Anim na taon ako nang mabuklat ko ang 1905 Tagalog King James Version ng aking lola na siyang unang naging mananampalataya sa aming pamilya. Ang sarap basahin ng old Tagalog verses. Kahit nawi-weirdohan ako sa ispeling ng ilang salita, para naman akong nata-time space warp sa panahon ng Doctrina Cristiana noong panahon ng mga Kastila.
Sinanay kaming dumalo ng Sunday service. Pinagdadala kami ng mabibigat na black bible at bibigyan ng barya para ilagay sa malaking kahon sa harap ng altar kapag offertory period na. Tuwing bakasyon, regular kaming pinadadalo ng Vacation Bible School. Enjoy sayawin ang Filipino version ng “If I were a butterfly”. Ibang level ang talas ng aking memorya. Feeling ko mas madami akong alam na memory verses noon kaysa ngayon.
Pero sa lahat ng aking nabasa, isang Bible verse ang tumatak sa mura kong isipan. Ito ang unang Bible verse na ipinakabisa sa amin ni Teacher Cora. Lubos kong naunawaan ang kahulugan nito nang magkaroon ako ng personal na relasyon kay Cristo mahigit sampung taon ang nakalipas. Ito ang bumuhay sa aking espiritu upang mas lalong kilalanin ang Panginoon.

Kinabukasan, nakita ni Juan si Jesus na lumalapit sa kanya. Sinabi niya, "Narito ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan! (Juan 1:29)
Nakakatuwang isipin na ang una kong imahe ni Jesu-Cristo ay isang tupang alay—mapagkumbaba at handang mamatay para sa ating lahat. Ika nga ni San Pablo (Roma 8:5).
Mahirap mangyaring ialay ninuman ang kanyang buhay alang-alang sa isang taong matuwid---bagamat maaaring may mangahas na gumawa nito alang-alang sa isang mabuting tao. Ngunit ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo'y makasalanan pa.Laging binabalik ako ng pangungusap na ito sa katotohanang walang ibang makakapaglinis ng aking puso at damdamin maliban kay Jesu-Cristo. Namatay siya sa krus para sa akin hindi dahil mabuti ako kundi mabuti Siya. Taal akong makasalanan (Roma 3:23, 6:23). Si Jesu-Cristo ang naging sakripisyo upang mapahinuhod ang Diyos at upang maging matuwid ako sa paningin Niya (2 Corinto 5:21).
Hindi hinintay ni Lord na maging mabait ako, maging maayos ang ugali, maging banal, bago siya nagdesisyon na mamatay para sa akin. Minahal na Niya ako kahit ako ay sobrang pasaway at rebelde sa lahat ng Kaniyang naisin.
Nasa atin ang Bibliya upang makilala nang lubos si Jesu-Cristo. Siya ang tunay na laman ng bawat pahina nito. Tandaan: mahirap isapuso ang Salita ng Diyos kung hindi muna natin maisasaulo. Ganundin, nagbabasa tayo ng Bibliya hindi upang magkamal lamang ng impormasyon. Binabasa natin ito upang lubos nating makilala ang ating Manlilikha at baguhin tayo ng Kaniyang Salita.
Ikaw, ano ang unang memory verse mo?