Itinatadahana ng Article II, Section 26 ng 1987 Constitution: "Dapat
seguruhin ng Estado ang pantay na pag-uukol ng mga pagkakataon para sa
lingkurang pambayan, at ipagbawal ang mga dinastiyang politikal ayon sa
maaaring ipagkahulugan ng batas." Nakakalungkot isipin na isa itong
patay na probisyon dahil patuloy na naghihintay sa isang
"implementing/enabling law." Ilang mambabatas na ang nagtangkang
magsulong ng batas upang suportahan ito ngunit lahat ay nauwi sa
basurahan at ibinaon sa limot. Sa kasalukuyan, inaamag sa Committee
Level ang mga panukalang batas ni Senador Miriam Defensor-Santiago at
Congressman Teddy Casino ng Bayan Muna Party List.
Tandaan na ang
pulitikang Pinoy ay pinatatakbo ng mga makapangyarihan. Halos lahat ng
bayan sa Luzon, Visayas at Mindanao ay kinakatawan ng isang mayaman at
naghaharing pamilya--mula sa mga Abad ng Batanes hanggang sa mga Zubiri
ng Bukidnon. Sa Senado, lalo na sa Mababang Kapulungan halos 70
porsyento ay miyembro ng political family (115 sa 15th Congress).
Maaring demokrasya ang porma ng ating pamahalaan subalit ang sistema ng
pamumuno ay oligarkiya.
May katotohanan naman na ang paniniwala
na nananatili ang mga political dynasties dahil sa pagiging
family-oriented ng mga Pinoy. Nasa dugo kasi natin ito. Sa isang banda,
hindi lahat ng political dynasties ay tiwali at masama. Ngunit ibig bang
sabihin ay magkikibit-balikat na lamang tayo sa pamamayagpag ng iilan
at pang-aabuso sa kanilang kapangyarihan? Hindi lang kasi ito usapin
kung "mabuti"o "corrupt" ang isang dinastiya kundi kung paano nila
pinoprotektahan ang kanilang mga "mini-kingdoms" na isang paglabag sa
Konstitusyon.
Una, maituturing na malaswa ang pag-monopolyo nila
sa kapangyarihan sa pamahalaan. Magkakatabi silang nakaupo sa Kongreso
maging sa executive branch ng gobyerno. Nakapako na ang kanilang
pangalan at pagkatao sa mga opisina ng pamahalaan.
Pangalawa,
hindi umuunlad ang maraming bayan dahil pare-parehong mukha at estilo sa
pamumuno ang kanilang nasasaksihan. May isang bayan nga sa hilagang
Luzon na hinawakan ng isang pamilya sa loob ng 50 taon subalit hindi
kinakitaan ng pag-unlad. Nagdarahop pa rin ang maraming tao. Hindi
tumataas ang kalidad sa pamumuno dahil walang bagong dugo at espiritu ng
pamamahala. Same old banana.
Pangatlo, sa pagtagal sa puwesto ng
mga political families, inaaangkin na nila ang posisyon na wari'y
bahagi ng yamang kanilang minana sa mga namayapang magulang. Sa ganitong
kalakaran, hindi lamang tayong maituturing na oligarkiya kundi isang
monarkiya na pinagpasa-pasahan ang kapangyarihan sa iba't ibang
salinlahi. At ang sambayan ang nagiging kahabag-habag na mga "subjects"
na sunud-sunuran lamang sa dinidikta ng mga naghaharing pulitiko.
Pang-apat,
ang mga programang makakatulong sa mahihirap tulad ng reporma sa lupa
at mataas na sahod sa manggagawa ay hindi maisulong dahil sa
impluwensiya ng mga dinastiyang pampulitika na hindi papayag na
maapektuhan ang kanilang mga personal na interes.
Ano ngayon ang
solusyon sa usaping ito? Suntok sa buwan ang bawat aksyon na isulong ang
isang anti-dinasty bill hangga't ang mga miyembro ng Kongreso ay bahagi
lahat ng naghaharing mga pamilya. Ganundin, kung pipigilan sila na
tumakbo muli sa puwesto, lalabagin nito ang kanilang sibil na karapatan
na makibahagi sa gawaing pampulitika. Wala ring malinaw na depinisyon
ang terminong, "political dynasty". Hanggang saang degree of
consanguinity ba dapat ipagbawal ang paghawak ng puwesto sa pamahalaan?
Maaaring magbigay ng opinyon ang Korte Suprema sa usaping ito. Ngunit,
bilang co-equal branch, hindi nito maaring puwersahin ang Kongreso na
magpasa ng batas ukol sa isyu.
Sa huli, ang pagtatapos ng mga political dynasties ay nasa kamay pa rin
ng sambayanan. Patuloy silang imulat sa negatibong epekto ng masamang
pamumulitika at sakim na pamumunoi. Patindihin ang non-partisan "voter's
education." Gawing matalino ang sambayan sa pagpili ng kanilang lider.
Ganundin, resolbahin ang kahirapan na isang ugat ng sobra nilang pag-asa
sa mga mayayamang pulitiko.
Thanks for visiting my blogspot. This is the place where you can know me as a minister, as a kuya (big brother), as an husband, as an academic and as a typical homo sapiens sapiens. I am the head pastor of the GENERATION 3:16 Ministries, a ministry devoted to the evangelism and discipleship of the younger generation. I also lead the LOVESTRUCK MOVEMENT, a ministry preaching Biblical purity and responsible dating, courtship, marriage and sexuality (www.lovestruckmovement.org).
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
-
Maaaring ang artista’y sumuko at manahimik, upang mabuhay, ngunit ang ganya’y tiyak na kamatayan ng kaniyang sining. Nakikilala niyang bahag...
-
In Europe a woman named Hilda was near death from a rare type of cancer. There was one drug that doctors thought might save her. It was a fo...
-
Isang eksperimento ang isinagawa upang malaman kung paano tinitingnan ng isa tao ang kaniyang sarili at ang kaniyang kapwa. Pinangalanan ito...
No comments:
Post a Comment