Maraming pag-aaral at surveys na ang nagsasabing maraming
nagre-resign hindi dahil sa bigat ng trabaho kundi dahil sa ugali ng boss nila.[i]
May posibilidad na matulad ka sa kanila. He/She is getting to your nerves. Ang
mga sumusunod ang payo ko kung dumating ka na sa puntong iyan.
Image Source: http://www.executivepresencegroup.com/ |
Know that it is
not uncommon to have difficult bosses. Kung gusto mo
lang makatakas sa isang pasaway na amo, baka kapag lumipat ka sa ibang kumpanya
ay mas matindi ang kasong haharapin mo. Hindi laging solusyon ang pag-alis o
escapist attitude. Nonetheless, ikaw lang ang nakakaalam if it is already time
to move on. Gawin mo lang iyan kapag napag-isipan mo na talaga nang maayos.
The situation may
be teaching you something. Kung nagtatampo ka lang, grow up. Hindi ka puwedeng
uber-sensitive sa bawat offense na dadagok sa iyong buhay. You need to be
strong, not overly sensitive. May kasabihan tayong kapag ang problema ay
paulit-ulit, baka hindi pa natin natututunan ang dakilang aral ng buhay.
Patience is a virtue. Mahirap baguhin ang ugali ng tao. Kaya dapat handa kang
magtiis at magtiyaga para unawain ang boss mo.
Image Source: https://www.careeraddict.com |
Think of the
consequences of resigning. Kailangang tanungin mo ang iyong sarili: kumusta ang
financial security mo? Saan ka na kukuha ng pambayad ng iyong mga household
bills? Madali ka bang makakahanap ng trabaho? Hindi basta-basta iniiwan ang
trabaho kung hindi naman talaga harmful sa iyong pagkatao. What does not kill
you makes you strong. Huwag iwan ang trabaho dahil sa mga temporary
inconveniences.
Seek counseling,
if necessary. You need emotional decompression sa mga nagaganap sa iyong
buhay. Maghanap ng isang trusted adult o counsellor na puwedeng makatulong sa
iyong maproseso ang mga emosyon. I do not recommend na ibulalas ang mga
concerns sa opisina if you can handle it on your own. Diyan nagsisimula ang
tsismisan na maaring makaapekto sa ibang wala namang kinalaman sa kaso.
Prevention is
still better than cure. Kung talagang kailangan mong lumipat na ng trabaho, do your
research well. Magtanong-tanong kung ano ang uri ng boss na aabutan mo.Siguraduhing
hindi ka na muling masasadlak sa isa na namang trahedya. Study the
organizational culture and management practices ng opisina. Spare yourself
years of frustration.
Image Source: http://nursing.advanceweb.com |
Don’t burn
bridges. If you decide to transfer to another department or
organization, leave the office without grudge. Hindi mo alam kung kailan kayo
muling magkikita ng kinaaasaran mong boss. Malay mo, makatulong siya sa iyo sa
paga-apply sa bagong trabaho o kaya sa ibang bahagi ng iyong buhay. Pakisabi sa
sarili: All is well that ends well.
[i] Lipman, V. (2015). People Leave Manager, Not
Companies. Available at
https://www.forbes.com/sites/victorlipman/2015/08/04/people-leave-managers-not-companies/#2fb40e547a94
(accessed June 11, 2017).
No comments:
Post a Comment