Friday, August 23, 2013

9 WAYS TO DEAL WITH HEARTBREAK

1. FEEL the pain. Befriend the heartbreak. Aminin sa sarili na nasasaktan ka. Never deny the feelings of hurt and loneliness. Iiyak lang iyan. Running away is not an option. The hurt will go with you wherever you go.

2. FIGURE OUT what happened. Process the things that transpired and analyze. Maaring may mga bagay na hindi mo napansin o binalewala. As an exercise, try to write your love story from start to finish (kahit bullet points lang o images). You can discern patterns of mistakes and significant lapses in the relationship. Your job is not to repeat past blunders and mistakes.

3. FORGET and FORSAKE all things which remind you of him/her (i.e. photo albums, love/emo songs, Facebook connection). Switch mental gears kapag nadadala ang utak sa mga ala-ala. Tanggapin din ang katotohanan na mahirap tanggalin sa isipan ang isang taong napakaraming ibinigay sa iyo.

4. FINISH what needs to be finished. Huwag nang hintayin na ang kabilang partido ang magsara ng dapat isara. Initiate the closure. Put an end to everything. Tanggapin na "tapos na ang lahat." Ang natapos na relasyon ay tulad ng mga basag na matalim na salamin. Minsan, mas mainam na huwag na siyang pulutin at buuin kaysa masaktan muli ang iyong damdamin."

5. FELLOWSHIP with Family and Friends. They are your refuge in many ways. Avoid being alone. Have a support system/emotional shock absorber. Makapagbibigay sila ng matitinding encouragement. As Proverbs 12:25 tells us, "Anxiety in a man's heart weighs him down, but a good word makes him glad."

6. FIND Activities which can ease the pain (i.e.leisure travel, comfort food, read books). Keep yourself busy. Counter sadness with preoccupation with things that are fun and enjoyable. Channel your energies to worthwhile activities. Now is the time to love yourself (one thing you may have forgotten when you were in a relationship).

7. FORGIVE yourself and your ex. This may take time but this is the way to go. Be better, not bitter. Get rid of anger and other emotional baggages. Never argue with the person because it can only worsen the situation. FREE Yourself from pain! Kung ikaw ang dahilan ng breakup, patawarin ang sarili. Hindi lang ikaw ang may pagkukulang.

8. FALL IN LOVE again. There is wisdom in the "2-year rule" before commencing a new relationship. Take time to heal unresolved feelings. Matapos ang recuperation period, pagbigyan ang puso na muling magmahal at mahalin. Meet new people and potential partners. Sa iba, mas matagal ang recovery. The rule of the thumb is: huwag papasok sa relasyon nang hindi pa lubusang nakaka-move on (iyong wala na ang sakit at galit kapag nagkita muli kayo ni ex).

9. FOCUS on God's love for you. Walang ibang magmamahal sa iyo nang todo kundi si Lord. Huwag mong hanapin ang kaligayahan sa ibang tao. Si Lord ang greatest lover mo. Sa Kaniya, kumpleto ka! Isapuso ang awit ni David sa Psalm 34:18-19: "The Lord is near to the brokenhearted and saves the crushed in spirit. Many are the afflictions of the righteous, but the Lord delivers him out of them all."

Thursday, August 22, 2013

TANGGALIN ANG BABOY SA PULITIKANG PINOY

Pinatindi ng Napoles corruption scandal ang galit ng sambayanan ukol sa maling paggamit ng pera ng bayan sa pamamagitan ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) o mas kilala sa tawag na "pork barrel." Ayon sa Commission on Audit (COA) Report, mahigit P1.6 bilyong pondo ng tatlong senador ang napunta sa mga pekeng NGOs. Aabot naman sa 17 banko ang pinaglagakan ng mahigit na 400 bank accounts ni Napoles. Ang kasong ito ay ilan lamang sa napakaraming kaso ng pangungurakot sa buwis ng bayan.

Ang pork barrel ay isang lump-sum budget na ibinibigay sa presidente at mga mambabatas taon-taon at malaya nilang nailalaan kung saan nila gustong gastahin. May 200M ang bawat senador, samantalang 70M naman ang mga miyembro ng Mababang Kapulungan. Maaaring hindi sila ang humahawak ng pondo subalit sila ang nasusunod kung ano ang mga proyekto na dapat puntahan ng mga pondong ito.

Aabot sa P27 bilyon ang matatanggap ng lahat ng mga senador at kongresista sa budget sa taong 2014. Mahirap paniwalaan na ang mga perang ito ay talagang maibubuhos sa serbisyong pampubliko. Ito ay bunga ng samut-saring estilo ng mga pulitiko at mga kakuntsaba nilang mga contractor upang nakawin ang pera ng bayan. Sa maraming pagkakaton, halos 80 porsyento ng nakalaang pondo ay napupunta sa bulsa ng mga pulitiko, samantalang 20 porsyento lamang ang napupunta sa proyekto. Huwag na tayong magtaka na kung hindi overpriced ay substandard ang pagkakagawa ng maraming public infrastructure projects.

Katulad ng pagpasa sa Anti-Political Dynasty Bill, isang suntok sa buwan ang suhestiyon na i-abolish ang pork barrel sa kasalukuyan dahil nasa puwesto ang mga mambabatas na sangkot sa anomalya. Hindi kailanman papayagan ng mga senador at kongresista na mawala ito dahil ito ang kanilang instrumento upang makuha ang suporta ng mga tao, lalo na kung malapit na ang eleksyon. Ito rin ang sandata nila upang talunin ang mga bagito at walang pera sa pulitika.

Hindi pabor ang presidente sa pagbuwag sa pork barrel. Mas pahihirapan daw kasi nito ang pagbibigay ng serbisyo publiko lalo na kung sa national government pa aasa ang mga local government units para sa kanilang mga pangangailangan. Ngunit kailangan ding tingnan kung paano ginagamit ng presidente ang kanyang kapangyarihan upang hindi ma-release ang PDAF ng mga pulitikong kumakalaban sa kanyang liderato. Sa isang COA audit report, milyun-milyong pondo ang pinamudmud ng dating Pangulong Macapagal-Arroyo sa mga miyembro ng kaniyang partido at oposisyon mula 2007 hanggang 2009 kung kailan humarap siya sa matinding krisis pampulitika. Nasa kamay ng mga miyembro ng kongreso ang susi para tanggalin ang pork barrel. Ngunit kung ayaw ng presidente, huwag umasang susunod ang mga mambabatas.

Kung nais ng mga mambabatas na makatulong sa kanilang mga kababayan sa mas epektibong paraan, maaari namang padaanin ang pondo sa mga regional, provincial, at municipal development councils. Sa ganitong paraan, mas magiging sensitibo ang mga programa sa pangangailangan ng mga nakararami, kaysa sa iilan lamang.

Gayundin, dapat maging matapang at maagap ang Commission on Audit sa paghain ng kanilang imbestigasyon. Sadyang napakabagal ng COA sa pagsasaayos ng mga report. Kailangang magkaroon ng mabilis na sistema ng auditing upang imbestigahan ang mga expenditure records ng mga mambabatas at masawata ang mabilis na paglalaho ng pera ng bayan.

 Ang isang matinding problema ay nangangailangan ng matinding solusyon. Ang pork barrel ay hindi nakatuon sa pagpapaunlad ng bayan kundi sa pagbili ng suporta ng taumbayan. Ugatin natin ang problema. Kung walang pork barrel, walang sistemang aabusuhin. Tanggalin ang "baboy" sa pulitikang Pinoy.

Ang Opinyon ng Pilipino ay isinulat ni Ronald Molmisa ng Pananaw Pinoy. Dahil sa isang bansang may demokrasya, opinyon ng bawat isa ay mahalaga.