Sa isang survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) mula
July 16 hanggang September 14 ngayong taon, 71 porsyento (826 business
executives) ang nagsabing mas bumaba ang korupsyon sa gobyerno kumpara
sa mga nagdaang taon. Tumaas ang "sincerity rating" ng 16 na ahensiya ng
pamahalaan sa pangunguna ng Office of the President na may excellent
mark (+81 mula -37). Dumausdos naman ang sincerity rating ng mga city
goverments (+35 to +24), Supreme Court (+40 to +23) at COMELEC (-8 to
-14). Wala nang government agency ang binigyan ng "Very Bad" rating.
Katulad ng inaasahan, ang may "Bad" Rating pa rin ang Department of
Customs (-69 to -45).
Ang inilabas ng SWS ay ang pananaw ng mga businessmen pagdating sa
katiwalian sa pamahalaan. Hindi ito ang kumpletong larawan. Kailangan
din tingnan ang pulso ng sambayanan at silipin ang tunay na nagaganap sa
lipunan. Pag-aralan din ang korupsyon na ginagawa ng maraming
negosyante tulad ng hindi pagi-isyu ng resibo, pandaraya sa kanilang
accounting books at hindi pagbabayad ng tamang buwis.
Paano ba natin tinitingnan ang korupsyon? Maraming Filipino ang
nakatuon sa mga high profile cases (wholesale corruption) subalit
nagbu-bulag-bulagan sa mga pang-araw-araw na manipestasyon nito (petty
or street-level corruption). Galit na galit ang marami sa mga
Kongresistang nagnanakaw ng kanilang pork barrel subalit OK lang ang
panunuhol sa traffic enforcer. Kinukundena nila ang mga illegal na
transaksyon sa mga ahensya ng gobyerno subalit nagpapadulas naman upang
mapabilis ang takbo ng kanilang mga dokumento.
Nakakataba ng puso ang resulta ng survey dahil sa paglakas ng
kumpiyansa ng mga miyembro ng business sector sa gobyerno. Subalit
napakababa pa rin ng bilang ng mga nagre-report ng mga suhulan at
katiwalian (9 percent) dahil sa pag-aakalang walang pupuntahan ang
kanilang hinaing. Ito ang dahilan kung bakit dapat nang ipasa ang
Freedom of Information (FOI) Bill upang mas lalong mapadali ang
pagre-report ng mga corruption activities at mas mabigyan ng proteksyon
ang mga mamamayan na mag-uulat ng katiwalian. Kung talagang "sincere"
ang pamahalaang Aquino na sugpuin ang korupsyon, kailangang mas
paigtingin ang mga institusyon, patatagin ang kultura ng pagbabantay, at
magpasa ng mga batas na susupil sa mga maling gawain sa gobyerno.
Ipinagkikibit-balikat ng marami ang mga katiwalian dahil sa
paniniwalang wala nang solusyon ang problema. Huwag tayong maniwala sa
kasinungalingang ito. Ang kasalanan ang naghihiwalay sa atin sa Diyos
(Roma 3:23). Kailangang manguna ang mga taga-sunod ni Cristo sa
pagsasabuhay ng kabanalan ng Diyos. Higit sa lahat, simulan ang pagwaksi
ng korupsyon sa loob ng iglesya. Walang karapatang magsabi ang mga
taong simbahan na sugpuin ang korupsyon sa gobyerno kung sila mismo ay
hindi mapagkakatiwalaan sa salapi ng iglesya. Ialay natin ang ating mga
sarili bilang mga handog na buhay at nakakalugod sa Diyos (Romans
12:1-2).
Ang hamon ngayon ay kung paano ipagpapatuloy ang ganitong kalakaran.
Tatlong taon na lamang sa puwesto ang presidente. Kung maluluklok ang
isang lider na taliwas ang pagpapahalaga sa kanya, maaring mapunta sa
wala ang lahat ng pinaghirapan ng kaniyang pamunuan. Dito pumapasok ang
papel ng simbahan na aktibong makisangkot upang masugpo ang katiwalian
sa iba't ibang bahagi ng buhay-Pinoy. Kailangang magbantay at patuloy na
manalangin para sa kagalingan ng bayan.
Ito po si Ronald Molmisa para sa Opinyon ng Pilipino. Dahil sa isang bansang may demokrasya, opinyon ng bawat isa ay mahalaga.
Thanks for visiting my blogspot. This is the place where you can know me as a minister, as a kuya (big brother), as an husband, as an academic and as a typical homo sapiens sapiens. I am the head pastor of the GENERATION 3:16 Ministries, a ministry devoted to the evangelism and discipleship of the younger generation. I also lead the LOVESTRUCK MOVEMENT, a ministry preaching Biblical purity and responsible dating, courtship, marriage and sexuality (www.lovestruckmovement.org).
Wednesday, October 03, 2012
Subscribe to:
Posts (Atom)
-
Maaaring ang artista’y sumuko at manahimik, upang mabuhay, ngunit ang ganya’y tiyak na kamatayan ng kaniyang sining. Nakikilala niyang bahag...
-
Isang eksperimento ang isinagawa upang malaman kung paano tinitingnan ng isa tao ang kaniyang sarili at ang kaniyang kapwa. Pinangalanan ito...
-
In Europe a woman named Hilda was near death from a rare type of cancer. There was one drug that doctors thought might save her. It was a fo...