Saturday, April 23, 2011

MAHAL mo ba talaga si LORD?

Nagsimula ang kuwento sa Hardin ng Getsemane kung saan marubdob na nanalangin si Jesus. Dumating ang mga tauhan ng punong saserdote, kasama si Hudas Iscariote, upang siya ay arestuhin. Sa sobrang galit, tinagpas ni Pedro ang tenga ng isa sa mga nais dumakip sa Panginoon (Marcos 14:47). Pinilit ni Pedro na sumama sa karamihan patungo sa bahay ng punong saserdote nang hindi napapansin. Pero nabigo ang kaniyang plano. May nakakilala sa kaniya. Nang siya ay magipit, itinatwa niyang kilala niya si Jesus. Doon siya naalimpungatan at naalala ang sinabi sa kaniya ng Panginoon na bago tumilaok ang manok sa umaga, itatatwa niya ito nang tatlong beses (Lucas 22:28-30).

Pagmuni-munian natin ang naganap sa buhay ni Apostol Pedro at ang mga bagay na dapat nating isabuhay.

Christians are not called to be “closet disciples”. Dahil marahil sa takot na arestuhin at makulong, hindi niya magawang lumapit sa karamihan habang sinusundan si Hesus papunta sa bahay ng punong saserdote. Hindi siya handa sa anumang parusang maaari niyang danasin kung malaman ng maraming tao na tagasunod siya ni Cristo. Ang tunay na Cristiano ay hindi ikinakahiyang mabansagang Cristiano. Bahagi ng ating pagsunod kay Cristo ang pag-alipusta at paglibak mula sa mga hindi mananampalataya (Mateo 5:11, Juan 15:18-21). Hindi na tayo dapat ma-sorpressa. Nakalulungkot isipin na mas pinahahalagahan ng iba ng kanilang reputasyon higit sa pagtingin sa kanila ng Diyos. Marami ang “bigat na bigat” dalhin ang kanilang Bibliya dahil sa pangambang masabihan na “Holy, Holy” ng kabarkada at kapitbahay. Mayroon ding nagiging allergic sa pagsasambit ng “Praise the Lord” o “Hallellujah” kapag kasama ang kabarkada. Ang sinumang magmakahiya sa Panginoon sa harap ng maraming tao ay ikakahiya rin Niya sa harap ng kaniyang Amang nasa langit (Mateo 10:32-33).

You can easily succumb to these attitudes if you want to follow Jesus “from afar”. Pero hindi iyon ang nais ng Panginoon. Real discipleship is walking with Jesus in an intimate manner. Hindi ka maaaring maging “undercover agent.” Instead, you should be a “city on the hill” (Mateo 5:14). Kailangang mangibabaw sa lahat ng iyong ginagawa ang kabanalan at kabutihan ni Cristo.

We should never wound the heart of God. Sobrang pighati ang naramdaman ni Pedro. Bakit? Dahil naramdaman din niya ang kalungkutan ng Banal na Espiritu na nananahan sa kaniyang puso (Galacia 5:17, Efeso 4:30). Sinaktan niya ang puso ng Panginoon. Hindi siya naging tapat sa kaniyang pangakong hindi niya kailanman iiwan si Jesus habang siya ay nabubuhay (Mateo 26:35, Juan 13:37, Lucas 22:23, Marcos 14:29). Nagsabi pa siya ng sumpa sa kaniyang sarili nang isagot niya sa mga taong nagtanong sa kaniya: "Sumpain man ako ng langit, talagang hindi ko nakikilala ang taong iyan!" (Marcos 14:71).

Napalingon si Jesus kay Pedro. Mabigat ang kahulugan ng titig na iyon. Parang sinasabi sa kanya: “Talaga bang hindi mo ako kilala?” Mas nangibabaw ang lungkot kaniyang puso. Itinuring niya si Pedro na isa sa pinagkakatiwalaan niyang disipulo. Parang isang tabak na itinarak sa kaniyang dibdib ang pagtatwa sa kaniya ng isang malapit na kaibigan.

We should never hurt the heart of our Master who loves us unconditionally. Huwag tayong gagawa ng anumang bagay na alam nating ikakasira ng magandang imahe ng ating Diyos. We should never give Jesus and Christianity a bad name.

Remember that God is a loving and forgiving God. Matapos mamatay sa krus ni Hesus, binalikan niya si Pedro. Nakita niya ito sa dati nitong buhay—ang maging mangingisda. Kung paanong tatlong beses niyang ikinaila ni Pedro si Jesus, tatlong beses din siyang tinanong kung talagang mahal niya ang Panginoon (Juan 21:15-17). Naging madamdamin ang kaniyang tugon: “Nalalaman po ninyo ang lahat ng bagay; nalalaman ninyong iniibig ko kayo”. Muling nagningas ang init ng pagmamahal niya kay Jesus.

Anumang kasalanan ang ating nagawa, tandaan natin na mapagpatawad ang Diyos (1 Juan 1:9, Awit 103:12). He is near to those who are brokenhearted (Awit 34:18). He is a God who restores. Sa kabila ng ating kasalanan, pinili Niyang iligtas tayo (Roma 5:8). Hindi ito bunga ng ating mabuting gawa, kung hindi dahil sa kaniyang purong habag at biyaya (Efeso 2:8-9). Kalooban ng Diyos na talikdan ng lahat ang masama nilang gawi at magkaroon ng personal na relasyon kay Cristo—ang tanging daan tungo sa langit (Juan 3:16; 14:6).

Ito ang pinakadakilang mensahe ng Mahal na Araw.

Kung mahal mo si Lord, isusuko mo ang iyong BUONG buhay sa kaniya. Walang matitira sa iyong sarili. Lahat para sa kaniya. Kung hindi mo pa ito nagagawa, maaari mong nang simulan. Ngayon na.

Tuesday, March 29, 2011

Mga ARAL na itinuro sa atin ni JAN-JAN

Sabihin ninyo nang MORALISTA ang mga kumokondena sa ginawang pagpapasayaw kay Jan-jan sa Willing-Willie noong March 12.

Sabihin ninyong nang KILL-JOY ang mga hindi natuwa sa “entertainment value” (daw) ng macho-dancing ng bata.

Sabihin ninyo nang OA ang mga nagkokomento ukol sa isyu dahil gumagawa sila ng "mountains out of molehills."

Pero may isang hindi mapapasubaliang katotohanan. Bata si Jan-jan. Mura ang isipan. Wala pang muwang. Masunurin sa magulang.

Ano ang itinuturo sa atin ng kaniyang kaso?

Una, ang laban na ito ay hindi lamang para sa kaniya kundi sa lahat ng batang Pinoy. Hindi sila dapat pinaglalaruan at ginagawang instrumento ng matatanda upang magkamal ng “salapi”.

Pangalawa, maraming magulang ang hindi alam ang kanilang responsibilidad na protektahan ang kanilang mga anak. Ito ang ipinahayag ng Commission on Human Rights ukol sa isyu.

‎"The willingness of Jan-Jan’s parents to expose him, both in private and public, to a humiliating and degrading situation is child abuse. The Commission is also deeply alarmed that the abuse suffered by Jan-Jan was seen on national television and that its videos are being repeatedly watched by the public, including children."


Ito naman ang pahayag ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Dinky Soliman:

"The Department of Social Welfare and Development (DSWD) condemns the emotional abuse and humiliation bestowed on a six-year-old child contestant, during the March 12, 2011 episode of the Willing Willie show aired on TV5.

Iimbestigahin din ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang kaso:

The Board further emphasizes that whenever children are featured in television programs, producers are mandated to observe legal standards stipulated in R.A. 7610 to avoid “psychological abuse xxx cruelty, sexual abuse and emotional maltreatment” and “any act by deeds and words which debases, degrades or demeans the intrinsic worth and dignity of the child.”

Sa March 28 episode ng Willing-Willie, hindi kapani-paniwala ang sinabi ng magulang ni Jan-Jan na “macho-dancing” ang gustong-gusto ng bata kaya ito ang kaniyang ginawa. Parang sinasabi ninyo na rin na lahat ng six-year old ay may “instant knowledge” ng ganitong uri ng sayaw. Ginawa iyon ni Jan-Jan dahil may NAGTURO. Period.

Ang tanong ng iba: “Ano ang masama sa macho-dancing? Hindi ba “talent” iyon?” Pero mali ang tanong. Hindi ito usapin ng talento kung hindi “motibo” at “kaakmaan” ng sayaw. Gusto ninyo bang macho-dancing ang sayawin ng mga anak ninyo sa Kiddie Party? Wala na bang ibang sayaw na maaaring ituro sa bata?

Hindi mangmang ang Pinoy. Ang sensual dancing ay sensual dancing. Ayaw kong makita ang susunod na henerasyon ng mga musmos na ang bukambibig kapag nababagot: “Nay, Tay, sayaw naman tayo ng macho-dancing” (with matching tears).

Pangatlo, inilantad ng kaso ang kapangyarihan ng social media. Kung walang Facebook at Youtube, hindi mabubulgar ang “excesses” ng programa (na matagal nang lantad). Naganap ang eksena noong March 12. Makalipas ang isang linggo matapos ilabas ang Youtube Video, umalma ang maraming Pinoy. Naging hinog ang mga emosyon at argumento dahil sa palitan ng opinyon. May malawakang “consensus” na naabuso si Jan-Jan. Itapat mo lang ang higanteng si Bonel Balingit upang takutin ang bata at tuksuhin kung lalaban siya ay isang uri na ng “emotional abuse”.

Pang-apat, hindi dapat pinalalampas ang “iresponsableng” mga TV hosts/shows na umaabuso sa kanilang karapatan. Notorious si Willie at ang kaniyang programa sa paglikha ng “kultura ng panlilimos”. Tinatakam nila ang mga tao ng pera kaya nagkakandarapa sila (at nagkaka-stampede pa) sa pagpila sa kaniyang programa. Isinulat ng batikang manunulat na si F. Sionil Jose sa kaniyang librong, "Why we are Poor” (Termites in the Sala, Heroes in the Attic) ang kaniyang kalungkutan sa bagay na ito.

Media are largely to blame, especially the talk show host on television and some editors of entertainment and features section. They pander to the crassest tastes. Indeed, we have willfully relegated our sterling heroes in the attic where they are conveniently forgotten - while on our TV screens, are anointed with honors, we show them off like heirlooms that adorn our living rooms, not realizing they are actually the termites that will eventually bring our house down.

Hindi nagkaroon ng 400,000 hits ang Youtube Video ni Janjan dahil sinusuportahan ng marami ang Willing-Willie, kundi dahil INABUSO ng mga matatanda ang bata! Balikan natin ang sinasabi ng Panginoon sa Mateo 18:6:

Ngunit ang sinumang maging katitisuran sa isa sa mga maliliit na ito na sumasampalataya sa akin ay mabuti pang talian ng malaking gilingang bato ang kaniyang leeg at itapon sa dagat.

Huwag nating ibulid sa kasamaan ang mga musmos. Ingatan sila, protektahan at palakihin sa tamang uri ng pamumuhay.

Wednesday, March 23, 2011

HOW TO MOVE ON: C.P.R.

Sa loob ng apat na taon, inakala ni Julia na papunta na sa kasalan ang kaniyang relasyon sa kaniyang BF. Nagbago ang ihip ng hangin nang maramdaman niyang unti-unting nawawala ang init ng pagmamahal sa kaniya ng kaniyang partner. Wala nang matatamis na SMS messages at dumadalang na ang pakikipag-date. Pinilit niya itong hindi pansinin (i.e. baka busy lang talaga). Hanggang sa matanggap niya ang pangungusap ng kaniyang BF na sadyang “tuyo” na ang kaniyang damdamin para sa kaniya. Lumipas ang ilang linggo na walang komunikasyon. Walang maibigay na dahilan ang lalake sa pagkawala ng romantic spark. Walang maisip si Julia na kaniyang nagawa upang iwan siya ng kaniyang BF. She is now battling with depression.

Kapag break-ups na ang pinag-usapan, walang masaya. MASAKIT. As in MASAKIT. Ikaw ba naman ang mag-invest ng emosyon, panahon at salapi sa iyong minamahal at biglang maglalaho ang lahat. Kahit sabihin pang ginawa mo ang lahat ng iyon “out of love”, may lakas kang binuhos doon. Feeling mo, nalugi ka at "naglaho" ang kalahati ng iyong buhay.

Kung member ka ng PC- Pighati Club, you need C.P.R..

CRY. Madaling sabihin na kalimutan na ang lahat at magsimula muli. As if walang nangyari sa ilang taon na kayo ay nagkasama. Magpakatotoo ka brother/sister. Hindi masamang umiyak. Iyak lang. Kung kailangang humagulgol, hagulgol (huwag naman habang sakay ng MRT, jeep o bus). May cathartic effect ang pagluha. Ilabas ang lahat ng mabigat na emosyon. Pero sa iyong paghihinagpis, ipanalangin mo na samahan ka ni Lord. He is near to the brokenhearted at mapapagaan Niya ang iyong mga kabigatan (Psalm 34:18, Matthew 11:28). Puwede mong sabihin sa kaniya: “Lord, alam mong labis akong nalulungkot. Puwede mo ba akong yakapin?” In His presence, you can find comfort and peace.

PONDER ON WHAT HAPPENED. Habang kinakalma ang iyong kalooban, pag-isipan ang ilang bagay sa iyong buhay. Have a time of reflection. Isuko ang lahat ng galit at emosyon sa Panginoon. Madalas iniisip natin na wala tayong kasalanan sa isang natapos na relasyon. Hindi makakabuting ibunton ang lahat ng sisi sa iyong partner. Lalo ka lang magkaka-high blood. Kung wala kang ginawang masama para hiwalayan ka, maaaring may mali ka pa rin. Kasi pumili ka ng maling tao. Be ready to accept your shortcomings. Have a firm resolve not to repeat your blunders. Ganundin, tingnan ang lahat ng pagsubok sa buhay bilang magagandang aral. Remember that all things can work together for those who love God (Romans 8:28).

REBOUND. Decide to move on. Ang pagbangon mula sa mapait na karanasan ay isang desisyon. May panahon ng pagluluksa. May panahon din ng pagsisimula. Huwag sirain ang iyong buhay dahil lamang sa isang “glitch” sa isang episode ng iyong personal na telenovela. Warning: sa panahon ng emotional recovery, huwag agad tatalon sa isang relasyon. A recuperating heart is susceptible to emotional mistakes. You can make a happy ending lalo na kung si Lord ang director ng iyong buhay. Kaya Niyang bigyan ka ng partner na mag-aalaga sa iyong puso. As you wait for Mister/Miss Right, be the RIGHT person. Gamitin ang iyong mapait na karanasan upang tulungan ang iba. Ika nga ni Henri Nouwen, we are all "wounded healers".

Wednesday, February 16, 2011

SPREAD THE LOVE

Ito ang buwan na nagkukulay pula ang sanlibutan (i.e. pulang damit, pulang sapatos at marami pang pula), bumabango ang paligid dahil sa halimuyak ng mga bulaklak at maraming nagkakaroon ng “sweet tooth” dahil sa paglipana ng Toblerone, Hershey’s, Truffles at Chocnut/Haney bilang panregalo. Kapansin-pansin ang pagtaas ng benta ng romantic cards at love merchandise. Hindi rin mapapsubalian ang “intimate moments” ng maraming magsing-irog. Punong-puno ang reservations ng mga hotels at motels, ganundin ang mga Love-a-Palooza events.

Kaya para sa mga walang “significant other” na nakakasaksi sa lahat ng ito, maituturing na SAD ang Valentine’s Day (Single Awareness Day).

Bakit nga ba may Valentine’s Day? Kailangan ba talagang i-celebrate ang araw na ito? O tanggalin na lamang sa kalendaryo?

Hindi magkasundo ang mga historians sa tunay na pinagmulan ng tradisyon. Ayon sa Catholic Encyclopedia, may tatlong santong Valentino na naging martir sa ika-14 ng Pebrero. Isang kuwento ang nagsasabing isang Obispo si Valentino na nagdaos ng mga sikretong kasal ng mga sundalong Romano at kanilang mga nobya noong panahong ipinagbawal ni Emperador Claudius II ang pag-aasawa. Nahirapan kasi ang Imperyo Roma na makakuha ng mga sundalo dahil ayaw ng mga kalalakihan na iwan ang kanilang mga mahal sa buhay. Sa isa pang kuwento, idineklara raw ni Pope Gelasius noong 469 A.D. ang ika-14 ng Pebrero bilang araw ni San Valentino upang kalabanin ang Feast of Lupercalis/Lupercalia, isang fertility festival na isinasagawa tuwing ika-15 ng Pebrero.

Ano pa man ang kasaysayan ng pagdiriwang—pagano o Cristiano man ang pinagmulan—gamitin natin ang pagkakataon upang ipakita sa lahat ang pag-ibig ng Diyos (1 John 4:7-8). Kung malusog ka, donate ka ng dugo sa Red Cross. Bigyan mo ng appreciation notes o flowers ang iyong boss, guro, kaibigan o mahal sa buhay. Pagpahingahin mo si nanay sa paghugugas ng pinggan at paglalaba ng damit. Ikaw naman ang gumawa ng gawaing bahay. This can also be an opportune time to settle conflicts with your enemies.

Hindi lamang tayo dapat nakatuon sa “romantic element” ng Valentine’s Day. Hindi kailangang mamigay ng “condom” sa Valentine's Day kung ang pagtingin sa pag-ibig ay hindi nakatuon sa pisikal na pagniniiig ng katawan. Sex is not the end-all and be-all of a serious, committed relationship! Mas dapat nating pahalagahan ang pagtuunan ng pansin ang pagpapakita ng katapatan at kalinisan ng kalooban. Sa mga singles, celebrate your independence and offer the prime years of your lives for the greater glory of God.

Lagi nating balikan ang naganap sa Krus ng Kalbaryo—kung saan ipinakita ng Diyos ang pinakadakilang pag-ibig sa lahat. He showed himself as the greatest lover of all by giving His Son, Jesus Christ, to die on the cross for our sins (John 3:16, Romans 5:8). We are missing the greatest message of the season if our love is not founded on the real source of it.

This Love Month, palitan ang Facebook Status: In a Relationship (With Jesus).

Sunday, January 16, 2011

Finally a new Constitution in 2011? by Fr. Joaquin Bernas

WILL WE have a new Constitution before 2011 ends?

But before that, let me just again say that I have never claimed that the 1987 Constitution is perfect. It is the Constitution, warts and all, which the Filipino people overwhelmingly ratified after we emerged from the dark era of martial rule. But no matter what the circumstances of its birth are, no constitution is ever perfect. A constitution, although more enduring than statutes, is always a work in progress. Even the US Constitution, the oldest in the world, is a work in progress. Ours is, and one of these days, it will have to yield to change. Is 2011 the year?

I don’t think it matters constitutionally that the President does not consider constitutional change a matter of urgency. If you look at the text of the Constitution, you will see that the President is not given a role in the amendatory process. He will have a decisive role only if Congress is willing supinely to follow his dictation. Gloria Macapagal-Arroyo was for constitutional change, but her wanting it brought her nowhere. Now she is where the decision to change or not to change matters.

Having said that, let us first look at what has happened to attempts at constitutional change so far. Next month the Constitution will complete its 24th year. Through all these years it has remained untouched. It has lasted unchanged longer than either the 1935 Constitution or the 1973 Constitution. The 1935 Constitution underwent change almost immediately after its birth, first, by giving suffrage to women, and a little later by moving from a unicameral National Assembly to a bicameral Congress. As to the 1973 Constitution, it was not what the Constitutional Convention of 1971-1972 had intended and, during its brief lifetime, it underwent several major changes.

If the 1987 Constitution has resisted change to this date, it is not because it is a perfect Constitution nor is it for want of attempts to change it. Almost every year attempts at constitutional change have been made. None has succeeded.

In my view, one major obstacle to attempts to revise the 1987 Constitution is structural. It has a built-in unintended obstacle to change. And I do not know how this can be overcome this year.

In many respects the 1987 Constitution consists of significant borrowings from the 1935 Constitution. Unfortunately, however, the provision on the amendatory process is a carbon copy of the provision in the 1973 Constitution. Year after year since 1987 this has been the major obstacle to change. Why so?

The text says: “Any amendment to, or revision of, this Constitution may be proposed by: (1) The Congress, upon a vote of three-fourths of all its Members; or (2) a constitutional convention. . . . The Congress may, by a vote of two-thirds of all its Members, call a constitutional convention, or by a majority vote of all its Members, submit to the electorate the question of calling such a convention.”

The provision is one formulated for a unicameral legislative body but it is now meant to work for a bicameral Congress. This was not a tactical product designed by an evil genius. It is merely the result of oversight. But the oversight has spawned major problems.

First, must Senate and House come together in joint session before they can do anything that can lead to charter change? The 1935 Constitution was very clear on this question: Congress could not begin to work on constitutional change unless they first came together in joint session. The 1987 Constitution is non-committal.

Second, since the text of the Constitution is not clear about requiring a joint session, can Congress work on constitutional change analogously to the way it works on ordinary legislation, that is where they are and as they are? I have always maintained that Congress can, but this is by no means a settled matter. There are those who believe that the importance of Charter change demands a joint session.

Third, should Congress decide to come together in joint session, must Senate and House vote separately or may they vote jointly? The 1935 Constitution was very clear on the need for separate voting; the present Constitution is silent about this. But I am sure that the Senate will not agree to a joint voting where their number can be buried in an avalanche of House votes, an avalanche of votes which can mean the abolition of the Senate! How will this issue be settled? Howsoever the matter might be settled by agreement of the majority of both houses, someone in the minority will run to the Supreme Court to challenge the decision.

What about a constitutional convention? But the business of calling a constitutional convention is fraught with the same problems. Should Congress choose to call a constitutional convention, must the two houses be in joint session? And if in joint session, should they vote separately?

Briefly, constitutional change in 2011 or later can happen only if the members of Congress can agree to work in harmony and if the Supreme Court will not throw a monkey wrench on how Congress decides to do it. Can the members of Congress rise above self-interest and work together harmoniously? Or are we waiting for an extra-constitutional change?

Source: http://opinion.inquirer.net/inquireropinion/columns/view/20110117-314896/Finally-a-new-Constitution-in-2011

Thursday, January 06, 2011

NEW YEAR ATTITUDES

FORGET the Baggage of the Past

* Philippians 3:13-14-My brothers, I do not count myself to have taken possession, but one thing I do, forgetting the things behind and reaching forward to the things before, I press toward the mark for the prize of the high calling of God in Christ Jesus.

* Isaiah 43:18-19- But the LORD says, "Do not cling to events of the past or dwell on what happened long ago. Watch for the new thing I am going to do. It is happening already---you can see it now! I will make a road through the wilderness and give you streams of water there.

Be FRESH

* Ephesians 4:24 - And you should put on the new man, who according to God was created in righteousness and true holiness.

* Matthew 9:16-17- No one puts a piece of new cloth onto an old garment; for that which is put in to fill it up takes from the garment, and the tear is made worse. Nor do men put new wine into old wineskins; else the wineskins burst, and the wine runs out, and the wineskins perish. But they put new wine into new wineskins, and both are preserved together.

Look FORWARD

* Habakkuk 2:2-3-And Jehovah answered me and said, Write the vision, and make it plain on the tablets, that he who reads it may run. For the vision is still for an appointed time, but it speaks to the end, and it does not lie. Though it lingers, wait for it; because it will surely come. It will not tarry.

* Psalm 37:5-6-Give yourself to the LORD; trust in him, and he will help you; he will make your righteousness shine like the noonday sun.

Have FAITH

* Mark 11:23-24- For truly I say to you that whoever shall say to this mountain, Be moved and be cast into the sea, and shall not doubt in his heart, but shall believe that what he said shall occur, he shall have whatever he said. Therefore I say to you, All things, whatever you ask, praying, believe that you shall receive them, and it will be to you.

Receive God’s FAVOR

* Deuteronomy 28:1-2-And it will be, if you shall listen carefully to the voice of Jehovah your God, to observe and to do all His commandments which I command you today, Jehovah your God will set you on high above all nations of the earth. And all these blessings shall come on you and overtake you, if you will listen to the voice of Jehovah your God.

Monday, December 20, 2010

SNP, not SMP (Malamig ba ang iyong Pasko?)

Kawawa ka naman at single ka ngayong pasko
ilang taon ka nang ganyan
ka-date mo na naman ang nanay mo at
bibili na lang ng Christmas card
at susulatan ko na lang ito
ng Merry Christmas happy new year - to me


-Christmas Single by Rocksteddy


Ngayong Pasko, walang epekto ang Global Warming.

Lalo na sa mga mga miyembro ng SMP (Samahan ng Malalamig ang Pasko) at LHC (Lonely Hearts Club). Sila ang mga singles na hindi pa nakakahanap (o nahahanap?) ng kanilang significant other, kaya walang mayakap sa gitna ng malamig na simoy ng hanging Amihan.

Pero dapat ba talagang magkaroon ng ka-partner para maging “mainit” ang Holiday season? Tama ba ang mensahe ng awit ng Rocksteddy na “kawawa” ang mga singles ngayong Pasko?

Of course not. Hindi natin dapat tingnan ang Kapaskuhan bilang pagkakataon upang pumasok sa isang relasyon bunga ng kabi-kabilang “pressures” ng mga taong nakapaligid sa atin.

Sa katunayan, kung magsasama-sama ang mga SMP members, siguradong mawawala ang kanilang kalumbayan at iinit ang kanilang Kapaskuhan.

See singlehood as a blessing, not a curse. Kung single ka, you will have more time for yourself, family and friends. Kung single ka, malaya kang makakakilos at magplano ukol sa maraming bagay dahil hindi ka nakatali sa isang relasyon tulad ng mga doubles (iyong may mga ka-relasyon).

Being an SMP is a state of mind. SANAYAN lang daw iyan. Kung nakasandig ang iyong kaligayahan sa pagkakaroon ng partner, baka ma-frustrate ka sa maraming pagkatataon. Because people can fail you. Ngunit kung masaya ka sa iyong kalagayan, hindi mo kailangan ng partner upang sumaya.

Gusto mo ba talagang uminit ang iyong Pasko?

Yakapin mo ang iyong mga mahal sa buhay. Wala pa ring tatalo sa pagmamahal ng pamilya. Iwan ka na ng lahat ng iyong kaibigan, babalik at babalik ka sa yakap ng mga tunay na nagmamahal sa iyo. Blood will always be thicker than water. At kung kabilang ka sa isang dysfunctional family, find your joy in the Lord. King David once wrote: Though my father and mother forsake me, the LORD will receive me (Psalm 27:10).

Higit sa lahat, ituon mo ang iyong puso at kaluluwa sa greatest LOVER of all—ang Panginoong Hesus. Christmas is not about us. Hindi ang love interest/partner natin ang magpapatingkad sa Pasko, kung hindi ang Panginoon na siyang ipinanganak sa sabsaban, inalay ang kaniyang buhay sa Krus ng kalbaryo at tumubos sa makasalanang sangkatauhan.

If you really want to make your Christmas meaningful, ibang organisasyon dapat ang sinasamahan mo. Hindi SMP, kung hindi SNP- Samahan ng Nagmamahal sa Panginoon!

May you always find yourself LOVESTRUCK with the Lord.

Maligayang Pasko at mapagpalang Bagong Taon!

Tuesday, November 16, 2010

Ang Kuwento sa likod ng librong LOVESTRUCK

Maraming nagtatanong sa akin kung may mapait akong karanasan sa pag-ibig kung kaya naisulat ko ang librong LOVESTRUCK. Ang nangigibabaw na motiff kasi ng libro ay "Dump Recreational Dating" at "Be Single-Minded". Ang aking sagot: OO.

Ilang beses akong nasaktan nang makita ko ang aking mga kaibigan at mahal sa buhay na lumuluha bunga ng pagpasok sa relasyon sa maling panahon, maling dahilan, at maling partner. Hindi naman sila kailangang masaktan pero nalugmok sa kalungkutan dahil sa mga maling desisyon. Emotional wounds are difficult to heal. Sa isip ko: ayaw ko nang makita ang ganitong mga scenario.

Isang beses lang ako lumuha dahil sa pag-ibig (or should I say, infatuation) at hindi na iyon nasundan. Ito ay noong sabihin sa akin ng niligawan ko noong 2nd year high school na mas “type” niya ang kaibigan ko kaysa sa akin. Iyon ang unang “Ouch Baby” moment ko. Pero nakapag-move on ako. Hindi sa pamamagitang ng pag-rebound sa isa pang relasyon, kung hindi dahil sa pagmumuni-muni sa kalooban ng Diyos sa aking love life.

Sa mga teenagers at estudyante na gusto nang magkaroon ng BF/GF sa lalong madaling panahon, baka ma-frustrate kayo sa laman ng libro. Sa mga mayroon nang "significant other", I want you to step back and reflect on your relationship kung ito ay "pleasing" pa kay Lord.

Ang mikrobyo, hindi bine-baby. Maraming mikrobyo sa isipan ng mga kabataan ngayon na gusto kong i-genocide. Isa na dito ang kaisipang OK lang mag-BF/GF para mas maging “enjoy” at “adventurous” ang buhay single, dahil cute ang magkaroon ng ka-partner at para mapunan ang pangangailangan sa atensyon. Ang mga problemang ito ay hindi masosolusyunan ng recreational dating (read the book to appreciate its meaning).

Ang RATED: PG ang pinakamalapit sa aking puso. For a great reason. The book desires to redeem the lost principle of parental guidance. Akala ng maraming kabataan, puwede nang ietse-puwera ang kanilang mga magulang dahil hindi naman sila ang involved sa relasyon. MALING-MALI. Our parents are tasked by God to care for us. Walang matinong magulang ang magpapahamak sa kanilang anak. Moreover, masarap ang feeling kung aprubado ng magulang natin ang ating relasyon at ka-relasyon. Iwasan na ang Romeo-Juliet love affair.

Motibasyon ko naman sa pagsulat ng "Let's Talk about S", ang pinakamahabang chapter ng libro, ang dumaraming kaso ng teenage pregnancy. Maraming “nakakalunok ng pakwan” at “nagtatanim ng pakwan” dahil sa kawalan ng gabay (ng magulang at Salita ng Diyos). At kapag nabuntis ang dalaga, ira-rationalize pa ang pangyayari na ang “baby” ay gift from the Lord. At walang masama doon. Totoo ito. Walang kasalanan ang bata. Pero ang tanong, maituturing ba kayong “gift” sa anak ninyo? Maraming sirang pamilya dahil maraming mga kabataan ang nag-aasawa ngunit hindi pa handang maging magulang. Kaya kawawa ang mga anak. Isa ito sa nais sugpuin ng libro.

Ukol naman sa 6:14 Rule Chapter, minabuti kong ilagay ang paksa dahil na rin sa aking nadiskubre--pagdating sa pakikipagrelasyon, halos walang ipinagkaiba ang pagtanaw ng mga kabataan na nasa loob ng simbahan at ang mga kabataang hindi bahagi ng iglesya. Ito ang dahilan kung bakit madaling binabalewala ng maraming "churched youth" ang kalooban ng Panginoon ukol sa pakikipagrelasyon sa mga "unbelievers". Our relationship must be surrendered to the Lordship of Christ.

Kung may concerns at tanong kayo, just PM me in my website: www.kuyaronald.multiply.com and/or email me at rcmolmisa@gmail.com. God bless YOUth!

Tuesday, October 19, 2010

REPRODUCTIVE HEALTH AT RELIGIOUS HYPE

Mahigit isang dekada nang isinusulong sa Kongreso ang Reproductive Health Bill o House Bill 96, subalit patuloy na umaani ng pagtuligsa lalo na mula sa Simbahang Katoliko. Ang epekto: tinatabunan ng mga debate at religious demonstrations ang agarang pagtugon sa lumalalang kaso ng mga kababaihang namamatay bunga ng kawalan ng impormasyon at serbisyo patungkol sa reproductive health. Bawat araw, labing-isang (11) kababaihan ang pumapanaw bunga ng kumplikasyon sa pagbubuntis at panganganak.

Ang RH Bill ay bahagi ng pagsunod ng pamahalaan sa hinihingi ng Millenium Development Goals (MDG) na pababain ang bilang ng namamatay na kababaihan bunga ng kumplikasyon sa panganganak. Ang target ay mula sa 162 sa bawat 100,000 panganganak hanggang sa 52 sa taong 2015.

Ang RH Bill ay tugon din sa nakakadismayang epekto ng kasalukuyang sistema na nagbibigay sa mga lokal na pamahalaan ng kapangyarihang magtakda ng reproductive health programs para sa kanilang nasasakupan. Kung maisasabatas ang panukala, mas iigting ang pagtatayo ng mga maternal health care centers sa bawat barangay, pag-aaruga sa mga biktima ng post-abortion complications, ang pagtuturo ng age-appropriate sex education sa lahat ng estudyante mula Grade 5, at marami pang iba. Walang kinikilingang uri ng family planning method ang RH Bill—mapa-natural man o artificial. Ang bagay na ito ay nakatuntong sa prinsipyo ng “informed choice”. Karapatan ng bawat Filipino na malaman ang iba’t ibang uri ng family planning methods upang makabuo ng isang matalinong desisyon.

Nakakalungkot isipin na kinakailangan pang magpasa ng batas upang mas epektibong masolusyunan ang tumataas na kaso ng maternal deaths. Ngunit sa gitna ng mga alingasngas at kalituhan ukol sa laman at layunin ng RH Bill, maiging balikan natin ang sinasabi ng Salita ng Diyos pagdating sa usapin ng family planning.

Bagaman tahimik ang Bibliya sa paggamit ng contraceptives, ang pagpa-plano sa pamilya ay ayon sa kalooban ng Diyos na maging mabuti ang pamumuhay ng bawat batang iluluwal sa daigdig. Sinabi Niya sa ating unang mga magulang sa Genesis 1:28- "Magpakarami kayo at punuin ng inyong mga supling ang buong daigdig, at pamahalaan ito..”. Natuon ang atensiyon ng marami sa salitang “magpakarami” ngunit nakakalimutan ang kahalagahan ng salitang “pamahalaan.” Binigyan ng kapangyarihan ng Diyos ang tao na alagaan ang kaniyang mga nilikha. At bahagi ng responsibilidad na ito ang pagtatakda sa tamang dami ng anak na kayang alagaan ng mag-asawa.

Nasa kamay ng mag-asawa ang pagdedesisyon kung sino at ano ang kanilang susundin pagdating sa dami ng anak na kanilang nais. Ang trabaho ng Simbahan ay “gabayan” at hindi “pakialaman” ang pagpapatakbo ng pamilya. Ang mag-asawa ang may karapatang maghusga kung anong uri ng family planning method ang kanilang susundin, ayon sa kanilang konsensiya at pananampalataya. Ganunpaman, kailangang maisaayos rin ang kanilang pananaw sa pagkakaroon ng anak. Usapin ito ng puso at motibasyon sa pagpapamilya. Ayon sa Awit 127:3-5, ang mga sanggol ay regalo mula sa Diyos. Hindi dapat gamitin ang mga natural at artificial contraceptives upang umiwas sa responsibilidad ng pagkakaroon ng supling. Hindi dapat tingnan na “pabigat” ang pagkakaroon ng anak, dahil kaakibat ng pag-aasawa ang pagkakaroon ng supling. Kung ayaw mong magka-anak, hindi ka dapat pumasok sa pag-aasawa.

Ang RH Bill ay hindi lamang usapin ng pananampalataya kung hindi maging ng masusing pag-aaral sa larangan ng medisina. Isang dahilan ng paglala ng problema ay ang mga maling paniniwala ukol sa reproductive health. Iwaksi ang mga “conspiracy theories” ukol sa layuning ng RH Bill. Huwag tayong gumawa ng sarili nating multo. Hindi ini-endorso ng HB 96 ang abortion bilang paraan ng family planning. Para sa Simbahang Katoliko, “natural family planning” lamang ang katanggap-tanggap dahil ang ibang pamamaraan ay maaring humantong sa “abortion.” Walang malinaw na basehan ang akusasyong ito.

Kung usapin naman kung kailan nagsisimula ang buhay ng sanggol—sa “conception” ba o “implantation sa uterus ng babae”, hati rin ang opinyon ng mga doktor at taong-simbahan. Kailangan ding sagutin ang tanong, "When does life begin?"

Mas kailangang pagtuunan ng pansin ang mga problemang nararanasan ng sambayanan, higit sa mga ideyolohikal na konsiderasyon. Bakit natin pipigilan ang isang batas na makapagliligtas ng maraming buhay? Ang HB 96 ay isang mabisang paraan upang matupad ang pahayag ni Thoraya Ahmed Obaid, executive director ng UN Population Fund (UNFPA). Ika niya, “No woman should die giving life.”

Saturday, August 14, 2010

TAWAG NG KARUNUNGAN Editorial: Paglaganap ng STD

Isang survey ng UP Population Institute (UPPI) ang pumukaw sa atensyon ng sambayanan noong Enero. Ang paksa: ang paglaganap ng sexually transmitted diseases (STDs) sa mga young professionals sa call center companies. Pinag-aralan nito ang uri ng pamumuhay ng 675 na call center agents sa Metro Manila at Metro Cebu, at kinumpara sa pamumuhay ng mahigit 200 na propesyunal na nagtatrabo sa ibang industriya.

Lumabas sa pag-aaral namalapit sa paggawa ng mga mapanganib nagawaing sekswal ang mga call center agents. Bahagi na ng kanilang kultura ang pagkakaroon ng "sex buddies" o sex partner na hindi ka-relasyon. Maraming kasong same-sex intercourse lalo na sa mga kalalakihan. Bagaman mataas ang kanilang kaalaman ukol sa STDs katulad ng HIV-AIDS virus, marami sa kanila ang hindi masyadong nababagabag sa sakit. Kakabit ng ganitong life style ang mgakalagayang nakakaapekto sa kanilang kalusugan tulad ng "unhealthy diets", hindi sapat na oras na pagtulog, paninigarilyo at pag-inom ng alak.

Sa isang konserbatibong bayan tulad ng Pilipinas, nakakagulantang ang mga estadistikang ito. Mas pinatingkad nito ang resulta ng naunang pag-aaral ukol sa sexual behavior ng kabataang Pinoy. Ayon sa Young Adult Fertility and Sexuality III na inilabas noong 2002, at isinagawa rin ng UPPI, 5 milyon o 23 porsyento ng kabataang Filipino edad 15 hanggang 24 ang nakibahagi na sa premarital sex (PMS). Nagsisimula silang makipagtalik sa edad na 18 kung saan sila ay nasa ikalawang taon ng kolehiyo.

Ang paglaganap ng STDs sa ating bayan ay bunga ng maraming bagay. Kailangang atakihin natin ang problema sa iba't ibang anggulo. Halimbawa, mahalagang solusyunan ang kawalan ng trabaho sa ating bayan na sanhi ng pagpunta ng ating kababayan sa ibang bansa na siya namang bumibiyak sa pamilyang Filipino. Dahil malayo sa mahal sa buhay, maraming OFWs ang naghahanap ng sekswal na relasyon. Sila ang isa sa mga most vulnerable groups pagdating sa STDs.

Kailangan ding bantayan ang mga impormasyon nasasagap ng maraming kabataan mula sa media at kanilang mga kabarkada. Maraming kabataan ang nabababad sa mga mensaheng sekswal na siyang nagiging paksa ng usapan ng magkakabarkada. Ilang pag-aaral din ang nagsasabi na ang mga kabataang nakikipagtalik sa murang edad ay madalas na dumidikit sa mga kabarkadang gumagawa rin nito.

Hindi rin mapasusubalian ang pagsasagawa ng mga "age-appropriate" sex education upang mabigyan babala ang mga kabataan sa panganib ng STDs at iresponsableng pakikipagtalik. Maraming nabibiktima dahil sa kakulangan ng kaalaman. Iwaksi na natin ang kaisipang hindi dapat pag-usapan ang sex dahil isa itong "maruming" paksa.

HIGIT SA LAHAT, ang pagsugpo sa paglaganap ng STDs ay usapin, unang-una, ng moralidad. At kung mabuting pagpapahalaga ang pag-uusapan, kailangan nating balikan at isabuhay ang Salita ng Diyos.

Sa 1 Tesalonica 4:7 makikita na hangarin ng Diyos na mabuhay tayo sa kalinisan at hindi sakahalayan Ang pakikipagtalik sa maling dahilan, maling panahon at maling tao ay magdadala sa atin sa kapahamakan. Sinisira natin ang ating katawan tulad ngsinasabi sa 1 Corinto 6:18. Ganundin, mayroon itong epekto sa mga taong nakapaligid sa atin. Basahin ang naging bungang pakikiapid ni Haring David sa 2 Samuel 12:1-25. Nagkalamat ang kaniyang relasyon kay Yahweh. Pinatay niya ang kaniyang sundalong si Urias. Namatay ang kaniyang panganay na anak kay Batseba. At sinundan ng trahedya ang kaniyang mga anak at mahal sa buhay.

Marami ang hindi masyadong natatakot sa STDs dahil hindi agad nakikita ang kanilang masamang epekto. Ang ilan tulad ng gonorrhoea at syphilis ay tumatagal pa ng ilang buwan o taon bago maramdaman ang sintomas. At kung ikaw ay sadyang "promiscuous" o walang patumanggang nakikipagtalik sa kung sino-sino, maari mong ipasa ang sakit sa iba nang hindi mo nalalaman.

Sa isang henerasyon na nagwawagayway ng "indibidwalismo" at sumusunod sa agos ng "sexual revolution" ,dapat lamang na maging aktibo ang lahat ng Cristiano sa pagsugpo ng mga maling kaisipan at pagpapahalaga sa sex. Ang panlaban sa mga maling kaisipan ay ang katotohanan ng Bibliya na dapat ituro sa loob ng tahanan. At kung hindi kayang gampanan ng mga magulang ang kanilang papel bilang unang guro ng kanilang mga anak, kailangang laging handang umalalay ang simbahan.

Pag-isipan natin ito. Kung matindi ang ating kampanya laban sa masamang bunga ng paninigarilyo, bakit hindi rin tayo gumawa ng mga karatula na ipapaskil sa mga pampublikong lugar na nagsasabing, "Premarital Sex/Sex with Multiple Partners is Dangerous to your health"?

Ito po ang SA GANANG AMIN ni Ronald Molmisa ng Institute for Studies in Asian Church and Culture, naghahatid ng mga pananaw na tumutugon sa mga hamon ng ating panahon...

Tuesday, July 27, 2010

SEX EDUCATION, Anyone?

Amidst the brouhaha caused by Catholic Bishops Conference of the Philippines's (CBCP) rejection of sex education modules introduced by former DepEd secretary Monico Valisno, cases of premarital sex resulting in teenage pregnancies continue to soar. The debate not only touches on the moral and legal acceptability of the instructional materials but it also reveals the dynamics of power between the Roman Catholic Church and the Philippine government. Fact: The ghost of frailocracy still haunts us.

The ruckus commenced when former Department of Health chief Esperanza Cabral started distributing condoms last Valentine’s Day as part of the education campaign against HIV-AIDS. Cabral gained the ire of the bishops and politico-religious conservatives who considered the program as a misuse of public funds and an encroachment to the private lives of citizens.

The controversy was followed by the move of former DepEd secretary Valisno to introduce sex education to basic education curriculum. DepEd Memorandum No. 26 called for the integration of reproductive health concerns into the existing Population Education (PopEd) program for elementary and secondary school students.

The CBCP and the Ang Kapatiran Party filed a class suit against the sex education proposal saying that it “assaults the values and moral sensibilities of the youth." Weeks after, a Quezon City court dismissed their petition for a temporary restraining order.

SPECTRUM OF OPINIONS
The prelates have been, time and again, accused of clinging to Jurassic values which are incompatible to the needs of the time. Critics say that they should never engage in issues which are simply not their domain. Simply put, if they are really sexually abstinent, how can they speak on the topic of sex?

The president, a Catholic, already declared that "zero education” “might lead to wrong decisions." It is imperative that young people are educated regarding the concern.

Lingayen Archbishop Oscar Cruz believes that sex education should start at an early age. This, however, must be complemented by systematic and effective training of teachers.

The current DepEd chief has been silent on the issue, saying “sex education” is not a priority in the first two years of Aquino administration. Nonetheless, his department will initiate consultations on the matter.

Others perceive the teaching of sex education as an instrument of promoting promiscuity. This does not have any scientific and empirical basis. A UN-funded research reveals that sexuality education rarely, if ever, leads to early sexual initiation. It must be noted that 1998 Aids Prevention Act (Republic Act 8504) already calls for HIV/AIDS education in schools.

ENGAGE THE PARENTS

Parties are barking at the wrong tree. Let set the records straight. The main culprit in the increasing number of teenage pregnancies are parents themselves who do not assume their primary role in educating their children about responsible sexuality. As Professor Randy David puts its

...the family is indeed the primary school for love and intimacy. But, when the family drops these values in favor of other values like money or power, it quickly loses its distinguishing mark as an institution. The resulting gap is never adequately filled by other institutions—not by the school or by the church. When the family fails to deliver on its basic nurturing functions, the impact on society is incalculable...”

If parents neglect their responsibility to educate the youth about human sexuality, the government and religious organizations often feel that they should take the cudgels to combat the problems caused by such negligence. But, the influence of social institutions is minimal compared to the relational pressure parents exert over their children. The government is legally-bound to only complement, and not supplant the job of parents, as written in Article 2, Section 12 of the Constitution.

The State recognizes the sanctity of family life and shall protect and strengthen the family as a basic autonomous social institution. It shall equally protect the life of the mother and the life of the unborn from conception. The natural and primary right and duty of parents in the rearing of the youth for civic efficiency and the development of moral character shall receive the support of the Government.

One of the main fears of the Catholic Church is the lack of competent teachers who would handle sex education seminars. The values of the facilitators can easily reflect on their pedagogy. The bishops are not also comfortable with the term "sex education", which according to them is ladened with sensual meaning. They would rather call it as a seminar on human sexuality.

Sex education during my high school years came as a shock because those who introduced it to my “virgin” mind were more concerned with the mechanics of sex. Instead of focusing on more relevant issues (i.e. effects of population growth and spread of Sexually-Transmitted Diseases), we were more exposed to the rudiments of fellatio and cunnilingus.

Communication between the church and parents is crucial in this regard. If families find the topic of sex too hot to handle, they can request their religious denomination to provide proper guidance. Article 14, Section 3(3) of the Constitution provides for the following:

At the option expressed in writing by the parents or guardians, religion shall be allowed to be taught to their children or wards in public elementary and high schools within the regular class hours by instructors designated or approved by the religious authorities of the religion to which the children or wards belong, without additional cost to the Government.

Monday, July 26, 2010

PNoy's First State of the Nation Address (SONA) Transcript

Mga minamahal kong kababayan:

Sa bawat sandali po ng pamamahala ay nahaharap tayo sa isang sangandaan.

Sa isang banda po ay ang pagpili para sa ikabubuti ng taumbayan. Ang pagtanaw sa interes ng nakakarami; ang pagkapit sa prinsipyo; at ang pagiging tapat sa sinumpaan nating tungkulin bilang lingkod-bayan. Ito po ang tuwid na daan.

Sa kabilang banda ay ang pag-una sa pansariling interes. Ang pagpapaalipin sa pulitikal na konsiderasyon, at pagsasakripisyo ng kapakanan ng taumbayan. Ito po ang baluktot na daan.

Matagal pong naligaw ang pamahalaan sa daang baluktot. Araw-araw po, lalong lumilinaw sa akin ang lawak ng problemang ating namana. Damang-dama ko ang bigat ng aking responsibilidad.

Sa unang tatlong linggo ng aming panunungkulan, marami po kaming natuklasan. Nais ko pong ipahayag sa inyo ang iilan lamang sa mga namana nating suliranin at ang ginagawa naming hakbang para lutasin ang mga ito.

Sulyap lamang po ito; hindi pa ito ang lahat ng problemang haharapin natin. Inilihim at sadyang iniligaw ang sambayanan sa totoong kalagayan ng ating bansa.

Sa unang anim na buwan ng taon, mas malaki ang ginastos ng gobyerno kaysa sa pumasok na kita. Lalong lumaki ang deficit natin, na umakyat na sa 196.7 billion pesos. Sa target na kuleksyon, kinapos tayo ng 23.8 billion pesos; ang tinataya namang gastos, nalagpasan natin ng 45.1 billion pesos.

Ang budget po sa 2010 ay 1.54 trillion pesos.

Nasa isandaang bilyong piso o anim at kalahating porsyento na lang ng kabuuan ang malaya nating magagamit para sa nalalabing anim na buwan ng taong ito.

Halos isang porsyento na lang po ng kabuuang budget ang natitira para sa bawat buwan.

Saan naman po dinala ang pera?

Naglaan ng dalawang bilyong piso na Calamity Fund bilang paghahanda para sa mga kalamidad na hindi pa nangyayari. Napakaliit na nga po ng pondong ito, ngunit kapapasok pa lang natin sa panahon ng baha at bagyo, 1.4 billion pesos o sitenta porsyento na ang nagastos.

Sa kabuuan ng 108 million pesos para sa lalawigan ng Pampanga, 105 million pesos nito ay napunta sa iisang distrito lamang. Samantala, ang lalawigan ng Pangasinan na sinalanta ng Pepeng ay nakatanggap ng limang milyong piso lamang para sa pinsalang idinulot ng bagyong Cosme, na nangyari noong 2008 pa.

Ibinigay po ang pondo ng Pampanga sa buwan ng eleksyon, pitong buwan pagkatapos ng Ondoy at Pepeng. Paano kung bumagyo bukas? Inubos na ang pondo nito para sa bagyong nangyari noong isang taon pa. Pagbabayaran ng kinabukasan ang kasakiman ng nakaraan.

Ganyan din po ang nangyari sa pondo ng MWSS. Kamakailan lamang, pumipila ang mga tao para lang makakuha ng tubig. Sa kabila nito, minabuti pa ng liderato ng MWSS na magbigay ng gantimpala sa sarili kahit hindi pa nababayaran ang pensyon ng mga retiradong empleyado.

Noong 2009, ang buong payroll ng MWSS ay 51.4 million pesos. Pero hindi lang naman po ito ang sahod nila; may mga additional allowances at benefits pa sila na aabot sa 160.1 million pesos. Sa madaling sabi, nakatanggap sila ng 211.5 million pesos noong nakaraang taon. Beinte-kuwatro porsyento lang nito ang normal na sahod, at sitenta’y sais porsyento ang dagdag.

Ang karaniwang manggagawa hanggang 13th month pay plus cash gift lang ang nakukuha. Sa MWSS, aabot sa katumbas ng mahigit sa tatlumpung buwan ang sahod kasama na ang lahat ng mga bonuses at allowances na nakuha nila.

Mas matindi po ang natuklasan natin sa pasahod ng kanilang Board of Trustees. Tingnan po natin ang mga allowances na tinatanggap nila:

Umupo ka lang sa Board of Trustees at Board Committee meeting, katorse mil na. Aabot ng nobenta’y otso mil ito kada buwan. May grocery incentive pa sila na otsenta mil kada taon.

Hindi lang iyon: may mid-year bonus, productivity bonus, anniversary bonus, year-end bonus, at Financial Assistance. May Christmas bonus na, may Additional Christmas Package pa. Kada isa sa mga ito, nobenta’y otso mil.

Sa suma total po, aabot ang lahat ng dalawa’t kalahating milyong piso kada taon sa bawat miyembro ng Board maliban sa pakotse, technical assistance, at pautang. Uulitin ko po. Lahat ng ito ay ibinibigay nila sa kanilang mga sarili habang hindi pa nababayaran ang mga pensyon ng kanilang mga retirees.

Pati po ang La Mesa Watershed ay hindi nila pinatawad. Para magkaroon ng tamang supply ng tubig, kailangang alagaan ang mga watershed. Sa watershed, puno ang kailangan. Pati po iyon na dapat puno ang nakatayo, tinayuan nila ng bahay para sa matataas na opisyal ng MWSS.

Hindi naman sila agad maaalis sa puwesto dahil kabilang sila sa mga Midnight Appointees ni dating Pangulong Arroyo. Iniimbestigahan na natin ang lahat nang ito. Kung mayroon pa silang kahit kaunting hiya na natitira – sana kusa na lang silang magbitiw sa puwesto.

Pag-usapan naman po natin ang pondo para sa imprastruktura. Tumukoy ang DPWH ng dalawandaan apatnapu’t anim na priority safety projects na popondohan ng Motor Vehicle Users Charge. Mangangailangan po ito ng budget na 425 million pesos.

Ang pinondohan po, dalawampu’t walong proyekto lang. Kinalimutan po ang dalawandaan at labing walong proyekto at pinalitan ng pitumpung proyekto na wala naman sa plano. Ang hininging 425 million pesos, naging 480 million pesos pa, lumaki lalo dahil sa mga proyektong sa piling-piling mga benepisyaryo lang napunta.

Mga proyekto po itong walang saysay, hindi pinag-aralan at hindi pinaghandaan, kaya parang kabuteng sumusulpot.

Tapos na po ang panahon para dito. Sa administrasyon po natin, walang kota-kota, walang tongpats, ang pera ng taumbayan ay gagastusin para sa taumbayan lamang.

Meron pa po tayong natuklasan. Limang araw bago matapos ang termino ng nakaraang administrasyon, nagpautos silang maglabas ng 3.5 billion pesos para sa rehabilitasyon ng mga nasalanta nina Ondoy at Pepeng.

Walumpu’t anim na proyekto ang paglalaanan dapat nito na hindi na sana idadaan sa public bidding. Labingsiyam sa mga ito na nagkakahalaga ng 981 million pesos ang muntik nang makalusot. Hindi pa nailalabas ang Special Allotment Release Order ay pirmado na ang mga kontrata.

Buti na lang po ay natuklasan at pinigilan ito ni Secretary Rogelio Singson ng DPWH. Ngayon po ay dadaan na ang kabuuan ng 3.5 billion pesos sa tapat na bidding, at magagamit na ang pondo na ito sa pagbibigay ng lingap sa mga nawalan ng tahanan dahil kina Ondoy at Pepeng.

Pag-usapan naman natin ang nangyari sa NAPOCOR. Noong 2001 hanggang 2004, pinilit ng gobyerno ang NAPOCOR na magbenta ng kuryente nang palugi para hindi tumaas ang presyo. Tila ang dahilan: pinaghahandaan na nila ang eleksyon.

Dahil dito, noong 2004, sumagad ang pagkakabaon sa utang ng NAPOCOR. Napilitan ang pambansang gobyerno na sagutin ang dalawandaang bilyong pisong utang nito.

Ang inakala ng taumbayan na natipid nila sa kuryente ay binabayaran din natin mula sa kaban ng bayan. May gastos na tayo sa kuryente, binabayaran pa natin ang dagdag na pagkakautang ng gobyerno.

Kung naging matino ang pag-utang, sana’y nadagdagan ang ating kasiguruhan sa supply ng kuryente. Pero ang desisyon ay ibinatay sa maling pulitika, at hindi sa pangangailangan ng taumbayan. Ang taumbayan, matapos pinagsakripisyo ay lalo pang pinahirapan.

Ganito rin po ang nangyari sa MRT. Sinubukan na namang bilhin ang ating pagmamahal. Pinilit ang operator na panatilihing mababa ang pamasahe.

Hindi tuloy nagampanan ang garantiyang ibinigay sa operator na mababawi nila ang kanilang puhunan. Dahil dito, inutusan ang Landbank at Development Bank of the Philippines na bilhin ang MRT.

Ang pera ng taumbayan, ipinagpalit sa isang naluluging operasyon.

Dumako naman po tayo sa pondo ng NFA.

Noong 2004: 117,000 metric tons ang pagkukulang ng supply ng Pilipinas. Ang binili nila, 900,000 metric tons. Kahit ulitin mo pa ng mahigit pitong beses ang pagkukulang, sobra pa rin ang binili nila.

Noong 2007: 589,000 metric tons ang pagkukulang ng supply sa Pilipinas. Ang binili nila, 1.827 million metric tons. Kahit ulitin mo pa ng mahigit tatlong beses ang pagkukulang, sobra na naman ang binili nila.

Ang masakit nito, dahil sobra-sobra ang binibili nila taun-taon, nabubulok lang pala sa mga kamalig ang bigas, kagaya ng nangyari noong 2008.

Hindi po ba krimen ito, na hinahayaan nilang mabulok ang bigas, sa kabila ng apat na milyong Pilipinong hindi kumakain ng tatlong beses sa isang araw?

Ang resulta nito, umabot na sa 171.6 billion pesos ang utang ng NFA noong Mayo ng taong ito.

Ang tinapon na ito, halos puwede na sanang pondohan ang mga sumusunod:

Ang budget ng buong Hudikatura, na 12.7 billion pesos sa taong ito.

Ang Conditional Cash Transfers para sa susunod na taon, na nagkakahalaga ng 29.6 billion pesos.

Ang lahat ng classroom na kailangan ng ating bansa, na nagkakahalaga ng 130 billion pesos.

Kasuklam-suklam ang kalakarang ito. Pera na, naging bato pa.

Narinig po ninyo kung paano nilustay ang kaban ng bayan. Ang malinaw po sa ngayon: ang anumang pagbabago ay magmumula sa pagsiguro natin na magwawakas na ang pagiging maluho at pagwawaldas.

Kaya nga po mula ngayon: ititigil na natin ang paglulustay sa salapi ng bayan. Tatanggalin natin ang mga proyektong mali.

Ito po ang punto ng tinatawag nating zero-based approach sa ating budget. Ang naging kalakaran po, taun-taon ay inuulit lamang ang budget na puno ng tagas. Dadagdagan lang nang konti, puwede na.

Sa susunod na buwan ay maghahain tayo ng budget na kumikilala nang tama sa mga problema, at magtutuon din ng pansin sa tamang solusyon.

Ilan lang ito sa mga natuklasan nating problema. Heto naman po ang ilang halimbawa ng mga hakbang na ginagawa natin.

Nandiyan po ang kaso ng isang may-ari ng sanglaan. Bumili siya ng sasakyang tinatayang nasa dalawampu’t anim na milyong piso ang halaga.

Kung kaya mong bumili ng Lamborghini, bakit hindi mo kayang magbayad ng buwis?

Nasampahan na po ito ng kaso. Sa pangunguna nina Finance Secretary Cesar Purisima, Justice Secretary Leila de Lima, BIR Commissioner Kim Henares at Customs Commissioner Lito Alvarez, bawat linggo po ay may bago tayong kasong isinasampa kontra sa mga smuggler at sa mga hindi nagbabayad ng tamang buwis.

Natukoy na rin po ang salarin sa mga kaso nina Francisco Baldomero, Jose Daguio at Miguel Belen, tatlo sa anim na insidente ng extralegal killings mula nang umupo tayo.

Singkuwenta porsyento po ng mga insidente ng extralegal killings ang patungo na sa kanilang resolusyon.

Ang natitira pong kalahati ay hindi natin tatantanan ang pag-usig hanggang makamit ang katarungan.

Pananagutin natin ang mga mamamatay-tao. Pananagutin din natin ang mga corrupt sa gobyerno.

Nagsimula nang mabuo ang ating Truth Commission, sa pangunguna ni dating Chief Justice Hilario Davide. Hahanapin natin ang katotohanan sa mga nangyari diumanong katiwalian noong nakaraang siyam na taon.

Sa loob ng linggong ito, pipirmahan ko ang kauna-unahang Executive Order na nagtatalaga sa pagbuo nitong Truth Commission.

Kung ang sagot sa kawalan ng katarungan ay pananagutan, ang sagot naman sa kakulangan natin sa pondo ay mga makabago at malikhaing paraan para tugunan ang mga pagkatagal-tagal nang problema.

Napakarami po ng ating pangangailangan: mula sa edukasyon, imprastruktura, pangkalusugan, pangangailangan ng militar at kapulisan, at marami pang iba. Hindi kakasya ang pondo para mapunan ang lahat ng ito.

Kahit gaano po kalaki ang kakulangan para mapunan ang mga listahan ng ating pangangailangan, ganado pa rin ako dahil marami nang nagpakita ng panibagong interes at kumpyansa sa Pilipinas.

Ito ang magiging solusyon: mga Public-Private Partnerships. Kahit wala pa pong pirmahang nangyayari dito, masasabi kong maganda ang magiging bunga ng maraming usapin ukol dito.

May mga nagpakita na po ng interes, gustong magtayo ng expressway na mula Maynila, tatahak ng Bulacan, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, hanggang sa dulo ng Cagayan Valley nang hindi gugugol ang estado kahit na po piso.

Sa larangan ng ating Sandatahang Lakas:

Mayroon po tayong 36,000 nautical miles ng baybayin. Ang mayroon lamang tayo: tatlumpu’t dalawang barko. Itong mga barkong ito, panahon pa ni MacArthur.

May nagmungkahi sa atin, ito ang proposisyon: uupahan po nila ang headquarters ng Navy sa Roxas Boulevard at ang Naval Station sa Fort Bonifacio.

Sagot po nila ang paglipat ng Navy Headquarters sa Camp Aguinaldo. Agaran, bibigyan tayo ng isandaang milyong dolyar. At dagdag pa sa lahat nang iyan, magsusubi pa sila sa atin ng kita mula sa mga negosyong itatayo nila sa uupahan nilang lupa.

Sa madali pong sabi: Makukuha natin ang kailangan natin, hindi tatayo gagastos, kikita pa tayo.

Marami na pong nag-alok at nagmungkahi sa atin, mula lokal hanggang dayuhang negosyante, na magpuno ng iba’t ibang pangangailangan.

Mula sa mga public-private partnerships na ito, lalago ang ating ekonomiya, at bawat Pilipino makikinabang. Napakaraming sektor na matutulungan nito.

Maipapatayo na po ang imprastrukturang kailangan natin para palaguin ang turismo.

Sa agrikultura, makapagtatayo na tayo ng mga grains terminals, refrigeration facilities, maayos na road networks at post-harvest facilities.

Kung maisasaayos natin ang ating food supply chain sa tulong ng pribadong sektor, sa halip na mag-angkat tayo ay maari na sana tayong mangarap na mag-supply sa pandaigdigang merkado.

Kung maitatayo ang minumungkahi sa ating railway system, bababa ang presyo ng bilihin. Mas mura, mas mabilis, mas maginhawa, at makakaiwas pa sa kotong cops at mga kumokotong na rebelde ang mga bumibiyahe.

Paalala lang po: una sa ating plataporma ang paglikha ng mga trabaho, at nanggagaling ang trabaho sa paglago ng industriya. Lalago lamang ang industriya kung gagawin nating mas malinis, mas mabilis, at mas maginhawa ang proseso para sa mga gustong magnegosyo.

Pabibilisin natin ang proseso ng mga proyektong sumasailalim sa Build-Operate-Transfer. Sa tulong ng lahat ng sangay ng gobyerno at ng mga mamamayan, pabababain natin sa anim na buwan ang proseso na noon ay inaabot ng taon kung hindi dekada.

May mga hakbang na rin pong sinisimulan ang DTI, sa pamumuno ni Secretary Gregory Domingo:

Ang walang-katapusang pabalik-balik sa proseso ng pagrehistro ng pangalan ng kumpanya, na kada dalaw ay umaabot ng apat hanggang walong oras, ibababa na natin sa labinlimang minuto.

Ang dating listahan ng tatlumpu’t anim na dokumento, ibababa natin sa anim. Ang dating walong pahinang application form, ibababa natin sa isang pahina.

Nananawagan ako sa ating mga LGUs. Habang naghahanap tayo ng paraan para gawing mas mabilis ang pagbubukas ng mga negosyo, pag-aralan din sana nila ang kanilang mga proseso. Kailangan itong gawing mas mabilis, at kailangan itong itugma sa mga sinisumulan nating reporma.

Negosyante, sundalo, rebelde, at karaniwang Pilipino, lahat po makikinabang dito. Basta po hindi dehado ang Pilipino, papasukin po natin lahat iyan. Kailangan na po nating simulan ang pagtutulungan para makamit ito. Huwag nating pahirapan ang isa’t isa.

Parating na po ang panahon na hindi na natin kailangang mamili sa pagitan ng seguridad ng ating mamamayan o sa kinabukasan ng inyong mga anak.

Oras na maipatupad ang public-private partnerships na ito, mapopondohan ang mga serbisyong panlipunan, alinsunod sa ating plataporma.

Magkakapondo na po para maipatupad ang mga plano natin sa edukasyon.

Mapapalawak natin ang basic education cycle mula sa napakaikling sampung taon tungo sa global standard na labindalawang taon.

Madadagdagan natin ang mga classroom. Mapopondohan natin ang service contracting sa ilalim ng GASTPE.

Pati ang conditional cash transfers, na magbabawas ng pabigat sa bulsa ng mga pamilya, madadagdan na rin ng pondo.

Maipapatupad ang plano natin sa PhilHealth.

Una, tutukuyin natin ang tunay na bilang ng mga nangangailangan nito. Sa ngayon, hindi magkakatugma ang datos. Sabi ng PhilHealth sa isang bibig, walumpu’t pitong porsyento na raw ang merong coverage. Sa kabilang bibig naman, singkuwenta’y tres porsyento naman. Ayon naman sa National Statistics Office, tatlumpu’t walong porsyento ang may coverage.

Ngayon pa lang, kumikilos na si Secretary Dinky Soliman at ang DSWD upang ipatupad ang National Household Targetting System, na magtutukoy sa mga pamilyang higit na nagangailangan ng tulong. Tinatayang siyam na bilyon ang kailangan para mabigyan ng PhilHealth ang limang milyong pinakamaralitang pamilyang Pilipino.

Napakaganda po ng hinaharap natin. Kasama na po natin ang pribadong sektor, at kasama na rin natin ang League of Provinces, sa pangunguna nina Governor Alfonso Umali kasama sina Governor L-Ray Villafuerte at Governor Icot Petilla. Handa na pong makipagtulungan para makibahagi sa pagtustos ng mga gastusin. Alam ko rin pong hindi magpapahuli ang League of Cities sa pangunguna ni Mayor Oscar Rodriguez.

Kung ang mga gobyernong lokal ay nakikiramay na sa ating mga adhikain, ang Kongreso namang pinanggalingan ko, siguro naman maasahan ko din.

Nagpakitang-gilas na po ang gabinete sa pagtukoy ng ating mga problema at sa paglulunsad ng mga solusyon sa loob lamang ng tatlong linggo.

Nang bagyo pong Basyang, ang sabi sa atin ng mga may prangkisa sa kuryente, apat na araw na walang kuryente. Dahil sa mabilis na pagkilos ni Secretary Rene Almendras at ng Department of Energy, naibalik ang kuryente sa halos lahat sa loob lamang ng beinte-kwatro oras.

Ito pong sinasabing kakulangan sa tubig sa Metro Manila, kinilusan agad ni Secretary Rogelio Singson at ng DPWH. Hindi na siya naghintay ng utos, kaya nabawasan ang perwisyo.

Nakita na rin natin ang gilas ng mga hinirang nating makatulong sa Gabinete. Makatuwiran naman po sigurong umasa na hindi na sila padadaanin sa butas ng karayom para makumpirma ng Commission on Appointments. Kung mangyayari po ito, marami pa sa mga mahuhusay na Pilipino ang maeengganyong magsilbi sa gobyerno.

Sa lalong madaling panahon po, uupo na tayo sa LEDAC at pag-uusapan ang mga mahahalagang batas na kailangan nating ipasa. Makakaasa kayo na mananatiling bukas ang aking isipan, at ang ating ugnayan ay mananatiling tapat.

Isinusulong po natin ang Fiscal Responsibility Bill, kung saan hindi tayo magpapasa ng batas na mangangailangan ng pondo kung hindi pa natukoy ang panggagalingan nito. May 104.1 billion pesos tayong kailangan para pondohan ang mga batas na naipasa na, ngunit hindi maipatupad.

Kailangan din nating isaayos ang mga insentibong piskal na ibinigay noong nakaraan. Ngayong naghihigpit tayo ng sinturon, kailangang balikan kung alin sa mga ito ang dapat manatili at kung ano ang dapat nang itigil.

Huwag po tayong pumayag na magkaroon ng isa pang NBN-ZTE. Sa lokal man o dayuhan manggagaling ang pondo, dapat dumaan ito sa tamang proseso. Hinihingi ko po ang tulong ninyo upang amiyendahan ang ating Procurement Law.

Ayon po sa Saligang Batas, tungkulin ng estado ang siguruhing walang lamangan sa merkado. Bawal ang monopolya, bawal ang mga cartel na sasakal sa kumpetisyon. Kailangan po natin ng isang Anti-Trust Law na magbibigay-buhay sa mga prinsipyong ito. Ito ang magbibigay ng pagkakataon sa mga Small- at Medium-scale Enterprises na makilahok at tumulong sa paglago ng ating ekonomiya.

Ipasa na po natin ang National Land Use Bill.

Una rin pong naging batas ng Commonwealth ang National Defense Act, na ipinasa noon pang 1935. Kailangan nang palitan ito ng batas na tutugon sa pangangailangan ng pambansang seguridad sa kasalukuyan.

Nakikiusap po akong isulong ang Whistleblower’s Bill upang patuloy nang iwaksi ang kultura ng takot at pananahimik.

Palalakasin pa lalo ang Witness Protection Program. Alalahanin po natin na noong taong 2009 hanggang 2010, may nahatulan sa 95% ng mga kaso kung saan may witness na sumailalim sa programang ito.

Kailangang repasuhin ang ating mga batas. Nanawagan po akong umpisahan na ang rekodipikasyon ng ating mga batas, upang siguruhing magkakatugma sila at hindi salu-salungat.

Ito pong mga batas na ito ang batayan ng kaayusan, ngunit ang pundasyon ng lahat ng ginagawa natin ay ang prinsipyong wala tayong mararating kung walang kapayapaan at katahimikan.

Dalawa ang hinaharap nating suliranin sa usapin ng kapayapaan: ang situwasyon sa Mindanao, at ang patuloy na pag-aaklas ng CPP-NPA-NDF.

Tungkol sa situwasyon sa Mindanao: Hindi po nagbabago ang ating pananaw. Mararating lamang ang kapayapaan at katahimikan kung mag-uusap ang lahat ng apektado: Moro, Lumad, at Kristiyano. Inatasan na natin si Dean Marvic Leonen na mangasiwa sa ginagawa nating pakikipag-usap sa MILF.

Iiwasan natin ang mga pagkakamaling nangyari sa nakaraang administrasyon, kung saan binulaga na lang ang mga mamamayan ng Mindanao. Hindi tayo puwedeng magbulag-bulagan sa mga dudang may kulay ng pulitika ang proseso, at hindi ang kapakanan ng taumbayan ang tanging interes.

Kinikilala natin ang mga hakbang na ginagawa ng MILF sa pamamagitan ng pagdidisplina sa kanilang hanay. Inaasahan natin na muling magsisimula ang negosasyon pagkatapos ng Ramadan.

Tungkol naman po sa CPP-NPA-NDF: handa na ba kayong maglaan ng kongkretong mungkahi, sa halip na pawang batikos lamang?

Kung kapayapaan din ang hangad ninyo, handa po kami sa malawakang tigil-putukan. Mag-usap tayo.

Mahirap magsimula ang usapan habang mayroon pang amoy ng pulbura sa hangin. Nananawagan ako: huwag po natin hayaang masayang ang napakagandang pagkakataong ito upang magtipon sa ilalim ng iisang adhikain.

Kapayapaan at katahimikan po ang pundasyon ng kaunlaran. Habang nagpapatuloy ang barilan, patuloy din ang pagkakagapos natin sa kahirapan.

Dapat din po nating mabatid: ito ay panahon ng sakripisyo. At ang sakripisyong ito ay magiging puhunan para sa ating kinabukasan. Kaakibat ng ating mga karapatan at kalayaan ay ang tungkulin natin sa kapwa at sa bayan.

Inaasahan ko po ang ating mga kaibigan sa media, lalo na sa radyo at sa print, sa mga nagbablock-time, at sa community newspapers, kayo na po mismo ang magbantay sa inyong hanay.

Mabigyang-buhay sana ang mga batayang prinsipyo ng inyong bokasyon: ang magbigay-linaw sa mahahalagang isyu; ang maging patas at makatotohanan, at ang itaas ang antas ng pampublikong diskurso.

Tungkulin po ng bawat Pilipino na tutukan ang mga pinunong tayo rin naman ang nagluklok sa puwesto. Humakbang mula sa pakikialam tungo sa pakikilahok. Dahil ang nakikialam, walang-hanggan ang reklamo. Ang nakikilahok, nakikibahagi sa solusyon.

Napakatagal na pong namamayani ang pananaw na ang susi sa asenso ay ang intindihin ang sarili kaysa intindihin ang kapwa. Malinaw po sa akin: paano tayo aasenso habang nilalamangan ang kapwa?

Ang hindi nabigyan ng pagkakataong mag-aral, paanong makakakuha ng trabaho? Kung walang trabaho, paanong magiging konsumer? Paanong mag-iimpok sa bangko?

Ngunit kung babaliktarin natin ang pananaw—kung iisipin nating “Dadagdagan ko ang kakayahan ng aking kapwa”—magbubunga po ito, at ang lahat ay magkakaroon ng pagkakataon.

Maganda na po ang nasimulan natin. At mas lalong maganda po ang mararating natin. Ngunit huwag nating kalimutan na mayroong mga nagnanasang hindi tayo magtagumpay. Dahil kapag hindi tayo nagtagumpay, makakabalik na naman sila sa kapangyarihan, at sa pagsasamantala sa taumbayan.

Akin pong paniwala na Diyos at taumbayan ang nagdala sa ating kinalalagyan ngayon. Habang nakatutok tayo sa kapakanan ng ating kapwa, bendisyon at patnubay ay tiyak na maaasahan natin sa Poong Maykapal. At kapag nanalig tayo na ang kasangga natin ay ang Diyos, mayroon ba tayong hindi kakayanin?

Ang mandato nating nakuha sa huling eleksyon ay patunay na umaasa pa rin ang Pilipino sa pagbabago. Iba na talaga ang situwasyon. Puwede na muling mangarap. Tayo nang tumungo sa katuparan ng ating mga pinangarap.

Maraming salamat po.

Saturday, June 05, 2010

EDUCATION AND ITS PURPOSES by Randy David

AFTER I FINISHED HIGH SCHOOL, THERE was only one career that my father had in mind for me: law. And there was only one school in which he thought I should get an education: the University of the Philippines. His lifelong dream was for me to follow in his footsteps. I had no problem embracing that dream. He was a fine lawyer, passionate about his profession. He believed that, with the right kind of training, I could be a great lawyer. In the eyes of my family, therefore, the whole purpose of my education was to continue my father’s legacy.

But his choice of UP puzzled me. My father was a product of Catholic schools. And like every parent with great ambitions for his children, he was not unaware of UP’s long-standing reputation as a spawning ground for atheists, communists and violent frat men. This did not bother him at all. He was of that generation for whom nation-building was a religion. He believed that a UP education would not only make me a good lawyer; it would also, more importantly, instill in me an enduring commitment to the Filipino nation. My father sent me to UP to make sure I would serve not just family but, above all, country.

UP introduced me not just to nationalism but to the broader world of learning, to the sheer pleasure of acquiring a new pair of eyes with every new paradigm. Before I realized it, I was cultivating intellectual interests that had nothing to do with a career in law. Literature, philosophy and the social sciences opened new horizons for me that I found intrinsically fulfilling. To cut a long story short, I ended up being a professor rather than a lawyer. My family had a hard time imagining how being a sociologist could be a profession.

There is a simple point to this story. Education means many things to many people. To a family, it spells the difference between being trapped in poverty and having a rewarding job. To a government, education is a crucial instrument for molding young people into productive and loyal citizens. But to teachers like me, education is, more than anything else, an open-ended adventure into the world of ideas. What appeals to me is not so much the practical task of forming professionals—important as that is—but the sense of exploration and discovery, of critique and experimentation that I try to nurture in my students. As a professor of many years, I have drawn more satisfaction from students who can look upon learning as the wondrous unfolding of a new world, than from those who spend all their time chasing after grades and honors.

I think the best possible condition for learning is precisely when students lose themselves in a subject enough to forget to ask what its practical value might be. By the same token, I also believe an educational system works best when it is able to do its work autonomously—that is, when it can resist co-optation by other institutional systems that seek to harness it to their own myopic agenda. This is not to say that an educational system can afford to be blind to demands from its environment. It is to say rather that an educational system can perceive more and respond better to complexity when it surveys its environment through the prism of its own function, rather than through the prisms of other systems. To do otherwise is to compromise the very meaning of education. Some examples might help to illustrate this.

Not too long ago, every college or university in the country tried to cash in on the thriving global market for nurses. Almost overnight, nursing schools sprouted or expanded, drawing scarce resources away from courses and degree programs that had no immediate market value. The curriculum was re-arranged to make room for those skills that were needed in hospitals abroad, while the general education courses were trimmed down to a minimum. Then, almost without warning, the nursing market crashed, leaving in its wake thousands of unemployed graduates and desperate students who had borrowed money to pay the high tuition being charged.

One would think this is a disguised blessing for a country where the health needs of the many have remained unattended. But the truth is that the local absorption of surplus nurses is not automatic. Hospital-based skills are very different from those needed in rural settings where the majority of underserved Filipinos live. This lack of fit has given us one of the greatest ironies of our time—an army of unemployed nurses waiting for work in a society where more than half of the people die without the benefit of health professional attention.

Yesterday, the demand was for nurses. Today, the call is for personnel for the fast-growing business and knowledge process outsourcing industry. This industry delivers more varied services than those associated with “call centers.” There is a growing demand for graduates who are not just proficient in English but also have basic training in computer applications, statistics project management, data analysis and interpretation. One can almost anticipate how schools may once again try to tinker with existing curricula—instead of, for instance, being content with offering supplementary certificate courses—just to accommodate this surge in demand from the latest employer.

Nothing could be more disastrous for a nation’s educational system than to fasten its curricula to whatever is the current flavor in a rapidly changing global market. The function of education is to prepare people to live in the future. If students were trained merely to live in the present, that would be tantamount to teaching them to live in the past.

Link: http://opinion.inquirer.net/inquireropinion/columns/view/20100605-273901/Education-and-its-purposes

Thursday, May 27, 2010

Ang Aking Pagsusuri sa Resulta ng 2010 Presidential Election

Kahit hindi pa tapos ang trabaho ng Kongreso bilang National Board of Canvassers, alam na natin (o tanggap na) kung sino ang nanalo bilang bagong president ng bansa. Others may question the integrity of the PCOS machines, but they cannot deny the fact that people were generally satisfied with election results. This is my analysis of the result of the presidential election.

Noynoy Aquino - Malaki ang papel ng kaniyang pagiging “Mr. Clean” upang makuha niya ang mahigit 14M na boto. Nanganino rin siya sa magandang reputasyon ng kaniyang ama at ina. Dahil sa matinding problema ng korupsyon sa ating bansa, naghanap ang sambayanan ng isang taong may “karakter” kahit walang nakakabilib na “track record” o galing sa pagsasalita. Nakaabang ngayon kay Noynoy ang napakalaking expectations ng sambayanan. Kailangan niyang patunayan ang kaniyang “competence” bilang pangulo sa kabila ng mga batikos na wala siyang naipasang batas sa Kongreso at hindi naiangat ang kabuhayan ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita. If he cannot have a good and strong cabinet, mahihirapan siyang daigin ang puwersa na kakalaban sa kaniya mula sa Kongreso at Senado. Iniintriga na rin ang tambalan nila ng dark horse VP candidate na si Jejomar Binay.

Erap Estrada- May “magic” pa rin ang bigotilyong artista. Pinatunayan ng eleksyon na isang “Middle Class” uprising ang EDSA 2. Hindi mapapasubalian ang mahigit 8M na bumoto sa kaniya dahil sa lakas ng kaniyang “appeal” sa mga botante sa probinsiya at sa mga urban poor sa Kamaynilaan. Sa isang ngang dokumentaryo, ibinoto si Erap ng ina ng isang batang endorser ni Manny Vilar. Kung hindi nakipagkumpetensiya si Villar sa slogan na pang-mahirap, maaring mas mataas pa ang botong kaniyang nakuha. Nakakabiglang marami pa rin ang naniniwala sa kaniya sa kabila ng PLUNDER Case na ipinataw sa kaniya at napatunayan sa Sandiganbayan. Mapagpatawad talaga ang mga Pinoy. Nagbago rin ang kaniyang slogan mula sa “Erap para sa Mahirap” patungo sa “Kung may ERAP, may Ginhawa!”. Hindi lang malinaw sa akin kung mas inangat niya ang pagtingin sa mga mahihirap. Ang pagkatalo ni Estrada ang huli na niyang laban sa pagkapangulo. Pero hindi ibig sabihin, mawawala siya sa political limelight lalo na ngayong may tatlong aktibong Estrada sa gobyerno—ang kaniyang asawa at anak na mayor at Congressman ng San Juan at si Jinggoy na siyang pinakamalakas na “fiscalizer” sa senado.

Manny Villar – Matalino na ang mga botante ngayon. Hindi napaniwala ni Villar ang sambayanan na hindi niya babawiin ang bilyon-bilyong ginastos sa kampanya kapag siya ay manalo sa pagkapangulo. Matagumpay din ang demolition jobs ng media sa kaniya. Kaya mula sa ikalawang puwesto sa survey, bigla siyang naungusan ni Erap sa mga natitirang 3 linggo patungo sa araw ng eleksyon. Nakuwestiyon din ang kaniyang “paglangoy sa dagat ng basura”. Madaling natanggap ni Villar ang kaniyang pagkatalo dahil, ayon sa kaniya, hindi kayang labanan ang tadhana—kung talagang hindi siya mananalo, hindi siya mananalo. Masayang-masaya naman ang mga TV stations at online social networking sites sa ipinasok na pera ng kaniyang kandidatura. Nakatatak na rin ang lyrics at tono ng kaniyang mga campaign jingles sa pahina ng kasaysayan (katulad ng Mambo Magsaysay). Malaki ang posibilidad na bumalik sa pagiging Senate president at maging opposition leader si Villar sa termino ni Aquino. Abangan natin kung paano niya lilinisin ang kaniyang pangalan at haharapin ang lahat ng kontrobersiya na ipinukol sa kaniya noong eleksyon.

Gibo Teodoro – Malakas ang “appeal” niya sa mga estudyante at intelligentsia. Pero hindi sapat ang "galing at talino" para sa sambayanang Filipino. Hindi naiwaglit sa isipan ng marami na isa siyang “administration candidate". Na isang "kiss of death" ang iendorso ng partido ni GMA. Hindi sapat ang mga "assurances" mula kay Gibo na magiging independent president. Naroon ang takot na kung siya ay malulukluk sa puwesto, maaring balewalain niya ang mga kaso na maaring isampa laban kay GMA. Nakaapekto din ang pagkakahati ng kaniyang partido sa paglapit ng eleksyon. Ang suportang ipinangako sa kaniya ng mga local chief executives ay biglang naglaho dahil nagpulasan sila at kumampi sa partido ni Aquino at Villar. Hindi lang iyon, bahagi rin siya ng pamilya Aquino, na kaniyang kinalaban sa ngalan ng pulitika. Bilib ako kay Gibo dahil siya lamang ang kandidatong hindi nagpaanod sa normal na “negativities” ng pangangampanya. A real gentleman sa pagsasalita at kilos. Ang aking payo, maghanda na siya for 2016 kung nangangarap pa siyang maging presidente. Bata pa naman siya.

Dick Gordon – I consider Gordon as a transformational leader. Lahat ng hawakan niyang posisyon sa gobyerno ay talagang mahusay niyang nagagampanan. Napaunlad niya ang Subic sa loob lamang ng ilang taon. Tumingkad ang turismo sa bansa dahil sa kaniyang WOW Philippines program. Naging bahagi rin siya ng negotiation team upang mapalaya ang ilang bihag ng Abu Sayyaf sa Mindanao. Isa rin siyang aktibong volunteer ng Red Cross at sumasama sa mga mapanganib na operations ng organisasyon lalo na noong salantahin ang bansa ni Ondoy at Pepeng. Sa kabila ng kaniyang napakagandang record ng paglilingkod sa bayan, hindi niya nabihag ang imahinasyon ng sambayanan. Ang kaniyang “confidence” ay napagkakamalang “kayabangan”, na sadyang mahirap paghiwalayin. Para sa iba “napakalakas” ng kaniyang leadership drive na maaring humantong sa pagiging diktador. Pati slogan ng Partido Bagong Bayan ay matigas ang dating – “Sigurado, Titino Tayo!” Mas lalong napatibay ang kaniyang imahe nang madikit siya kay Bayani Fernando na kilala rin sa pagkakaroon ng matigas na prinsipyo.

Eddie Villanueva –Hindi mahirap para sa Bangon Pilipinas na mag-tawag ng libo-libong tao sa Luneta upang mag-rally dahil isa ito sa mga lakas ni ECV bilang pastor ng Jesus is Lord Church. Pero ito ang nakakapagtaka: bagaman inaangkin ng Bangon na mayroong 3M miyembro ang JIL, kabaligtaran ito ng larawan ng bumoto para kay ECV. Madaling magsabing may dayaang nangyari. Pero mahirap hanapin ang mga botong, sa simula pa, ay wala na talaga. Masyadong “utopian” para sa akin ang slogan ng Bangon at deklarasyon ni ECV sa mga press conferences kung paano niya babaguhin ang bansa. If you don’t know the internal dynamics of Philippine politics, you can easily declare statements which are implausible. Hindi tanggap ng sambayanan ang mga may "Messianic complex." Sa kabila ng lahat, kung hindi man nagtagumpay si ECV sa kaniyang kandidatura, naipakita naman ng Bangon na ang mga “evangelical Christians” sa bansa ay dapat lumahok sa proseso ng pulitika at maghain ng mga rebolusyunaryo at alternatibong plataporma.

Nicky Perlas, Jamby Madrigal at JC delos Reyes – Sila ang "bottom three" at itinuturing na mga "alternative candidates" kabilang si ECV. Nakakatawa dahil mas marami pang nakuhang suporta ang na-disqualified na si Vetellano Acosta kaysa pinagsama-sama nilang boto. Hindi gamay ng tao ang kandidatura ni Perlas dahil sa kakulangan ng makinarya upang maisulong ang kaniyang programa. Nabigo siya dahil hindi siya kilala at hindi naihanda ang kaniyang makinarya para sa halalang pambansa. Lumutang naman ang usapin na kaya tumakbo si Jamby ay upang mabawasan ang boto ni Manny Villar na kaniyang mortal na kaaway sa Senado. Malaking dagok sa kaniyang kandidatura ang alitan nila ni Judy Ann Santos na sinasabing ginamit lamang niya upang manalong senador noong 2004. Masyado namang bata (sa edad at karanasan) si delos Reyes upang makumbinsi ang sambayanan na kaya na niyang maging pangulo. Napaka-long shot ng kaniyang kandidatura (mula Olongapo papuntang Malacanang).

Wednesday, April 14, 2010

CHRISTIAN POLITICAL INVOLVEMENT: Paano?

Paano ba dapat makisangkot ang mga Cristiano sa pulitika? Pumasok sa loob ng pamahalaan o manatili sa labas nito? Ang aking sagot: pareho.

Kung tinatawag ang isang mananampalataya upang maging mambabatas o pulitiko (batay sa kaniyang karanasan at kakayahan), kailangan niyang sundin ang ipinagkaloob sa kaniyang misyon ng Panginoon. Pero hindi lahat ay tinawag sa ganitong trabaho.

Hindi lahat ay tinawag katulad ni Moises, Josue at Jose upang maging lider sa pamahalaan. Huwag nang magpilit ang mga taong mas epektibo sa loob ng iglesya na pumasok pa ng pulitika. It would only cause vocational confusion. Siguraduhing tinatawag ng Diyos na maging lingkod sa pamahalaan bago suungin ang anumang laban.

Sadly, several people (including church leaders and ministers) have depicted politics as the ‘territory of the unbelievers’. Many Christians in the past have left the political arena, considering it inherently evil and outside the legitimate realm of Christian influence. But it is necessary for Christians not to distance themselves from the affairs of the state. When believers of Christ abandon their moral responsibility to influence society with their values, other influences will fill the gap.

Isang paraan upang mabago natin ang masamang sistema ng pamamahala ay maging bahagi mismo tayo ng pamahalaan. Hindi minsan sapat ang magsisigaw sa kalye upang humiling ng pagbabago. Ngunit, hindi lahat ng Cristiano ay tinawag upang maging pulitiko. Ang ibang hindi matatag sa pananampalataya ay nilalamon ng sistema. Kaya, kailangang "tinawag" ka at hindi lamang "tinulak" o "tinuring ang sarili" sa ganitong trabaho.

Minsan, tinanong si dating Senador Jovito Salonga kung bakit iniwan niya ang kaniyang pagtuturo sa unibersidad at bigla siyang pumasok sa mundo ng pulitika. Iito ang kaniyang sagot:

“It is partly because of a strong, deep-seated conviction that I had no right—whatever to condemn or criticize the governance of public affairs—as I usually did—if I were not prepared or willing, in my own little way, to do something about it. How could I talk about the need of cleaning up the much talked-about mess in the government unless I was prepared to disregard, for the moment, personal interests and get something done?”

Pumasok siya sa gobyerno sa pagnanais na maging bahagi ng pagbabago sa pulitika sa bansa. Masasabi kong sadyang tinawag siya ng Panginoon sa misyong iyon kung kaya't naging matagumpay siya at itinuring na isa sa pinaka-iginagalang na pulitiko sa kasaysayan ng Pilipinas.

Ganunpaman, naniniwala akong mas magiging epektibo ang mas nakararaming Cristiano kung sila ay maglilingkod sa labas ng pamahalaan. They can have a far greater impact through personal witness and prayer by participating in socio-civic projects which may have direct or indirect effects on the political life of the country.

Christians should never sacrifice their faith for the sake of a particular political or social ideology—right, left or center
, for several reasons.

Una, walang pinapanigang political group o party ang Diyos. Hindi natin puwedeng sabihing mas papaburan ng Panginoon ang isang partido dahil sa kaniyang posisyon. Walang kinakampihan ang Diyos maliban sa mga taong naninindigan sa katwiran, kabanalan at katarungan. Kung lahat ng Cristiano ay may political party na yayakapin, palagay ko mahirap magkaisa ang Body of Christ. Pinatunayan na ng kasaysayan ng sangka-Cristianuhan na mas epektibo ang mga mga mananampalatayan kung mananatiling walang pinapanigang partido.

Pangalawa, walang maituturing na isang fixed political agenda ang Diyos. Ang ating posisyon ay dapat nakabase sa kung anong isyu ang pag-uusapan.
Dito na pumapasok ang pansariling paniniwala ng mga Cristiano. Tandaan natin na maraming aspeto ng ating buhay kung saan sadyang tahimik ang Bibliya. We must realize that political judgments are subjective and relative. Mahirap bumuo ng isang tunay na Cristianong pananaw sa bawat isyu sa ating lipunan.

Pangatlo, ang pagiging partisan o bahagi ng isang partido ay maaring makaapekto sa patotoo ng isang Cristianong seryosong sumusunod kay Cristo. Kailangang maging matalino kung makikisangkot sa mga gawaing pampulitika. Politics is a messy process. Hindi maiiwasang kahit ang mga Cristiano na may iba’t ibang posisyon sa mga isyu ay magkabanggaan. Remember that our first identity is to be Christians. Saan man tayo ilagay ng Panginoon, kailangang mauna ang ating pagiging Cristiano.

The diversity of our political persuasions and positions should not divide us as brothers and sisters in Christ. Nagkakaiba man tayo sa pananaw, kailangan nating maunawaan na tayo ay pare-parehong iniligtas ng Panginoon mula sa kasalanan at may responsibilidad na ideklara ang kaniyang kabutihan sa lahat ng mga hindi mananampalataya. Kung tayo mismo ang magsasakmalan at mag-aaway na parang mga mababangis na hayop, mahihirapan tayong mapaniwala ang iba na tayo ay mga taga-sunod ni Cristo. Minsan sinabi ng Panginoon, na sa pamamagitan ng ating pag-ibig sa isa't isa, makikilala ng iba na tayo ay kaniyang mga disipulo.

Kung sa pagnanais nating maging bahagi ng proseso ng politika ay negatibong naapektuhan ang ating patotoo bilang Cristiano, makabubuting pag-aralan natin ang ating desisyon. Kapag nasira ang ating patotoo sa maraming tao dahil sa pulitika, mahihirapan na nating mailapit sila sa paanan ni Hesus. Huwag na nating hintayin ang puntong sabihin nila sa atin, "Naniniwala kami kay Cristo, pero hindi kami sa inyong mga nagsasabing Cristiano!"

Ang CRISTIANO at ang PAMAHALAAN

Itinatag ng Diyos ang pamahalaan upang maging katuwang ng Iglesyang Cristiano sa pagpapatupad ng katuwiran at katarungan sa lipunan. The Church is mandated by God to accomplish three things: 1) fulfill the Great Commission 2) minister to and nurture believers and 3) reach out the society as a fulfillment of the Great Commandment.

Ang unang misyon ng lahat ng Cristiano ay ang ipahayag ang Mabuting Balita ng Kaligtasan sa lahat ng tao--ang kahalagahan ng kamatayan ni Cristo sa krus upang tubusin ang sangkatauhan mula sa kasalanan. This is the proclamation aspect of the Church's mission.

Secondly, the Church serves as the spiritual family of all believers. Christians are considered children of God because of faith in Jesus Christ. All believers are being discipled, nurtured for God’s service and bonded with one Spirit within the context of the Church.

Thirdly, Christians are members of the kingdom of God as well as the social order of this world. This is the demonstration aspect of the Church's calling. They are the representatives or ambassadors of Christ on earth. As Christians, we are commanded to act as responsible citizens of our country, abide by the civil laws, respect and pray for our leaders (1 Timothy 2:1-2), pay our taxes, and participate in community and governmental activities.

ROMANS 13 PRINCIPLES
May malinaw na pamantayan ang Salita ng Diyos kung paano dapat makitungo ang mga Cristiano sa pamahalaan. Sinabi ni Pablo sa Romans 13:1-5 (GNB)

Everyone must obey state authorities, because no authority exists without God's permission, and the existing authorities have been put there by God. Whoever opposes the existing authority opposes what God has ordered; and anyone who does so will bring judgment on himself. For rulers are not to be feared by those who do good, but by those who do evil. Would you like to be unafraid of those in authority? Then do what is good, and they will praise you, because they are God's servants working for your own good. But if you do evil, then be afraid of them, because their power to punish is real. They are God's servants and carry out God's punishment on those who do evil. For this reason you must obey the authorities---not just because of God's punishment, but also as a matter of conscience.

Una, ang Diyos ang lumikha at nagbibigay kapangyarihan sa lahat ng pamahalaan. Siya ang nagtatatag ng lahat ng pamahalaan at tumawag sa lahat ng namumuno rito (Daniel 2:21, Colossians 1:16). Ito ang dahilan kung bakit ang lahat ng batas at panuntunan na ipinatutupad ng pamahalaan ay kailangang salain at suruin ng katotohanan ng Salita ng Diyos. The government was instituted by God to represent His will.

Pangalawa, ang sinumang sumusuway sa pamahalaan ay sumusuway sa Diyos, KUNG ang pamahalaan ay lumalakad sa katwiran ng Diyos. This is the premise of Paul’s statement when he said that “rulers are not to be feared by those who do good, but by those who do evil.” Governments are ordained to promote good and restrain evil. Bakit natin susuwayin ang gobyernong sumusunod sa utos ng Diyos at nagnanais ng kapayapaan? Rebellion against a righteous government is rebellion against God.

Binigyan ng karapatan ang Diyos ang anumang pamahalaan na parusahan ang mga taong sumusuway sa mga batas (1 Peter 2:14). We must submit to authorities for three main reasons: 1) for the Lord’s sake; 2) for our conscience sake; and; 3) to avoid wrath. Kailangang tayong sumunod sa pamahalaan dahil sa ito ang kalooban ng Diyos. Kung hindi naman tayo susunod, kakalabanin naman natin ang ating konsensiya dahil sa kinakalaban natin ang pamahalaang ang nais lamang ay mapabuti ang ating pamumuhay. Ganundin, hindi tayo dapat sumuway sa mga batas at pamantayan ng pamahalaan kung ayaw nating makaranas ng parusa.

Sa kabilang banda, may karapatan ang mamamayan na suwayin ang pamahalaan kung kinakalaban nito ang lkalooban ng Diyos. When rulers reverse the divine design for the government--by promoting evil and restraining good--they lose their moral authority to rule. Hindi dapat tangkilikin ang batas na magbibigay-karapatan sa mga ina na ipalaglag ang kanilang mga sanggol sa sinapupunan (abortion) dahil kinakalaban nito ang utos ng Diyos na huwag tayong papatay ng ating kapwa (Exodus 20)

Submission to government does not necessarily mean obedience. Ito ang pamantayan na sinunod nila Daniel at ang kaniyang mga kaibigan nang suwayin nila ang utos ni Haring Nabucodonosor na sambahin ang diyus-diyusan (Daniel 1). Ito ang ipinakita ng mga komadrona sa Ehipto (Exodus 1:15-19) nang hayaan nilang mabuhay ang mga lalaking sanggol ng mga Israelita bagaman inutusan silang patayin ang mga bata. Ganito rin ang naging prinsipyo ni Pedro (Gawa 5:29) nang pilit silang pinagababawalan ibahagi ang Salita ng Diyos sa mga Hudyo at Hentil.

Friday, February 26, 2010

The Validity of Scientific Survey: The Case of SWS (PDF File)

Bakit kapag lumalamang sa survey ang mga kandidato, nakakataba daw ng puso. Pero kapag nangungulelat sila, hindi daw dapat pakinggan ang inilalabas ng mga survey poll organizations. May isang kandidato pa nga ang nagsabi na hindi kayang salaminin ng opinyon ng ilang libong interviewees lamang ang sentimyento ng 40 milyon na botanteng Filipino. Is this a valid statement? Of course not. Scientific survey does not need 40 million responses to arrive at valid results. SWS's predictions for the past national elections prove the validity of scientific surveys.

-------
"Traditional politicians are often antagonistic to election surveys. They accuse it of having power to influence the vote, although the truth is that what they fear is the voter-power reflected in honest, scientific polling."

"SWS never contends that a survey of a sample of the votes can judge the accuracy of a full count of the votes. On the contrary, the reverse is true: it is the full count that judges the quality of a sample survey. In the Philippines, it is far better to judge official results by comparing them with the parallel counts of the non-governmental National Movement for Free Elections (Namfrel) than with sample surveys."

"Whereas many political players are skeptical of opinion polls, the public in general is quite appreciative of them. Seven or eight out of every ten Filipinos call polls, and election surveys in particular, a good thing. I think citizens understand, at least intuitively, that opinion polls are their means of knowing their own collective opinion. Definitely, they enjoy the regular reports of how candidates are faring in election races."

PDF File Link: http://kuyaronald.multiply.com/journal/item/205/The_Validity_of_Scientific_Surveys_The_Case_of_SWS_PDF_File