Monday, January 20, 2020

PAANO BA MAGKAROON TALAGA NG ISANG SPIRITUAL ACCOUNTABILITY PARTNER?


Madalas ko itong i-rekomenda sa mga mananampalatayang mataas ang chance na mahulog sa sexual sins (e.g. may partner) o kaya ay bumagsak na sa pagkakasala. Mas linawin lang natin kung ano nga ba ang inaasahan sa isa't isa.



Una, dapat tutok at watchful ang nagbabantay sa iyo. Nakamonitor ka talaga at hindi lang nariyan kapag may problema ka o bumagsak na sa pagkakasala. Usually, ang fit sa role na ito ay walang mga dinadalang issue sa buhay at kayang i-manage ang sarili at alagaan ang iba. Else, when he/she is away, you can always play. This partner could also be a group of people na mas mainam para mas maraming nananalangin at nagbabantay sa iyo.

Pangalawa, nagre-report ka consistently sa kaniya kapag nalalapit ka sa mga compromising situations. Hindi option iyan kundi obligasyon. Hindi ka puwedeng bantayan kung hindi ka willing na maging transparent all the time. You may do it thru text, email, calls o kung ano ang mas convenient sa iyo. Ang mahalaga, naga-update ka with regard to your issue.

Pangatlo, you meet regularly for reflection and prayer for spiritual strengthening. Hindi lang depensa kundi opensa. As per Ephesians 6, the available spiritual sword for Christians ay "Word of God" kaya hindi dapat mawala iyan sa relasyon. You need a regular dose of encouragement from time to time.


Pang-apat, ang spiritual disciplines ng binabantayan ay napakahalaga. As in NAPAKAHALAGA. Kahit ilan pa ang magbantay sa iyo kung lapit ka nang lapit sa tukso at hindi mo alam paano sila pagtagumpayan, mababalewala ang lahat. At the end of the day, ikaw pa rin ang masusunod sa purity and righteousness na gusto mong tahakin at yakapin.

Monday, January 06, 2020

15 PETMALUNG KATANGIAN NI MISIS


1. Maganda at Snow White Beauty. Gusto ko maputi kasi maitim na ako e. Maiba naman. LOL.


2. Matiyaga sa gawain. Kapag may trabaho, focused sa trabaho. Tatapusin ang dapat tapusin. Walang uurungan kahit labada. 

3. Magaling magluto. Iyan ang dahilan bakit nahihirapan akong magbawas ng timbang. Matinding magluto ng tofu with oyster sauce and mayonnaise yan. Malulugi ang Max's. 


4. Hindi maluho. Masaya na siya sa pasalubong kong turon.
Quality time ang love language niya at hindi gifts. Kaya nakakaipon kami at nabibili ang major things sa buhay.


5. Magaling sa Computer Games. Petmalu at walang tatalo. Naka-2 million na yata ang score niya sa Wordscape. May future sa e-sports ang babaeng ito. 


6. Mapagmahal sa mga kids and youth. She loves young people and many kids are gravitated towards her. Nanay na nanay. Loving and affectionate.


7. Pinapahalagahan ang pamilya. Basta pamilya, laging mauuna. Kaya kami nag-aaway niyan kapag inuuna ko ang ministry o mga personal na lakad. Family first.


8. Matipid at madiskarte. Magaling mang-ipit ng pera. Parang may magic ang kaniyang pitaka. Kapag walang-wala na, aba’y may mailalabas pa!


9. Matiisin. Marami na kaming dinaanan na pagsubok sa buhay. Kaya niyang kumain ng Skyflakes for breakfast, lunch and dinner kung kailangan. For better or worse.

10. Tahimik at hindi madaldal. Thinker kasi siya at selectively social naman ako (introvert). Sinasala ang sasabihin bago ibuga sa usapan. May mga jokes nga yan na matagal pinag-isipan. Siyempre tatawa ako kasi ni-ruminate niya iyon nang ilang oras.


11. Magaling magturo. Hindi siya madalas magturo sa church pero magaling siyang mag-organize ng thoughts at lessons. She has the ability to make complex things simple and practical.


12. Effective worship leader. Anointed. Walang effort. It is her divine calling kaya she can usher in God’s presence during worship time.


13. Very supportive. Hindi puwedeng hindi ko kasama sa aking mga seminars at ministry work. Mabibilang ko lang sa daliri na wala siya sa tabi ko. Ang wind beneath my wings.


14. Mapagpatawad. Alam niya ang lahat ng kahinaan ko pero pinipili pa rin niyang mahalin ako. Speechless with tears. 


15. Mahal Niya si Lord higit sa lahat. Lahat ng katangiang iyan ay napasakaniya dahil una niyang minahal ang Panginoon bago ang pogi niyang asawa. 

Happy 15th Anniversary my DearestGie! Hindi matatapos ang pagmamahal ko sa iyo. Lagi mo iyang tatandaan. Labyu. Mwah. Mwah. Tsup. Tsup.