Thanks for visiting my blogspot. This is the place where you can know me as a minister, as a kuya (big brother), as an husband, as an academic and as a typical homo sapiens sapiens. I am the head pastor of the GENERATION 3:16 Ministries, a ministry devoted to the evangelism and discipleship of the younger generation. I also lead the LOVESTRUCK MOVEMENT, a ministry preaching Biblical purity and responsible dating, courtship, marriage and sexuality (www.lovestruckmovement.org).
Thursday, November 08, 2018
Monday, November 05, 2018
Tuesday, August 14, 2018
TO STAY OR NOT TO STAY?
Maraming pag-aaral at surveys na ang nagsasabing maraming
nagre-resign hindi dahil sa bigat ng trabaho kundi dahil sa ugali ng boss nila.[i]
May posibilidad na matulad ka sa kanila. He/She is getting to your nerves. Ang
mga sumusunod ang payo ko kung dumating ka na sa puntong iyan.
Image Source: http://www.executivepresencegroup.com/ |
Know that it is
not uncommon to have difficult bosses. Kung gusto mo
lang makatakas sa isang pasaway na amo, baka kapag lumipat ka sa ibang kumpanya
ay mas matindi ang kasong haharapin mo. Hindi laging solusyon ang pag-alis o
escapist attitude. Nonetheless, ikaw lang ang nakakaalam if it is already time
to move on. Gawin mo lang iyan kapag napag-isipan mo na talaga nang maayos.
The situation may
be teaching you something. Kung nagtatampo ka lang, grow up. Hindi ka puwedeng
uber-sensitive sa bawat offense na dadagok sa iyong buhay. You need to be
strong, not overly sensitive. May kasabihan tayong kapag ang problema ay
paulit-ulit, baka hindi pa natin natututunan ang dakilang aral ng buhay.
Patience is a virtue. Mahirap baguhin ang ugali ng tao. Kaya dapat handa kang
magtiis at magtiyaga para unawain ang boss mo.
Image Source: https://www.careeraddict.com |
Think of the
consequences of resigning. Kailangang tanungin mo ang iyong sarili: kumusta ang
financial security mo? Saan ka na kukuha ng pambayad ng iyong mga household
bills? Madali ka bang makakahanap ng trabaho? Hindi basta-basta iniiwan ang
trabaho kung hindi naman talaga harmful sa iyong pagkatao. What does not kill
you makes you strong. Huwag iwan ang trabaho dahil sa mga temporary
inconveniences.
Seek counseling,
if necessary. You need emotional decompression sa mga nagaganap sa iyong
buhay. Maghanap ng isang trusted adult o counsellor na puwedeng makatulong sa
iyong maproseso ang mga emosyon. I do not recommend na ibulalas ang mga
concerns sa opisina if you can handle it on your own. Diyan nagsisimula ang
tsismisan na maaring makaapekto sa ibang wala namang kinalaman sa kaso.
Prevention is
still better than cure. Kung talagang kailangan mong lumipat na ng trabaho, do your
research well. Magtanong-tanong kung ano ang uri ng boss na aabutan mo.Siguraduhing
hindi ka na muling masasadlak sa isa na namang trahedya. Study the
organizational culture and management practices ng opisina. Spare yourself
years of frustration.
Image Source: http://nursing.advanceweb.com |
Don’t burn
bridges. If you decide to transfer to another department or
organization, leave the office without grudge. Hindi mo alam kung kailan kayo
muling magkikita ng kinaaasaran mong boss. Malay mo, makatulong siya sa iyo sa
paga-apply sa bagong trabaho o kaya sa ibang bahagi ng iyong buhay. Pakisabi sa
sarili: All is well that ends well.
[i] Lipman, V. (2015). People Leave Manager, Not
Companies. Available at
https://www.forbes.com/sites/victorlipman/2015/08/04/people-leave-managers-not-companies/#2fb40e547a94
(accessed June 11, 2017).
BAGO IPASA ANG RESUME
Hindi lahat ng job offer ay pinapasukan at tinatanggap.
Remember: nag-offer si Taning kay Lord na mapasakanya ang mundo pero hindi
kumagat si Lord.[i] Kasi hindi lahat ng job
offers ay makakatulong sa iyo in the long-term. Always bear in mind your career
plans. Mahirap minsang tumanggi lalo na
kung kumakalam ang iyong sikmura. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay maging
short-term ang iyong pagdedesisyon. Practical tip: huwag kagatin ang isang
trabaho na mas mataas ang cost kaysa benefits sa iyong buhay. Ito ang kailangan
mong pag-aralan:
Image Source: https://www.flexjobs.com
Work Venue.
Araw-araw kang papasok sa trabaho kaya malaking konsiderasyon ito. It is
recommended that your travel should never be too stressful as it may affect
your work productivity. Huwag masyadong malayo dahil baka maubos ang oras mo sa
pagko-commute. Umaga pa lang, amoy uwian ka na.
Work Schedule. Babaguhin
ng trabaho ang takbo ng buhay mo dahil sa work schedule. Nasisira ang normal
biological/body clock (circadian rhythm) ng marami. Maaari ding masakripisyo ang panahon mo para sa iyong mga
mahal sa buhay. Matutulog ka pa lang, papasok na sila. At kapag gising ka, sila
naman ang natutulog.
Basic Wage/Salary.
Dito minsan sumasabit ang marami. Dahil gusto lang
magkatrabaho, pinapatulan ang kahit anong offer kahit wala nang matitira sa
sweldo. Mag-compute muna kapatid. Do not work at a loss. Kung hobby mo lang ang
magtrabaho, well, nasa iyo iyan. Mag-apply sa trabaho na may sapat na suweldo
para makaipon ka. Unawain ang pagkakaiba ng daily wage at salary. Ang una ay
binabayaran per hour samantalang ang pangalawa ay “fixed” na ibinibigay sa
isang empleyado. May implikasyon ito. Mas may kalayaan ang mga wage earners kung
gusto nilang palakahin o pababain ang kanilang sweldo dahil per hour sila,
samantalang ang salaried ay tataas lamang ang natatangap kung may bayad ang
kanilang overtime work. Kung masipag ang isang wage earner, puwedeng mas mataas
pa ang swelduhin niya sa isang fixed salary worker.
Direct Hiring o
Recruitment Agency? May mga agency na naghahanap ng mga empleyado para sa mga
kumpanya. Mayroon ding mga “headhunters” na siyang agresibong naghahanap ng
mare-recruit. Tandaan: recruiters work primarily for the companies and not for
you. Ikakabit ka lang nila sa mga potential employers. Usually, kung dadaan ka
sa agency, may “cut” sila sa kung ano ang makukuha mo. Idagdag mo pa ang kung
ano-anong mga deductions. Kaya mag-cost-benefits analysis kung kailangang
dumaan ka pa sa kanila o direkta kang mag-apply sa mga opisina.
Usapang Lock-In
Contract at Endo. May mga kumpanyang sa pagnanais na huwag silang iwan ng
kanilang iha-hire nang ganun-ganun na lamang ay naglalagay ng lock-in period sa
mga kontrata. Legal naman iyan. Magbasa ng kontrata kung ayaw mong matali sa
kanila. Kapag may breach o paglabag sa employment contract, may legal
consequences iyan. Pag-isipan nang mabuti. At dapat ay may kopya ka ng kontrata
na iyong pinirmahan para ma-monitor mo kung sumusunod o lumalabag ang
kumpanyang nag-hire sa iyo.
Impact on your
Relationships. This is the overlooked element. Dito lagi babagsak ang lahat
ng tanong mo kung pipili ka na ng trabaho. Tanungin ang sarili: paano ang
magiging relasyon mo sa Panginoon, sa mga mahal mo sa buhay at sa iyong sarili
kung yayakapin mo ang trabahong inaplayan mo?
[i] Matthew 4,
Luke 4
Subscribe to:
Posts (Atom)
-
Maaaring ang artista’y sumuko at manahimik, upang mabuhay, ngunit ang ganya’y tiyak na kamatayan ng kaniyang sining. Nakikilala niyang bahag...
-
In Europe a woman named Hilda was near death from a rare type of cancer. There was one drug that doctors thought might save her. It was a fo...
-
Isang eksperimento ang isinagawa upang malaman kung paano tinitingnan ng isa tao ang kaniyang sarili at ang kaniyang kapwa. Pinangalanan ito...