Sino si Todd Bentley? Siya ang naging sentro ng tinatawag na Lakeland Revival sa Florida. Minsan siyang inimbitahan ng pastor ng Ignited Church, si Pastor Stephen Strader, upang magsalita sa kaniyang kongregasyon. Sa halip na limang araw lamang magsasalita si Bentley, umabot ng tatlong buwan nang magsimula ang Revival noong April 2008. Ang Lakeland Revival ang sinasabing unang "ONLINE REVIVAL" dahil sa malawakang paggamit sa Internet (GodTV.com). Maraming nagpadala ng kanilang mga patotoo at nakaramdam ng kagalingan mula sa mga nanonood sa Internet. Ilan na dito ang mga kaso ng pagkabuhay mula sa patay ng mahigit isang dosenang tao.
Naging instant celebrity si Todd sa maraming bagay. Una, binago niya ang imahe ng isang tipikal na pastor sa pamamagitan ng kaniyang mga hikaw at mga tattoo. Pangalawa, nakilala siya sa kaniyang mga “BAM! BAM!” declarations sa tuwing pinapanalangin ang mga maysakit. Pangatlo, kakaiba siya kung manguna sa mga revival services—minsan humihiga sa stage, nagtatakbo, sumisigaw nang bigla at kung anu-ano pa. Nasilip pa siya ng maraming church leaders sa America dahil sa kaniyang sinabing pakikipag-usap sa isang anghel na Emma ang pangalan. At panghuli, sa loob ng anim na buwan na pangunguna sa revival meetings, napag-alaman na siya at ang kaniyang asawang si Shonnah ay maghihiwalay dahil sa lumabas na resulta ng imbestigasyo ng Board of Director ng Ignited Church—nagkaroong extra-marital affair si Todd. Kung kaya, maibibilang na si Todd sa mga high profile cases na gumulantang sa Body of Christ sa mga nagdaang panahon---Ted Haggard ng New Life Church, Roberts Liardon, Jimmy Swaggart, Jim Bakker at marami pang iba.
Ano ang itinuturo sa ating ng naging karanasan ni Todd? May ilang bagay tayong kailangang maunawaan.
1.Sabihin man ng iba na napaka-unorthodox ng mga ginagawa ni Todd sa kaniyang mga revival meetings, iyon ang nagpapakita na gumagalaw ang Banal na Espiritu. Sa panonood ko ng mga services sa Youtube, isa lang ang napansin ko—hindi na si Todd ang may kontrol sa mga nangyayari kung hindi ang Diyos na ginustong mapaabot sa buong mundo ang kaniyang kadakilaan.
2. Lahat ng tao ay maaring gamitin ng Diyos upang maging instrumento ng kaniyang kapangyarihan. Hindi Siya tumitingin sa panlabas na katangian ng sinuman kung hindi sa pusong handang maglingkod. Hindi maganda ang nakaraan ni Todd—dati siyang magnanakaw, nagkaroon ng kaso ng sexual assault, mula sa isang sirang pamilya at marami pang negatibong karanasan. Ganunpaman, kayang ayusin ng Diyos ang anumang magulong buhay. We can all be vessels of His glory. No one has the monopoly of the power of God. Kung kaya, kahit hindi na makakasama si Todd sa mga revival meetings, tuloy pa rin ang mga pagtitipon sa Ignited Church.
3.Those who were chosen by God to start a revival must also listen to other Christian leaders. Maraming mga lider-Kristiyano ang nagbigay ng kanilang payo kay Todd tungkol sa mga maling sistema ng kaniyang mga pagtitipon. Kabilang sa mga pastor na nagpayo sina John Piper at ang editor ng Voice Magazine na si Jonas Clark. Sinabi nilang hindi pa handa sa isang napakalaking gawain si Todd kung kaya ang paghihirang sa kaniya bilang “apostle to the nation” ay isang bagay na minadali. Pinatunayan ito ng mga pangyayari. Madalas, nakatuon sa GIFT ang mga tao, hindi sa GIVER OF GIFT. My sense is, many leaders were overwhelmed by the ministry of Todd that they anointed and commissioned him to be an apostle.
4.Nakakalungkot isipin na maaring makalusot ang kaaway sa kampo ng mga Kristiyano. Ano ang dahilan? KASALANAN. Kahit gaano katindi ang “anointing” ng Diyos sa isang ministeryo, kung naroroon ang kasalanan, hindi kailanman magtatagal ang anumang revival. Your sin will surely find you.
5.Christian leaders should be persons of integrity if they want to maintain the full spiritual protection and blessings of God. Leaders have greater responsibilities because they represent God’s authority. Ang pagbagsak ng isang pastor ay may malaking epekto sa mga taong nagiging bahagi ng isang iglesya. Marami sa mga dumalo sa mga revival meetings ni Bentley ay kasalukuyang nagtatanong kung sa Diyos ba talaga o hindi ang naganap sa mga pagtitipon. Marami ang nagalit. Marami din ang nalito. Dahil sa nangyari, ilan sa mga naka-schedule na revival meetings ni Todd ay kinansela.
Isa sa mga naging inspirasyon ko noong ako ay nagsisimula sa ministeryo si Smith Wigglesworth, ang ginamit ng Panginoon upang magsimula ng revival sa Yorkshire, England sa mga unang taon ng 1900s. Sa isang biography na isinulat ng kaniyang manugang, sinabi nitong minsang umiyak ang kaniyang biyenan sabay sabing kailangan na niya nang lisanin ang daigdig. Bakit niya sinabi iyon? Ito ay dahil marami nang tao ang nakatuon sa kaniya at hindi sa Panginoon.
We must understand that the Lakeland Revival is not about the Bentleys or any other ministries, it’s all about Jesus. Hindi kailanman papayagan ng Diyos na agawin ninuman ang kaniyang kaluwalhatian.
Thomas Zimmerman, former superintendent of the Assemblies of God once compared the Holy Spirit to a mighty river, and the Scriptures to the banks of that river. He said that problems will surely manifest if the river overruns the banks.
Thanks for visiting my blogspot. This is the place where you can know me as a minister, as a kuya (big brother), as an husband, as an academic and as a typical homo sapiens sapiens. I am the head pastor of the GENERATION 3:16 Ministries, a ministry devoted to the evangelism and discipleship of the younger generation. I also lead the LOVESTRUCK MOVEMENT, a ministry preaching Biblical purity and responsible dating, courtship, marriage and sexuality (www.lovestruckmovement.org).
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
-
Maaaring ang artista’y sumuko at manahimik, upang mabuhay, ngunit ang ganya’y tiyak na kamatayan ng kaniyang sining. Nakikilala niyang bahag...
-
Isang eksperimento ang isinagawa upang malaman kung paano tinitingnan ng isa tao ang kaniyang sarili at ang kaniyang kapwa. Pinangalanan ito...
-
In Europe a woman named Hilda was near death from a rare type of cancer. There was one drug that doctors thought might save her. It was a fo...
No comments:
Post a Comment