Mahirap
makalimutan ang high school life. Crazy days. Sandamukal na bloopers ng teenage
years. May schedule ang silay sa crush. Ubusan nang lakas na practice for
school presentations. First exposure sa kung paano mag-cram sa isang project.
Emotional testing kung bumabagsak sa quizzes and exams. At ang pinakahighlight:
walang katapusang bonding with friends.
Noong
panahon ko wala pang K to 12 program. Ang aming 4th year high school
ang Grade 10 ninyo ngayon, na sakop ng inyong Junior high school. Classified na
high school student pa rin kayo ngayon noong panahon nasa 1st and 2nd
year college na kami. Maaga kaming binulaga ng college life.
Sa kasalukuyang sistema, sa Senior High School, may tatlong education tracks kang pagpipilian: Academic with three sub-tracks (Business, Accountancy, Management (BAM); Humanities, Education, Social Sciences (HESS); and Science, Technology, Engineering, Mathematics (STEM)); Technical-Vocational-Livelihood; and Sports and Arts.
Palagay
ko, by the time na natapos mo na ang Junior High School level, may ideya ka na
kung ano ang tatahakin mong karera. Bibigyan kayo ng mga diagnostic tests para
malaman ninyo kung saan kayo magaling o mas bagay ang inyong skill-set. Crucial
sa gagawin ninyo after high school ang identification ng inyong “intelligence”.
Mas hayahay o madali ang pag-aaral kapag alam mong naroon ang competency mo at
nagi-enjoy ka sa iyong ginagawa.
Hindi ka puwedeng high school student forever. Pagtanggap mo ng iyong high school diploma, ano naman ang buhay na naghihintay sa iyo?
Of
course, relax mode muna. Chillax. Summer is bonding time with barkada. Leading
to the opening of academic year, unti-unting i-switch ang utak at kaluluwa to academic
o work mode.
Sa mga financially-challenged, seryosohin ang inyong Senior High School years upang maihanda ang inyong sarili sa pagtatrabaho. Pagkatapos mo ng Grade 12, 18 years old ka na. Ito na ang edad na pinapayagan ka na ng batas upang maging bahagi ng workforce. May mga certification tests kayong dapat ipasa na ina-administer ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) kung nais ninyong madaling matanggap sa mga kumpanya.
May fulfillment kapag kumikita ka na ng salapi. Napakagandang tanawin ang iyong mga mahal sa buhay ay masaya dahil natutulungan mo sila. Isang focus ninyo sa pag-aaral: ang tumanaw ng utang na loob (na hindi matatapos of course) sa mga magulang at mahal sa buhay na nagsikap upang makatapos kayo ng pag-aaral. Mahalin nang lubos ang inyong pamilya.
Kung kaya pa ng inyong pondo, promising naman ang college life. Kumpara sa amin noon, palagay ko, mas physically, emotionally, intellectually at socially mature ang inyong henerasyon. Mas matagal ang panahon ang inilagi ninyo sa high school.
Ibang
iba ang college atmosphere. Mas demanding ang pag-aaral. Dapat matutunan mong
maging mandirigma kapag stressful ang registration process every semester/term.
Mas maraming lessons and reading materials kaya bawal ang tamad. Kung noong
high school ay pumapasa ka kasi naaawa sa iyo ang mga guro mo, hindi na puwede
ang ganiyang style sa tertiary level. You would be treated as adults by your
professors. Sink or swim ang labanan sa maraming pagkakataon.
Choose a course according to your passion and strength. Mahirap kunin ang kursong sa simula pa lamang ay hindi mo na minamahal. Siguradong magi-struggle ka. Mahirap tuparin ang pangarap ng iba. Isyu ito sa marami lalo na sa mga kabataang pinapaaral ng mga mahal sa buhay na may conditionality ukol sa kursong nais nilang ipatapos. Ang aking payo: maaari mong subukan baka kasi matutunan mo ring mahalin. Pero kapag kakaiba na ang iyong performance at wala ka nang kapayapaan, huwag mo nang patagalin. Magsasayang ka lang ng pera at panahon. Lugi ka at ang nagpapaaral sa iyo.
Learn
to deal with characters. You would meet in your college/university people of different
stripes and colors. Be willing to understand before being understood. Develop
your people skills lalo na kung may mga group project and activities. Mahirap
gumawa ng thesis and research projects nang nag-iisa. Kayang-kaya mo pero
mami-miss mo ang kakaibang saya.
Befriend
your professors who could also be your life mentors after college. Absorb all
their wisdom sa mga regular consultations and casual chats sa cafeteria kung
may pagkakataon. Read their research and publications para may ideya ka kung
paano maging disiplinado sa pag-iisip at pagsusulat.
Huwag panay libro ang kausap. Join campus organizations which further enhance your personality and skills. You must enjoy, not endure your college life. Ika nga ni Mark Twain, never let your studies interfere with your education.
No comments:
Post a Comment