Hindi sanay ang Pinoy na natatalo ang bida. Hindi bumebenta sa atin ang malulungkot na istorya. Marahil, masyado na tayong lugmok sa kahirapan kaya wala na tayong panahon upang malumbay pa. Gusto natin, ang ending laging masaya.
Binago ni Manny ang pagtingin ng bayan sa tunay na tagumpay. Bagaman nabigo siyang depensahan ang kaniyang titulo, hindi nabago ang pagtingin sa kaniya ng marami. Siya pa rin ang hinahangaang "Pambansang Kamao" ng bayan. Hindi nagawang magpalusot, mambuska o mangatwiran. Tinanggap nang buong saya ang pagkatalo. Nasaksihan natin ang isang atletang walang masamang buto sa katawan.
Madalas, naghahanap tayo ng paliwanag sa mga bagay na hindi natin maunawaan. Ibinubunton natin ang sisi sa mga bagay na labas sa ating karanasan. Pinipilit nating madiskubre ang dahilan upang gumaan-gaan ang ating kalooban. Anupaman ang kalabasan ng ating paguusisa, magtiwala tayo na batid ng Diyos ang ating patutunguhan. Minsan, hindi makakatulong ang patuloy na pagtatanong. Ang mga nagtatanong, madalas hindi naghahanap ng kasagutan kundi ng argumento at maidadahilan. Magtiwala na lamang.
Bakit natalo ang pambansang kamao? May simple at masalimuot na sagot. Ang pinakasimple--nagiba siya ng isang malakas na suntok ng kalaban. Period. Ganun ang boksing. Kapag naisahan ka, yari ka.
Ang mas kumplikadong paliwanag at maaring hindi matanggap ng marami- inaayos ng Diyos ang magandang plano para sa kaniyang anak. Ito marahil ang tamang pagkakataon upang pansamantala siyang tumigil upang marinig at maunawaan ang tinig ng kaniyang Panginoon.
Walang kulay ang buhay kung laging panalo. Ang lungkot ang nagbibigay-katuturan sa kasiyahan. Ang pagkatalo ang nagpapasarap sa tagumpay. Tama si Manny. Kahit ang mga higante sa lupa ay may angking kahinaan. Dahil pagdating sa langit, malalantad kung sino ang pinakamakapangyarihan. Hindi nasusukat ang tagumpay sa dami ng yaman at ningning ng pangalan. Ang pinakamahalaga ay nasa pangangalaga ka ng Manlilikha ng buong sanlibutan.
Thanks for visiting my blogspot. This is the place where you can know me as a minister, as a kuya (big brother), as an husband, as an academic and as a typical homo sapiens sapiens. I am the head pastor of the GENERATION 3:16 Ministries, a ministry devoted to the evangelism and discipleship of the younger generation. I also lead the LOVESTRUCK MOVEMENT, a ministry preaching Biblical purity and responsible dating, courtship, marriage and sexuality (www.lovestruckmovement.org).
Monday, December 10, 2012
Thursday, December 06, 2012
RIGHT OF REPLY (ROR): Aprub o Pasaway?
Noong ika-27 ng Nobyembre, sa botong 17-3 na may isang abstention, naaprubahan sa committee level ang Freedom of Information (FOI) Bill. Pero hindi pa tapos ang boksing. Pagde-debatehan pa ito sa plenaryo at ihahain sa mga mambabatas para pagbotohan. May isang probisyon na hiniling ng Malacanang at ilang Kongresista ang hindi naisama sa ipinasang panukala--ang right of reply. Ayon kay Congressman Erin Tanada, isa sa mga masugid na tagapagsulong ng Bill, hindi naisama ang ROR sa pinag-usapan sa Technical Working Group (TWG) dahil inihain ito matapos na maibigay ang resulta ng pagpupulong. Ganunpaman, maari itong isama sa bill kung umabot ito sa second reading sa plenaryo.
Oobligahin ng right of reply ang mass media companies na maglaan ng espasyo (para sa print) o oras (para sa broadcast) para sa mga taong nais tumugon sa mga balitang nakaapekto sa kanilang reputasyon. Isa rin itong mekanismo upang maiwasan ang magastos na pagsasampa ng defamation at libel cases laban sa mga media personnel. Sa halip na paabutin sa korte, maaring ayusin na lamang ang kaso sa pamamagitan ng pagtatama sa mga maling impormasyon at paghahain ng balanseng pag-uulat ng mga balita. Sa kabilang banda, iniisip ng maraming media practitioners na tatamaan ang kanilang kalayaan at mga praktikal na gawain, lalo na kung tumangging magsalita ng mga taong apektado ng mga balitang kanilang inilalalabas. Mayroon din silang karapatang hindi magsalita.
Higit sa lahat, ikinakatakot ng maraming media firms ang walang patumanggang pakikialam ng gobyerno sa kanilang mga sinusulat at sinasabi. Mas maigi na maging isang "industry regulation" ito kaysa isang batas na magmumula sa pamahalaan. Kung maisasama sa FOI Bill, ang right of reply ay dapat lamang tumugon sa mga pagkakamali sa mga "facts" o datos ng pamamahayag at hindi ukol sa opinyon. Kung hindi, lalabagin nito ang karapatan sa malayang pamamahayag.
Ang right of reply ay isang mekanismo upang sugpuin ang abusado at may kinikilingang pamamahayag. Ito rin marahil ang dahilan kung bakit inaprubahan ng pangulo ang online libel clause sa Cybercrime Prevention Act of 2012. Kung paanong pinapangarap ng FOI Bill na madaling makuha ng media ang mga pampublikong dokumento, marapat din silang maging responsable, tapat at patas sa pagtupad ng kanilang propesyon.
Ang kalayaan sa pamamahayag ay may limitasyon at hindi "absolute". Aminin natin na talamak ang envelopmental o kaya naman ay ATM journalism sa bansa, na siyang dahilan kung bakit maraming media personnel ang nagiging iresponsable at "corrupt". Marami ang nasusuhulan at nagiging "bata" ng mga pulitiko na may makasariling agenda. Kailangan ng mekanismo upang mabigyan proteksyon ang publiko laban sa mga taong ito.
Bakit matatakot ang media sa right of reply kung sila ay responsable sa pamamahayag? Lahat ng pumapasok na balita at impormasyon ay marapat lamang na masusing salain ng editorial team bago ilabas sa publiko. Dapat ding tingnan ng panukalang ito ang mga government-owned media firms na kalimitang nakatutok lamang sa mga positibong balita ukol sa gobyerno. Kailangang linawin din kung kailangang isama sa usapin ang mga bloggers na walang maayos na training sa etika ng pamamahayag bagaman itinuturing ang kanilang mga sarili na bahagi ng online media group.
Katulad ng tinanong ng Griyegong pilosopo na si Aristotle, "Sino ang magbabantay sa mga tagapagbantay? Ang mga miyembro ng media, na itinuturing na tagapagbantay ng nagaganap sa pamahalan at lipunan, ay kailangan ding matyagan. Wala silang karapatang magsalita laban sa korupsyon at katiwalian kung hindi sila mismo ay lumalabag sa batas ng katuwiran at katarungan.
Kung nagtitiwala tayong kayang bantayan ng mga mamamahayag---sa TV, print, radyo at Internet--ang kanilang sarili upang maging responsable at walang dungis, walang dapat ipangamba. Asahan natin na magiging sensitibo sila sa mga "feedback" na kanilang natatanggap mula sa publiko at susunod sa mga batas sa pamamahayag. Sa kabilang banda, makakabuti ring maglagay ng mga mekanismo upang maitama ang kanilang mga lihis na gawain.
Ito po si Ronald Molmisa para sa Opinyon ng Pilipino. Dahil sa isang bansang may demokrasya, opinyon ng bawat isa ay mahalaga.
Subscribe to:
Posts (Atom)
-
Maaaring ang artista’y sumuko at manahimik, upang mabuhay, ngunit ang ganya’y tiyak na kamatayan ng kaniyang sining. Nakikilala niyang bahag...
-
In Europe a woman named Hilda was near death from a rare type of cancer. There was one drug that doctors thought might save her. It was a fo...
-
Isang eksperimento ang isinagawa upang malaman kung paano tinitingnan ng isa tao ang kaniyang sarili at ang kaniyang kapwa. Pinangalanan ito...