Thursday, April 13, 2017

ANO BA TALAGA ANG "CALLING" KO?

Lagi kong naririnig iyan sa mga kabataang kaga-graduate lang sa kolehiyo at mga young professionals na nababagot sa buhay. Nagtatanong sila kung ano ang next na magaganap sa kanilang buhay. Lutang na lutang sa tanong na ito ang katotohanang hindi lang tayo nabubuhay para magtrabaho, kumita at magtatag ng pamilya. We need to live for something definite.

Wala namang masama kung hindi pa malinaw sa iyo ngayon ang gusto mong gawin for the rest of your life. Unti-unting ipapaalam sa iyo ni Lord iyan. Do not be too hard on yourself by doing things just for the sake of doing them. The post-graduate life is a period for you to define and know what you really want to do in life. Preparation stage lang iyan and you don’t have to finalize your decision. Be open to possibilities. Isa na ako sa mga nakaranas niyan.

Inakala ko dati na I would spend my entire life in the academe. I love studying. Magmula kindergarten hanggang mag-kolehiyo, mahilig na akong magbasa, magsulat at mag-research. Modesty aside, nakakakuha naman ako ng matitinong grades kahit walang masyadong effort. Kasi gusto ko ang ginagawa ko. It dawned upon me one day na wala talaga sa academe ang puso ko. Kahit magaling ako sa aking ginagawa, hindi ko maiwan ang ministry na sinimulan ko noong ako ay pumasok sa kolehiyo. I should say that I can sacrifice the high salary and good status as an academic para tuparin ang nais ni Lord sa aking buhay na magministeryo sa mga kabataan. Isang kaibigan kong propesor sa UP ang nagsabi sa akin: “You know, Ronald, kung hindi ka umalis sa pagtuturo sa university, hindi lalago ang iyong ministeryo. Mas marami kang naaabot na kabataan ngayon.” I was relieved. May validation. May freedom akong naramdaman. In the same manner, may misyon ang Diyos sa bawat isa.[i]

Kapag nalaman mo ang calling mo, mas magaan at mas masaya ang magtrabaho. Kasi naka-align ka na sa plano Niya. Life-giving ang pagtupad sa calling. Hindi siya nakaka-stress kasi the joy of the Lord within you shall sustain you.[ii] I was reminded of the special calling ni Lord sa buhay ng kanyang mga lingkod. Si Pablo, confident na sinabi niya na he was “set apart from birth” ni Lord para siyang magdala ng Mabuting Balita sa mga Hentil (non-Jews).[iii] Ganundin si Prophet Jeremiah na bago pa man mabuo sa sinapupunan ng kanyang ina ay pinili na ng Panginoon para sa isang natatanging misyon na maging propeta sa Israel.[iv] I know, in my heart, hindi ko puwedeng takasan ang pagkakatawag ni Lord. Just like prophet Jonah, kahit saan ako magpunta, His stubborn love always reminds me of my special assignment from Him.[v]

May ilang maling kaisipan pagdating sa usapin ng calling. Una, ang calling hinahanap daw. Sa maraming pagkakataon hindi mo na siya kailangang hanapin dahil kung nasaan ka ngayon, iniligay ka ni Lord diyan for a purpose. Siya ang master director ng kasaysayan.[vi] Siya ang nagluluklok sa mga presidente at lider ng iba’t ibang bansa.[vii] Siya rin ang promotor kung bakit ka nariyan sa iyong kinasasadlakan. At kung sakaling hindi ka komportable ngayon, may purpose din siya para diyan.[viii] The biblical principle is that you remain in a situation (i.e. job, marriage) where God has called you.[ix] Don’t get this wrong in some instances. Kung may BF/GF kang alam mong hindi talaga “fit” para maging lifetime partner, mag-isip-isip ka. Laging may panahon para itama ang relasyon. Ang paghihiwalay minsan ay isang paraan upang umayos ang takbo ng iyong buhay.

Pangalawa, ang calling daw ay ang ating professional work. It is greater than that. Maganda sana kung ang trabaho mo kung saan ka kumikita ay ang pagkakatawag sa iyo. Nagi-enjoy ka na, secure pa sa iyong kita. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay ito ang sukatan ng calling. Puwede kang dalhin ni Lord sa pinakamalungkot, pinakamadilim at pinakamahirap na parte ng daigdig subalit mananatili kang masaya. Kasi doon ka tinawag. Hindi ka nagpilit.

Pangatlo, mas “higher calling” daw kapag nasa ministry ka. Ayusin natin ang utak natin sa bagay na ito. Everything should made to glorify God—sa simbahan man iyan o sa anumang lugar sa daigdig.[x] Hindi puwedeng paghiwalayin ang private sa public. Hindi lahat ng tao tinatawag ni Lord para mag-full time sa ministry. May tinatawag upang maging doctor, engineer, architect, pulitiko o kaya showbiz personality.

May pagkakataon nga kung sino pa ang bi-vocational (minister and secular worker) ay mas epektibo pa kumpara sa mga full-time minister. Bakit kamo? Kasi nga they know the culture of both worlds—church life and the secular environment. They can easily relate to them and make their messages relevant para sa lahat. Iba-'t ba tayo ng pagkakatawag kaya dapat alam mo kung ano talaga ang niche mo sa mundong ito. Else, mag-struggle ka kasi you are not cut out for the things you are doing. Square peg in a round hole ang labas mo. To know your calling, remember the word CALLED.

CONFIRMATION by God and men. Everything starts with God dahil Siya ang dahilan ng iyong ginagawa. May confirmation sa puso mo ang tawag ng Panginoon—that burning desire to do His plan. You know that in your soul and spirit.[xi] Ito ang tinatawag ni Martin Luther, Father of Reformation na “inward call” o ang “God’s voice heard by faith.” Mayroon ding external call o confirmation from your friends and loved ones. Sila mismo ang magsasabi sa iyo kahit hindi mo sabihin sa iyong sarili na tinawag ka para gawin ang isang bagay. Habang tumatanda ka, mararamdaman mo na waring may script ang buhay mo. You are going somewhere. Call those experiences random accidents. Pero may ibang gumagalaw sa buhay mo na hindi mo kontrolado. Gustuhin mo man o hindi, doon ka dinadala ng sitwasyon. I believe that it is the hand of the sovereign God in our lives.

ABILITY to do things. May mga bagay na sadyang magaling ka kahit hindi ka nagi-effort. Iyong iba nag-aral pa pero mas magaling ka pa. Isang indicator iyan na sadyang tinatawag ka sa ganyang gawain. You are created and designed to do a specific task.[xii] Natural sa iyo na maging excellent sa bagay na iyon. Hindi ka nagi-struggle. Saan nanggagaling ang galing na ito? Una, mula sa Panginoon. You are endowed with a special gift to do things. Pangalawa, mula sa special desire na si Lord din ang nagbigay kaya nagbuhos ka ng panahon sa isang bagay na naging dahilan para maging excellent ka.

LOVING what you do. You are happy with what you do. Kahit hindi ka bayaran. Kahit mamatay ka sa kagagawa niyan, hindi mo iyan bibitiwan. You can do it for the rest of your life. Because it is who you are. Pursue your passion and follow what your heart desires. Kapag masaya ka sa ginagawa mo, your energy shall never dissipate because the God who called you shall sustain you every step of the way. Life is short. Huwag mong sayangin ang oras mo sa mga bagay na hindi magka-count sa heaven. Minsan, hindi hinahanap ang calling, niyayakap lang. Huwag hanapin sa ibang lugar dahil ginagawa mo na. Kailangan mo lang mahalin at pagyamanin. Maraming bagay tayong ginagawa na hindi naa-appreciate at nare-recognize ng marami. It does not matter kung ang ating motibasyon ay mapangiti ang Panginoon. I would rather have the praise of my Maker than have the fleeting praises of men. Si Lord dapat ang unang matuwa sa lahat ng ating ginagawa.

LACK of peace if you fail to do it. When God calls you to do something, He would disturb you hangga’t hindi ka bumibigay sa nais Niya. The peace of God is a major indicator of a right decision.[xiii] Classic example diyan si Prophet Jonah na dumaan sa matinding pagsubok bago sundin si Lord. Huwag na ninyong hintaying lamunin kayo ng malaking isda. Anuman ang sabihin ng iba, maayos ang puso mo at hindi ka natitinag. Lalo na kung ang Panginoon ang nagbigay sa iyo ng go signal. Mas mainam at mas madaling tuparin and pangarap na ang Diyos ang naglagay sa iyong puso. Dahil hindi ikaw ang kikilos at gagawa ng paraan upang ito ay matupad kundi Siya na siyang may-akda nito. Parte ng pag-alam mo sa kalooban ng Diyos sa iyong buhay ay ang pagkakaroon mo ng kasiyahan at kapayapaan. Kung nasa sentro ka ng kalooban ng Diyos, you will never struggle because God is with you. Remember: In His presence, there is fullness of joy.[xiv]

ENCOURAGING others. Maraming natutuwa sa iyong ginagawa dahil natutulungan mo sila. The encouragement that you receive ignite your passion more. Siguro kung wala akong natatanggap na affirmation sa mga readers ng Lovestruck books, baka mag-isip akong itigil na ang series kasi baka hindi nakakatulong. Pero hindi e. Walang linggo na lumilipas na hindi ako nakakatanggap ng mga patotoo na natulungan sila ng libro at mga seminars na aming ginagawa. I really like what American author Frederick Buechner said about calling: “The place God calls you to is the place where your deep gladness and the world’s deep hunger meet.” Boom! Ang iyong calling ay kapag nagtagpo ang kaligayahan mo sa iyong ginagawa at ang pangangailangan ng iba. May saysay ang buhay mo. Hindi ka lang masaya, nakakatulong ka pa!

DYING to self. Makikita mo ang iyong sarili na nagiging invisible dahil hindi na ikaw ang nakikita ng tao kundi si Cristo na siyang gumagalaw sa buhay mo.[xv] Your life is the message. People don’t see you but rather the message you represent. You live to offer your being for a cause. Real success comes from the fact that you fulfilled what God wants you to do. Kung si Lord ang nagbigay ng desire na tuparin mo iyan, kahit anong batikos at panunuya ang matanggap mo, hindi ka nila mapipigilan.



[i] Ephesians 2:10
[ii] Nehemiah 8:10
[iii] Galatians 1:15-16
[iv] Jeremiah 1:5
[v] Jonah 1:1-3
[vi] Daniel 2:21
[vii] Romans 13
[viii] Genesis 50:20
[ix] 1 Corinthians 7:17-24
[x] Colossians 3:23
[xi] Romans 8:16
[xii] Ephesians 2:10, 1 Corinthians 3:5-6
[xiii] Philippians 4:7
[xiv] Psalm 16:11
[xv] John 12:24

No comments: