Tuesday, August 14, 2018

TO STAY OR NOT TO STAY?


Maraming pag-aaral at surveys na ang nagsasabing maraming nagre-resign hindi dahil sa bigat ng trabaho kundi dahil sa ugali ng boss nila.[i] May posibilidad na matulad ka sa kanila. He/She is getting to your nerves. Ang mga sumusunod ang payo ko kung dumating ka na sa puntong iyan.

Image Source: http://www.executivepresencegroup.com/
Know that it is not uncommon to have difficult bosses. Kung gusto mo lang makatakas sa isang pasaway na amo, baka kapag lumipat ka sa ibang kumpanya ay mas matindi ang kasong haharapin mo. Hindi laging solusyon ang pag-alis o escapist attitude. Nonetheless, ikaw lang ang nakakaalam if it is already time to move on. Gawin mo lang iyan kapag napag-isipan mo na talaga nang maayos.

The situation may be teaching you something. Kung nagtatampo ka lang, grow up. Hindi ka puwedeng uber-sensitive sa bawat offense na dadagok sa iyong buhay. You need to be strong, not overly sensitive. May kasabihan tayong kapag ang problema ay paulit-ulit, baka hindi pa natin natututunan ang dakilang aral ng buhay. Patience is a virtue. Mahirap baguhin ang ugali ng tao. Kaya dapat handa kang magtiis at magtiyaga para unawain ang boss mo.

Image Source: https://www.careeraddict.com
Think of the consequences of resigning. Kailangang tanungin mo ang iyong sarili: kumusta ang financial security mo? Saan ka na kukuha ng pambayad ng iyong mga household bills? Madali ka bang makakahanap ng trabaho? Hindi basta-basta iniiwan ang trabaho kung hindi naman talaga harmful sa iyong pagkatao. What does not kill you makes you strong. Huwag iwan ang trabaho dahil sa mga temporary inconveniences.

Seek counseling, if necessary. You need emotional decompression sa mga nagaganap sa iyong buhay. Maghanap ng isang trusted adult o counsellor na puwedeng makatulong sa iyong maproseso ang mga emosyon. I do not recommend na ibulalas ang mga concerns sa opisina if you can handle it on your own. Diyan nagsisimula ang tsismisan na maaring makaapekto sa ibang wala namang kinalaman sa kaso.  

Prevention is still better than cure. Kung talagang kailangan mong lumipat na ng trabaho, do your research well. Magtanong-tanong kung ano ang uri ng boss na aabutan mo.Siguraduhing hindi ka na muling masasadlak sa isa na namang trahedya. Study the organizational culture and management practices ng opisina. Spare yourself years of frustration.

Image Source: http://nursing.advanceweb.com
Don’t burn bridges. If you decide to transfer to another department or organization, leave the office without grudge. Hindi mo alam kung kailan kayo muling magkikita ng kinaaasaran mong boss. Malay mo, makatulong siya sa iyo sa paga-apply sa bagong trabaho o kaya sa ibang bahagi ng iyong buhay. Pakisabi sa sarili: All is well that ends well.




[i] Lipman, V. (2015). People Leave Manager, Not Companies. Available at https://www.forbes.com/sites/victorlipman/2015/08/04/people-leave-managers-not-companies/#2fb40e547a94 (accessed June 11, 2017).

BAGO IPASA ANG RESUME

Hindi lahat ng job offer ay pinapasukan at tinatanggap. Remember: nag-offer si Taning kay Lord na mapasakanya ang mundo pero hindi kumagat si Lord.[i] Kasi hindi lahat ng job offers ay makakatulong sa iyo in the long-term. Always bear in mind your career plans.  Mahirap minsang tumanggi lalo na kung kumakalam ang iyong sikmura. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay maging short-term ang iyong pagdedesisyon. Practical tip: huwag kagatin ang isang trabaho na mas mataas ang cost kaysa benefits sa iyong buhay. Ito ang kailangan mong pag-aralan:

Work Venue. Araw-araw kang papasok sa trabaho kaya malaking konsiderasyon ito. It is recommended that your travel should never be too stressful as it may affect your work productivity. Huwag masyadong malayo dahil baka maubos ang oras mo sa pagko-commute. Umaga pa lang, amoy uwian ka na.

Work Schedule. Babaguhin ng trabaho ang takbo ng buhay mo dahil sa work schedule. Nasisira ang normal biological/body clock (circadian rhythm) ng marami. Maaari ding  masakripisyo ang panahon mo para sa iyong mga mahal sa buhay. Matutulog ka pa lang, papasok na sila. At kapag gising ka, sila naman ang natutulog.

Basic Wage/Salary. Dito minsan sumasabit ang marami. Dahil gusto lang magkatrabaho, pinapatulan ang kahit anong offer kahit wala nang matitira sa sweldo. Mag-compute muna kapatid. Do not work at a loss. Kung hobby mo lang ang magtrabaho, well, nasa iyo iyan. Mag-apply sa trabaho na may sapat na suweldo para makaipon ka. Unawain ang pagkakaiba ng daily wage at salary. Ang una ay binabayaran per hour samantalang ang pangalawa ay “fixed” na ibinibigay sa isang empleyado. May implikasyon ito. Mas may kalayaan ang mga wage earners kung gusto nilang palakahin o pababain ang kanilang sweldo dahil per hour sila, samantalang ang salaried ay tataas lamang ang natatangap kung may bayad ang kanilang overtime work. Kung masipag ang isang wage earner, puwedeng mas mataas pa ang swelduhin niya sa isang fixed salary worker.

Direct Hiring o Recruitment Agency? May mga agency na naghahanap ng mga empleyado para sa mga kumpanya. Mayroon ding mga “headhunters” na siyang agresibong naghahanap ng mare-recruit. Tandaan: recruiters work primarily for the companies and not for you. Ikakabit ka lang nila sa mga potential employers. Usually, kung dadaan ka sa agency, may “cut” sila sa kung ano ang makukuha mo. Idagdag mo pa ang kung ano-anong mga deductions. Kaya mag-cost-benefits analysis kung kailangang dumaan ka pa sa kanila o direkta kang mag-apply sa mga opisina.  

Usapang Lock-In Contract at Endo. May mga kumpanyang sa pagnanais na huwag silang iwan ng kanilang iha-hire nang ganun-ganun na lamang ay naglalagay ng lock-in period sa mga kontrata. Legal naman iyan. Magbasa ng kontrata kung ayaw mong matali sa kanila. Kapag may breach o paglabag sa employment contract, may legal consequences iyan. Pag-isipan nang mabuti. At dapat ay may kopya ka ng kontrata na iyong pinirmahan para ma-monitor mo kung sumusunod o lumalabag ang kumpanyang nag-hire sa iyo.

Impact on your Relationships. This is the overlooked element. Dito lagi babagsak ang lahat ng tanong mo kung pipili ka na ng trabaho. Tanungin ang sarili: paano ang magiging relasyon mo sa Panginoon, sa mga mahal mo sa buhay at sa iyong sarili kung yayakapin mo ang trabahong inaplayan mo?


[i] Matthew 4, Luke 4
Image Source: https://www.flexjobs.com

Thursday, April 13, 2017

ANO BA TALAGA ANG "CALLING" KO?

Lagi kong naririnig iyan sa mga kabataang kaga-graduate lang sa kolehiyo at mga young professionals na nababagot sa buhay. Nagtatanong sila kung ano ang next na magaganap sa kanilang buhay. Lutang na lutang sa tanong na ito ang katotohanang hindi lang tayo nabubuhay para magtrabaho, kumita at magtatag ng pamilya. We need to live for something definite.

Wala namang masama kung hindi pa malinaw sa iyo ngayon ang gusto mong gawin for the rest of your life. Unti-unting ipapaalam sa iyo ni Lord iyan. Do not be too hard on yourself by doing things just for the sake of doing them. The post-graduate life is a period for you to define and know what you really want to do in life. Preparation stage lang iyan and you don’t have to finalize your decision. Be open to possibilities. Isa na ako sa mga nakaranas niyan.

Inakala ko dati na I would spend my entire life in the academe. I love studying. Magmula kindergarten hanggang mag-kolehiyo, mahilig na akong magbasa, magsulat at mag-research. Modesty aside, nakakakuha naman ako ng matitinong grades kahit walang masyadong effort. Kasi gusto ko ang ginagawa ko. It dawned upon me one day na wala talaga sa academe ang puso ko. Kahit magaling ako sa aking ginagawa, hindi ko maiwan ang ministry na sinimulan ko noong ako ay pumasok sa kolehiyo. I should say that I can sacrifice the high salary and good status as an academic para tuparin ang nais ni Lord sa aking buhay na magministeryo sa mga kabataan. Isang kaibigan kong propesor sa UP ang nagsabi sa akin: “You know, Ronald, kung hindi ka umalis sa pagtuturo sa university, hindi lalago ang iyong ministeryo. Mas marami kang naaabot na kabataan ngayon.” I was relieved. May validation. May freedom akong naramdaman. In the same manner, may misyon ang Diyos sa bawat isa.[i]

Kapag nalaman mo ang calling mo, mas magaan at mas masaya ang magtrabaho. Kasi naka-align ka na sa plano Niya. Life-giving ang pagtupad sa calling. Hindi siya nakaka-stress kasi the joy of the Lord within you shall sustain you.[ii] I was reminded of the special calling ni Lord sa buhay ng kanyang mga lingkod. Si Pablo, confident na sinabi niya na he was “set apart from birth” ni Lord para siyang magdala ng Mabuting Balita sa mga Hentil (non-Jews).[iii] Ganundin si Prophet Jeremiah na bago pa man mabuo sa sinapupunan ng kanyang ina ay pinili na ng Panginoon para sa isang natatanging misyon na maging propeta sa Israel.[iv] I know, in my heart, hindi ko puwedeng takasan ang pagkakatawag ni Lord. Just like prophet Jonah, kahit saan ako magpunta, His stubborn love always reminds me of my special assignment from Him.[v]

May ilang maling kaisipan pagdating sa usapin ng calling. Una, ang calling hinahanap daw. Sa maraming pagkakataon hindi mo na siya kailangang hanapin dahil kung nasaan ka ngayon, iniligay ka ni Lord diyan for a purpose. Siya ang master director ng kasaysayan.[vi] Siya ang nagluluklok sa mga presidente at lider ng iba’t ibang bansa.[vii] Siya rin ang promotor kung bakit ka nariyan sa iyong kinasasadlakan. At kung sakaling hindi ka komportable ngayon, may purpose din siya para diyan.[viii] The biblical principle is that you remain in a situation (i.e. job, marriage) where God has called you.[ix] Don’t get this wrong in some instances. Kung may BF/GF kang alam mong hindi talaga “fit” para maging lifetime partner, mag-isip-isip ka. Laging may panahon para itama ang relasyon. Ang paghihiwalay minsan ay isang paraan upang umayos ang takbo ng iyong buhay.

Pangalawa, ang calling daw ay ang ating professional work. It is greater than that. Maganda sana kung ang trabaho mo kung saan ka kumikita ay ang pagkakatawag sa iyo. Nagi-enjoy ka na, secure pa sa iyong kita. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay ito ang sukatan ng calling. Puwede kang dalhin ni Lord sa pinakamalungkot, pinakamadilim at pinakamahirap na parte ng daigdig subalit mananatili kang masaya. Kasi doon ka tinawag. Hindi ka nagpilit.

Pangatlo, mas “higher calling” daw kapag nasa ministry ka. Ayusin natin ang utak natin sa bagay na ito. Everything should made to glorify God—sa simbahan man iyan o sa anumang lugar sa daigdig.[x] Hindi puwedeng paghiwalayin ang private sa public. Hindi lahat ng tao tinatawag ni Lord para mag-full time sa ministry. May tinatawag upang maging doctor, engineer, architect, pulitiko o kaya showbiz personality.

May pagkakataon nga kung sino pa ang bi-vocational (minister and secular worker) ay mas epektibo pa kumpara sa mga full-time minister. Bakit kamo? Kasi nga they know the culture of both worlds—church life and the secular environment. They can easily relate to them and make their messages relevant para sa lahat. Iba-'t ba tayo ng pagkakatawag kaya dapat alam mo kung ano talaga ang niche mo sa mundong ito. Else, mag-struggle ka kasi you are not cut out for the things you are doing. Square peg in a round hole ang labas mo. To know your calling, remember the word CALLED.

CONFIRMATION by God and men. Everything starts with God dahil Siya ang dahilan ng iyong ginagawa. May confirmation sa puso mo ang tawag ng Panginoon—that burning desire to do His plan. You know that in your soul and spirit.[xi] Ito ang tinatawag ni Martin Luther, Father of Reformation na “inward call” o ang “God’s voice heard by faith.” Mayroon ding external call o confirmation from your friends and loved ones. Sila mismo ang magsasabi sa iyo kahit hindi mo sabihin sa iyong sarili na tinawag ka para gawin ang isang bagay. Habang tumatanda ka, mararamdaman mo na waring may script ang buhay mo. You are going somewhere. Call those experiences random accidents. Pero may ibang gumagalaw sa buhay mo na hindi mo kontrolado. Gustuhin mo man o hindi, doon ka dinadala ng sitwasyon. I believe that it is the hand of the sovereign God in our lives.

ABILITY to do things. May mga bagay na sadyang magaling ka kahit hindi ka nagi-effort. Iyong iba nag-aral pa pero mas magaling ka pa. Isang indicator iyan na sadyang tinatawag ka sa ganyang gawain. You are created and designed to do a specific task.[xii] Natural sa iyo na maging excellent sa bagay na iyon. Hindi ka nagi-struggle. Saan nanggagaling ang galing na ito? Una, mula sa Panginoon. You are endowed with a special gift to do things. Pangalawa, mula sa special desire na si Lord din ang nagbigay kaya nagbuhos ka ng panahon sa isang bagay na naging dahilan para maging excellent ka.

LOVING what you do. You are happy with what you do. Kahit hindi ka bayaran. Kahit mamatay ka sa kagagawa niyan, hindi mo iyan bibitiwan. You can do it for the rest of your life. Because it is who you are. Pursue your passion and follow what your heart desires. Kapag masaya ka sa ginagawa mo, your energy shall never dissipate because the God who called you shall sustain you every step of the way. Life is short. Huwag mong sayangin ang oras mo sa mga bagay na hindi magka-count sa heaven. Minsan, hindi hinahanap ang calling, niyayakap lang. Huwag hanapin sa ibang lugar dahil ginagawa mo na. Kailangan mo lang mahalin at pagyamanin. Maraming bagay tayong ginagawa na hindi naa-appreciate at nare-recognize ng marami. It does not matter kung ang ating motibasyon ay mapangiti ang Panginoon. I would rather have the praise of my Maker than have the fleeting praises of men. Si Lord dapat ang unang matuwa sa lahat ng ating ginagawa.

LACK of peace if you fail to do it. When God calls you to do something, He would disturb you hangga’t hindi ka bumibigay sa nais Niya. The peace of God is a major indicator of a right decision.[xiii] Classic example diyan si Prophet Jonah na dumaan sa matinding pagsubok bago sundin si Lord. Huwag na ninyong hintaying lamunin kayo ng malaking isda. Anuman ang sabihin ng iba, maayos ang puso mo at hindi ka natitinag. Lalo na kung ang Panginoon ang nagbigay sa iyo ng go signal. Mas mainam at mas madaling tuparin and pangarap na ang Diyos ang naglagay sa iyong puso. Dahil hindi ikaw ang kikilos at gagawa ng paraan upang ito ay matupad kundi Siya na siyang may-akda nito. Parte ng pag-alam mo sa kalooban ng Diyos sa iyong buhay ay ang pagkakaroon mo ng kasiyahan at kapayapaan. Kung nasa sentro ka ng kalooban ng Diyos, you will never struggle because God is with you. Remember: In His presence, there is fullness of joy.[xiv]

ENCOURAGING others. Maraming natutuwa sa iyong ginagawa dahil natutulungan mo sila. The encouragement that you receive ignite your passion more. Siguro kung wala akong natatanggap na affirmation sa mga readers ng Lovestruck books, baka mag-isip akong itigil na ang series kasi baka hindi nakakatulong. Pero hindi e. Walang linggo na lumilipas na hindi ako nakakatanggap ng mga patotoo na natulungan sila ng libro at mga seminars na aming ginagawa. I really like what American author Frederick Buechner said about calling: “The place God calls you to is the place where your deep gladness and the world’s deep hunger meet.” Boom! Ang iyong calling ay kapag nagtagpo ang kaligayahan mo sa iyong ginagawa at ang pangangailangan ng iba. May saysay ang buhay mo. Hindi ka lang masaya, nakakatulong ka pa!

DYING to self. Makikita mo ang iyong sarili na nagiging invisible dahil hindi na ikaw ang nakikita ng tao kundi si Cristo na siyang gumagalaw sa buhay mo.[xv] Your life is the message. People don’t see you but rather the message you represent. You live to offer your being for a cause. Real success comes from the fact that you fulfilled what God wants you to do. Kung si Lord ang nagbigay ng desire na tuparin mo iyan, kahit anong batikos at panunuya ang matanggap mo, hindi ka nila mapipigilan.



[i] Ephesians 2:10
[ii] Nehemiah 8:10
[iii] Galatians 1:15-16
[iv] Jeremiah 1:5
[v] Jonah 1:1-3
[vi] Daniel 2:21
[vii] Romans 13
[viii] Genesis 50:20
[ix] 1 Corinthians 7:17-24
[x] Colossians 3:23
[xi] Romans 8:16
[xii] Ephesians 2:10, 1 Corinthians 3:5-6
[xiii] Philippians 4:7
[xiv] Psalm 16:11
[xv] John 12:24

Friday, January 06, 2017

PARA SA PERLAS* NG BUHAY KO


Hindi kita hinanap. Si Lord ang nagdala sa iyo sa aking harap. Hindi ako karapat-dapat na maging kabiyak mo. Pero si Lord ang nagbigay sa akin ng tulad mo. 

Hindi kumpleto ang buhay kapag wala ka. Hindi ako puwedeng imbitahan sa mga events kung hindi ka kasama. Hindi ko puwedeng iwan ang perlas ng aking buhay nang nag-iisa.

You have cared for me in ways I have never imagined. Maraming pagkakataon mo akong inunawa. Maraming pagkakataon na ikaw ay nagtiyaga. Maraming pagkakataon na alam kong hindi mo na kaya pero kinaya mo para sa akin. Indeed, you are the wind beneath my wings.

Nagdesisyon kang pasanin ang bigat ng mga isyu ko sa buhay. Hindi mo ako iniwan nang iwan ako ng aking mga kaibigan. Mahal mo nga akong talaga.

Madali mo akong napapatawad sa aking mga kahinaan. Nasasaktan kita pero nariyan ka lang. Nagmamahal. Umuunawa. Hindi mo ako iniiwan.

Hindi ka maluho sa buhay. Lahat ng mamahaling bagay na gusto kong ibigay sa iyo, madalas mong tanggihan. Lagi mong sinasabi sa akin, oras ko lang ang kailangan mo. Iyon ang mahalaga sa iyo hindi ang anumang yaman sa mundo.

Lumambot ang puso ko dahil pinaramdam mo sa akin kung paano ka magmahal sa iba. Hindi mo ako tinuruan, ipinakita mo sila. Kaya nasasaktan ako kapag hindi ka pinahahalagahan ng iba. Ganunpaman, hindi ka napapagod magmahal sa kanila.  

Mayroon tayong mga alitan na hindi na nakikita ng marami. Alam ko na kapag tumahimik ka. Hindi ko kayang tagalan ang mga eksenang iyan. Hindi ko kayang pasakitan ang babaeng nagmamahal sa akin nang lubusan.

Marami kang isinantabi para mapaligaya ako. Hindi matitigil ang pasasalamat ko sa Panginoon sa pagbibigay ng isang asawa, kaibigan, katuwang sa buhay na tulad mo.

Mahal na mahal kita Gie. Mahal na mahal.


*Ang pangalang Margarita ay nangangahulugang “perlas” sa wikang Latin

Sunday, July 24, 2016

KARAPATANG PANTAO SA GITNA NG PATAYAN

Ayon sa tala ng PNP-NCRPO, may 37 biktima ng extra judicial killings mula July 1 hanggang July 17. Higit na mas mababa ito sa ibinabalita ng media na mahigit nang 200 ang nabiktima. Iniimbestigahan pa kung sino ang pumaslang sa kanila. Kapansin-pansin na ang paulit-ulit na dahilan ng kapulisan ay “nanlaban” ang mga suspek kaya nagawa nilang gantihan.

Naging maagap ang Commission on Human Rights na bumuo ng isang task force, Task Force EJK (Extra-Judicial Killings) para silipin ang mga insidente. Isinusulong ni Senadora Leila De Lima ang pagkakaroon ng malalim na legislative inquiry sa mga kaso ng pagpatay. Iminungkahi rin ni Senador Kiko Pangilinan ang pagbubuo ng isang  Joint Judiciary Executive Legislative Advisory and Consultative Council (JJELACC) upang mapabilis ang pagdinig sa mga kasong ito at iba pang mga kasong inilalapit sa pamahalaan.

Tinatadahana ng Artikulo Uno ng Universal Declaration of Human Rights kung saan signatory ang ating bansa: Ang lahat ng tao'y isinilang na malaya at pantay-pantay sa karangalan at mga karapatan.

Hindi mapapasubalian na lumilikha ng “climate of fear” ang sunod-sunod na patayan. Maling isipin na hindi puwedeng pagsabayin ang pagprotekta sa karapatan ng mamamayan at pagsawata sa krimen. Bagaman sinasabi ng mga kapulisan na walang dapat ipangamba ang walang ginagawang masama, taliwas ito sa prinsipyo na dapat nasusunod ang “due process” upang patunayang may sala ang sinuman. Hindi nabibigyan ng pagkakataon ang mga biktima na ipagtanggol ang kanilang sarili sa korte.

Maging ang pagpaparada sa publiko ng mga hinihinalang kriminal o “walk of shame” ay labag sa batas, ang Anti-Torture Act of 2009 o RA 9745. Itinuturing itong isang psychological o mental torture (sec. 4b,10).

Mahirap tanggapin na ang mga patayang ito ay siya nang “new normal” sa ating lipunan. Kung nagagawa ng ilang nasa kapangyarihan na kitilin ang buhay ng mga kriminal nang ganoon na lamang, hindi malayong maging ang mga inosenteng mamamayan ay maaaring maging biktima ng ganitong kalakaran.

Kapansin-pansin na sa kabila ng serye ng extra-judicial killings wari’y naging matabang ang suporta ng marami na dapat managot ang mga may sala. Hindi na ito kabigla-bigla dahil sa malaking suportang inani ng pangulo sa nakaraang eleksiyon. Matindi pa rin ang suporta ng kasalukuyang administrasyon lalo na sa social media.

Madalas, sinasawata ang illegal drugs mula sa  “supply side”--lansagin ang drug factories, ikulong ang mga pusher at iba pa. Kung pag-aaralan ang mga bansang nagdeklara ng “war against drugs” tulad ng US, Columbia at Thailand, hanggang ngayon ay nakikibaka pa rin sila sa problema. Kahit ilang libo na ang napatay ng kanilang mga kampanya ay hindi pa rin nila mapuksa ang salot na ito ng lipunan. Mas mainam na tutukan ang “demand side” o mga tumatangkilik ng droga. Kahit ilang "surrender en masse" pa ang gawin ng mga local chief executives, babalik pa rin sila sa kanilang mga bisyo kapag hindi naayos ang kanilang kabuhayan at pananaw sa buhay. Solusyunan ang kahirapan at paigtingin ang drug abuse prevention programs.

Gaano man kasama ng isang drug addict o drug pusher, huwag kalimutang mayroon siyang karapatan sa ilalim ng batas. Kailangang iharap siya sa korte upang maipagtanggol ang kaniyang sarili at ituring siyang “innocent until proven guilty”.

Malinaw ang pahayag ng Panginoon ukol sa paggamit ng karahasan—ang nabubuhay sa patalim ay sa patalim din mamamatay (Mateo 26:52). Marami sa mga karakter sa Bibliya ay binigyan ng pangalawang pagkakataon ng Diyos upang mabuhay—Cain, David at Saul. Maging ang Panginoong Hesus ay hindi nagawang parusahan ang babaeng nahuli sa pakikiapid (John 8). Ang kaniyang awa at habag ang mas dapat na manaig higit sa pagpaparusa.

Hindi lang ito usapin ng ilegal na droga kundi pagprotekta sa buhay ng tao na nilikha sa imahe ng Diyos. Ngayon mas dapat paigtingin ng pamahalaan ang pagpapatupad ng batas at papapatibay sa ating justice system. Minsang sinabi ni Mahatma Gandhi ng India: “An eye for an eye, makes the world go blind.”

Picture sources: http://newsinfo.inquirer.net/797704/suddenly-they-were-pushers and Mark Zaludes FB account

Wednesday, April 20, 2016

THINGS TO CONSIDER IN 2016 ELECTIONS

If we really desire to push this country forward several things must be considered in this upcoming elections.

1. Continuity and protection of gains of previous administrations. The next president should recognize the achievements of his/her predecessors, not curse them. He/She must be willing to build up, not tear down. We cannot reboot the country over and over again. We have become a "changeless land" in the process.

2. Politics of action must be evident and consistent. People are already fed up with cosmetic politics (papogi) and mere demagoguery. They have been clamoring for significant and tangible change, especially in the workings of the bureaucracy and public service delivery. Political will among the country's top leaders is really hard to come by. They should have the mettle to push for genuine "inclusive development" which can be appreciated by the common "tao." Economic statistics should fill their stomachs.

3. Poverty reduction, if not eradication, must be really prioritized. Again, PRIORITIZED. It has been a major cause of our endemic, attendant issues (i.e. crime and corruption). The next leaders should really be "intentional" in addressing this social evil, not with palliative solutions, but with long-term, empowering approaches. People, must also feel that their leaders really identify with their social, cultural, and economic hurts and pains.

4. Changes in the way we do politics are long overdue. We have yet to change our narratives and discourses of reformism, populism and clientelist politics. This vicious cycle emanates from institutional weaknesses (i.e. legislation, electoral rules, arty politics) which privilege the elites and dismiss the ability of the "have-nots" to contribute in nation-building.

5. Radical transformation in the collective psyche and pathos of the people. We have become a nation of "reklamador". Our political engagement is undoubtedly reactionary. We need to transition from politics of complaint to politics of moral revival. It has always been a "heart issue." A strong leader may inspire the people but it is still the individuals who need to change for the better, first and foremost.

‪#‎genuinechange‬ ‪#‎politics101‬

Sunday, April 03, 2016

AFTER HIGH SCHOOL LIFE, WHAT'S NEXT?

Mahirap makalimutan ang high school life. Crazy days. Sandamukal na bloopers ng teenage years. May schedule ang silay sa crush. Ubusan nang lakas na practice for school presentations. First exposure sa kung paano mag-cram sa isang project. Emotional testing kung bumabagsak sa quizzes and exams. At ang pinakahighlight: walang katapusang bonding with friends. 

Noong panahon ko wala pang K to 12 program. Ang aming 4th year high school ang Grade 10 ninyo ngayon, na sakop ng inyong Junior high school. Classified na high school student pa rin kayo ngayon noong panahon nasa 1st and 2nd year college na kami. Maaga kaming binulaga ng college life.

Sa kasalukuyang sistema, sa Senior High School, may tatlong education tracks kang pagpipilian: Academic with three sub-tracks (Business, Accountancy, Management (BAM); Humanities, Education, Social Sciences (HESS); and Science, Technology, Engineering, Mathematics (STEM)); Technical-Vocational-Livelihood; and Sports and Arts.

Palagay ko, by the time na natapos mo na ang Junior High School level, may ideya ka na kung ano ang tatahakin mong karera. Bibigyan kayo ng mga diagnostic tests para malaman ninyo kung saan kayo magaling o mas bagay ang inyong skill-set. Crucial sa gagawin ninyo after high school ang identification ng inyong “intelligence”. Mas hayahay o madali ang pag-aaral kapag alam mong naroon ang competency mo at nagi-enjoy ka sa iyong ginagawa.

Hindi ka puwedeng high school student forever. Pagtanggap mo ng iyong high school diploma, ano naman ang buhay na naghihintay sa iyo?

Of course, relax mode muna. Chillax. Summer is bonding time with barkada. Leading to the opening of academic year, unti-unting i-switch ang utak at kaluluwa to academic o work mode.

Sa mga financially-challenged, seryosohin ang inyong Senior High School years upang maihanda ang inyong sarili sa pagtatrabaho. Pagkatapos mo ng Grade 12, 18 years old ka na. Ito na ang edad na pinapayagan ka na ng batas upang maging bahagi ng workforce. May mga certification tests kayong dapat ipasa na ina-administer ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) kung nais ninyong madaling matanggap sa mga kumpanya.

May fulfillment kapag kumikita ka na ng salapi. Napakagandang tanawin ang iyong mga mahal sa buhay ay masaya dahil natutulungan mo sila. Isang focus ninyo sa pag-aaral: ang tumanaw ng utang na loob (na hindi matatapos of course) sa mga magulang at mahal sa buhay na nagsikap upang makatapos kayo ng pag-aaral. Mahalin nang lubos ang inyong pamilya.

Kung kaya pa ng inyong pondo, promising naman ang college life. Kumpara sa amin noon, palagay ko, mas physically, emotionally, intellectually at socially mature ang inyong henerasyon. Mas matagal ang panahon ang inilagi ninyo sa high school.

Ibang iba ang college atmosphere. Mas demanding ang pag-aaral. Dapat matutunan mong maging mandirigma kapag stressful ang registration process every semester/term. Mas maraming lessons and reading materials kaya bawal ang tamad. Kung noong high school ay pumapasa ka kasi naaawa sa iyo ang mga guro mo, hindi na puwede ang ganiyang style sa tertiary level. You would be treated as adults by your professors. Sink or swim ang labanan sa maraming pagkakataon.

Choose a course according to your passion and strength. Mahirap kunin ang kursong sa simula pa lamang ay hindi mo na minamahal. Siguradong magi-struggle ka. Mahirap tuparin ang pangarap ng iba. Isyu ito sa marami lalo na sa mga kabataang pinapaaral ng mga mahal sa buhay na may conditionality ukol sa kursong nais nilang ipatapos. Ang aking payo: maaari mong subukan baka kasi matutunan mo ring mahalin. Pero kapag kakaiba na ang iyong performance at wala ka nang kapayapaan, huwag mo nang patagalin. Magsasayang ka lang ng pera at panahon. Lugi ka at ang nagpapaaral sa iyo.

Learn to deal with characters. You would meet in your college/university people of different stripes and colors. Be willing to understand before being understood. Develop your people skills lalo na kung may mga group project and activities. Mahirap gumawa ng thesis and research projects nang nag-iisa. Kayang-kaya mo pero mami-miss mo ang kakaibang saya.

Befriend your professors who could also be your life mentors after college. Absorb all their wisdom sa mga regular consultations and casual chats sa cafeteria kung may pagkakataon. Read their research and publications para may ideya ka kung paano maging disiplinado sa pag-iisip at pagsusulat.

Huwag panay libro ang kausap. Join campus organizations which further enhance your personality and skills. You must enjoy, not endure your college life. Ika nga ni Mark Twain, never let your studies interfere with your education.

Sunday, February 21, 2016

KAPAG NAG-IINGAY ANG MGA "MANANAMPALATAYA"

Katulad ng ibang pananampalataya/relihiyon, hindi isang monolithic bloc ang sangka-Cristianohan. Dahil sa iba't ibang pananaw sa ilang doktrina at nakagawiang tradisyon, hindi na nakakabigla na magkakaiba rin ang pagtugon ng iba't ibang grupo sa mga isyung panlipunan. 

Makikita sa Body of Christ ang iba't ibang kulay at tindi ng pakikisangkot. May mga ayaw makialam at wari'y nagtatayo ng kanilang "private stairway to heaven". Mayroon namang sa sobrang tindi ng social engagement ay nagkaroon ng holier-than-thou attitude dahil lubos na pinupuna ang mga hindi sumasama sa kanilang mga rally at demonstrations. Mali ring sabihin na ang initiative ng isang church leader/bishop, denomination o umbrella organization ay kumakatawan sa lahat ng mananampalataya sa bansa.

Kapansin-pansin din na marami ang “reactive” at hindi “proactive” sa kanilang mga adbokasiya. Walang malinaw na "reform agenda". Reactive dahil pasulpot-sulpot lang ang pananalita. Kung kailan lang “feel” at kapag kalapit lang ng damdamin ang involved. Huwag na tayong lumayo. Kung ibo-boycott ang NIKE, bakit hindi rin iboycott ang ibang kumpanya na sumusuporta sa same-sex marriage katulad ng Starbucks at Apple? Huwag na kayong sumakay sa American Airlines, kumain ng Snickers at Kellog’s cornflakes. Huwag na kayong mag-aaply sa Accenture at JP Morgan and Chase, bibili ng items at appliances sa GE, Amazon at eBay online. Lahat sila ay naniniwala that “Love is Love”. Bakit napaka-selective ng mga nagsasabing against same-sex marriage sila?

Kapag laging "reactive" lang at "selective" ang mga mananampalataya sa mga social issues, nagmumukhang kontrabida ang Panginoon. Kasi nga, mas malinaw lang kung saan lang sila "opposed". Laging kontra pelo ang peg ng buhay. Kaya ang tawag sa mga Born-Again Christians, "born-against" sa buhay ng marami. Resulta: maraming tao “allergic” na lumapit sa Panginoon dahil hindi pa pumapasok sa church ay "condemned" na.

May “kuyog mentality” rin ang maraming taong-simbahan. Ang iba sumusunod sa mga lider kahit palyado ang lapit sa isyu at pamamaraan upang maipahayag ang mensahe. Sunod lang nang sunod ang mga miyembro na hindi naturuan na magproseso ng isyu. Little knowledge is dangerous. Si Lord ang mas una nating sinusundan, hindi ang ating mga lider-simbahan.

Huwag rin ipagkamali na ang "maiingay" lang ang naninindigan. Mas matndi ang puwersa ng “silent majority” na nagaabang lang ng tamang panahon para kumilos. Madalas, kung sino pa ang tahimik ay siyang matalinong nag-iisip bago umaksiyon at hindi lang nagpapadala sa matinding emosyon at misguided na mga damdamin. Hindi paralysis by analysis iyan kundi pangunguna sa mapanlinlang na damdamin.

Balansehin natin ang pagtingin sa mga isyung panlipunan. Truth and grace. Hindi natin puwedeng ikompromiso ang katotohanan ng Salita ng Diyos. Ganundin, hindi natin dapat kalimutan ang pagmamahal sa ating kapwa na siyang dahilan kung bakit namatay si Cristo sa Krus ng Kalbaryo. Madalas, nagiging malabnaw ang dating ng katotohanan sa iba kapag ibinalandra na ang galit at poot.

May mga bagay na hindi mo dapat asahan sa mga hindi naniniwala. Pero hindi ibig sabihin ay ititigil na natin ang pagmamahal sa kanila. Hindi tayo dapat magtayo ng mga makakapal na pader na maghihiwalay sa atin sa kanila. Kung paano tayo inunawa at tinanggap ng Diyos noong tayo ay naglulublob pa sa kasalanan at uber-pasaway pa, ganundin dapat ang maging pananaw natin sa mga wala pang relasyon sa Kaniya. Hindi tayo mas banal sa kanila, nauna lang tayong tumugon sa kaligtasan na inaalay ng Panginoon para sa lahat.

TANDAAN: Hindi tao ang ating kalaban. Ang ating sinasagupa ay ang espiritu at kaisipang umaalipin sa mga tao kung bakit nagpapatuloy ang kasalanan. Kailangang mabago ang puso ng tao upang mabago ang lipunan. Katulad ng itinuro sa atin ng Panginoon, His kingdom can come on earth if people shall repent of their sinful ways. JESUS CHRIST WINS!

Monday, December 21, 2015

SAMPUNG PAMANANG ARAL NI TATAY

Ilang beses nang muntikang hatakin ni kamatayan ang buhay ni Tatay. Panay traumatic. Panay matindi ang dahilan. Ang una ay nang ma-assign siya sa Talipao, Sulu. Muntikan na siyang mapatay ng mga rebeldeng sniper.  Kalahati lang ng tropa niya ang natira. Isa siya sa mga great survivor.

Ang pangalawa ay noong December 1989 Coup D’etat. Umuwi siya sa bahay na may tama ng baril ang kaniyang armalite. Narinig ko ang sinabi niya kay nanay na ayaw na niyang bumalik sa field at baka may mangyari pa sa kaniya.

Ang pangatlo ay noong minsang muntikan na siyang masagasaan ng isang rumaragasang truck sa kalye kung saan naroon ang street vendor na pinagbilhan niya ng sigarilyo. Patay ang vendor. Napauwi siya sa bahay. Umiyak sa harap ni nanay. Pagkatapos noon ay nanalangin silang dalawa at nagpasalamat.

Masasabi kong pinalambot ni Lord ang puso ni Tatay sa ganitong mga sitwasyon. Hindi man niya masabi sa amin, nananampalataya kami na nakasuko ang buhay niya sa Panginoon. Kaya, hindi nakakapagtakang, uber-supportive siya sa ministeryo naming magkakapatid. 

Mabuti ang Diyos. Kinuha niya si Tatay sa payapang paraan. Hindi siya nanggambala. Sa kaniyang mahimbing na pagtulog nilisan niya kami. Sa kabila ng banta ng kaniyang heart illness, hindi siya nagparamdam sa amin na kailangan niyang alagaan. Lumaban siya at nagsikap gamutin ang sarili. Tatay na tatay. Mas concern pa rin niyang maayos kami at hindi nag-aalala.

Hindi namin siya maaaring kalimutan dahil sa kaniyang halimbawa at pamana na itinanim sa aming puso, kaluluwa at isipan. Sa maraming pagkakataon, hindi niya kami diretsong tinuruan. Ipinakita niya sa amin kung paano maging matulungin at maunawain sa kapwa.  Ito ang sampung aral na babaunin namin sa aming pagtanda.
  1. Tuparin ang katungkulan bilang ama, protector at provider ng pamilya.
  2. Always make yourself available for your loved ones sa panahon na kailangan ka nila.
  3. Tumulong hangga’t kaya.  Kunin ang kasiyahan sa pagtulong sa iba.
  4. Huwag masilaw sa salapi. Mas mahalaga ang mabangong pangalan kaysa anumang yaman sa mundo.
  5. Be proud of your children. Itataas niyan ang self-esteem nila.
  6. Manindigan sa iyong paniniwala ngunit huwag ipagpilitan ang nais kung ayaw tanggapin ng iba.
  7. Makisama kahit sa pinakaabang miyembro ng lipunan. Tulad ka rin nila.
  8. Magsikap mag-aral at tuparin ang mga pangarap.
  9. Maging masayahin kahit dumaraan sa pagsubok.  Smile and the world shall smile with you.
  10. Mahalin nang husto at maging tapat sa iyong asawa. Panatilihing buo ang pamilya.
Mami-miss kita nang sobra Tay. Dadaanan namin ang panahon pagluluksa. Pero matatapos rin ito at muling kaming kakapitan ng saya at tuwa.  Salamat Panginoon sa pagbibigay sa amin ng isang mapagmahal na ama.

Wednesday, December 09, 2015

10 MARRIAGE LESSONS SA "A SECOND CHANCE"



1. Hindi dapat isandig ang relasyon sa nagbabagong emosyon kundi sa pagdedesisyon na mahalin ang iyong partner sa hirap man o ginhawa.

2. May financial realities ang buhay subalit huwag masosobrahan sa katatrabaho. Mas mahalaga ang inyong mahal sa buhay kaysa anumang yaman sa mundo.

3. Dapat na magpasakop ang mag-asawa sa isa’t isa (mutual submission). Mutual respect, mutual caring, and mutual development are a must.

4. Mahalaga ang social support lalo na kung dumadaan sa matinding pagsubok ang magkabiyak. Sila ang inyong kanlungan sa gitna ng kalungkutan at bigat ng kalooban.

5. Ang nakaraan ay nakaraan. Hindi na dapat binabalikan ang mga bagay o relasyon na makakasira sa samahan.

6. Settling disputes start from from active listening. Know when NOT to talk. Makinig at magobserba kung paano pinapaabot ng iyong partner ang kaniyang mensahe.

7. Laging buksan ang communication lines. Hindi lang basta pag-uusap kundi isang malalim na ugnayan--puso sa puso, kaluluwa sa kaluluwa, isip sa isip.

8. Pagtiwalaan ang iyong asawa sa anumang isyu na iyong sinasagupa. Never underestimate his/her capacity to understand your issues.

9. The best way to win a quarrel is not to engage in it. Kung hindi maiiwasan ang alitan, fight well. Dapat mauwi pa rin iyan sa mas matibay na samahan.

10. Huwag mapagod magpatawad. Maraming masamang ugali ng iyong partner ang hindi madaling baguhin. Hence, we must be more tolerant of each other’s imperfections. Instead of being frustrated about your inadequacies, you should work together to be better people.

Tuesday, July 28, 2015

Ang Huling SONA: So, Ano Na?

Sa pinakahuling State of the Nation Address (SONA) ng pangulo, ipinasa niya sa sambayanan ang hamon kung ang kaniyang naisakatuparan ay ang “simula” ng pagbabago sa pamamahala o siyang “wakas” ng kaniyang kampanya ukol sa “daang matuwid.” Aminado ang pangulo na ang 2016 elections ay isang “referendum” kung nasa kaniya pa rin ang kumpiyansa ng sambayanan.  

Katulad ng inaasahan, nagbalik-tanaw ang pangulo sa itinuturing niyang mga kapalpakan ng administrasyong Arroyo---magmula sa kakulangan ng silid-paaralan hanggang sa high-profile corruption cases sa NBN-ZTE deal, NFA, PAGCOR, LLDA at MWSS. Bilang paghahambing,  ipinagmalaki niya ang mga dakilang nagawa ng kaniyang administrasyon: pagtaas ng kumpiyansa ng pribadong sektor sa pamahalaan, pagtaas ng tax collection, pagdami ng mga trabahong nalikha ng TESDA at ang positibong epekto ng Pantawid Pamilya Program (PPP) sa mga nagdarahop nating kababayan.

Nabanggit rin ang pagsisikap ng pamahalaan na i-upgrade ang mga gamit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP). Nangako rin ang pangulo na matitikman na ng publiko ang magandang serbisyo sa MRT sa susunod na taon kung kailan darating ang mga bagong bagon.

Malinaw ang marching orders ni PNoy sa Kongreso: ipasa ang Basic Bangsamoro Law, ang Anti-Political Dynasty Law, Rationalization of Fiscal Incentives at Unified Uniformed Personnel Pension Reform Bill. Kailangan ng matinding political will para mapasa ang mga batas na ito lalo na ang BBL na matagal nang tinanggihan ng Senado at Anti-Political Dynasty Law ay babangga sa mahigit 90 porsyento na miyembro ng Kongreso.

Unawain natin na ang SONA ay laging nakatuntong sa ideyang kailangang  patingkarin ang mga nagawa ng pangulo. Huwag nang asahang sasabihin nito ang buong katotohanan ukol sa kundisyon ng bayan dahil may imahe itong kailangang protektahan.

Kailangang ipagbunyi ang magagandang nagawa ng pangulo subalit kailangang maging makatotohanan rin tayo sa pagtitimbang kung natupad ba ang mga ipinangako ng kaniyang administrasyon.

Nagsimula ang Pangulo na bitbit ang mataas na public expectation. Mula sa kaniyang “anti-wang-wang” speech, ipinangako niya ang matinding moral revolution. Siya ang nagbansag sa sambayanan bilang kaniyang “boss”. Kaya, inasahan ng marami na makikinig siya sa kanilang hinaing at hindi na uulitin ang mga katiwalian ng mga nauna sa kaniya.  

Sa pagtantiya ng maraming sumusubaybay sa kaniyang pamamahala, maraming bagay ang tila ba ay hirap na hirap ibigay ng pangulo. Nangunguna na rito ang pagpasa ng Freedom of Information (FOI) Bill na magbibigay-kapangyarihan sa mamamayan upang mapuksa ang katiwalian sa pamahalaan. Ito sana ang isa sa pinakamatindi niyang political legacy. Sa aspetong ito, naging paasa ang pangulo.

Bagaman sinabi ng pangulo na ang tanging paraan upang maka-move on ang sambayanan ay kung makakamtan ang katarungan laban sa mga corrupt sa pamahalaan, kapansin-pansin ang selective justice system ng kaniyang administrasyon. Mabilis na kinakasuhan at pinapakulong ang mga kalaban sa pulitika subalit usad-pagong ang pag-follow-up sa mga kasong kasabwat ang kaniyang mga kaalyado. Sampal ito sa daang matuwid na kaniyang pinangangalandakan.  

Aminado ang presidente na marami siyang pagkukulang na kailangang unawain ng marami. Sa kabila ng lahat, ginawa niya ang pinakamainam na kaniyang magagawa upang solusyunan ang mga problema ng bayan.

Totoong napakaikli ng anim na taon upang umasa tayong kayang baguhin ng pangulo ang ating bayan. Ang katotohanan, hindi niya ito trabaho mag-isa. Ang hamon ngayon ay kung paano maipagpapatuloy ang kaniyang magandang nasimulan at paano tuluyang wawakasan ang korupsyon sa lipunan. Magpapatuloy ba ang kaniyang konsepto ng “tuwid na daan” o ibabaon na ito sa baul ng kasaysayan? Sa 2016 elections, sasagutin iyan ng sambayanan.

Monday, March 30, 2015

TINIMBANG NGUNIT SADYANG KULANG

Sa paglabas ng Board of Inquiry report ng PNP ukol sa pagkamatay ng 44 SAF troopers sa Mamasapano, Maguindanao, inilabas rin ang final report ng Senate tri-committee. Nagkaisa ang dalawang report sa pagsasabing may pananagutan ang presidente sa napurnadang police operations.

Pinuri ng mga report ang pagnanais ng pangulo na magtagumpay ang peace negotiations sa Mindanao subalit natabunan ang papuring ito ng mga negatibong konklusyon. Lumalabas na wala talagang maayos na koordinasyon sa nangyaring operasyon. Ang Presidente ang nanguna subalit maraming mga opisyal ang hindi nakakaalam sa operasyon. Ayon sa Senate report, may kapangyarihan ang Presidente bilang Commander-in-Chief ng AFP na gamitin ang napakarami nitong military resources upang magtagumpay ang operasyon subalit hindi nito ginawa. Dahil usapin ito ng tiwala sa magkabilang panig, kailangang isuko rin ng MILF ang mga sundalo nitong sangkot sa kaso na ayon sa mga report ay hindi misencounter kundi isang massacre.

Kahit sisihin pa ng president si Special Action Force Chief Getulio Napenas, sa President pa rin babagsak ang sisi dahil siya ang Commander-in-Chief at overseer ng local government units na siyang may kontrol sa PNP. Isa pa sa naging matinding pagkukulang ng Presidente ang pag-uutos sa isang suspendidong PNP chief upang manguna sa operasyon.  Dahil dito, inirekomenda ng PNP report na dapat linawin ang operational procedures ng ahensiya at at paigtingin ang cross-training ng PNP at AFP personnel  lalo na sa ganitong uri ng operasyon. Kailangang linawin ang mga regulasyon ukol sa kooperasyon ng dalawang ahensiyang ito ng pamahalaan lalo na sa mga tinatawag na High-Value targets (HVTs).

Kahit nagpahayag na si Senate President Franklin Drilon na maipapasa ang BBL Bill sa Senado sa kanilang self-imposed deadline bago matapos Hunyo, wala pang kasiguraduhan na talagang papasa ito sa House of Representatives. Marami nang mambabatas ang nanlamig na suportahan ang panukala. Kung titingnan ang 16 na senador na pumirma sa final report ng Senate tri-committee inquiry, maaaring dumaan sa butas ng karayom ang BBL Bill sa deliberasyon sa Senado. Dito masusubok kung talagang buo pa rin ang suporta ng miyembro ng Kongreso sa pangulo.

Sa pagbulusok ng kumpiyansa ng sambayanan sa Pangulo, may umaalingawngaw na panawagan —mag-resign siya, i-impeach siya ng Kongreso o magdaos ng coup d’etat. Kung hindi niya nagawang aminin na siya ay nagkasala sa Mamasapano operations, huwag na nating asahang gagawin niya ang una. Dahil majority party ang Liberal Party sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, malabo ring umusad nang mabilis ang isang impeachment case. Ipinahayag rin ni AFP Chief of Staff General Catapang na malayong magkaroon ng pag-aaklas sa kanilang hanay dahil lamang sa Mamasapano incident.

Hindi maaaring mawala ang command responsibility sa usaping ito lalo na at may nagbuwis ng buhay. Idiniin ng Senate report na kailangang magpakita ng tunay na karakter ang presidente at umamin sa mga mali nitong naging desisyon.

Hangga’t hindi nabibigyan ng hustisya ang pagpatay sa SAF 44, mananatili itong hadlang sa pagpasa sa Basic Bangsamoro Law Bill na pinaghirapan sa loob ng dalawang dekada. Malinaw na ang proseso ng kapayapaan ay dapat sabayan ng paghahanap sa hustisya para sa mga nasawi. Higit sa lahat, ang Pangulo ang pinakamataas na lider ng bansa. Siya rin ang dapat unang magpakita ng pagpapakumbaba.

Ano ngayon ang paraan upang mapanagot ang pangulo sa kaniyang pagkakamali? Ang pinakalehitimong paraan ay ang pagsingil sa kaniya sa darating na 2016 national elections. Inaasahan na sa paglapit ng halalan, magpupulasan mula sa Liberal Party ang mga pulitikong miyembro nito na ayaw mabahiran ang pangalan dahil sa pagiging kapartido ng pangulo. Hindi rin imposible na kasuhan ang pangulo sa pagtatapos ng kaniyang termino. Sa pagdaan ng panahon nagkaroon ng kultura ng “retaliatory politics” sa mga lider na nahatulan ng korupsyon. Ito ang kailangang paghandaan ng pangulo sa mga susunod na taon.

Tuesday, January 27, 2015

Ang Una Kong Memory Verse

Anim na taon ako nang mabuklat ko ang 1905 Tagalog King James Version ng aking lola na siyang unang naging mananampalataya sa aming pamilya. Ang sarap basahin ng old Tagalog verses. Kahit nawi-weirdohan ako sa ispeling ng ilang salita, para naman akong nata-time space warp sa panahon ng Doctrina Cristiana noong panahon ng mga Kastila.

Sinanay kaming dumalo ng Sunday service. Pinagdadala kami ng mabibigat na black bible at bibigyan ng barya para ilagay sa malaking kahon sa harap ng altar kapag offertory period na. Tuwing bakasyon, regular kaming pinadadalo ng Vacation Bible School. Enjoy sayawin ang Filipino version ng “If I were a butterfly”. Ibang level ang talas ng aking memorya. Feeling ko mas madami akong alam na memory verses noon kaysa ngayon.

Pero sa lahat ng aking nabasa, isang Bible verse ang tumatak sa mura kong isipan. Ito ang unang Bible verse na ipinakabisa sa amin ni Teacher Cora. Lubos kong naunawaan ang kahulugan nito nang magkaroon ako ng personal na relasyon kay Cristo mahigit sampung taon ang nakalipas. Ito ang bumuhay sa aking espiritu upang mas lalong kilalanin ang Panginoon.
Kinabukasan, nakita ni Juan si Jesus na lumalapit sa kanya. Sinabi niya, "Narito ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan! (Juan 1:29)
Nakakatuwang isipin na ang una kong imahe ni Jesu-Cristo ay isang tupang alay—mapagkumbaba at handang mamatay para sa ating lahat. Ika nga ni San Pablo (Roma 8:5). 
Mahirap mangyaring ialay ninuman ang kanyang buhay alang-alang sa isang taong matuwid---bagamat maaaring may mangahas na gumawa nito alang-alang sa isang mabuting tao. Ngunit ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo'y makasalanan pa.
Laging binabalik ako ng pangungusap na ito sa katotohanang walang ibang makakapaglinis ng aking puso at damdamin maliban kay Jesu-Cristo. Namatay siya sa krus para sa akin hindi dahil mabuti ako kundi mabuti Siya. Taal akong makasalanan (Roma 3:23, 6:23). Si Jesu-Cristo ang naging sakripisyo upang mapahinuhod ang Diyos at upang maging matuwid ako sa paningin Niya (2 Corinto 5:21).

Hindi hinintay ni Lord na maging mabait ako, maging maayos ang ugali, maging banal, bago siya nagdesisyon na mamatay para sa akin. Minahal na Niya ako kahit ako ay sobrang pasaway at rebelde sa lahat ng Kaniyang naisin.

Nasa atin ang Bibliya upang makilala nang lubos si Jesu-Cristo. Siya ang tunay na laman ng bawat pahina nito. Tandaan: mahirap isapuso ang Salita ng Diyos kung hindi muna natin maisasaulo. Ganundin, nagbabasa tayo ng Bibliya hindi upang magkamal lamang ng impormasyon. Binabasa natin ito upang lubos nating makilala ang ating Manlilikha at baguhin tayo ng Kaniyang Salita.

Ikaw, ano ang unang memory verse mo?

Friday, January 02, 2015

MGA TINAMAAN TAYO NG PAPUTOK!

Sa isang bansang masayahin at maibigin sa fiesta at pagdiriwang, bahagi na ng ating kultura ang magpaputok. Isa sa inaabangang kaganapan ay ang magagandang fireworks display sa pagsalubong sa bagong taon at pagiingay upang mapalayas raw ang masasamang espiritu sa pagpasok ng taon. Ngunit sa kabila ng kasiyahang dulot ng makukulay na paputok, mayroon ding bantang panganib ang iresponsable nitong paggamit. Ito ang kailangan ng agarang solusyon.

Kakabit na ng pagdiriwang natin sa bagong taon ang pangamba na may masusugatan,  mapuputulan ng kamay at daliri, masusunugan at masasawing buhay dahil sa ligaw na bala. Napapalitan ng kalungkutan ang anumang kasiyahan. Taon-taon, laging naka-white alert ang hospital sa iba’t ibang panig ng bansa hanggang ika-5 ng Enero.

Nagiging ritwal na lamang sa media ang pagpapakita ng mga duguan at umiiyak na mga biktima. Bagaman nakakatulong ang mga nakakarimarim na mga imahe na ipinapakita sa publiko, hindi ito sapat upang wala nang mabiktima.

Sa pagsalubong ng taong 2015, ayon sa report ng Department of Health, mas bumaba ang porsyento ng nabiktima ng paputok. Ganunpaman, aminado rin si acting DOH secretary Janette Loreto-Garin na isang “unnecessary government expenditures” ang paglalaan ng P70M ng gobyerno para lang sa mga mabibiktima ng paputok.

Nangungunang potensiyal na maging biktima ng pagdiriwang ang maraming kabataan na siyang gumagamit ng mumurahing paputok tulad ng piccolo at watusi. Hindi lamang iyan, marami rin sa kanila ang ginagamit bilang child laborers sa mga pabrika ng paputok, isang bagay na kailangang seryosong tutukan ng pamahalaan.

Matindi rin ang masamang epekto sa kalikasan at kalusugan ng mga pulbura na nagkalat sa hangin at lansangan matapos ang magdamag na pagpapaputok. Sangkaterba ring mga papel, sunog na mga gulong at mga dumi bunga ng pagdiriwang ang kailangang linisin.

Sa lahat ng ito, panahon na upang amyendyahan at pag-aralan muli ang implementasyon ng Republic Act 7183 na siyang nagtatakda ng regulasyon ukol sa paggawa at pagbebenta ng mga paputok. Bagaman naging matagumpay ang batas upang mapigilan ang ilegal na paggawa ng paputok sa mga lokal na industriya, tumataas naman ang pagdagsa ng mga imported pyrotechnics na hindi nakokontrol ng pamahalaan.

Kailangang ugatin natin ang problema. Mas kaunting magpapaputok, mas bababa ang bilang ng mabibiktima. Marapat lamang pakinggan ang panawagan na magpasa ng batas na magbabawal sa pagpaputok sa buong bansa lalo na sa mga residential areas. Sa kasalukuyan, may nakahain sa Senado na mga Bills mula kay Senador Miriam Defensor-Santiago at Tito Sotto. Sa dami ng nabibiktima ng paputok taon-taon, dapat lamang na bigyan-pansin ang mga legislative proposals na ito.

Mahalaga ang papel na gagampanan ng mga local government units sa isyung ito. Kung nagawa ng Davao City simula pa noong 2001 na gawin ang torotot bilang alternatibong paingay sa pagsalubong ng taon, kaya rin itong gawin ng ibang siyudad at munisipalidad sa bansa. Sa katunayan, sumunod na ang ibang LGUs tulad ng Muntinlupa City, Pateros, Baguio City, Zamboanga City, Kidapawan City at Bacolod City. Usapin lang ito ng political will ng mga local chief executives.

Huwag nating atakihin ang sintomas kung hindi sugpuon ang ugat ng problema. Kung masasawata ang pagpapaputok, unti-unti ring masasawata ang bilang ng mga nabibiktima. May mas mainam at ligtas na paraan upang salubungin ang taon. Gawing sentralisado ang pagpapaputok at fireworks display sa bawat lugar. Dapat lamang na maging “preventive” ang tugon ng pamahalaan sa bagay na ito. Hindi masamang magdiwang ngunit mas mahalaga ang buhay kaysa anumang pansamantalang kaligayahan.