Wednesday, January 06, 2021

BAKIT KAILANGAN NINYONG IPAG-PRAY ANG INYONG MAPAPANGASAWA?

May isang babae akong niligawan noong college years at talagang hiniling ko sa Panginoon na aking mapangasawa at makasama sa ministeryo. Pero may mga tao talagang pinagtagpo pero hindi itinadhana. Pangalawang heartbreak (may nauna noong high school). I just cried to the Lord. Then, doon ko na-realize na I have been doing things my way. Nang ibinigay ko kay Lord ang pagmamaneho ng love life ko, doon dumating ang aking beloved wife.

Maniwala man kayo o maniwala kayo, nalaman ko na si DearestGie ang ibinigay sa akin ng Panginoon sa pamamagitan ng isang God-given dream. For the full story, you may click this link: https://www.youtube.com/watch?v=61sCWTEw3x4. Matagal na kaming magkasama sa ministeryo (gitarista ako, worship leader siya) pero wala lang. Aso’t pusa nga kami niyan kapag may practice. Ganoon daw minsan: nagkakatuluyan ang nagkaka-asaran. Eniweiz, punta tayo sa punto ng post na ito: bakit kailangang hinugin sa panalangin ang ating buhay pag-ibig?

Una, prayer is an act of humility. Na parang sinasabi mo kay Lord na unless Siya ang gumawa ng paraan para maayos ang love life mo, hindi mo kayang ayusin iyan. Apart from Him, we can do nothing (John 15:5). God opposes the proud but gives grace to the humble (James 4:6,10, 1 Peter 5:5). Binabago ng panalangin ang mga maling ugali at pananaw natin sa buhay. At kapag nasa gitna ka ng kalooban at favor ni Lord, hindi ka kailanman magkakamali.

Pangalawa, kasi si Lord ang nakakaalam ng the best para sa iyo. When you seek His will through prayer and meditation of His Word, He would reveal Himself to you. Your spirit would be more sensitive to the leading of His Spirit. Hindi ka basta-basta kikilos kung wala kang go signal sa Panginoon. Siya ang magri-reveal ng mga bagay na hindi mo alam at mga kailangan mong gawin (John 16:13, Psalm 143:10).

Pangatlo, para maihanda ka at ang future partner mo sa inyong pagtatagpo. Naniniwala ako na may mga tao talagang potential na maging partner mo for life pero minsan hindi matched ang season ninyo sa buhay. Ipanalangin ninyong kapag nagkita kayo, pareho kayong handang magbigay ng pag-ibig sa isa’t isa.  Everything is made perfect in God’s appointed time (Eccl. 3).

Pang-apat, at palagay ko ay ang pinakamahalaga sa lahat: para hindi mawala sa hulog ang iyong ugali kapag nagka-jowa ka na. Maraming pumasok sa relasyon pero nawala na sa trono ng puso nila ang Panginoon. Kapag ibinabad mo sa panalangin iyan, alam mong kapag si Lord ang nagbigay. And you would be forever grateful. Hindi mo makakalimutan ang author ng love story ninyo. You will always be reminded that all good things come from Him (James 1:17). At ang relasyon na iyan should always glorify Him all the days of your life.