(Salin ng Why the Heart Never Develops Cancer ni Bill Mohr ni Joel Ariate, isang kaibigan at katrabaho)
Isa sa mga hiwaga ng katawan ay kung bakit hindi nagkakakanser ang puso. Bawat iba pang organo sa katawan--tiyan, balat, utak, baga, atay--maaaring magkakanser, pero ang puso paulit-ulit pinipiga ang sarili nang wala man lang bahid ng pagkakasakit. Para bagang
isa itong pugon at anumang nakakakanser na pumasok dito ay agad na nalulusaw sa init ng pulso nito. Sa isang banda, nasa imahinasyon lamang ang sarap na nalalasap ng puso. Ang
balat, ang tiyan, ang baga--lahat ng organong ito ay kayang sumaya sa senswal na buhay: ang init ng araw, ang masaganang hain ng gulay at karne, de kalidad na sigarilyo, at dahil dito nagiging mahina sila.Tanging ang dugo lamang natin ang kasama ng ating puso. Ang dugo, tulad ng puso, hindi rin tuwirang nakadarama ng sarap at hindi rin nagdadala ginhawa
sa puso, itinatanggi nitong may iba pang halaga ang katawan liban sa isang komportableng lugar ng paggawa. Ang puso, tulad ng mismong bugso ng buhay, ay ganap na impersonal. Walang pakialam ang puso sa nangyayari sa katawan. Nand'yan ito upang buong sipag na magtrabaho sa pinakamatagal na posibleng panahon at bilang kapalit sa pagtanggap ng
katawan sa walang-pakialam nitong katapatan, hindi nito tinatraydor ang katawan
sa pamamagitan ng pagkain dito ng selyula sa selyula.
Thanks for visiting my blogspot. This is the place where you can know me as a minister, as a kuya (big brother), as an husband, as an academic and as a typical homo sapiens sapiens. I am the head pastor of the GENERATION 3:16 Ministries, a ministry devoted to the evangelism and discipleship of the younger generation. I also lead the LOVESTRUCK MOVEMENT, a ministry preaching Biblical purity and responsible dating, courtship, marriage and sexuality (www.lovestruckmovement.org).
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
-
Maaaring ang artista’y sumuko at manahimik, upang mabuhay, ngunit ang ganya’y tiyak na kamatayan ng kaniyang sining. Nakikilala niyang bahag...
-
Isang eksperimento ang isinagawa upang malaman kung paano tinitingnan ng isa tao ang kaniyang sarili at ang kaniyang kapwa. Pinangalanan ito...
-
In Europe a woman named Hilda was near death from a rare type of cancer. There was one drug that doctors thought might save her. It was a fo...
No comments:
Post a Comment