya na hindi ulo ni Sara ang nasa loob ng kahon. Nadiskubre din ni Michael na nakikipagtulungan si Whistler kay Agent Mahone upang pabagsakin ang The Company. Nasunog ang Sona at nakatakas si Sucre, Bellick at T-Bag. Nang marating ni Michael ang Chicago upang iligtas si Sara, ni-recruit naman siya ni Agent Don Self upang pabagsakin ang sindikato kapalit ng kaniyang kalayaan. Dinala ang mga Fox River escapees at si Bellick sa Chicago upang bumuo ng isang team. Kasama din si Sara at ang isang computer hacker, si Roland. Inatasan silang kunin ang SCYLA, ang little black book ng sindikato. Nang makuha ng grupo ang microchip, tinaraydor sila ni Agent Self na napag-alamang interesado rin dito upang pagkakitaan. Nakuha rin kay Agent Self ang Scyla sa isang engkwentro.
SEASON 4b: Pagkatapos ng isang season break, ipinakilala ang ina nina Michael at Lincoln, si Christina, na siyang may hawak ng Scyla. Ilalako ito ni Christina sa gobyerno ng India at China upang magpasimula ng panibagong sigalot sa dalawang bansa. Nagkaroon ng mas malaking problema si Michael nang mahuli ni General Krantz ng the Company si Sara at naging hostage rin ni Christina si Lincoln. Kailangang mamili si Michael kung sino ang kaniyang ililigtas. Sa mga huling episodes ng season, nasagip ni Michael si Sara at Lincoln nang ibigay niya kay General ang walang lamang lalagyan Scyla, samantalang isang bomba ang ibigay niya kay Christina. Tinulungan ang grupo ni Paul Kellerman, ang dating miyembro ng The Company, upang maisuko sa UN ang microchip. Lahat ay nakatakas at nabigyan ng exoneration agreement subalit hindi pinayagan ng grupo na makalabas ng kulungan si T-Bag. Ipinakita ang libingan ni Michael na namatay sa edad na 31 bunga ng isang malalang sakit sa utak.
Below are some of the wonderful messages of the series. We can relate Michael’s work to the redeeming work of Jesus. Michael is typical of Christ who sacrificed his life and personal comforts to save his brother from the hell of prison life.
God loves us so much. Malalim ang naging pagmamahal na ipinakita ni Michael sa kaniyang kapatid kahit hindi niya ito “biological” brother. Hindi niya iniwan si Lincoln mula sa Fox River Penitentiary hanngang sa Chicago kung saan nila nagapi ang the Company. That’s real LOVE in action.
Man is separated from God because of sin. The wages of sin is death. This is very true sa buhay ni T-Bag. Kahit lang beses siyang magtangkang magpakabait, siya pa rin ang lumalabas na “hooligan” sa grupo. Ilang beses siyang iniligtas sa kamatayan ng kaniyang mga kasamahan ngunit hindi pa rin siya nagbago sa kaniyang saliwang buhay. He even attempted to rape Sarah to give Michael pain. Sa bandang huli, kulungan pa rin ang kaniyang binagsakan.
Christ died on the cross, to save man from the consequences of his sins. I don’t want to force this observation but I think this deserves to be noticed. Namatay si Michael for a purpose. And that is, to save his brother and bring life to the hopeless characters of the series. When you love someone, you will do everything for him/her. There is no greater love than this---that a man will give his life for a friend/brother.
We must repent of our sins and follow God. Isa lang naman ang nais ng mga pugante sa kanilang buhay—ang maging malaya at makasama ang kanilang mga mahal sa buhay. That’s why in the end they cooperated with the government and the UN officials to get rid of Scyla. That’s an act of repentance. They wronged people and they rectified all the troubles they caused.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
-
Maaaring ang artista’y sumuko at manahimik, upang mabuhay, ngunit ang ganya’y tiyak na kamatayan ng kaniyang sining. Nakikilala niyang bahag...
-
In Europe a woman named Hilda was near death from a rare type of cancer. There was one drug that doctors thought might save her. It was a fo...
-
Isang eksperimento ang isinagawa upang malaman kung paano tinitingnan ng isa tao ang kaniyang sarili at ang kaniyang kapwa. Pinangalanan ito...
No comments:
Post a Comment