Sunday, July 24, 2016

KARAPATANG PANTAO SA GITNA NG PATAYAN

Ayon sa tala ng PNP-NCRPO, may 37 biktima ng extra judicial killings mula July 1 hanggang July 17. Higit na mas mababa ito sa ibinabalita ng media na mahigit nang 200 ang nabiktima. Iniimbestigahan pa kung sino ang pumaslang sa kanila. Kapansin-pansin na ang paulit-ulit na dahilan ng kapulisan ay “nanlaban” ang mga suspek kaya nagawa nilang gantihan.

Naging maagap ang Commission on Human Rights na bumuo ng isang task force, Task Force EJK (Extra-Judicial Killings) para silipin ang mga insidente. Isinusulong ni Senadora Leila De Lima ang pagkakaroon ng malalim na legislative inquiry sa mga kaso ng pagpatay. Iminungkahi rin ni Senador Kiko Pangilinan ang pagbubuo ng isang  Joint Judiciary Executive Legislative Advisory and Consultative Council (JJELACC) upang mapabilis ang pagdinig sa mga kasong ito at iba pang mga kasong inilalapit sa pamahalaan.

Tinatadahana ng Artikulo Uno ng Universal Declaration of Human Rights kung saan signatory ang ating bansa: Ang lahat ng tao'y isinilang na malaya at pantay-pantay sa karangalan at mga karapatan.

Hindi mapapasubalian na lumilikha ng “climate of fear” ang sunod-sunod na patayan. Maling isipin na hindi puwedeng pagsabayin ang pagprotekta sa karapatan ng mamamayan at pagsawata sa krimen. Bagaman sinasabi ng mga kapulisan na walang dapat ipangamba ang walang ginagawang masama, taliwas ito sa prinsipyo na dapat nasusunod ang “due process” upang patunayang may sala ang sinuman. Hindi nabibigyan ng pagkakataon ang mga biktima na ipagtanggol ang kanilang sarili sa korte.

Maging ang pagpaparada sa publiko ng mga hinihinalang kriminal o “walk of shame” ay labag sa batas, ang Anti-Torture Act of 2009 o RA 9745. Itinuturing itong isang psychological o mental torture (sec. 4b,10).

Mahirap tanggapin na ang mga patayang ito ay siya nang “new normal” sa ating lipunan. Kung nagagawa ng ilang nasa kapangyarihan na kitilin ang buhay ng mga kriminal nang ganoon na lamang, hindi malayong maging ang mga inosenteng mamamayan ay maaaring maging biktima ng ganitong kalakaran.

Kapansin-pansin na sa kabila ng serye ng extra-judicial killings wari’y naging matabang ang suporta ng marami na dapat managot ang mga may sala. Hindi na ito kabigla-bigla dahil sa malaking suportang inani ng pangulo sa nakaraang eleksiyon. Matindi pa rin ang suporta ng kasalukuyang administrasyon lalo na sa social media.

Madalas, sinasawata ang illegal drugs mula sa  “supply side”--lansagin ang drug factories, ikulong ang mga pusher at iba pa. Kung pag-aaralan ang mga bansang nagdeklara ng “war against drugs” tulad ng US, Columbia at Thailand, hanggang ngayon ay nakikibaka pa rin sila sa problema. Kahit ilang libo na ang napatay ng kanilang mga kampanya ay hindi pa rin nila mapuksa ang salot na ito ng lipunan. Mas mainam na tutukan ang “demand side” o mga tumatangkilik ng droga. Kahit ilang "surrender en masse" pa ang gawin ng mga local chief executives, babalik pa rin sila sa kanilang mga bisyo kapag hindi naayos ang kanilang kabuhayan at pananaw sa buhay. Solusyunan ang kahirapan at paigtingin ang drug abuse prevention programs.

Gaano man kasama ng isang drug addict o drug pusher, huwag kalimutang mayroon siyang karapatan sa ilalim ng batas. Kailangang iharap siya sa korte upang maipagtanggol ang kaniyang sarili at ituring siyang “innocent until proven guilty”.

Malinaw ang pahayag ng Panginoon ukol sa paggamit ng karahasan—ang nabubuhay sa patalim ay sa patalim din mamamatay (Mateo 26:52). Marami sa mga karakter sa Bibliya ay binigyan ng pangalawang pagkakataon ng Diyos upang mabuhay—Cain, David at Saul. Maging ang Panginoong Hesus ay hindi nagawang parusahan ang babaeng nahuli sa pakikiapid (John 8). Ang kaniyang awa at habag ang mas dapat na manaig higit sa pagpaparusa.

Hindi lang ito usapin ng ilegal na droga kundi pagprotekta sa buhay ng tao na nilikha sa imahe ng Diyos. Ngayon mas dapat paigtingin ng pamahalaan ang pagpapatupad ng batas at papapatibay sa ating justice system. Minsang sinabi ni Mahatma Gandhi ng India: “An eye for an eye, makes the world go blind.”

Picture sources: http://newsinfo.inquirer.net/797704/suddenly-they-were-pushers and Mark Zaludes FB account

Wednesday, April 20, 2016

THINGS TO CONSIDER IN 2016 ELECTIONS

If we really desire to push this country forward several things must be considered in this upcoming elections.

1. Continuity and protection of gains of previous administrations. The next president should recognize the achievements of his/her predecessors, not curse them. He/She must be willing to build up, not tear down. We cannot reboot the country over and over again. We have become a "changeless land" in the process.

2. Politics of action must be evident and consistent. People are already fed up with cosmetic politics (papogi) and mere demagoguery. They have been clamoring for significant and tangible change, especially in the workings of the bureaucracy and public service delivery. Political will among the country's top leaders is really hard to come by. They should have the mettle to push for genuine "inclusive development" which can be appreciated by the common "tao." Economic statistics should fill their stomachs.

3. Poverty reduction, if not eradication, must be really prioritized. Again, PRIORITIZED. It has been a major cause of our endemic, attendant issues (i.e. crime and corruption). The next leaders should really be "intentional" in addressing this social evil, not with palliative solutions, but with long-term, empowering approaches. People, must also feel that their leaders really identify with their social, cultural, and economic hurts and pains.

4. Changes in the way we do politics are long overdue. We have yet to change our narratives and discourses of reformism, populism and clientelist politics. This vicious cycle emanates from institutional weaknesses (i.e. legislation, electoral rules, arty politics) which privilege the elites and dismiss the ability of the "have-nots" to contribute in nation-building.

5. Radical transformation in the collective psyche and pathos of the people. We have become a nation of "reklamador". Our political engagement is undoubtedly reactionary. We need to transition from politics of complaint to politics of moral revival. It has always been a "heart issue." A strong leader may inspire the people but it is still the individuals who need to change for the better, first and foremost.

‪#‎genuinechange‬ ‪#‎politics101‬

Sunday, April 03, 2016

AFTER HIGH SCHOOL LIFE, WHAT'S NEXT?

Mahirap makalimutan ang high school life. Crazy days. Sandamukal na bloopers ng teenage years. May schedule ang silay sa crush. Ubusan nang lakas na practice for school presentations. First exposure sa kung paano mag-cram sa isang project. Emotional testing kung bumabagsak sa quizzes and exams. At ang pinakahighlight: walang katapusang bonding with friends. 

Noong panahon ko wala pang K to 12 program. Ang aming 4th year high school ang Grade 10 ninyo ngayon, na sakop ng inyong Junior high school. Classified na high school student pa rin kayo ngayon noong panahon nasa 1st and 2nd year college na kami. Maaga kaming binulaga ng college life.

Sa kasalukuyang sistema, sa Senior High School, may tatlong education tracks kang pagpipilian: Academic with three sub-tracks (Business, Accountancy, Management (BAM); Humanities, Education, Social Sciences (HESS); and Science, Technology, Engineering, Mathematics (STEM)); Technical-Vocational-Livelihood; and Sports and Arts.

Palagay ko, by the time na natapos mo na ang Junior High School level, may ideya ka na kung ano ang tatahakin mong karera. Bibigyan kayo ng mga diagnostic tests para malaman ninyo kung saan kayo magaling o mas bagay ang inyong skill-set. Crucial sa gagawin ninyo after high school ang identification ng inyong “intelligence”. Mas hayahay o madali ang pag-aaral kapag alam mong naroon ang competency mo at nagi-enjoy ka sa iyong ginagawa.

Hindi ka puwedeng high school student forever. Pagtanggap mo ng iyong high school diploma, ano naman ang buhay na naghihintay sa iyo?

Of course, relax mode muna. Chillax. Summer is bonding time with barkada. Leading to the opening of academic year, unti-unting i-switch ang utak at kaluluwa to academic o work mode.

Sa mga financially-challenged, seryosohin ang inyong Senior High School years upang maihanda ang inyong sarili sa pagtatrabaho. Pagkatapos mo ng Grade 12, 18 years old ka na. Ito na ang edad na pinapayagan ka na ng batas upang maging bahagi ng workforce. May mga certification tests kayong dapat ipasa na ina-administer ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) kung nais ninyong madaling matanggap sa mga kumpanya.

May fulfillment kapag kumikita ka na ng salapi. Napakagandang tanawin ang iyong mga mahal sa buhay ay masaya dahil natutulungan mo sila. Isang focus ninyo sa pag-aaral: ang tumanaw ng utang na loob (na hindi matatapos of course) sa mga magulang at mahal sa buhay na nagsikap upang makatapos kayo ng pag-aaral. Mahalin nang lubos ang inyong pamilya.

Kung kaya pa ng inyong pondo, promising naman ang college life. Kumpara sa amin noon, palagay ko, mas physically, emotionally, intellectually at socially mature ang inyong henerasyon. Mas matagal ang panahon ang inilagi ninyo sa high school.

Ibang iba ang college atmosphere. Mas demanding ang pag-aaral. Dapat matutunan mong maging mandirigma kapag stressful ang registration process every semester/term. Mas maraming lessons and reading materials kaya bawal ang tamad. Kung noong high school ay pumapasa ka kasi naaawa sa iyo ang mga guro mo, hindi na puwede ang ganiyang style sa tertiary level. You would be treated as adults by your professors. Sink or swim ang labanan sa maraming pagkakataon.

Choose a course according to your passion and strength. Mahirap kunin ang kursong sa simula pa lamang ay hindi mo na minamahal. Siguradong magi-struggle ka. Mahirap tuparin ang pangarap ng iba. Isyu ito sa marami lalo na sa mga kabataang pinapaaral ng mga mahal sa buhay na may conditionality ukol sa kursong nais nilang ipatapos. Ang aking payo: maaari mong subukan baka kasi matutunan mo ring mahalin. Pero kapag kakaiba na ang iyong performance at wala ka nang kapayapaan, huwag mo nang patagalin. Magsasayang ka lang ng pera at panahon. Lugi ka at ang nagpapaaral sa iyo.

Learn to deal with characters. You would meet in your college/university people of different stripes and colors. Be willing to understand before being understood. Develop your people skills lalo na kung may mga group project and activities. Mahirap gumawa ng thesis and research projects nang nag-iisa. Kayang-kaya mo pero mami-miss mo ang kakaibang saya.

Befriend your professors who could also be your life mentors after college. Absorb all their wisdom sa mga regular consultations and casual chats sa cafeteria kung may pagkakataon. Read their research and publications para may ideya ka kung paano maging disiplinado sa pag-iisip at pagsusulat.

Huwag panay libro ang kausap. Join campus organizations which further enhance your personality and skills. You must enjoy, not endure your college life. Ika nga ni Mark Twain, never let your studies interfere with your education.

Sunday, February 21, 2016

KAPAG NAG-IINGAY ANG MGA "MANANAMPALATAYA"

Katulad ng ibang pananampalataya/relihiyon, hindi isang monolithic bloc ang sangka-Cristianohan. Dahil sa iba't ibang pananaw sa ilang doktrina at nakagawiang tradisyon, hindi na nakakabigla na magkakaiba rin ang pagtugon ng iba't ibang grupo sa mga isyung panlipunan. 

Makikita sa Body of Christ ang iba't ibang kulay at tindi ng pakikisangkot. May mga ayaw makialam at wari'y nagtatayo ng kanilang "private stairway to heaven". Mayroon namang sa sobrang tindi ng social engagement ay nagkaroon ng holier-than-thou attitude dahil lubos na pinupuna ang mga hindi sumasama sa kanilang mga rally at demonstrations. Mali ring sabihin na ang initiative ng isang church leader/bishop, denomination o umbrella organization ay kumakatawan sa lahat ng mananampalataya sa bansa.

Kapansin-pansin din na marami ang “reactive” at hindi “proactive” sa kanilang mga adbokasiya. Walang malinaw na "reform agenda". Reactive dahil pasulpot-sulpot lang ang pananalita. Kung kailan lang “feel” at kapag kalapit lang ng damdamin ang involved. Huwag na tayong lumayo. Kung ibo-boycott ang NIKE, bakit hindi rin iboycott ang ibang kumpanya na sumusuporta sa same-sex marriage katulad ng Starbucks at Apple? Huwag na kayong sumakay sa American Airlines, kumain ng Snickers at Kellog’s cornflakes. Huwag na kayong mag-aaply sa Accenture at JP Morgan and Chase, bibili ng items at appliances sa GE, Amazon at eBay online. Lahat sila ay naniniwala that “Love is Love”. Bakit napaka-selective ng mga nagsasabing against same-sex marriage sila?

Kapag laging "reactive" lang at "selective" ang mga mananampalataya sa mga social issues, nagmumukhang kontrabida ang Panginoon. Kasi nga, mas malinaw lang kung saan lang sila "opposed". Laging kontra pelo ang peg ng buhay. Kaya ang tawag sa mga Born-Again Christians, "born-against" sa buhay ng marami. Resulta: maraming tao “allergic” na lumapit sa Panginoon dahil hindi pa pumapasok sa church ay "condemned" na.

May “kuyog mentality” rin ang maraming taong-simbahan. Ang iba sumusunod sa mga lider kahit palyado ang lapit sa isyu at pamamaraan upang maipahayag ang mensahe. Sunod lang nang sunod ang mga miyembro na hindi naturuan na magproseso ng isyu. Little knowledge is dangerous. Si Lord ang mas una nating sinusundan, hindi ang ating mga lider-simbahan.

Huwag rin ipagkamali na ang "maiingay" lang ang naninindigan. Mas matndi ang puwersa ng “silent majority” na nagaabang lang ng tamang panahon para kumilos. Madalas, kung sino pa ang tahimik ay siyang matalinong nag-iisip bago umaksiyon at hindi lang nagpapadala sa matinding emosyon at misguided na mga damdamin. Hindi paralysis by analysis iyan kundi pangunguna sa mapanlinlang na damdamin.

Balansehin natin ang pagtingin sa mga isyung panlipunan. Truth and grace. Hindi natin puwedeng ikompromiso ang katotohanan ng Salita ng Diyos. Ganundin, hindi natin dapat kalimutan ang pagmamahal sa ating kapwa na siyang dahilan kung bakit namatay si Cristo sa Krus ng Kalbaryo. Madalas, nagiging malabnaw ang dating ng katotohanan sa iba kapag ibinalandra na ang galit at poot.

May mga bagay na hindi mo dapat asahan sa mga hindi naniniwala. Pero hindi ibig sabihin ay ititigil na natin ang pagmamahal sa kanila. Hindi tayo dapat magtayo ng mga makakapal na pader na maghihiwalay sa atin sa kanila. Kung paano tayo inunawa at tinanggap ng Diyos noong tayo ay naglulublob pa sa kasalanan at uber-pasaway pa, ganundin dapat ang maging pananaw natin sa mga wala pang relasyon sa Kaniya. Hindi tayo mas banal sa kanila, nauna lang tayong tumugon sa kaligtasan na inaalay ng Panginoon para sa lahat.

TANDAAN: Hindi tao ang ating kalaban. Ang ating sinasagupa ay ang espiritu at kaisipang umaalipin sa mga tao kung bakit nagpapatuloy ang kasalanan. Kailangang mabago ang puso ng tao upang mabago ang lipunan. Katulad ng itinuro sa atin ng Panginoon, His kingdom can come on earth if people shall repent of their sinful ways. JESUS CHRIST WINS!