Tuesday, November 10, 2020

QUEEN GAMBIT'S LESSONS

Na-refresh ang utak ko sa larong chess mula sa Siclian moves hanggang sa mga numero ng chessboard. Ilang dakilang aral mula sa mini drama series na ito:

Una, hangga't hindi nareresolba ang mga childhood wounds and unfinished business, there is a possibility that you would act them out. Naging promiscuous at alcoholic si Beth para takasan ang dilim ng nakaraan at unawain ang pagkawasak ng kaniyang pamilya. Naging sedative ang green pills (tranquilizers) para malimutan ang tunay niyang sarili.

Pangalawa, may post-traumatic growth. Kaya mong gawing platform ang kasakitan at childhood wounds para mas maging mabuting nilalang. From ashes to beauty. Hangga't hindi nananalo, laban lang nang laban sa buhay. Play again and again and again and again. ðŸ™‚

Pangatlo, we all need friends in times of trouble. Iyan ang papel ni Jolene sa kaniyang buhay, at ang kaniyang chess buddies. She won the game with Borgov with a loving and supportive community. She needed that kind of family.

Pang-apat, hindi sukatan ang biological sex para hindi magtagumpay. Hindi dahil babae ka ay hindi mo kayang gawin ang ginagawa ng mga kalalakihan. God uses us according to our giftings and calling, not according to our socially-constructed roles at kung ano ang sinasabi ng marami.

Finally, napakaganda ng huling eksena. Binalikan niya ang ugat ng kaniyang talento--ang makasama ang mga ordinaryong taong ginawang libangan ang ajedrez (chess in Spanish), tulad ng janitor na naghasa sa kaniya, si Willam Shaibel. Huwag na huwag kakalimutan ang mga taong tumulong sa pagtupad sa pangarap mo.

4 out of 5 stars. R-16 dahil may mature scenes and topics.

PAYONG KUYA Episode 7: Paano maaakay ang kapamilya para kay Lord?

Wednesday, March 25, 2020

WHY LORD? (God and Crises)

Kapag humaharap tayo sa pagsubok, maraming katanungang nais nating masagot para gumaanan gating kalooban. We often ask “Why” questions sa Panginoon. “Bakit nangyayari sa akin ito?” “Bakit ako ang naghihirap at hindi sila?”

Pero tandaan natin; madalas, ang mga “Why” questions na iyan ay hindi talaga papunta sa pagresolba ng tanong at kapayapaan kundi sa mas marami pang katanungan. May pagkakataon na umaasta tayong parang may moral obligation si Lord na sagutin ang  lahat ng ating rant at angst sa buhay.

May kakayahang mag-rationalize ang marami. Pilit na binibigyan-solusyon ang lahat ng mga bagay na malabo at magulo. Madaling sabihin na ang Corona virus ay sumpa sa mga makasalanan, o parang “The Purge” ng mga pasaway. Ito rin daw ay paglilinis ng Diyos sa kalikasan na matagal nang sinasalaula ng sangkatauhan. O kaya naman, ay bunga ito ng tunggalian sa international geopolitics kaya nabulgar na ang kanilang bio-warfare strategies. Idagdag ninyo pa ang samu’t saring conspiracy theories na nagkalat sa  YouTube at social media.

Hindi ko alam ang sagot kung bakit pinadapa ng Corona Virus ang buong mundo. Hindi rin ako maaring maging “deterministic” sa pagsasabing ang sagot ko ay siya ngang nasa isipan ng Diyos. Hindi ko kailanman kayang arukin ang lalim ng Kaniyang mga panukala (Isaias 55:8-9). Ang alam ko lang ay ginising ng Corona virus ang ating diwa sa katotohanang maikli ang buhay sa daigdig at ang “vulnerability” ng lahat sa isang pandemic. We were not only exposed TO the virus, we were exposed BY the virus---ang ating mga takot, pangamba at pagpapahalaga sa buhay.

Sa kuwento ni Job sa Old Testament, may matinding itinuturo si Yahweh para sa lahat. Ito ang argumento ng mga kaibigan ni Job: “Akala ba namin God-fearing ka, bakit naghihirap ka?” Isa sa hinuha nila ay may kasalanang itinatago si Job kaya siya pinaparusahan ng Diyos. Sa bandang huli, sinabi ni Yahweh kay Job: huwag kang magpapaniwala sa mga kabigan mong sinungaling! (Job 42:7-8). Ouch. Kaya choose your friends and adviser well. Hindi lahat ng payo ay ayon sa kalooban ng Diyos.

Nang tanungin ni Job ang Diyos, ito ang sagot ni Yahweh: Sino ka para mag-alinlangan sa aking mga plano? (38:2). Ito pa ang Kaniyang tinuran (38:1-41): wala ka noong likhain ko ang mundo at hindi ikaw ang nagpasya kung gaano ito kalawak at kung paano nilikha ang mga elemento dito. Hindi ikaw ang nagdidilig sa mga tigang na lupa, nagpapayelo sa malalamig na karagatan at nagsasabi sa mga ulap na magbuhos ng ulan. Hindi ikaw ang gumawa ng mga bituin sa langit. Hindi rin ikaw ang nagpapakain sa mga leon at ibon sa himpapawid.

        Tumiklop si Job at kaniyang nasabi: Sino akong nangahas na kayo'y pag-alinlanganan gayong ako nama'y walang nalalaman?’ Nagsalita ako ng mga bagay na di ko nauunawaan, ng mga hiwagang di abot ng aking isipan(Job 42:3). End of discussion.

Sa halip na galugarin natin ang Bibliya at mag-isip ng kung ano-anong sapantaha at kuro-kuro sa mga particular at “time-specific will” ng Diyos sa bawat sitwasyon, bakit hindi natin hayaang manatiling isang matinding misteryo ang Diyos—na hindi kayang ikahon ng ating mga theological frames at intellectual pursuits? Unless, i-reveal Niya ang Kaniyang sarili sa atin, hayaan natin Siyang maging Diyos. Siya ang magdidikta ng diskusyon at impormasyon, hindi tayo.

Minsang sinabi ni Moises sa mga Israelita sa Deuteronomio 29:29: “May mga bagay na sadyang inilihim ng Diyos nating si Yahweh. Ngunit ipinahayag ang kautusang ito upang sundin natin at ng ating mga anak magpakailanman.” At dahil hindi natin kaya, balikan natin ang  matagal nang sinabi Niya sa atin na maaaring nakakalimutan natin?

Ang “general will” ni Lord para sa lahat ay tanggapin si Jesu-Cristo bilang Diyos, Panginoon at Hari ng ating buhay. Sa kabila ng banta ng pisikal na kamatayan, mahalagang tutukan natin ang ating buhay-espiritwal. Ano ang mapapala natin na kahit mabuhay tayo nang ilang milyong taon sa mundong ito kung mapapahamak naman ang ating kaluluwa? (Marcos 8:36, Roma 3:23, 6:23).

Pinapalutang ng krisis na ito na ang ating kaligtasan ay hindi sa antidote sa virus, sa mga medical professionals, sa mga pulitikong nagbibigay ng sa relief goods, kundi sa Panginoon na Siyang pinagmumulan ng buhay na ganap at kasiya-siya (Juan 14:6, 10:10b). Huwag nating ikatakot ang mga bagay na pumapatay lang sa pisikal na katawan kundi mas matakot tayo sa kayang pumatay ng kaluluwa sa impiyerno kung hindi tayo lalakad sa katuwiran at kabanalan ng Diyos ((Mateo 10:28)

Kung hindi mo pa isinusuko nang buo ang buhay mo sa Panginoon, ito ang tamang pagkakataon para magdesisyon (2 Corinto 6:2). Ikumpisal sa Kaniya ang lahat ng iyong kasalanan at hayaan mong linisin ka Niya sa iyong mga kalikuan (1 Juan 1:29). Veru gracious si Lord sa mga lumalapit sa Kaniya. Ipagkatiwala sa Kaniya ang buo mong pagkatao at masusumpungan mo ang kapayapaang hindi kayang ibigay ng mundo (Mateo 10:28-29, Juan 14:27, Galacia 2:20).

Sa halip na magtanong ng Why” questions, we better have “What” and “How” queries kay Lord. “Ano ang itinuturo mo sa akin Panginoon?”, “Ano ang next move ko sa dinadanas ko ngayon?” “Paano ko malalamapasan ang pagsubok na ito?” At habang nag-aabang tayo ng kasagutan, huwag mawawala ang pagtitiwala sa Panginoon. Ika nga ng isang awit ni Babbie Mason:

God is too wise to be mistaken
God is too good to be unkind.
So when you don't understand.
When don't see His plan.
When you can't trace His hand
Trust His Heart. Trust His Heart.

Anuman ang mangyari, walang makakapaghiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos—kahit ang kaguluhan, kapighatian, pag-uusig, pagkagutom, kahirapan, panganib, o kamatayan (Roma 8:31-39). Focus on Christ, not on the crisis.  



Monday, January 20, 2020

PAANO BA MAGKAROON TALAGA NG ISANG SPIRITUAL ACCOUNTABILITY PARTNER?


Madalas ko itong i-rekomenda sa mga mananampalatayang mataas ang chance na mahulog sa sexual sins (e.g. may partner) o kaya ay bumagsak na sa pagkakasala. Mas linawin lang natin kung ano nga ba ang inaasahan sa isa't isa.



Una, dapat tutok at watchful ang nagbabantay sa iyo. Nakamonitor ka talaga at hindi lang nariyan kapag may problema ka o bumagsak na sa pagkakasala. Usually, ang fit sa role na ito ay walang mga dinadalang issue sa buhay at kayang i-manage ang sarili at alagaan ang iba. Else, when he/she is away, you can always play. This partner could also be a group of people na mas mainam para mas maraming nananalangin at nagbabantay sa iyo.

Pangalawa, nagre-report ka consistently sa kaniya kapag nalalapit ka sa mga compromising situations. Hindi option iyan kundi obligasyon. Hindi ka puwedeng bantayan kung hindi ka willing na maging transparent all the time. You may do it thru text, email, calls o kung ano ang mas convenient sa iyo. Ang mahalaga, naga-update ka with regard to your issue.

Pangatlo, you meet regularly for reflection and prayer for spiritual strengthening. Hindi lang depensa kundi opensa. As per Ephesians 6, the available spiritual sword for Christians ay "Word of God" kaya hindi dapat mawala iyan sa relasyon. You need a regular dose of encouragement from time to time.


Pang-apat, ang spiritual disciplines ng binabantayan ay napakahalaga. As in NAPAKAHALAGA. Kahit ilan pa ang magbantay sa iyo kung lapit ka nang lapit sa tukso at hindi mo alam paano sila pagtagumpayan, mababalewala ang lahat. At the end of the day, ikaw pa rin ang masusunod sa purity and righteousness na gusto mong tahakin at yakapin.

Monday, January 06, 2020

15 PETMALUNG KATANGIAN NI MISIS


1. Maganda at Snow White Beauty. Gusto ko maputi kasi maitim na ako e. Maiba naman. LOL.


2. Matiyaga sa gawain. Kapag may trabaho, focused sa trabaho. Tatapusin ang dapat tapusin. Walang uurungan kahit labada. 

3. Magaling magluto. Iyan ang dahilan bakit nahihirapan akong magbawas ng timbang. Matinding magluto ng tofu with oyster sauce and mayonnaise yan. Malulugi ang Max's. 


4. Hindi maluho. Masaya na siya sa pasalubong kong turon.
Quality time ang love language niya at hindi gifts. Kaya nakakaipon kami at nabibili ang major things sa buhay.


5. Magaling sa Computer Games. Petmalu at walang tatalo. Naka-2 million na yata ang score niya sa Wordscape. May future sa e-sports ang babaeng ito. 


6. Mapagmahal sa mga kids and youth. She loves young people and many kids are gravitated towards her. Nanay na nanay. Loving and affectionate.


7. Pinapahalagahan ang pamilya. Basta pamilya, laging mauuna. Kaya kami nag-aaway niyan kapag inuuna ko ang ministry o mga personal na lakad. Family first.


8. Matipid at madiskarte. Magaling mang-ipit ng pera. Parang may magic ang kaniyang pitaka. Kapag walang-wala na, aba’y may mailalabas pa!


9. Matiisin. Marami na kaming dinaanan na pagsubok sa buhay. Kaya niyang kumain ng Skyflakes for breakfast, lunch and dinner kung kailangan. For better or worse.

10. Tahimik at hindi madaldal. Thinker kasi siya at selectively social naman ako (introvert). Sinasala ang sasabihin bago ibuga sa usapan. May mga jokes nga yan na matagal pinag-isipan. Siyempre tatawa ako kasi ni-ruminate niya iyon nang ilang oras.


11. Magaling magturo. Hindi siya madalas magturo sa church pero magaling siyang mag-organize ng thoughts at lessons. She has the ability to make complex things simple and practical.


12. Effective worship leader. Anointed. Walang effort. It is her divine calling kaya she can usher in God’s presence during worship time.


13. Very supportive. Hindi puwedeng hindi ko kasama sa aking mga seminars at ministry work. Mabibilang ko lang sa daliri na wala siya sa tabi ko. Ang wind beneath my wings.


14. Mapagpatawad. Alam niya ang lahat ng kahinaan ko pero pinipili pa rin niyang mahalin ako. Speechless with tears. 


15. Mahal Niya si Lord higit sa lahat. Lahat ng katangiang iyan ay napasakaniya dahil una niyang minahal ang Panginoon bago ang pogi niyang asawa. 

Happy 15th Anniversary my DearestGie! Hindi matatapos ang pagmamahal ko sa iyo. Lagi mo iyang tatandaan. Labyu. Mwah. Mwah. Tsup. Tsup.